Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga away

Pang-araw-araw na buhay

Mga away sa Bibliya

32 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Mga halimbawa

  • Nag-away ang mga pastol nina Abram at Lot, kaya naghiwalay ang dalawaGen 13:7–9
    Ang mga talata
    Gen 13:7–9At isa pa, mayroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga pastol ng mga hayop ni Abram at ng mga pastol ng mga hayop ni Lot. Naninirahan ang mga Cananeo at Perezeo sa lupain nang panahong iyon. Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Huwag nating hayaan na magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol; kung tutuusin, tayo ay magkapamilya. Hindi ba nasa harap mo ang buong lupain? Humayo ka at ihiwalay mo ang iyong sarili sa akin. Kung pupunta ka sa kaliwa, pupunta naman ako sa kanan. O kung pupunta ka sa kanan, pupunta naman ako sa kaliwa.
  • Nagreklamo si Abraham tungkol sa balong inagaw ng mga lingkod ni AbimelecGen 21:25
    Ang mga talata
    Gen 21:25Nagreklamo rin si Abraham kay Abimelek patungkol sa balon ng tubig na inagaw mula sa kanya ng mga lingkod ni Abimelek.
  • Nakita ni Moises ang dalawang Hebreong nag-aawayExo 2:13, Gawa 7:26
    Ang mga talata
    Exo 2:13Lumabas siya nang sumunod na araw, at, nakita ang dalawang Hebreo na nag-aaway. Sinabi niya sa isang may sala, “Bakit mo sinasaktan ang iyong kasamahan?”
    Gawa 7:26Nang sumunod na araw pumunta siya sa ilang mga Israelita habang sila ay nag-aaway; sinubukan niyang pagkasunduin sila; sinabi niya, 'Mga Ginoo, kayo ay magkapatid; bakit kayo nag-aaway?'
  • Hindi kayang pasanin ni Moises nang mag-isa ang lahat ng alitan ng bayanDeut 1:12
    Ang mga talata
    Deut 1:12Pero paano ko dadalhing mag-isa ang inyong mga pasanin, inyong mga kabigatan at ang inyong mga pagtatalo?
  • Pinagbantaan ng Efraim si Jefta; “Shibolet” sa mga tawiran ng JordanHuk 12:1–6
    Ang mga talata
    Huk 12:1–6Isang panawagan ang lumabas para sa kalalakihan ng Efraim; dumaan sila sa Zafon at sinabi kay Jefta, “Bakit ka dadaan para makipaglaban sa mga tao ng Ammon at hindi kami tinawag para sumama sa iyo? Susunugin namin ang iyong bahay kasama ka.” Sinabi ni Jefta sa kanila, “Ako at ang aking mga tao ay nasa isang matinding alitan sa mga tao ng Ammon. Nang tinawag ko kayo, hindi ninyo ako iniligtas mula sa kanila. Nang makita ko na hindi ninyo ako iniligtas, inilagay ko ang aking buhay sa aking sariling lakas at dumaan laban sa mga tao ng Ammon, at binigyan ako ni Yahweh ng tagumpay. Bakit kayo dumating para makipaglaban sa akin ngayon?” Sama-samang tinipon ni Jefta ang lahat ng kalalakihan ng Galaad at nakipaglaban sa Efraim. Sinalakay ng kalalakihan ng Galaad ang kalalakihan ng Efraim dahil sinabi nila, “Kayong mga taga-Galaad ay mga pugante sa Efraim—sa Efraim at Manases.” Nabihag ng mga taga-Galaad ang mga tawiran ng Jordan na patungong Efraim. Kapag sinabi ng sinumang mga nakaligtas ng Efraim, “Hayaan mo akong tumawid sa ibayo ng ilog,” sasabihin ng kalalakihan ng Galaad sa kaniya, “Isa ka ba sa mga taga-Efraim?” Kung sinabi niyang, “Hindi,” Sa ganun sasabihin nila sa kaniya, “Sabihing: “Shibolet.” At kung sinabi niyang “Sibolet” (dahil hindi niya mabigkas ang salita ng tama), huhulihin at papatayin siya ng mga taga-Galaad sa tawiran ng Jordan. Apatnapu't dalawang libong taga-Efraim ang namatay sa panahong iyon.
  • Kuwento ng babaeng taga-Tekoa: nag-away sa bukid ang dalawang anak na lalaki2 Sam 14:6
    Ang mga talata
    2 Sam 14:6Ako na iyong lingkod ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, nag-away silang dalawa sa bukid at walang sinumang umawat sa kanila. Pinalo ng isa ang isa at pinatay siya.
  • Nagtalo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakilaMar 9:33–34, Luc 22:24
    Ang mga talata
    Mar 9:33–34At dumating sila sa Capernaum. At nang siya ay nasa loob ng bahay, tinanong niya sila, “Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?” Ngunit sila ay tahimik. Sapagkat habang sila ay nasa daan nakikipagtalo sila sa isa't isa kung sino ang pinakadakila sa kanila.
    Luc 22:24At nagkaroon din ng pagtatalo sa kanila tungkol sa kung sino sa kanila ang itinuturing na pinakadakila.
  • Mainit na pagtatalo sa Antioquia tungkol sa pagtutuliGawa 15:1–2
    Ang mga talata
    Gawa 15:1–2May ilang mga lalaki na bumaba galing sa Judea at nagturo sa mga kapatid na nagsasabi “Maliban na kayo ay magpatuli mula sa kaugalian ni Moises, kayo ay hindi maliligtas.” Nang nakipagharap at nakipagtalo sa kanila sina Pablo at Bernabe, nagpasiya ang mga kapatid na sina Pablo, Bernabe, at ang ilan sa kanila ay kailangang pumunta sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga nakatatanda patungkol sa mga pinagtatalunan nila.
  • Naghiwalay sina Pablo at Bernabe dahil kay MarcosGawa 15:37–39
    Ang mga talata
    Gawa 15:37–39Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos. Ngunit naisip ni Pablo na hindi mabuting isama si Marcos na nag-iwan sa kanila sa lugar ng Pamfilia at hindi na sumama sa kanilang gawain. At sila ay nagkaroon ng matinding di pagkakaunawaan, kaya sila naghiwalay, isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Sayprus.
  • Nagtalo ang mga Pariseo at Saduceo tungkol sa muling pagkabuhayGawa 23:7–10
    Ang mga talata
    Gawa 23:7–10Nang sabihin niya ito, nag-umpisang magtalo ang mga Pariseo at Saduceo, at nahati ang kapulungan. Dahil sinasabi ng mga Saduceo na walang muling pagkabuhay ng mga patay, walang mga anghel, at walang mga espiritu, ngunit sinasabi ng mga Pariseo na mayroon ng lahat na ito. Kaya nagkaroon ng malakas na sigawan at ang ilan sa mga eskriba na kabilang sa mga Pariseo ay tumayo at nakipagtalo na nagsasabi, “Wala kaming mahanap na mali sa lalaking ito. Paano kung nakipag-usap ang espiritu o isang anghel sa kaniya?” Nang magkaroon ng labis na pagtatalo, natakot ang punong kapitan na baka pagpira-pirasuin nila si Pablo, kaya inutusan niya ang mga kawal na bumaba at sapilitan siyang kinuha ng mga kasapi ng konseho at dinala siya sa loob ng kampo.
  • Hinarap ni Pablo si Cefas nang mukhaan sa AntioquiaGal 2:11
    Ang mga talata
    Gal 2:11Ngayon noong dumating si Cepas sa Antioquia, tinutulan ko siya ng harapan dahil mali siya.
  • Mga taga-Corinto: “Kay Pablo ako,” “Kay Apolos ako”1 Cor 1:11–12
    Ang mga talata
    1 Cor 1:11–12Sapagkat ibinalita sa akin ng mga tauhan ni Cloe na may namumuong mga alitan sa inyo. Ang ibig kong sabihin: Ang bawat isa sa inyo ay nagsasabi, “Kay Pablo ako,” o “Kay Apolos ako,” o “Kay Cefas ako,” o “Kay Cristo ako.”
  • Nagdedemandahan sa hukuman ang mga mananampalataya1 Cor 6:6–7
    Ang mga talata
    1 Cor 6:6–7Ngunit ang nagyayari ay, ang isang mananampalataya ay pumupunta sa korte laban sa isa pang mananampalataya, at ang kasong iyon ay nakalagay sa harapan ng isang hukom na hindi mananampalataya! Ang katunayan na may mga anumang alitan sa pagitan ng mga Kristiyano ay pagkatalo na para sa inyo. Bakit hindi nalang pagdusahan ang mali? Bakit hindi nalang hayaan na kayo ay dayain?
  • Hinimok ni Pablo sina Euodia at Sintique na magkasundoFil 4:2
    Ang mga talata
    Fil 4:2Nagsusumamo ako kay Euodia, at kay Sintique na magkaroon ng parehong pag-iisip sa Panginoon.

Sa Kautusan

  • Binabayaran ang nasaktan sa away para sa nawalang trabaho at sa pagpapagalingExo 21:18–19
    Ang mga talata
    Exo 21:18–19Kung mag-aaway ang mga lalaki at may isang taong manakit ng iba tao na gamit ang bato o ang kaniyang kamao, at ang taong iyon ay hindi namatay, pero nanatiling nakahiga; pagkatapos kung ito'y gumaling na at maaring makalakad gamit ang kaniyang tungkod, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon; dapat din itong magbayad para sa kaniyang ganap na gagaling. Pero ang taong iyon ay mapapawalang-sala.
  • Dinadala sa hukuman ang alitan ng magkapwa upang hatulanDeut 25:1
    Ang mga talata
    Deut 25:1Kung may pagtatalo sa pagitan ng mga tao at pumunta sila sa hukuman, at hinatulan sila ng mga hukom, sa gayon ay pawawalang sala nila ang matuwid at parurusahan ang masama.

Mga kasabihan sa Mga Kawikaan

  • Pumupukaw ng away ang poot; tinatakpan ng pag-ibig ang mga pagkakasalaKaw 10:12
    Ang mga talata
    Kaw 10:12Ang galit ay nagpapasimula ng mga kaguluhan, subalit ang pag-ibig ay matatakpan ang lahat ng pagkakasala.
  • Pumupukaw ng alitan ang taong mainitin ang uloKaw 15:18, Kaw 29:22
    Ang mga talata
    Kaw 15:18Ang galit na tao ay pumupukaw ng mga pagtatalo, pero ang taong matagal magalit ay pinapayapa ang isang alitan.
    Kaw 29:22Ang isang taong galit ay pumupukaw ng away at ang isang pinuno ng pagkapoot ay gumagawa ng maraming kasalanan.
  • Mas mabuti ang tuyong subo nang tahimik kaysa piging na may alitanKaw 17:1
    Ang mga talata
    Kaw 17:1Mas mabuti na magkaroon ng tahimik na may isang subong tuyong tinapay kaysa sa isang bahay na puno ng kapistahan na mayroong pagkaka-alitan.
  • Ang pagsisimula ng away ay tulad ng pagpapakawala ng bahaKaw 17:14
    Ang mga talata
    Kaw 17:14Ang simula ng hindi pagkakasundo ay gaya ng isang taong nagpapakawala ng tubig sa lahat ng dako, kaya lumayo ka sa mga pagtatalo bago ito magsimula.
  • Marangal ang lumutas ng alitan; makikipag-away ang sinumang hangalKaw 20:3
    Ang mga talata
    Kaw 20:3Isang karangalan para sa sinuman ang umiwas sa hindi pagkakasundo, ngunit ang bawat hangal ay sumasali sa isang pagtatalo.
  • Palayasin ang manunuya, at titigil ang awayKaw 22:10
    Ang mga talata
    Kaw 22:10Itaboy ang mangungutya at aalis ang alitan; ang mga hindi pagkakaunawaan at mga panlalait ay matitigil.
  • Ang pakikialam sa away ng iba ay tulad ng paghawak sa tainga ng asoKaw 26:17
    Ang mga talata
    Kaw 26:17Tulad ng isang humahawak ng mga tainga ng isang aso ay isang taong dumadaan na nagagalit sa alitan na hindi kanya.
  • Ang palaaway na asawa ay tulad ng walang tigil na patak sa araw ng ulanKaw 27:15, Kaw 25:24
    Ang mga talata
    Kaw 27:15Ang isang nakikipag-away na asawang babae ay tulad ng pumapatak lagi sa araw na maulan;
    Kaw 25:24Mas mabuti pa na mamuhay sa sulok ng bubungan kaysa sa makibahagi sa tahanan ng babaeng palaaway.

Sa ibang bahagi

  • Makipagkasundo agad sa iyong kalaban habang papunta sa hukumanMat 5:25
    Ang mga talata
    Mat 5:25Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo habang siya ay kasama mo pa sa daan patungo sa hukuman, o ipapasakamay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom at ipapasakamay ka ng hukom sa pinuno at ikaw ay ipapatapon sa bilangguan.
  • Kung maaari, mamuhay nang payapa kasama ng lahatRoma 12:18
    Ang mga talata
    Roma 12:18Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng tao.
  • Ang mga hangal na haka-haka ay nagbubunga ng away2 Tim 2:23–24
    Ang mga talata
    2 Tim 2:23–24Ngunit tanggihan ang mga walang kabuluhan at mangmang na mga katanungan. Alam mo na hahantong ang mga ito sa pagtatalo. Hindi dapat nakikipag-away ang lingkod ng Panginoon. Sa halip dapat siyang maging marahan sa lahat, may kakayahang magturo, at matiyaga.
  • “Ano ang sanhi ng mga labanan at away sa inyo?”Sant 4:1
    Ang mga talata
    Sant 4:1Saan nanggaling ang pag-aaway at alitan sa inyo? Hindi ba nagmula ito sa inyong mga masamang hangarin na lumalaban sa inyong mga miyembro?

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0