Tuklasin › Mga paksa › Utang at pautang
Pang-araw-araw na buhay
Utang at pautang sa Bibliya
28 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Huwag magkautang kaninuman, maliban sa pag-ibig sa isa’t isaRoma 13:8
Ang mga talata
Roma 13:8Huwag kayong magkautang ng anuman sa kanino man, maliban sa pagmamahal sa isa't isa. Sapagkat ang sinumang nagmamahal sa kaniyang kapwa ay tumutupad sa kautusan.
- Ang nangungutang ay alipin ng nagpapautangKaw 22:7
Ang mga talata
Kaw 22:7Ang mayayamang tao ay pinamumunuan ang mahihirap na tao, at ang isa na siyang humihiram ay isang alipin sa isa na siyang nagpapahiram.
- Huwag maging tagagarantiya ng utang, baka kunin pati ang iyong higaanKaw 22:26–27, Kaw 11:15
Ang mga talata
Kaw 22:26–27Huwag kang makiisa sa nagbibigay ng nakakagapos na mga panunumpa tungkol sa pera, at huwag kang magbibigay ng kasiguraduhan para sa mga pagkakautang ng iba. Kung kulang ka ng pamamaraan para magbayad, ano ang makakapigil sa isang tao mula sa pagkuha ng iyong higaan mula sa iyo?
Kaw 11:15Sinumang mananagot sa utang ng isang hindi niya kilala ay tiyak na mapapahamak, pero ang isa na siyang kinapopootang magbigay ng isang garantiya sa ganiyang uri ng pangako ay ligtas.
- Nanagot ka para sa iyong kapwa? Pumunta ka at palayain ang sarili agadKaw 6:1–5
Ang mga talata
Kaw 6:1–5Anak ko, kapag ikaw ay nagtabi ng pera bilang isang pag-aako ng pagkakautang ng iyong kapit-bahay, kapag nagbigay ka ng pangako sa pagkakautang ng isang tao na hindi mo kilala, kung gayon naglatag ka ng isang patibong para sa iyong sarili sa pamamagitan ng iyong pangako, at ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig. Kung gayon, anak kong lalaki, gawin mo ito at iligtas mo ang iyong sarili, dahil sa ikaw ay nasa habag ng iyong kapitbahay. Pumunta ka at magpakumbaba ka ng iyong sarili at magsumamo sa iyong kapitbahay na pakawalan ka. Bigyan mo ang iyong mga mata ng walang tulog at ang iyong talukap ng walang pagkakaidlip. Iligtas mo ang iyong sarili gaya ng isang usa mula sa kamay ng mangangaso, katulad ng isang ibon mula sa kamay ng tagahuli ng hayop.
Sa Kautusan
- Walang tubo mula sa dukhang kababayan; pinahihintulutan ito mula sa dayuhanExo 22:25, Deut 23:19–20
Ang mga talata
Exo 22:25Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa aking mga tao sa gitna ninyo na mga mahihirap, hindi kayo dapat matulad sa isang nagpapatubo sa kaniya o singilin siya ng may tubo.
Deut 23:19–20Hindi dapat kayo magpahiram ng may tubo sa kapwa ninyo Israelita—tubo sa pera, tubo sa pagkain, o tubo sa kahit na anong pinapahiram na may tubo. Sa isang dayuhan ay maaari kayong magpahiram ng may tubo; pero sa inyong kapwa Israelita ay hindi kayo dapat magpahiram ng mayroong tubo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng paglagyan ng inyong kamay, sa lupain kung saan ay inyong aangkinin.
- Ang balabal na kinuhang sangla ay ibinabalik bago lumubog ang arawExo 22:26–27, Deut 24:12–13
Ang mga talata
Exo 22:26–27Kung kukunin ninyo ang damit ng inyong kapitbahay bilang pangako, dapat ninyong isauli ito sa kaniya bago lumubog ang araw, dahil iyon lamang ang kaniyang tanging pantakip; ito ay ang kaniyang damit para sa kaniyang katawan. Ano pa ang kaniyang ipangtutulog? Kapag tumawag siya sa akin, pakikinggan ko siya, dahil ako ay mahabagin.
Deut 24:12–13Kung siya ay isang taong mahirap, huwag kayong matulog sinangla niya na nasa inyong pag-aari. Kapag lumubog ang araw, siguraduhing isuli sa kaniya ang sinangla niya sa paglubog ng araw, para siya ay makatulog sa kaniyang balabal at pagpalain ka, ito ay magiging matuwid sa harapan ni Yahweh na iyong Diyos.
- Naghihintay sa labas ang nagpapautang hanggang ilabas ang sanglaDeut 24:10–11
Ang mga talata
Deut 24:10–11Kapag ikaw ay magpapahiram sa inyong kapitbahay ng anumang uri ng utang, huwag kayong papasok sa kaniyang bahay para kunin ang kaniyang inutang. Ikaw ay tatayo sa labas at ang taong inyong pinahiram ay dadalhin sa labas ang uinutang niya sa inyo.
- Hindi maaaring kunin bilang sangla ang mga gilingang batoDeut 24:6
Ang mga talata
Deut 24:6Walang tao ang maaaring kumuha ng gilingan o sa mataas na gilingang bato bilang isang sangla, dahil iyon ay pagkuha ng buhay ng taoo bilang kasunduan.
- Kinakansela ang mga utang tuwing ikapitong taonDeut 15:1–3
Ang mga talata
Deut 15:1–3Sa katapusan ng bawat pitong taon, dapat ninyong kanselahin ang mga utang. Ito ang paraan ng pagpapalaya: ang lahat ng nagpapautang ay kanselahin ang alinmang pinautang sa kaniyang kapitbahay o kaniyang kapatid; hindi na niya ito hihigin dahil ang pagkakansela ni Yahweh ng mga utang ay nahayag na. Maaari ninyong hingin ito mula sa isang dayuhan; pero anuman ang nasa inyong kapatid na inyong pag-aari ay dapat ng bitawan ng inyong kamay.
- Ang kababayang nagbenta ng sarili ay naglilingkod bilang upahang manggagawaLev 25:39–41
Ang mga talata
Lev 25:39–41Kung maging mahirap ang kapwa kababayan ninyo at ipagbili ang kanyang sarili sa inyo, hindi ninyo siya dapat pagtrabahuhin tulad ng isang alipin. Ituring siyang isang upahang lingkod. Dapat siyang maging tulad ng isang taong pansamantalang naninirahan kasama ninyo. Maglilingkod siya sa inyo hanggang sa Taon ng Paglaya. Pagkatapos aalis siya mula sa inyo, siya at ang kanyang mga anak na kasama niya, at babalik siya sa kanyang sariling pamilya at sa ari-arian ng kanyang ama.
- Ang hiniram na hayop na namatay ay dapat bayaran nang buoExo 22:14
Ang mga talata
Exo 22:14Kung hihiram ang isang tao ng anumang hayop mula sa kaniyang kapitbahay at ang hayop ay nasaktan o namatay na hindi ito kasama ng may-ari, ang ibang tao ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala.
Mga halimbawa
- Iniwan ni Juda ang kaniyang pantatak, panali at tungkod bilang sanglaGen 38:17–18
Ang mga talata
Gen 38:17–18Sinabi niya, “Papadalhan kita ng isang batang kambing na mula sa kawan.” Sinabi niya, “Maaari mo ba akong bigyan ng isang sangla hanggang maipadala mo ito?” Sinabi niya, “Anong sangla ang maaari kong ibigay sa iyo?” At sinabi niya, “Ang inyong selyo at kordon, at ang tungkod na nasa iyong kamay.” Ibinigay ito sa kanya at sinipingan siya. Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya.
- Nagtipon kay David ang lahat ng may utang1 Sam 22:2
Ang mga talata
1 Sam 22:2Ang bawat isang naghihirap, bawat isang may nasa pagkakautang, at bawat isang hindi kuntento—nagtipon silang lahat sa kanya. Naging kapitan si David sa kanila. Mayroong halos apat na raang kalalakihang kasama niya.
- Dumating ang nagpapautang upang kunin bilang alipin ang dalawang anak ng isang balo2 Hari 4:1–7
Ang mga talata
2 Hari 4:1–7Ngayon, nagpuntang umiiyak ang isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, sinabing, “Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na, at alam mo na may takot ang iyong lingkod kay Yahweh. Ngayon pumunta ang nagpapautang para kunin ang aking dalawang anak para maging mga alipin niya.” Kaya sinabi ni Eliseo sa kaniya, “Ano ang magagawa ko para sa iyo?” Sinabi niya, “Ang iyong lingkod ay walang kahit ano sa bahay, maliban sa palayok ng langis.” Pagkatapos, sinabi ni Eliseo, “Umalis ka para manghiram ng mga tapayan na walang laman sa iyong mga kapit-bahay. Manghiram ka ng marami hangga't maaari. Pagkatapos kailangan mo pumunta sa loob ng bahay mo at isara ang pinto sa likod mo at ng iyong mga anak, at ibuhos ang langis sa mga tapayan na iyon; itabi mo ang mga tapayan na napuno.” Kaya iniwan niya si Eliseo at sinara ang pinto sa likod niya at kaniyang mga anak. Nagdala sila ng mga tapayan para sa kaniya, at pinuno ang mga ito ng langis. Nang napuno na ang mga lagayan, sabi niya sa kaniyang mga anak, “Magdala pa kayo ng isa pang tapayan.” Pero ang sabi ng anak niya sa kaniya, “Wala ng mga tapayan.” Pagkatapos, huminto na sa pagdaloy ng langis. Pagkatapos, bumalik siya at sinabi sa lingkod ng Diyos. Sabi niya, “Pumunta ka roon, ibenta mo ang langis; bayaran mo ang iyong utang, at mamuhay kasama ng iyong mga anak sa mga natira.”
- “Hiniram lamang ito!” — nahulog sa Jordan ang ulo ng palakol2 Hari 6:4–6
Ang mga talata
2 Hari 6:4–6Kaya sumama siya sa kanila, at nang makarating sila sa Jordan, nag-umpisa silang magputol ng mga puno. Pero habang nagpuputol ang isa sa kanila, nalaglag ang ulo ng palakol sa tubig; sumigaw siya at sinabinig, “Naku, panginoon, hiniram ko lang iyon!” Kaya sinabi ng lingkod ng Diyos, “Saan ito nahulog?” Tinuro ng lalaki kay Eliseo ang lugar. Pumutol siya ngayon siya ng isang patpat, tinapon ito sa tubig at pinalutang ang palakol.
- Taggutom: isinanla ng mga tao ang mga bukid at bahay; pinatigil ni Nehemias ang patubuanNeh 5:3–5, Neh 5:10–12
Ang mga talata
Neh 5:3–5May mga iba rin na nagsabing, “Sinasanla namin ang aming mga bukirin, ang aming ubasan, at ang aming mga bahay para makakuha ng butil sa panahon ng taggutom.” May mga iba rin na nagsabing, “Humiram kami ng pera para bayaran ang buwis ng hari sa aming mga bukirin at sa aming mga ubasan. Pero ngayon ang aming laman at dugo ay pareho na ng sa mga kapatid namin, at ang aming mga anak ay pareho na ng kanilang mga anak. Napilitan kaming ipagbili ang aming mga anak na lalaki at babae para maging mga alipin. Ang iba naming mga anak na babae ay inalipin na. Pero wala sa aming kapangyarihan na baguhin ito dahil ibang mga tao na ngayon ang nagmamay-ari ng aming mga bukirin at aming mga ubasan.”
Neh 5:10–12Ako at ang aking mga kapatid at ang mga lingkod ko ay nagpapautang sa kanila ng pera at butil. Pero dapat nating itigil ang paniningil ng tubo sa mga pautang na ito. Ibalik sa kanila ngayon mismong araw na ito ang kanilang mga bukirin, ang kanilang ubasan, at kanilang taniman ng olibo at ang kanilang mga bahay at ang porsiyento ng pera, ng butil, ng bagong alak, at ng langis na siningil ninyo mula sa kanila.” Pagkatapos sinabi nila, “Ibabalik namin kung ano ang kinuha namin sa kanila, at wala kaming hihingin mula sa kanila. Gagawin namin ang sinabi mo.” Pagkatapos tinawag ko ang mga pari, at pinanumpa sila na gagawin ang kanilang ipinangako.
- Ang pinapasusong anak ng dukhang pamilya ay kinuha dahil sa utangJob 24:9
Ang mga talata
Job 24:9Mayroong masasama na kinukuha ang mga ulila mula sa dibdib ng kanilang ina, at masasamang tao na kinukuha ang mga bata bilang kasiguraduhan mula sa mga mahihirap.
- Mga damit na kinuhang sanglaJob 22:6, Amos 2:8
- Talinghaga: isang aliping may utang na sampung libong talentoMat 18:23–34
Ang mga talata
Mat 18:23–34Samakatuwid, ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa isang hari na nais makipagsulit sa kaniyang mga utusan. Habang inuumpisahan ang pagsusulit, isang utusan ang dinala sa kaniya na nagkautang ng sampung libong mga talento. Ngunit dahil sa wala siyang kakayanan na magbayad, inutusan siya ng kaniyang amo na ipagbili, kasama ng kaniyang asawa at mga anak at lahat na mayroon siya, at nang makabayad. Kaya lumuhod ang utusan, yumuko sa kaniyang harapan, at sinabi, 'Amo, pagtiisan mo ako, at babayaran ko ang lahat.' Kaya nahabag ang amo sa kaniyang utusan, pinakawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang. Ngunit lumabas ang utusan at nakita ang isa sa kaniyang kapwa utusan na nagkautang sa kaniya ng isang daang denario. Sinunggaban niya ito, sinakal at sinabi, 'Bayaran mo ako sa iyong inutang.' Ngunit lumuhod ang kaniyang kapwa utusan at nakiusap sa kaniya na nagsasabi, “Pagtiisan mo ako, at babayaran rin kita.' Ngunit tumanggi ang naunang utusan. Sa halip, pumunta siya at itinapon siya sa kulungan, hanggang sa mabayaran niya ang kaniyang inutang. Nang makita ng kapwa mga utusan kung ano ang nangyari, labis silang nagdamdam. Pumunta sila sa kanilang amo at sinabi ang lahat ng nangyari. Pagkatapos nito, ipinatawag ng amo ang kaniyang utusan, at sinabi sa kaniya, 'Napakasama mong utusan, pinatawad kita sa lahat ng iyong inutang dahil ikaw ay nakiusap sa akin. Hindi ba dapat naawa ka din sa iyong kapwa utusan, gaya ng pagkahabag ko sa iyo? Nagalit ang kaniyang amo at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang mga inutang.
- Talinghaga: dalawang may utang na limandaan at limampung denaryoLuc 7:41–42
Ang mga talata
Luc 7:41–42Sinabi ni Jesus, “May dalawang tao na may utang sa isang taong nagpapahiram. Ang isa ay may utang ng limang daang denaryo, at ang isa ay may utang ng limampung denaryo. Dahil sila ay walang pera na pangbayad, sila ay pareho niyang pinatawad. Kaya, sino sa kanila ang higit na magmamahal sa kanya?”
- Makipag-areglo sa iyong kalaban habang papunta sa hukumanMat 5:25–26
Ang mga talata
Mat 5:25–26Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo habang siya ay kasama mo pa sa daan patungo sa hukuman, o ipapasakamay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom at ipapasakamay ka ng hukom sa pinuno at ikaw ay ipapatapon sa bilangguan. Totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ka kailanman makalalabas doon hanggang mapagbayaran mo ang kahuli-hulihang salapi na iyong inutang.
- Magpautang nang walang inaasahang kapalitLuc 6:34–35
Ang mga talata
Luc 6:34–35Kung ang inyong pinapahiraman lamang ay ang mga tao na inaasahan ninyong magbibigay ng mga ito pabalik sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram sa mga makasalanan at umaasang iyon ding halaga ang muling matatanggap. Ngunit mahalin ninyo ang inyong kaaway at gawin ang mabuti sa kanila. Pahiramin ninyo sila na hindi kailanman nag-aalala kung may babalik pa sa inyo at ang inyong gantimpala ay magiging dakila. Kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya mismo ay mabuti sa mga taong hindi marunong magpasalamat at masasama.
- Si Pablo kay Filemon: “Isingil mo ito sa akin. Babayaran ko ito”Filem 1:18–19
Ang mga talata
Filem 1:18–19Pero kung siya man ay nagkamali sa iyo sa anumang paraan o anuman ang utang sa iyo, sa akin mo iyon singillin. Ako, si Pablo, sinulat ko ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay: ako ang magbabayad sa iyo. Hindi ko na binabanggit sa iyo na utang mo sa akin ang iyong buhay.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0