Tuklasin › Mga paksa › Mga buwis
Pang-araw-araw na buhay
Mga buwis sa Bibliya
35 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Nagbayad ng kalahating siklo ang bawat ibinilang sa sensusExo 30:11–16, Exo 38:26
Ang mga talata
Exo 30:11–16Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabing, “Kapag kumuha ka ng isang talaan ng mga Israelita, pagkatapos ang bawat tao ay dapat magbigay ng pangtubos para sa kaniyang buhay kay Yahweh. Dapat mong gawin ito pagkatapos mo silang bilangin, para walang maging salot sa kanila kapag binibilang mo sila. Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh. Ang bawat isa na nabilang, mula dalawampung taong gulang at pataas, ay dapat magbigay nitong alay sa akin. Kapag magbibigay ang mga tao nitong alay sa akin para gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanilang mga buhay, ang mayayaman ay hindi dapat magbigay ng higit pa sa kalahating sekel, at ang mga mahihirap ay hindi dapat magbigay ng kulang. Dapat mong tanggapin itong perang pambayad sa kasalanan mula sa mga Israelita at dapat mong ilaan ito para sa gawain sa tolda ng pagpupulong. Ito ay dapat maging isang paalala sa mga Israelita sa akin, para gumawa ng pangtubos ng kasalanan para sa inyong mga buhay.”
Exo 38:26o isang beka bawat lalaki, na kalahati ng sekel, sinukat ng sekel ng santuwaryo. Ang bilang na ito ay umabot sa batayan na ang bawat tao na nabilang sa sensus, ang mga dalawampung taong gulang at nakatatanda—603,550 kalalakihan lahat.
- Ikatlong bahagi ng siklo taun-taon para sa bahay ng DiyosNeh 10:32
Ang mga talata
Neh 10:32Tinanggap namin ang mga utos na magbigay ng ikatlo ng siklo bawat taon para sa paglilingkod sa tahanan ng ating Diyos,
- Jose: ang ikalimang bahagi ng ani ng Ehipto ay para sa ParaonGen 41:34, Gen 47:24
Ang mga talata
Gen 41:34Hayaan si Paraon na gawin ito: hayaan siyang humirang ng mga tagapangasiwa sa lupain. Hayaan silang kumuha ng ikalima sa mga pananim ng Ehipto sa pitong saganang taon.
Gen 47:24Sa anihan, magbigay kayo ng ikalimang bahagi sa Paraon, at ang apat na bahagi ay para sa inyong sarili, para sa binhi ng lupain at para pagkain ng inyong sambahayan at inyong mga anak.”
- Ang lupain lamang ng mga paring taga-Ehipto ang hindi pag-aari ng ParaonGen 47:26
Ang mga talata
Gen 47:26Kaya ginawa itong kautusan ni Jose na umiiral pa rin sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito, na ang ikalimang bahagi ay magiging pag-aari ng Paraon. Ang lupain lang ng mga pari ang hindi napunta sa Paraon.
- Inilibre ng isang haring Persiano sa buwis ang mga pari at mga lingkod ng temploEzra 7:24
Ang mga talata
Ezra 7:24Ipinababatid namin sa kanila ang tungkol sa iyo hindi upang magpataw ka ng kahit na anong pagkilala o mga buwis sa sinuman sa mga pari, mga levita, mga musikero, mga bantay-pinto, o sa mga taong itinalaga sa paglilingkod sa templo at sa mga tagapaglingkod sa tahanang ito ng Diyos.
- Malilibre sa buwis ang pamilya ng papatay kay Goliat1 Sam 17:25
Ang mga talata
1 Sam 17:25Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel, “Nakita ba ninyo ang taong dumating dito? Naparito siya upang hamunin ang Israel. At bibigyan ng hari ng maraming kayamanan ang taong makakapatay sa kanya, ibibigay sa kanya ang kanyang anak na babae para mapangasawa, at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel.”
- Pahinga sa buwis para sa piging ni EstherEst 2:18
Ang mga talata
Est 2:18Nagbigay ang hari ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, “Handaan ni Esther,” at nagbigay siya ng kaluwagan mula sa pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo na may pangmaharlikang pagkabukas-palad.
- Nagpataw si Assuero ng buwis hanggang sa pinakamalalayong baybayinEst 10:1
Ang mga talata
Est 10:1Pagkatapos nagpataw ng isang buwis sa lupain at sa mga lupang baybayin sa tabing-dagat si Haring Ahasueros.
Mga hari at mga buwis
- Bawat isa sa labindalawang gobernador ni Solomon ay naglaan para sa palasyo nang isang buwan1 Hari 4:7
Ang mga talata
1 Hari 4:7May labingdalawang mga pinuno si Solomon sa buong Israel, na nagbibigay ng pagkain para sa hari at sa kaniyang sambahayan. Bawat lalaki ay kailangang maglaan para sa isang buwan sa loob ng isang taon.
- Ang panustos ni Solomon para sa isang araw lamang1 Hari 4:22–23
Ang mga talata
1 Hari 4:22–23Ang pangangailangan ni Solomon para sa isang araw ay tatlumpung kor ng pinong harina at animnapung kor ng pagkain, sampung matatabang baka, dalawampung baka galing sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa sa usa, mga gasel, mga usang lalaki at mga pinatabang ibon.
- Sapilitang paggawa para sa mga gusali ni Solomon1 Hari 9:15
Ang mga talata
1 Hari 9:15Ang sumusunod ay ang dahilan na ipinataw ni Haring Solomon na magtrabaho ang mga tao: upang itayo ang templo ni Yahweh at ang kaniyang sariling palasyo, upang itayo ang Millo at ang pader ng Jerusalem, at upang itayo ang mga tanggulan ng Hazor, Megido, at Gezer.
- Si Adoram ang namahala sa sapilitang paggawa2 Sam 20:24, 1 Hari 4:6
Ang mga talata
2 Sam 20:24Si Adoram ay nasa kalalakihan na gumagawa ng sapilitang trabaho, at si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud ay ang tagatala.
1 Hari 4:6Si Ahisar ay aang namamahala sa sambahayan. Si Adoniram, anak ni Abda, ay namamahala ng mga kalalakihan na sakop sa sapilitang paggawa.
- Hiniling ng Israel kay Rehoboam na pagaanin ang mabigat na pamatok1 Hari 12:4
Ang mga talata
1 Hari 12:4Ngayon, gawin mong madali ang mahirap na trabahong ibinigay ng iyong ama, at pagaanin mo ang mabigat na pasanin na inilagay niya sa amin, at paglilingkuran ka namin.”
- Binato ng Israel si Adoram hanggang mamatay; tumakas si Rehoboam1 Hari 12:18
Ang mga talata
1 Hari 12:18Pagkatapos ipinadala ni Haring Rehoboam si Adoram, na siyang namamahala sa mga pinilit na mga manggagawa, pero pinagbabato siya ng buong Israel hanggang mamatay. Mabilis na tumakas si Haring Rehoboam sa kaniyang karwahe patungong Jerusalem.
- Nagbigay si Menahem kay Pul ng isang libong talentong pilak2 Hari 15:19–20
Ang mga talata
2 Hari 15:19–20Pagkatapos si Pul ang hari ng Asiria ay dumating laban sa lupain at nagbigay si Menahem kay Pul ng isang libong talentong pilak, para siya ay tulungan ni Pul na palakasin ang kaharian ng Israel sa kaniyang pangunguna. Siningil ni Menahem ang halagang ito mula sa Israel sa pag-uutos sa bawat mayayaman na magbayad ng limampung sekel ng pilak sa kaniya para ibigay sa hari ng Asiria. Kaya ang hari ng Asiria ay umuwi at hindi namalagi roon sa lupain.
- Pinatawan ni Jehoiakim ng buwis ang lupain upang bayaran si Faraon Neco2 Hari 23:35
Ang mga talata
2 Hari 23:35Ibinayad ni Johoiakim kay Faraon ang pilak at ginto. Binuwisan niya ang lupain para ibayad ang pera, para sundin ang utos ni Faraon. Pinilit niya ang bawat isang lalaki sa mga mamamayan ng lupain na magbayad ng pilak at ng ginto para ibigay ito kay Faraon Neco.
- Nagbabala ang mga kaaway sa hari: titigil ang Jerusalem sa pagbabayad ng buwisEzra 4:13, Ezra 4:20
Ang mga talata
Ezra 4:13Ngayon malaman nawa ng hari na kung ang lungsod na ito ay naitayo at ang pader ay natapos, hindi sila magbibigay ng kahit na anong pagkilala at buwis, subalit pipinsalain nila ang mga hari.
Ezra 4:20Ang mga makapangyarihang hari ay namuno sa Jerusalem at may kapangyarihan sa lahat ng bagay hanggang sa ibayo ng Ilog. Kinilala at nagbayad sila ng mga buwis sa kanila.
- Nangutang ang mga tao upang bayaran ang buwis ng hari sa kanilang mga bukidNeh 5:4
Ang mga talata
Neh 5:4May mga iba rin na nagsabing, “Humiram kami ng pera para bayaran ang buwis ng hari sa aming mga bukirin at sa aming mga ubasan.
- Buwis na butil na kinukuha sa mahihirapAmos 5:11
Ang mga talata
Amos 5:11Dahil tinatapakan ninyo ang mahihirap at kinukuha ninyo ang mga bahagi ng trigo mula sa kanila—at kahit na nagtayo kayo ng mga bahay na gawa sa bato, hindi ninyo matitirahan ang mga ito. Mayroon kayong masaganang ubasan, ngunit hindi ninyo maiinom ang mga alak nito.
Sa mga Ebanghelyo
- Iniutos ni Cesar Agustus ang sensus sa buong imperyoLuc 2:1–3
Ang mga talata
Luc 2:1–3Ngayon sa mga araw na iyon, nangyari na si Cesar Agustus ay naglabas ng isang batas na nag-uutos na magkaroon ng sensus sa lahat ng tao na nabubuhay sa mundo. Ito ang unang sensus na ginawa habang si Cirenio ang gobernador ng Syria. Kaya pumunta ang bawat isa sa kaniyang sariling bayan upang mailista para sa sensus.
- Ang buwis sa templo: isang barya sa bibig ng isdaMat 17:24–27
Ang mga talata
Mat 17:24–27Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga lalaking naningil ng kalahating siklo ng buwis at sinabi, “Nagbabayad ba ng kalahating siklo ng buwis ang iyong guro?” Sinabi niya, “Oo.” Ngunit nang pumunta si Pedro sa bahay, una siyang kinausap ni Jesus at sinabi, “ Ano sa palagay mo, Simon? Ang mga hari sa lupa, kanino sila tumatanggap ng buwis o ng pagpupugay? Mula sa kanilang mga mamamayan o mula sa mga dayuhan?” Nang sinabi ni Pedro, “Sa mga dayuhan,” sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung ganoon hindi kasama ang kanilang mamamayan sa pagbabayad. Ngunit upang hindi tayo maging sanhi ng pagkakasala ng mga nangongolekta ng buwis, pumunta ka sa dagat, ihagis mo ang iyong pamingwit, at kunin ang unang isda na nahuli. Kapag binuka mo ang bibig nito, makikita mo ang isang siklo. Kunin mo ito at ibigay sa mga nangongolekta ng buwis para sa akin at para sa iyo.”
- “Naaayon ba sa batas na magbayad ng buwis kay Cesar o hindi?”Mat 22:17–21
Ang mga talata
Mat 22:17–21Kaya sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo? Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi?” Subalit nakakaintindi ng kanilang kasamaan si Jesus at nagsabi, “Bakit ninyo ako sinusubok, kayong mga mapagkunwari? Ipakita ninyo sa akin ang pangbuwis na salapi.” Dinala nila ang isang denaryo sa kaniya. At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaninong mukha at pangalan ang narito?” Sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung gayon ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”
- Si Juan sa mga maniningil ng buwis: “Huwag maningil nang higit sa itinakda”Luc 3:12–13
Ang mga talata
Luc 3:12–13At may ilang mga maniningil ng buwis ang dumating upang mabautismuhan, at sinabi nila sa kaniya, “Guro, ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong maningil nang higit sa dapat ninyong sinisingil.”
- Tinawag si Levi mula sa paningilan ng buwisMar 2:14, Luc 5:27
Ang mga talata
Mar 2:14Sa kaniyang pagdaan, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo si Levi at sumunod siya sa kaniya.
Luc 5:27Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Jesus ay umalis doon at nakita ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi, na nakaupo sa lugar kung saan siya nangongolekta ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”
- Kumain si Jesus kasama ng mga maniningil ng buwis, at tumutol ang mga PariseoMat 9:10–11, Mat 11:19
Ang mga talata
Mat 9:10–11Habang nakaupo si Jesus upang kumain sa bahay, masdan ito, dumating ang maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanang tao at nakisalo sila kay Jesus at sa mga alagad niya. Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, “Bakit ang iyong guro ay kumakain kasama ng mga maniningil ng buwis at mga taong makasalan?”
Mat 11:19Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at umiinom at sinasabi nilang, 'Tingnan ninyo, siya ay napakatakaw na tao at lasenggero, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!' Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa.”
- Talinghaga: isang Pariseo at isang maniningil ng buwis sa temploLuc 18:10–13
Ang mga talata
Luc 18:10–13“Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang manalangin—ang isa ay Pariseo at ang isa naman ay maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at ipinanalangin ang mga bagay na ito tungkol sa kaniyang sarili, 'Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo dahil hindi ako katulad ng ibang taong magnanakaw, mga hindi matuwid, mga mangangalunya, o tulad ng maniningil ng buwis na ito. Nag-aayuno ako ng dalawang beses bawat linggo. Ibinibigay ko ang ikapu ng lahat ng aking nakukuha.' Ngunit ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa di-kalayuan, ayaw man lang tumingin sa langit, ngunit dinadagukan niya ang kaniyang dibdib, sinasabi, 'Diyos, kaawaan mo ako, na isang makasalanan.'
- Si Zaqueo, isang punong maniningil ng buwis, ay magbabayad nang apat na ulitLuc 19:2, Luc 19:8
Ang mga talata
Luc 19:2Masdan ninyo, mayroong lalaki doon na nagngangalang Zaqueo. Siya ay isang pinuno ng mga maniningil ng buwis at siya ay mayaman.
Luc 19:8Tumayo si Zaqueo at sinabi niya sa Panginoon, “Tingnan mo, Panginoon, ibabahagi ko sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga ari-arian, at kung ako ay may nadayang sinuman sa anuman, ibabalik ang halaga ng maka-apat na beses.”
- Pablo: magbayad ng buwis sa dapat bayaran ng buwisRoma 13:6–7
Ang mga talata
Roma 13:6–7Dahil dito nagbabayad din kayo ng mga buwis. Sapagkat ang mga may kapangyarihan ay mga lingkod ng Diyos na patuloy na nangangasiwa nito. Bayaran ninyo ang lahat kung ano man ang inutang ninyo sa kanila: magbuwis sa dapat pagbayaran ng buwis, magbayad ng upa sa kung sinuman ang inuupahan; matakot sa nararapat katakutan; parangalan ang nararapat parangalan.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0