Tuklasin › Mga paksa › Mga suhol
Pang-araw-araw na buhay
Mga suhol sa Bibliya
27 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Huwag tumanggap ng suhol, sapagkat binubulag ng suhol ang mga mataExo 23:8, Deut 16:19
Ang mga talata
Exo 23:8Huwag kumukuha ng suhol, dahil ang suhol ang bumubulag sa mga taong nakakakita, at inililihis ang mga salita ng mga taong tapat.
Deut 16:19Hindi ninyo dapat pilitin ang katarungan; hindi dapat kayo magpakita ng pagpanig ni kumuha ng suhol, dahil ang isang suhol ay bumubulag sa mga mata ng matalino at sumisira sa mga salita ng matuwid.
- Sumpain ang tumatanggap ng suhol upang pumatay ng walang-salang taoDeut 27:25
Ang mga talata
Deut 27:25'Nawa'y isumpa ang taong tumatanggap ng isang suhol para pumatay ng taong walang kasalanan.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
- Samuel: “Mula kaninong kamay ako tumanggap ng suhol?”1 Sam 12:3
Ang mga talata
1 Sam 12:3Narito ako; magpatotoo laban sa akin sa harapan ni Yahweh at sa harapan ng kanyang hinirang. Kaninong lalaking baka ang kinuha ko? Kaninong asno ang kinuha ko? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? Mula kaninong kamay ako kumuha ng isang suhol upang bulagin ang aking mga mata? Magpatotoo laban sa akin, at ibabalik ko ito sa inyo.”
- Si Haring Jehoshafat sa kaniyang mga hukom: walang kinikilingan at walang suhulan2 Cro 19:7
Ang mga talata
2 Cro 19:7At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol.”
- Sino ang maaaring manahan kasama ng Diyos? Ang tumatanggi sa suholAwit 15:5, Isa 33:15
Ang mga talata
Awit 15:5Hindi siya naniningil ng tubo sa tuwing siya ay nagpapautang. Hindi rin siya tumatanggap ng suhol para tumestigo laban sa walang-sala. Sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman mayayanig.
Isa 33:15Siya na lumalakad nang matuwid at nagsasalita nang matapat; siyang namumuhi sa pakinabang sa pang-aapi, na tumatanggi para tumanggap ng suhol, na hindi nagbabalak ng marahas na krimen, at hindi tumitingin sa masama.
- Mga Kawikaan: nagbubukas ng pinto ang regalo; pumapawi ng galit ang lihim na regaloKaw 17:8, Kaw 18:16, Kaw 21:14
Ang mga talata
Kaw 17:8Ang suhol ay parang isang mahikang-bato sa isang nagbibigay nito; saan man siya dumako, siya ay magtatagumpay.
Kaw 18:16Ang kaloob ng tao ay maaaring magbukas ng daan para dalhin siya patungo sa isang mahalagang tao.
Kaw 21:14Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit at ang isang tagong regalo ay nag-aalis nang matinding galit.
- Ang napopoot sa suhol ay mabubuhayKaw 15:27
Ang mga talata
Kaw 15:27Nagdadala ng gulo ang magnanakaw sa kaniyang pamilya, pero mabubuhay ang siyang galit sa mga suhol.
- Sinisira ng suhol ang pusoMang 7:7
Ang mga talata
Mang 7:7Tunay na ang pangingikil ay nagpapamangmang sa mga matatalinong tao, at ang suhol ay nagdudungis ng puso.
- Inakusahan ng mga propeta ang mga pinuno at hukom na mahilig sa suholIsa 1:23, Isa 5:23, Mik 3:11, Mik 7:3, Amos 5:12
Ang mga talata
Isa 1:23Mga rebelde at kasama ng mga magnanakaw ang mga prinsipe niyo; ang bawat isa, nagnanais ng suhol at naghahabol ng bayad. Hindi nila pinoprotektahan ang mga ulila, maging ang mga hinaing pang-legal ng mga balo sa kanilang harapan.
Isa 5:23silang nagpapawalang-sala sa masasama kapalit ng kabayaran, at nag-aalis ng karapatan ng mga inosente!
Mik 3:11Humahatol ang inyong mga pinuno para sa isang suhol, nagtuturo ang inyong mga pari para sa isang gantimpala at nanghuhula ang inyong mga propeta para sa pera. Gayunman, umaasa kayo kay Yahweh at sinasabi, “Hindi ba't kasama natin si Yahweh? Walang darating sa atin na kapahamakan.”
Mik 7:3Ang kanilang mga kamay ay napakahusay sa paggawa ng pinsala. Ang mga pinuno ay humihingi ng pera, ang hukom ay handa sa mga suhol, at sinasabi ng makapangyarihang tao sa iba kung ano ang gusto niyang makuha. Kaya nagbalak sila ng masama.
Amos 5:12Sapagkat alam ko kung gaano karami ang inyong nagawang pagkakasala at kung gaano karami ang inyong mga kasalanan—kayo na nagpapahirap sa mga matutuwid, tumatanggap ng mga suhol, at tinalikuran ang mga nangangailangan sa tarangkahan ng lungsod.
Mga halimbawa
- Tumanggap ng suhol ang mga anak ni Samuel at binaluktot ang katarungan1 Sam 8:3
Ang mga talata
1 Sam 8:3Hindi lumakad sa mga paraan niya ang kanyang mga anak, sa halip naghabol sila sa hindi tapat na tubo. Tumanggap sila ng mga suhol at binaluktot ang katarungan.
- Inalok ng mga pinuno ng Filisteo si Delilah ng pilak upang ipagkanulo si SamsonHuk 16:5
Ang mga talata
Huk 16:5Pinuntahan siya ng mga pinuno ng mga Palestina, at sinabi sa kaniya, “Linlangin mo si Samson para makita kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding lakas at sa anong paraan maaari natin siyang matatalo, para maaaring natin siyang maigapos para alipustahin siya. Gawin ito, at bawat isa sa amin ng ay bibigyan kayo ng 1,100 piraso ng pilak”
- Ipinadala ni Asa kay Ben-hadad ang pilak at ginto ng templo1 Hari 15:18–19
Ang mga talata
1 Hari 15:18–19Kaya kinuha ni Asa ang lahat ng mga pilak at ginto sa taguan ng mga kayamanan ng templo at ng palasyo ng hari. Inabot niya ito sa kamay ng kaniyang mga lingkod at inutusan silang dalhin ito kay Ben Hadad, anak ni Tabrimon anak ni Hezion, ang hari ng Aram na nakatira sa Damasco. Sinabi niya, “Magkaroon tayo ng kasunduan, na tulad ng kasunduan na mayroon ang mga ama natin. Tingnan mo, pinadalhan kita ng mga pilak at ginto. Putulin mo na ang kasunduan mo kay Baasa na Hari ng Israel, para hayaan na niya ako.”
- Ipinadala ni Ahaz sa hari ng Asiria ang pilak at ginto ng templo2 Hari 16:8
Ang mga talata
2 Hari 16:8Kaya kinuha ni Ahaz ang pilak at gintong mayroon sa tahanan ni Yahweh at kasama ng mga yaman ng palasyo ng hari at ipinadala ito bilang isang handog sa hari ng Asiria.
- Mga tagapayong inupahan upang hadlangan ang muling pagtatayo ng temploEzra 4:5
Ang mga talata
Ezra 4:5Sinuhulan din nila ang mga tagapayo para hadlangan ang kanilang mga plano. Ginawa nila ito sa buong panahon ni Ciro at hanggang sa paghahari ni Dario na hari ng Persia.
- Inupahan si Semaya upang takutin si Nehemias na magtago sa temploNeh 6:10–13
Ang mga talata
Neh 6:10–13Pumunta ako sa bahay ni Semaya anak ni Delaias anak ni Mehetabel, na nananatili sa kanyang tahanan. Sinabi niya, “Sama-sama tayong magpulong sa tahanan ng Diyos, sa loob ng templo, at isara natin ang mga pinto ng templo, dahil darating sila para patayin ka. Sa gabi, darating sila para patayin ka.” Sumagot ako, “Tatakas ba ang isang lalaking katulad ko? At ang isa bang lalaking tulad ko ay papasok sa templo para lang manatiling buhay? Hindi ako papasok.” Napag-isip-isip ko na hindi ang Diyos ang nagpadala sa kanya, kundi nagpropesiya siya laban sa akin. Binayaran siya nina Tobias at Sanbalat. Binayaran nila siya para takutin ako, para gawin ko kung ano ang sinabi niya at magkasala, para mabigyan nila ako ng masamang pangalan para hiyain ako.
- Nag-alok si Haman ng sampung libong talento para sa isang kautusan laban sa mga JudioEst 3:9
Ang mga talata
Est 3:9Kung mamarapatin ng hari, magbigay ng utos upang patayin sila, at maglalagay ako ng sampung libong talentong pilak sa kamay ng namamahala sa kalakalan ng hari, upang ilagay nila ito sa kabang-yaman ng hari.”
- Binayaran ng mga punong pari si Judas ng tatlumpung pirasong pilakMat 26:15
Ang mga talata
Mat 26:15at sinabi, “Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?” At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya.
- Binayaran ang mga kawal upang sabihing ninakaw ng mga alagad ang katawanMat 28:12–15
Ang mga talata
Mat 28:12–15Nang nagtipun-tipon ang mga pari kasama ng mga nakatatanda at pinag-usapan nila ang pangyayaring iyon, nagbigay sila ng malaking halaga ng pera sa mga kawal at sinabi sa kanila, “Sabihin ninyo sa iba, 'Pumunta ang mga alagad ni Jesus noong gabi at ninakaw ang kaniyang katawan habang kami ay natutulog.' Kung makarating sa gobernador ang balitang ito, hihikayatin namin sila at alisin sa inyo ang anumang pagkabahala.” Kaya kinuha ng mga kawal ang pera at ginawa kung ano ang iniutos sa kanila. Ang balitang ito ay kumalat agad sa mga Judio at nagpatuloy magpahanggang ngayon.
- Umasa si Gobernador Felix na susuhulan siya ni PabloGawa 24:26
Ang mga talata
Gawa 24:26niyang bibigyan siya ni Pablo ng pera, kaya't palagi niyang pinapatawag at nakikipag-usap sa kaniya.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0