Tuklasin › Mga paksa › Pag-aayuno
Pang-araw-araw na buhay
Pag-aayuno sa Bibliya
40 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa pagluluksa at dalamhati
- Inilibing ng mga lalaki ng Jabes ang mga buto ni Saul at nag-ayuno nang pitong araw1 Sam 31:13
Ang mga talata
1 Sam 31:13Pagkatapos kinuha nila ang kanilang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sa loob ng pitong araw.
- Nag-ayuno si David at ang kaniyang mga tauhan hanggang gabi para kina Saul at Jonatan2 Sam 1:12
Ang mga talata
2 Sam 1:12Sila'y nanangis, umiyak, at nag-ayuno hanggang gabi para kay Saul, para kay Jonatan na kaniyang anak na lalaki, para sa mga tao ni Yahweh, at para sa tahanan ng Israel dahil bumagsak sila sa pamamagitan ng espada.
- Ayaw kumain ni David hanggang paglubog ng araw matapos mamatay si Abner2 Sam 3:35
Ang mga talata
2 Sam 3:35Lumapit ang lahat ng tao kay David para pakainin habang may araw pa, pero nangako si David, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at ng mas matindi pa, kung titikim ako ng tinapay o anumang bagay bago lumubog ang araw.”
- Nag-ayuno si David para sa maysakit niyang anak at kumain nang mamatay ang bata2 Sam 12:16–23
Ang mga talata
2 Sam 12:16–23Pagkatapos nagsumamo si David sa Diyos para sa bata. Nag-ayuno si David at pumunta sa loob at buong gabing humiga sa sahig. Bumangon at tumayo sa tabi niya ang mga nakatatanda sa kaniyang bahay, para ibangon siya mula sa sahig, pero hindi siya bumangon at hindi siya kumain kasama nila. Nangyari na sa ika-pitong araw namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sabihin sa kaniya na patay na ang bata, dahil sinabi nila, “Tingnan mo, habang buhay pa ang bata kinausap natin siya at hindi siya nakinig sa ating boses. Baka kung ano gawin niya sa kanyang sarili kung sasabihin natin sa kaniyang patay na ang bata?!” Pero nang makita ni David na nagbubulungan ang kaniyang mga lingkod, naghinala si David na patay na ang bata. Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila, “Patay na siya.” Pagkatapos bumangon si David mula sa sahig at hinugasan ang kaniyang sarili, pinahiran ng langis ang kaniyang sarili at pinalitan ang kaniyang mga damit. Pumunta siya sa tabernakulo ni Yahweh at sumamba doon at pagkatapos bumalik sa kaniyang sariling palasyo. Nang hilingin niya ito, naghanda sila ng pagkain sa kanyang harapan at kumain siya. Pagkatapos sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, “Bakit mo ginawa ito? Nag-ayuno ka at umiyak para sa bata habang nabubuhay pa siya, pero nang namatay ang bata, bumangon ka at kumain.” Sumagot si David, “Habang buhay pa ang bata nag-ayuno ako at umiyak. Sinabi ko, 'Sinong nakakaalam kung kaaawaan ako ni Yahweh o hindi na maaaring mabuhay ang bata?' Pero ngayon patay na siya, bakit pa ako mag-ayuno? Maibabalik ko ba siyang muli? Pupunta ako sa kaniya, pero hindi siya babalik sa akin.”
- Ilang araw nagluksa at nag-ayuno si Nehemias sa balita tungkol sa JerusalemNeh 1:4
Ang mga talata
Neh 1:4At nang marinig ko ang mga salitang ito, ako ay umupo at umiyak, at ilang araw akong patuloy na nagdalamhati at nag-ayuno at nanalangin sa harap ng Diyos ng langit.
- Hindi kumain at hindi uminom si Ezra, nagluluksaEzra 10:6
Ang mga talata
Ezra 10:6At tumayo si Ezra mula sa harap ng bahay ng Diyos at pumunta sa mga silid ni Jehohanan na anak ni Eliasib. Hindi siya kumain ng anumang tinapay at uminom ng anumang tubig, yamang siya ay nagluluksa tungkol sa kawalan ng pananampalataya ng mga nanggaling sa pagkakabihag.
- Nag-ayuno ang mang-aawit na nakasako nang magkasakit ang ibaAwit 35:13
Ang mga talata
Awit 35:13Pero, nang maysakit sila, nagsuot ako ng sako; nag-ayuno ako para sa kanila na nakatungo ang aking dibdib.
Sa panganib at kagipitan
- Esther: “Huwag kayong kumain o uminom nang tatlong araw”Est 4:16
Ang mga talata
Est 4:16“Pumunta ka, tipunin mo ang lahat ng mga Judio na naninirahan sa Susa, at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom ng tatlong araw, gabi o araw. Ako at ang aking mga kabataang babae ay mag-aayuno sa parehong paraan. Pagkatapos pupunta ako sa hari, kahit na labag ito sa batas. At kung ako ay mamatay, ako ay mamamatay.”
- Nagpahayag si Jehoshafat ng pag-aayuno sa buong Juda2 Cro 20:3
Ang mga talata
2 Cro 20:3Natakot si Jehoshafat at itinalaga niya ang kaniyang sarili upang hanapin si Yahweh. Nagpahayag siya ng pag-aayuno sa buong Juda.
- Nagpahayag si Ezra ng pag-aayuno sa Lagusan ng Ahava para sa ligtas na paglalakbayEzra 8:21–23
Ang mga talata
Ezra 8:21–23Pagkatapos nagdeklara ako ng pag-aayuno sa Lagusan ng mga Ahava upang magpakumbaba kami sa harap ng Diyos, upang humingi ng tuwid na landas mula sa kaniya para sa amin, sa aming mga anak, at sa lahat ng aming mga ari-arian. Nahiya akong humingi sa hari ng hukbo o mga mangangabayo para ipagtanggol kami laban sa mga kaaway sa aming daraanan, yamang sinabi namin sa hari, 'Ang kamay ng aming Diyos ay nasa lahat ng humahanap sa kaniya para sa kabutihan, ngunit ang kaniyang kapangyarihan at poot ay nasa lahat ng sinumang nakakalimot sa kaniya.' Kaya nag-ayuno kami at humingi sa Diyos tungkol dito, at nagmakaawa kami sa kaniya.
- Umiyak at nag-ayuno ang Israel sa Bethel sa digmaan laban sa BenjaminHuk 20:26
Ang mga talata
Huk 20:26Pagkatapos ang lahat mga sundalo ng Israel at lahat ng mga tao ay pumunta ng Bethel at umiyak, at doon sila ay umupo sa harapan ni Yahweh at sila ay nag-ayuno sa araw na iyon hanggang gabi at nag handog ng mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa harapan ni Yahweh.
- Sa Mizpa nagbuhos ng tubig ang mga tao at nag-ayuno1 Sam 7:6
Ang mga talata
1 Sam 7:6Nagtipon sila sa Mizpa at sumalok ng tubig at ibinuhos ito sa harapan ni Yahweh. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabing, “Nagkasala kami laban kay Yahweh.” Doon pinagpasiyahan ni Samuel ang mga alitan ng mga tao ng Israel at pinangunahan ang mga tao.
- Nagtipon ang Israel na nag-aayuno, nakasako, may alikabok sa uloNeh 9:1
Ang mga talata
Neh 9:1Ngayon sa ika-dalawampu't-apat na araw ng parehong na buwan, ang bayan ng Israel ay nagpulong at sila ay nag-ayuno, at nagsuot sila ng telang sako, at naglagay ng alikabok sa kanilang mga ulo.
- Pinunit ni Ahab ang kaniyang damit, nagsuot ng sako at nag-ayuno1 Hari 21:27
Ang mga talata
1 Hari 21:27Nang marinig ni Ahab ang mga salitang ito, pinunit niya ang kaniyang kasuotan at nagsuot ng damit na sako sa kaniyang katawan at nag-ayuno, at nahiga na nakadamit ng sako at naging labis na malungkot.
- Ipinahayag ang pag-aayuno sa Jerusalem sa panahon ni JehoiakimJer 36:9
Ang mga talata
Jer 36:9Nangyari ito sa ika-limang taon at ika-siyam na buwan ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, na ang lahat ng mga tao sa Jerusalem at ang mga tao na dumating sa Jerusalem sa mga lungsod ng Juda na nagpahayag ng pag-aayuno sa pagpaparangal kay Yahweh.
- Nag-ayuno buong gabi si Haring Dario habang kasama ni Daniel ang mga leonDan 6:18
Ang mga talata
Dan 6:18Pagkatapos, pumunta ang hari sa kaniyang palasyo at magdamag siyang nag-ayuno. Walang mang-aaliw na dinala sa harapan niya at hindi siya nakatulog.
- Nanalangin si Daniel na may pag-aayuno, sako at aboDan 9:3
Ang mga talata
Dan 9:3Iniharap ko ang aking mukha sa Panginoong Diyos, upang hanapin siya sa pamamagitan ng panalangin at mga kahilingan, ng pag-aayuno, at pagsuot ng magaspang na tela at pag-upo sa mga abo.
- Tatlong linggong hindi kumain si Daniel ng masasarap na pagkain, karne o alakDan 10:2–3
Ang mga talata
Dan 10:2–3Sa mga araw na iyon akong si Daniel ay tumatangis ng tatlong linggo. Hindi ako kumain ng masasarap na pagkain, hindi ako kumain ng karne, hindi ako uminom ng alak, at hindi ko pinahiran ng langis ang aking sarili hanggang sa matapos ang buong tatlong linggo.
- Nag-ayuno ang Ninive na nakasako — pati ang mga bakahan at kawanJon 3:5–8
Ang mga talata
Jon 3:5–8Ang mga tao sa Ninive ay naniwala sa Diyos at nagpahayag sila ng isang pag-aayuno. Nagsuot silang lahat ng magaspang na tela, mula sa pinakamatasas sa kanila hanggang sa pinakamababa sa kanila. Madaling nakarating ang balita sa hari ng Ninive. Tumayo siya mula sa kaniyang trono, hinubad ang kaniyang balabal, tinakpan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at umupo sa mga abo. Nagpadala siya ng isang pahayag na nagsasabing, “Sa Ninive, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hari at kanyang mga tauhang maharlika, huwag hayaan na ang tao man ni hayop, pangkat ng mga hayop ni kawan, ay tumikim ng anuman. Huwag silang hayaang kumain ni uminom ng tubig. Ngunit hayaan ang kapwa tao at hayop ay matakpan ng magaspang na tela at hayaan silang sumigaw nang malakas sa Diyos. Hayaan ang bawat isa na tumalikod mula sa kanyang masamang gawi at mula sa karahasang nasa kanyang mga kamay.
- Pinagbawalan ni Saul ang kaniyang mga kawal na kumain bago gumabi1 Sam 14:24
Ang mga talata
1 Sam 14:24Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.
- Sumumpa ang mga kaaway ni Pablo na hindi kakain hangga’t hindi siya napapatayGawa 23:12
Ang mga talata
Gawa 23:12Kinaumagahan, may ilang mga Judio ang gumawa ng kasunduan at sinumpa sa kanilang sarili: sinabi nila na hindi sila kakain o iinom ng kahit ano hangga't hindi nila mapatay si Pablo.”
Apatnapung araw
- Si Moises, apatnapung araw at gabi na walang tinapay at tubigExo 34:28, Deut 9:9, Deut 9:18
Ang mga talata
Exo 34:28Naroon si Moises kasama si Yahweh ng apatnapung araw at gabi; hindi siya kumain ng kahit anong pagkain o uminom ng tubig. Isinulat niya sa mga tipak ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.
Deut 9:9Nang umakyat ako sa bundok para tanggapin ang mga tipak na bato, ang mga tipak ng tipan na ginawa ni Yahweh kasama ninyo, nanatili ako sa bundok ng apatnapung araw at apatnapung gabi; ni hindi ako kumain ng tinapay o uminom ng tubig.
Deut 9:18Muli akong nagpatirapa sa harapan ni Yahweh ng apatnapung araw at apatnapung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig, dahil sa lahat kasalanang ginawa ninyo, sa paggawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, para galitin siya.
- Naglakad si Elias nang apatnapung araw sa lakas ng isang kain1 Hari 19:8
Ang mga talata
1 Hari 19:8Kaya siya ay tumayo at kumain at uminom, at naglakbay siya sa lakas na mula sa pagkain sa apatnapung araw at apatnapung gabi sa Horeb, na bundok ng Diyos.
- Nag-ayuno si Jesus nang apatnapung araw at apatnapung gabiMat 4:2
Ang mga talata
Mat 4:2Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.
Mga kaugalian
- Araw ng Pagbabayad-sala: “magpakumbaba kayo”Lev 16:29
Ang mga talata
Lev 16:29Palaging magiging isang tuntunin ito para sa inyo na sa ikapitong buwan, sa ikasampung araw ng buwan, dapat niyong magpakumbaba at walang gagawing trabaho, maski isang katutubo o isang dayuhan na namumuhay sa inyo.
- Mga pag-aayuno sa ikaapat, ikalima, ikapito at ikasampung buwanZac 7:5, Zac 8:19
Ang mga talata
Zac 7:5“Magsalita ka sa lahat ng tao sa lupa at sa mga pari, sabihin mo, 'Nang nag-ayuno at nagdalamhati kayo sa ikalima at ikapitong buwan sa loob ng pitumpung taon na ito, nag-aayuno ba talaga kayo para sa akin?
Zac 8:19“Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Ang mga pag-aayuno sa ika-apat na buwan, sa ika-limang buwan, sa ika-pitong buwan, at sa ika-sampung buwan ay magiging panahon ng kagalakan, kasiyahan, at masayang pagdiriwang para sa sambahayan ng Juda! Kaya ibigin ang katotohanan at kapayapaan!''''
- Isaias: pag-aayunong may kasamang makatarungang pakikitungo sa mga manggagawaIsa 58:3–7
Ang mga talata
Isa 58:3–7Bakit tayo nag-ayuno; sinabi nila, “pero hindi ninyo nakikita ito? Bakit tayo nagpakumbaba, pero hindi ninyo napapansin?” Pagmasdan ninyo, sa araw ng inyong pag-aayuno ang sarili ninyong kasiyahan ang inyong hinahanap at pinapahirapan ang lahat ng inyong mga manggagawa. Pagmasdan ninyo, kayo ay nag-aayuno para makipag-away at makipag-laban, at para sumuntok sa pamamagitan ng inyong kamaong makasalanan; hindi kayo nag-aayuno ngayon para marinig ang inyong tinig sa kaitaasan. Ito ba talaga ang uri ng pag-aayuno na ninanais ko: Isang araw para sinuman ang magpakumbaba, para iyuko niya ang kaniyang ulo tulad ng isang tambo, at para ilatag ang magaspang na tela at mga abo sa ilalim niya? Ito ba talaga ang tinatawag mong isang pag-aayuno, isang araw na nakalulugod kay Yahweh? Hindi ba ito ang pag-aayuno na pinili ko: na palayain ang mga masamang pagkakagapos, na kalagin ang mga lubid ng pamatok, na palayain ang mga dinurog, at baliin ang bawat pamatok? Hindi ba ito para ipamahagi ang inyong tinapay sa nagugutom at dalhin ang dukha at walang tahanan sa inyong bahay?” Kapag nakakita kayo ng isang taong nakahubad, dapat ninyo siyang bihisan; at hindi ninyo dapat itago ang inyong sarili mula sa sarili ninyong mga kamag-anak.
- Sumamba si Ana gabi’t araw, nag-aayuno at nananalanginLuc 2:37
Ang mga talata
Luc 2:37at pagkatapos ay balo ng walumpu't apat na taon. Hindi siya kailanman umalis sa templo at patuloy siyang sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin, gabi at araw.
- Isang Pariseo: “Nag-aayuno ako nang dalawang beses sa isang linggo”Luc 18:12
Ang mga talata
Luc 18:12Nag-aayuno ako ng dalawang beses bawat linggo. Ibinibigay ko ang ikapu ng lahat ng aking nakukuha.'
- Bakit nag-aayuno ang mga alagad ni Juan, pero hindi ang mga alagad ni Jesus?Mat 9:14–15
Ang mga talata
Mat 9:14–15Pagkatapos ay pumunta ang mga alagad ni Juan sa kaniya at sinabi, bakit kami at ang mga Pariseo ay madalas na nag-aayuno, ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno? Sinabi ni Jesus sa kanila, “Malungkot ba ang mga panauhin habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Ngunit darating ang mga araw na kukunin na sa kanila ang lalaking ikakasal at saka sila mag-aayuno.
- Jesus: kapag nag-aayuno kayo, hugasan ang inyong mukhaMat 6:16–18
Ang mga talata
Mat 6:16–18Bukod doon, kung mag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang nagdadalamhati katulad ng ginagawa ng mga mapagpanggap, sapagkat dinudungisan nila ang kanilang mga mukha upang makita ng mga taong nag-aayuno sila. Totoo itong sasabihin ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit ikaw, kung mag-aayuno ka, lagyan mo ng langis ang iyong ulo at maghilamos ka. Sa ganoon ay hindi ka mapansin ng mga tao na nag-aayuno, ngunit sa iyong Ama na nasa lihim lamang. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa lihim.
- Hindi kumain at hindi uminom si Saulo na taga-Tarso nang tatlong arawGawa 9:9
Ang mga talata
Gawa 9:9Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom.
- Nag-ayuno ang iglesia sa Antioquia bago isugo sina Bernabe at SauloGawa 13:2–3
Ang mga talata
Gawa 13:2–3Habang sumasamba at nag-aayuno sila sa Diyos, sinabi ng Banal na Espiritu, “Ihiwalay ninyo para sa akin sina Bernabe at Saul, upang gawin ang gawain kung saan ko sila tinawag.” Pagkatapos na ang kapulungan ay mag-ayuno, manalangin at magpatong ng kanilang mga kamay sa mga lalaking ito, sila ay kanilang sinugo.
- Hinirang ang mga nakatatanda na may panalangin at pag-aayunoGawa 14:23
Ang mga talata
Gawa 14:23Nang makapagtalaga sila ng mga nakatatanda sa bawat kapulungan ng mga mananampalataya, at makapanalangin na may pag-aayuno, ipinagkatiwala nila sila sa Panginoon na kanilang pinaniniwalaan.
- Madalas walang makain si Pablo2 Cor 11:27
Ang mga talata
2 Cor 11:27Ako ay nakaranas ng matinding trabaho at paghihirap, mga gabi na walang tulog, madalas na nagugutom at nauuhaw, madalas na nag-aayuno, giniginaw at walang maisuot.
- Naging mapanganib ang paglalayag pagkatapos ng “Pag-aayuno”Gawa 27:9
Ang mga talata
Gawa 27:9Maraming panahon na ang lumipas sa amin, ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio ay lumipas na rin at naging mapanganib na ang maglayag. Kaya binalaan sila ni Pablo,
- Labing-apat na araw na walang kinain ang mga kasama ni Pablo sa barkoGawa 27:33
Ang mga talata
Gawa 27:33Nang mag-uumaga na, pinakiusapansilang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Ngayon ang ikalabing-apat na araw na naghintay kayo at hindi kumain; wala kayong kinain na anuman.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0