Tuklasin › Mga paksa › Kasalan at pag-aasawa
Pang-araw-araw na buhay
Kasalan at pag-aasawa sa Bibliya
53 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Mga kaugalian
- Ang mga magulang ang humahanap ng mapapangasawa ng kanilang mga anak na lalakiGen 21:21, Gen 24:3–4, Gen 28:1–2, Jer 29:6
Ang mga talata
Gen 21:21Namuhay siya sa ilang ng Paran, at kumuha ng mapapangasawa niya ang kaniyang ina mula sa lupain ng Ehipto.
Gen 24:3–4at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan. Ngunit pumunta ka sa aking bansa, at sa aking mga kamag-anak, at kumuha ng isang asawa para sa aking anak na si Isaac.”
Gen 28:1–2Tinawag ni Isaac si Jacob, pinagpala siya at inutusan, “Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihang taga-Cananeo. Tumayo ka, pumunta ka sa Paddan-aram, sa bahay ni Bethuel na ama ng iyong ina, at kumuha ka ng asawa mula roon, sa isa sa mga anak ni Laban, na kapatid ng iyong ina.
Jer 29:6kumuha kayo ng mapapangasawang babae at magsilang ng mga anak na lalaki at babae. At kumuha kayo ng mga asawang babae para sa inyong mga anak na lalaki at ibigay ang inyong mga anak na babae sa mga asawang lalaki. Hayaan ninyong magsilang sila ng mga anak na lalaki at babae at magparami kayo roon upang sa gayon, hindi kayo maging napakaunti.
- Hiniling ni Samson sa kaniyang mga magulang na kunan siya ng asawang FilisteoHuk 14:2
Ang mga talata
Huk 14:2Nang bumalik siya, sinabihan niya ang kaniyang ama at ina, “May nakita akong isang dalaga sa Timna, isa sa mga dalagang babae ng mga Filestia. Ngayon kunin ninyo siya para sa maging aking asawa.”
- Tinanong si Rebeca: “Sasama ka ba sa lalaking ito?”Gen 24:57–58
Ang mga talata
Gen 24:57–58Sinabi nila, “Tatawagin namin ang dalaga at tatanungin siya.” Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong siya, “Sasama ka ba sa lalaking ito?” Sumagot siya, “Sasama ako.”
- Nagtalukbong si Rebeca ng kaniyang belo nang makita si IsaacGen 24:65
Ang mga talata
Gen 24:65Sinabi niya sa lingkod, sino iyong lalaking naglalakad sa bukid upang salubungin tayo?” Sinabi ng lingkod, “Iyon ang aking amo.” Kaya kinuha niya ang kanyang belo, at tinakpan ang sarili.
- Mga hiyas at kasuotan para sa nobya, mga regalo para sa kaniyang pamilyaGen 24:53
Ang mga talata
Gen 24:53Inilabas ng lingkod ang mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto, at damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Nagbigay din siya ng mga mamahaling regalo sa kapatid niyang lalaki at sa kanyang ina.
- Nagbabayad ng dote sa ama ng nobyaGen 34:12, Exo 22:16–17
Ang mga talata
Gen 34:12Hingiin ninyo sa akin gaano man kalaki ang dote at ragalong naisin ninyo, at ibibigay ko ang anumang sabihin ninyo sa akin, ngunit ibigay ninyo ang dalaga bilang asawa.”
Exo 22:16–17Kung inaakit ng isang lalaki ang isang babaeng birhen na wala pang kasunduang magpakasal at kung siya ay kaniyang sinipingan, dapat siguraduhin niyang gawing asawa ang babae sa pamamagitan ng pagbabayad ng kasal-kayamanan na kinakailangan para dito. Kung ang kaniyang ama ay ganap na tumangging ibigay siya sa lalaki, ang lalaki ay dapat magbayad ng pera katumbas sa bayad-kayamanan ng mga birhen.
- Laban: hindi namin kaugalian na ipakasal ang nakababata bago ang nakatatandaGen 29:26
Ang mga talata
Gen 29:26Sinabi ni Laban, “Hindi namin kaugalian na ibigay ang nakababatang anak na babae bago ang panganay.
- Isang linggong pagdiriwang ng kasalGen 29:22, Gen 29:27–28
Ang mga talata
Gen 29:22Kaya tinipon ni Laban ang lahat ng mga lalaki sa lugar at nagpista.
Gen 29:27–28Tapusin mo ang isang linggong kasalan sa anak kong ito, at ibibigay rin namin sa iyo ang isa bilang kapalit ng iyong paninilbihan sa akin ng karagdagang pitong taon.” Kaya ginawa iyon ni Jacob, at natapos ang isang linggo para kay Lea. Pagkatapos ay ibinigay ni Laban sa kanya si Raquel bilang kanyang asawa rin.
- Nagbigay ang lalaking ikakasal ng pitong araw na piging na may tatlumpung kasamaHuk 14:10–12
Ang mga talata
Huk 14:10–12Bumaba ang ama ni Samson sa lugar kung saan nakatira ang babae, at nagbigay si Samson ng isang kapistahan doon, dahil kaugalian ito ng mga binatang kalalakihan. Pagkakita ng mga kamag-anak niya sa kaniya, nagdala sila sa kaniya ng kanilang tatlumpung mga kaibigan para dumalo sa kaniya. Sinabi ni Samson sa kanila, “Hayaan ninyo na magsabi ako ng isang bugtong. Kung isa sa inyo ang makaalam nito at sabihin sa akin ang sagot sa loob ng pitong araw ng kapistahan, magbibigay ako ng tatlumpung mga linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit.
- Mga alahas ng nobya at ang kaniyang pamigkis sa kasalJer 2:32, Isa 61:10
Ang mga talata
Jer 2:32Makakalimutan ba ng isang birhen ang kaniyang alahas, o ang talukbong ng babaing ikakasal? Ngunit nakalimutan na ako ng aking mga tao sa hindi na mabilang na mga araw!
Isa 61:10Ako ay lubos na magagalak kay Yahweh; sa aking Diyos ako ay labis na magsasaya. Dahil ako ay binihisan niya ng mga kasuotan ng kaligtasan; binihisan niya ako ng may balabal ng katuwiran, tulad ng isang lalaking ikakasal na ginagayakan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang turban, at tulad ng isang babaeng ikakasal na nagpapaganda sa kaniyang sarili ng kaniyang mga hiyas.
- Isang prinsesang nakadamit na may burdang ginto, kasama ang kaniyang mga dalagaAwit 45:13–14
Ang mga talata
Awit 45:13–14Ang maharlika na anak na babae sa palasyo ay lahat maluwalhati; ang kaniyang kasuotan ay ginto ang palamuti. Dadalhin siya sa hari na may binurdahang damit, ang mga birhen, ang mga kasama niyang sumusunod sa kanya ay dadalhin sa iyo.
- Ang korona ni Solomon mula sa kaniyang ina sa araw ng kaniyang kasalAwS 3:11
Ang mga talata
AwS 3:11Lumabas kayo, mga dalaga ng bayang Sion, at masdang mabuti si Haring Solomon, suot-suot ang korona na siyang ikinorona sa kaniya ng kaniyang ina sa araw ng kaniyang kasal, doon sa masayang araw ng kaniyang buhay.
- Napuno ang mga lansangan ng tinig ng nobya at ng lalaking ikakasalJer 7:34
Ang mga talata
Jer 7:34Wawakasan ko ang mga lungsod ng Juda at ang mga lansangan ng Jerusalem, ang mga himig ng pagpaparangal at pagsasaya, ang mga himig ng mga lalaki at babaing ikakasal, yamang magiging isang malagim ang lupain.”
- Sampung dalaga na may ilawan ang lumabas upang salubungin ang lalaking ikakasal (talinghaga)Mat 25:1–6
Ang mga talata
Mat 25:1–6Ang kaharian ng langit ay magiging katulad ng sampung birhen na nagdala ng kanilang mga ilawan at pumuntang sumalubong sa lalaking ikakasal. Ang lima sa kanila ay hangal at ang lima ay matatalino. Sapagkat noong dinala ng limang hangal na birhen ang kanilang mga ilawan, hindi sila nagdala ng karagdagang langis. Ngunit yung limang matatalinong birhen ay nagdala ng mga langis sa lalagyan kasama ng kanilang ilawan. Ngayon habang naantala ang lalaking ikakasal, lahat sila ay inantok at nakatulog. Ngunit noong hating gabi na ay may sumigaw, 'Tingnan ninyo ang lalaking ikakasal! Pumunta na kayo at salubungin siya.'
- Inaasahang nakadamit-pangkasal ang mga panauhin (talinghaga)Mat 22:11–12
Ang mga talata
Mat 22:11–12Subalit nang dumating ang hari upang tingnan ang mga panauhin, nakakita siya ng tao na hindi nakasuot ng pangkasal na kasuotan. Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao.
- Kasal na sinaksihan ng mga nakatatanda sa tarangkahan ng lungsodRut 4:9–11
Ang mga talata
Rut 4:9–11Pagkatapos sinabi ni Boaz sa mga nakatatanda at sa lahat ng mga tao, “Kayo ang mga saksi sa araw na ito na nabili ko ang lahat ng dating kay Elimelek at lahat ng dating kay Quelion at Mahlon mula sa kamay ni Naomi. Bukod dito tungkol kay Ruth na Moabita, ang asawa ni Mahlon: nakuha ko rin siya na maging aking asawa, sa utos para maitaas ko ang pangalan ng namatay na lalaki sa kaniyang pamana, kaya ang kaniyang pangalan ay hindi mapuputol mula sa gitna ng kaniyang mga kapatid at mula sa tarangkahan ng kaniyang lugar. Kayo ang mga saksi ngayon.” Sinabi ng lahat ng mga tao na nasa tarangkahan at mga nakatatanda, “Kami ang mga saksi. Gawin nawa ni Yahweh ang babae na pumasok sa iyong bahay tulad nina Raquel at Lea, ang dalawa na nagtayo ng bahay sa Israel. Magtagumpay ka nawa sa Efrata at maging kilala sa Betlehem.
- Tinawag na asawa ni Maria si Jose habang sila ay nakatakda pa lamang ikasalMat 1:18–19, Luc 1:27
Ang mga talata
Mat 1:18–19Naganap ang kapanganakan ni Jesu-Cristo sa ganitong kapamaraanan. Si Maria na kaniyang ina ay naipagkasundong maikasal kay Jose. Ngunit bago pa man sila magsama, nalamang nagdadalang tao siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Si Jose na asawa niya ay isang matuwid na tao, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria sa mga tao. Kaya palihim niyang tinapos ang kasunduan niyang magpakasal sa kaniya.
Luc 1:27sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa lalaking nagngangalang Jose. Siya ay kabilang sa angkan ni David at ang pangalan ng birhen ay Maria.
Sa Kautusan
- Malaya sa digmaan nang isang taon ang bagong kasal na lalakiDeut 24:5
Ang mga talata
Deut 24:5Kapag ang lalaki ay kumuha ng bagong asawa, hindi siya sasama sa labanan kasama ang hukbo, ni utusan ng sapilitang tungkulin; siya ay malaya na nasa kaniyang bahay sa loob ng isang taon at magpapasaya sa kaniyang asawa na kaniyang kinuha.
- Pinakakasalan ng lalaki ang balo ng kaniyang kapatid na walang anakDeut 25:5–10, Gen 38:8, Mar 12:19
Ang mga talata
Deut 25:5–10Kung ang magkapatid na lalaki ay magkasamang namumuhay at namatay ang isa sa kanila, na hindi nagkaroon ng anak, sa gayon ang asawa ng namatay na lalaki ay hindi dapat ipakasal sa ibang tao sa labas ng pamilya. Sa halip, ang kapatid ng kaniyang asawa ay dapat siyang sipingan at kunin siya sa kaniyang sarili bilang kaniyang asawa, at gawin ang tungkulin ng kaniyang kapatid bilang asawa niya. Para ang unang niyang ipanganak ang papalit sa pangalan ng namatay na kapatid ng lalaking iyon, para ang pangalan niya ay hindi maglaho mula sa Israel. Pero kung ang lalaki ay hindi nais kunin ang asawa ng kaniyang kapatid para sa kaniyang sarili, kung gayon ang asawa ng kapatid ay dapat umakyat sa tarangkahan sa mga nakatatanda at sabihin, 'Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging tumayo para sa pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang gampanan ang tungkulin ng isang kapatid ng asawa para sa akin.' Pagkatapos ang mga nakatatanda ng kaniyang lungsod ay dapat siyang tawagin at kausapin siya. Pero ipagpalagay na magpumilit siya at sabihin, Hindi ko nais na kunin siya.' Sa gayon ang asawa ng kapatid niya ay dapat pumunta sa kaniya sa presensya ng mga nakatatanda, hubarin ang kaniyang sandalyas mula sa kaniyang paa, at duraan ang kaniyang mukha. Dapat niya siyang sagutin at sabihan, 'Ito ang ginagawa sa lalaking hindi itataguyod ang bahay ng kaniyang kapatid.' Ang kaniyang pangalan ay tatawagin sa Israel, 'Ang bahay niya na ang sandalyas ay hinubad.'
Gen 38:8Sinabi ni Juda kay Onan, “Sumiping ka kasama ng asawa ng iyong kapatid na lalaki. Gawin mo ang tungkulin bilang isang kapatid na lalaki, at palakihin mo ang isang bata para sa iyong kapatid.
Mar 12:19“Guro, sumulat si Moises para sa atin, 'Kung namatay ang kapatid na lalaki ng isang lalaki at maiwan niya ang asawa, ngunit walang anak, kailangang kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng mga anak para sa kaniyang kapatid.'
- Dapat mag-asawa ang mga anak na babae ni Zelofehad sa loob ng lipi ng kanilang amaBil 36:6–8
Ang mga talata
Bil 36:6–8Ito ang inuutos ni Yahweh patungkol sa mga anak na babae ni Zelofehad. Sinabi niya, 'Hayaan silang magpakasal sa sinumang inaakala nilang pinakamabuti, subalit dapat lamang silang magpakasal sa loob ng lipi ng kanilang ama.' Walang kabahagi ng mga tao ng Israel ang dapat lumipat mula sa isang tribu tungo sa iba. Dapat magpatuloy ang bawat isa sa mga tao ng Israel sa kabahagi ng tribu ng kaniyang mga ninuno. Bawat babae sa mga tao ng Israel na nagmamay-ari ng kabahagi sa kaniyang tribu ay dapat mag-asawa mula sa angkang nabibilang sa tribu ng kaniyang ama. Ito ay upang bawat isa sa mga tao ng Israel ay magmay-ari ng pamana mula sa mga ninuno niya.
- Hindi maaaring mag-asawa ang mga pari ng babaeng hiniwalayanLev 21:7, Lev 21:13–14
Ang mga talata
Lev 21:7Hindi sila dapat mag-asawa ng sinumang babaeng bayaran at nadungisan, at hindi sila dapat mag-asawa ng isang babaeng hiwalay mula sa kaniyang asawa, sapagkat ibinukod sila para sa kanilang Diyos.
Lev 21:13–14Dapat mag-asawa ang punong pari ng isang birhen bilang kanyang asawa. Hindi siya dapat mag-asawa ng isang balo, isang babaeng hiwalay sa asawa, o isang babaeng bayaran. Hindi siya dapat mag-asawa ng ganitong mga uri ng babae. Maaari lang siyang mag-asawa ng isang birhen mula sa kaniyang sariling lahi.
- Ang babaeng bihag ay magluluksa muna nang isang buong buwan para sa kaniyang mga magulangDeut 21:10–13
Ang mga talata
Deut 21:10–13Kapag kayo ay lalabas para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway at ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tagumpay at inilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala, dapat ninyo silang dalhin bilang mga bihag. Kung may makita kayo sa mga bihag na isang magandang babae, at nagkagusto kayo sa kaniya at ninais ninyo siyang kunin para maging sarili ninyong asawa, pagkatapos iuuwi ninyo siya sa inyong bahay, aahitan niya ang kaniyang ulo at puputulin ang kaniyang mga kuko. Huhubarin niya ang suot-suot niyang mga damit nang siya ay bihagin, at siya ay mananatili sa inyong tahanan at magluluksa para sa kaniyang ama at kaniyang ina ng isang buong buwan. Pagkatapos nito maaari ka nang matulog kasama niya at magiging kaniyang asawa, at siya ay magiging iyong asawa.
- Sinabihan ang mga Israelita na huwag makipag-asawahan sa mga bansa ng CanaanDeut 7:3
Ang mga talata
Deut 7:3Ni naisin ninyo na makipag-ayos ng kasal sa kanila; hindi ninyo ibibigay ang inyong mga anak na mga babae sa kanilang mga anak na lalaki, at hindi ninyo kukunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki.
Mga halimbawa
- Napangasawa ni Abraham si Sarah, ang kapatid niya sa amaGen 11:29, Gen 20:12
Ang mga talata
Gen 11:29Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah.
Gen 20:12Bukod pa rito, tunay na siya ay kapatid ko, ang anak na babae ng aking ama, pero hindi anak ng aking ina; at siya ay aking naging asawa.
- Minahal ni Isaac si Rebeca at naaliw siya matapos mamatay ang kaniyang inaGen 24:67
Ang mga talata
Gen 24:67Pagkatapos dinala ni Isaac si Rebeca sa loob tolda ng kanyang inang si Sara at kinuha si Rebeca, at siya ay naging kanyang asawa, at siya ay minahal niya. Kaya naginhawahan si Isaac matapos ang kamatayan ng kanyang ina.
- Pitong taong naglingkod si Jacob para kay Raquel; tila ilang araw lamang ang mga itoGen 29:18–20
Ang mga talata
Gen 29:18–20Minahal ni Jacob si Raquel, kaya sinabi niya, “Maninilbihan ako sa iyo ng pitong taon para kay Raquel, ang iyong nakababatang anak na babae.” Sinabi si Laban, “Mas mabuti na ibigay ko siya sa iyo, kaysa ibigay ko siya sa ibang lalaki. Manatili ka sa akin.” Kaya naninilbihan si Jacob ng pitong taon para kay Raquel; at tila ang mga ito ay parang iilang araw lamang sa kanya, dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya.
- Ibinigay muna kay Jacob si Lea, saka si RaquelGen 29:21–28
Ang mga talata
Gen 29:21–28Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Laban, “Ibigay mo na ang aking asawa, dahil ang mga araw ko ay natapos na—para mapakasalan ko na siya!” Kaya tinipon ni Laban ang lahat ng mga lalaki sa lugar at nagpista. Kinagabihan, kinuha ni Laban si Lea na kanyang anak at dinala kay Jacob, na siyang sumiping sa kanya. Binigay rin ni Laban ang kanyang babaeng lingkod na si Zilpa sa kanyang anak na si Lea, para maging lingkod niya. Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, “Ano ba itong ginawa mo sa akin?” Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?” Sinabi ni Laban, “Hindi namin kaugalian na ibigay ang nakababatang anak na babae bago ang panganay. Tapusin mo ang isang linggong kasalan sa anak kong ito, at ibibigay rin namin sa iyo ang isa bilang kapalit ng iyong paninilbihan sa akin ng karagdagang pitong taon.” Kaya ginawa iyon ni Jacob, at natapos ang isang linggo para kay Lea. Pagkatapos ay ibinigay ni Laban sa kanya si Raquel bilang kanyang asawa rin.
- Ibinigay ni Caleb ang anak niyang si Acsa sa lalaking sasakop sa Kiriat SeperHuk 1:12–13
Ang mga talata
Huk 1:12–13Sinabi ni Caleb, “Sinuman ang sumalakay sa Kiriat Sefer at kunin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa, ang aking anak na babae, para kaniyang maging asawa.” Si Otniel na anak na lalaki ni Kinaz (nakababatang kapatid ni Caleb) ay binihag ang Debir, kaya binigay ni Caleb si Acsa, ang kaniyang anak na babae, para maging asawa niya.
- Ipinangako ni Saul ang kaniyang anak na babae sa lalaking papatay kay Goliat1 Sam 17:25, 1 Sam 18:17
Ang mga talata
1 Sam 17:25Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel, “Nakita ba ninyo ang taong dumating dito? Naparito siya upang hamunin ang Israel. At bibigyan ng hari ng maraming kayamanan ang taong makakapatay sa kanya, ibibigay sa kanya ang kanyang anak na babae para mapangasawa, at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel.”
1 Sam 18:17Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Narito ang aking panganay na anak na babae, si Merab. Ibibigay ko siya sa iyo bilang asawa. Magpakatapang ka lamang para sa akin at lumaban sa labanan ni Yahweh.” Sapagkat inisip ni Saul, “Huwag hayaang pagbuhatan ko siya ng kamay, ngunit hayaang pagbuhatan siya ng kamay ng mga taga-Filisteo.”
- Humingi si Saul ng sandaang balat ng pinagtulian ng Filisteo; nagdala si David ng dalawandaan1 Sam 18:25–27, 2 Sam 3:14
Ang mga talata
1 Sam 18:25–27At sinabi ni Saul, “Ganito ang inyong sasabihin kay David, 'Hindi naghahangad ang hari ng anumang dote, isang daang pinagtulian ng mga Filisteo lamang, upang mapaghigantihan ang mga kaaway ng hari.”' Ngayon iniisip ni Saul na mahulog si David sa kamay ng mga Filisteo. Nang sinabi ng mga lingkod ang mga salitang ito kay David, nakalugod ito kay David na maging manugang ng hari. Bago lumipas ang mga araw na iyon, humayo si David kasama ang kanyang mga tauhan at pumatay ng dalawang daang Filisteo. Dinala ni David ang kanilang pinagtulian, at ibinigay ang mga ito ng buong bilang sa hari, upang maging manugang siya ng hari. Kaya ibinigay ni Saul ang kanyang anak na si Mical sa kanya bilang asawa.
2 Sam 3:14Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si David kay Isobet, anak na lalaki ni Saul, na nagsasabing, “Ibigay mo sa akin ang aking asawa na si Mical, na aking binayaran na nagkakahalaga ng isangdaang balat ng mga taga-Filisteo.”
- Kinuha ni Boaz si Ruth bilang asawa sa harap ng mga saksiRut 4:5, Rut 4:10
Ang mga talata
Rut 4:5Pagkatapos sinabi ni Boaz, “Sa araw na bilhin mo ang bukid mula sa kamay ni Naomi, kailangan mo ring kunin si Ruth na Moabita, ang asawa ng namatay na lalaki, sa utos para maitaas ang pangalan ng namatay sa kaniyang pamana.”
Rut 4:10Bukod dito tungkol kay Ruth na Moabita, ang asawa ni Mahlon: nakuha ko rin siya na maging aking asawa, sa utos para maitaas ko ang pangalan ng namatay na lalaki sa kaniyang pamana, kaya ang kaniyang pangalan ay hindi mapuputol mula sa gitna ng kaniyang mga kapatid at mula sa tarangkahan ng kaniyang lugar. Kayo ang mga saksi ngayon.”
- Kumuha ng mapapangasawa ang mga Benjamita mula sa mga mananayaw ng SiloHuk 21:21–23
Ang mga talata
Huk 21:21–23Bantayan ang pagkakataon kapag lumabas na ang mga kababahan para sumayaw mula sa Silo, magmadaling pumunta sa mga ubasan at dapat na kumuha ng isang asawa mula sa mga kababahan ng Silo ang bawat isa sa inyo, pagkatapos bumalik sa lupain ng Benjamin. Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae.”' Iyon nga ang ginawa ng mga tao ni Benjamin, kinuha nila ang bilang ng mga asawang kinakailangan nila mula sa mga kababaihan na sumasayaw, at sila ay dinala nila palayo para maging kanilang mga asawa. Sila ay umalis at bumalik sa lugar na kanilang minana; muli nilang itinayo ang mga bayan, at doon sila namuhay.
- Ginawang reyna ni Assuero si Esther at nagdaos ng piging para kay EstherEst 2:17–18
Ang mga talata
Est 2:17–18Higit na minamahal ng hari si Esther sa lahat ng mga babae, nakuha nito ang pabor at kabaitan sa harapan niya, higit sa lahat ng ibang mga birhen, kaya ipinatong niya ang maharlikang korona sa ulo nito at ginawa siyang reyna sa halip na si Vasthi. Nagbigay ang hari ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, “Handaan ni Esther,” at nagbigay siya ng kaluwagan mula sa pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo na may pangmaharlikang pagkabukas-palad.
- Bumili si Hosea ng isang babae sa halagang labinlimang siklong pilak at sebadaHos 3:2
Ang mga talata
Hos 3:2Kaya binili ko siya para sa aking sarili ng labinlimang pirasong pilak at ng isang homer at isang lethek ng sebada.
- Si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa isang kasalan sa CanaJuan 2:1–10
Ang mga talata
Juan 2:1–10Matapos ang tatlong araw, may kasalan sa Cana ng Galilea, at ang ina ni Jesus ay naroon. Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay naanyayahan sa kasalan. Nang maubos ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya, “Wala silang alak.” Sumagot si Jesus, “Babae, ano ang kinalaman niyan sa akin? Ang oras ko ay hindi pa dumarating.” Sinabi nang kaniyang ina sa mga lingkod, “Anumang sabihin niya sa inyo, gawin ninyo.” Ngayon mayroon doong anim na mga banga ng tubig na ginagamit sa seremonya ng paghuhugas ng mga Judio, na ang bawa't isa ay naglalaman ng may dalawa hanggang tatlong metretes. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Punuin ninyo ang banga ng tubig.” Kaya pinuno nila ang mga ito hanggang labi. Pagkatapos ay sinabi niya sa mga lingkod, “Kumuha kayo ng kaunti at ibigay sa punong tagapag-silbi.” Kaya ginawa nga nila. Tinikman ng punong tagapag-silbi ang tubig na naging alak, ngunit hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ito ng mga lingkod na kumuha ng tubig). Pagkatapos ay tinawag niya ang lalaking bagong kasal at sinabi sa kaniya, “Ang unang hinahain ng bawa't isa ay ang mainam na alak at pagkatapos ay ang murang alak kapag ang mga tao ay lasing na. Ngunit itinira mo ang napakainam na alak hanggang ngayon.”
- Isinasama ng mga apostol ang kanilang mga asawa sa kanilang paglalakbay1 Cor 9:5
Ang mga talata
1 Cor 9:5Wala ba kaming karapatan na isama ang aming mga asawa na isang mananampalataya, gaya ng ginagawa ng ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas?
Mga kasabihan sa Mga Kawikaan
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0