Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga magulang

Pang-araw-araw na buhay

Mga magulang sa Bibliya

42 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Mga paborito

  • Mahal ni Isaac si Esau; mahal ni Rebeca si JacobGen 25:28
    Ang mga talata
    Gen 25:28Ngayon minahal ni Isaac si Esau dahil nakakain nya ang mga hayop na kanyang nahuli, subalit si Rebeca ay minahal si Jacob.
  • Nagplano si Rebeca na makuha ang pagpapala ni Isaac para kay JacobGen 27:6–10
    Ang mga talata
    Gen 27:6–10Kinausap ni Rebeca si Jacob na kanyang anak at sinabi, “Tumingin ka rito, narinig kong kinausap ng iyong ama ang kapatid mong si Esau. Sinabi niya 'Dalhan mo ako ng pinangasong hayop at gawan ako ng masarap na pagkain, upang kainin ko ito at pagpapalain ka sa harap ni Yahweh bago ang aking kamatayan.' Kaya ngayon, anak ko, sundin mo ang tinig ko habang inuutusan kita. Pumunta ka sa kawan at dalhan mo ako ng dalawang batang kambing; at magluluto ako ng masarap na pagkain para sa ama mo, na katulad ng gusto niya. Dadalhin mo ito sa kanya para kainin upang ikaw ay pagpalain niya bago ang kanyang kamatayan.”
  • Ayaw ipadala ni Jacob si Benjamin, sa takot na mapahamak itoGen 42:4, Gen 42:38
    Ang mga talata
    Gen 42:4Ngunit si Benjamin, na kapatid ni Jose, ay hindi ipinasama ni Jacob sa kaniyang mga lalaking kapatid, dahil sinabi niya, “Baka may kapahamakang maaaring mangyari sa kanya.”
    Gen 42:38Sinabi ni Jacob, “Ang aking anak ay hindi pupunta pababa kasama ninyo. Dahil ang kanyang kapatid na lalaki ay patay na at siya na lamang ang mag-isang naiwan. Kapag may kapahamakang nangyari sa kanya sa daan kung saan kayo pupunta, tuluyan mo nang ibababa ang pagka-abo ng aking buhok kasama ng kalungkutan sa sheol.”

Pagmamahal at pag-aaruga

  • Naupo si Agar sa layong abot ng palaso, hindi matiis na makitang mamatay ang kaniyang anakGen 21:15–16
    Ang mga talata
    Gen 21:15–16Pagkaubos ng tubig sa lalagyang balat, iniwan niya ang bata sa ilalim ng isang mababang puno. Pagkatapos umalis siya at naupo sa di kalayuan mula sa kanya, na parang isang tudla ng pana ang layo, dahil ang sabi niya, “Huwag ko sanang makita ang kamatayan ng bata.” Habang nakaupo siya roon sa kabila ng bata, nilakasan niya ang kaniyang boses at humagulgol siya sa iyak.
  • Hiniling ng ina at kapatid ni Rebeca na manatili pa siya nang sampung arawGen 24:55
    Ang mga talata
    Gen 24:55Sinabi ng kanyang kapatid na lalaki at ng kanyang ina, “Hayaan mo munang manatili kasama namin ang dalaga ng mga ilang araw pa, kahit sampu. Pagkatapos niyan maaari na siyang umalis.”
  • Nanumbalik ang sigla ni Jacob nang marinig na buhay si JoseGen 45:26–28
    Ang mga talata
    Gen 45:26–28Sinabi nila sa kaniya, “Buhay pa si Jose at siya ang namumuno sa buong lupain ng Ehipto”. At ang kanyang puso ay namangha, sapagkat hindi niya sila pinaniniwalaan. Sinabi nila sa kanya ang lahat ng mga salita ni Jose na kanyang sinabi sa kanila. Muling nabuhay ang espiritu ni Jacob na kanilang ama nang makita ni Jacob ang mga karitela na ipinadala ni Jose na magdadala sa kanya,. Sinabi ni Israel, “Sapat na ito. Buhay pa ang aking anak na si Jose. Pupunta ako at makikipagkita sa kanya bago ako mamatay.”
  • Itinago si Moises ng kaniyang ina nang tatlong buwan, saka inilagay sa isang basketExo 2:2–3
    Ang mga talata
    Exo 2:2–3Nabuntis ang babae at nagsilang ng isang anak na lalaki. Nang makita niya na malusog ang bata, itinago niya ito ng tatlong buwan. Pero nang hindi na siya maitago nila, kumuha siya ng isang basket na papirus at sinelyohan ito ng aspalto at alkitran. Pagkatapos nilagay niya dito ang bata at inilagay ito sa mga tambo sa tubig sa tabi ng ilog.
  • Itinanong ni Manoa kung paano palalakihin ang batang isisilangHuk 13:8
    Ang mga talata
    Huk 13:8Pagkatapos nanalangin si Manoa kay Yahweh at sinabi, “O, Panginoon, pakiusap hayaan na muling bumalik ang tao ng Diyos para matuuruan niya kami kung ano ang aming gagawin para sa bata na ipapanganak sa madaling panahon.”
  • Tumutol ang mga magulang ni Samson sa asawang FilisteoHuk 14:2–3
    Ang mga talata
    Huk 14:2–3Nang bumalik siya, sinabihan niya ang kaniyang ama at ina, “May nakita akong isang dalaga sa Timna, isa sa mga dalagang babae ng mga Filestia. Ngayon kunin ninyo siya para sa maging aking asawa.” Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina at ama, “Wala na bang ibang mga babae na kabilang sa iyong mga kamag-anak, o kabilang sa ating mga tao? Kukuha ka ba ng isang asawa mula sa mga filisteo na hindi tuli?” Sinabi ni Samson sa kaniyang ama, “Kunin mo siya para sa akin, habang tinitignan ko siya, napapasaya niya ako.”
  • Hinalikan ni Naomi ang kaniyang mga manugang at pinauwi silaRut 1:8–9
    Ang mga talata
    Rut 1:8–9Sinabi ni Naomi sa kaniyang dalawang manugang na babae, “Lumakad, bumalik, kayo bawat isa sa inyo, sa bahay ng inyong ina. Nawa ipakita ni Yahweh ang kabaitan sa inyo, tulad ng pagpapakita ninyo ng katapatan sa namatay at sa akin. Nawa idulot sa inyo ng Panginoon ang pahinga, bawat isa sa inyo sa bahay ng panibagong asawa.” Pagkatapos hinalikan niya sila at nagtaas sila ng mga boses at umiyak.
  • Maagang bumangon si Job upang maghandog ng handog na susunugin para sa bawat anakJob 1:5
    Ang mga talata
    Job 1:5Pagkatapos ng mga araw ng pista, sila ay ipinapatawag at muli silang itatalaga ni Job sa Diyos. Babangon siya nang maagang-maaga at mag-aalay ng sinunog na handog para sa bawat kaniyang mga anak, dahil iniisip niya na, “Marahil nagkasala ang aking mga anak at isinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso.” Ito ay laging ginagawa ni Job.
  • Nananabik si David na puntahan si Absalom2 Sam 13:39
    Ang mga talata
    2 Sam 13:39Nananabik si Haring David na lumabas para makita si Absalom, dahil naglubag na ang kalooban niya tungkol kay Amnon at sa kaniyang pagkamatay.
  • David: “Maging mahinahon kayo sa binatang si Absalom alang-alang sa akin”2 Sam 18:5
    Ang mga talata
    2 Sam 18:5Inutusan ni David sina Joab, Abisai at Itai sa pagsasabing, “Makitungo nang malumanay alang-alang sa akin sa binata, kay Absalom.” Narinig ng lahat ng tao na ibinigay ng hari sa mga kapitan ang utos na ito tungkol kay Absalom.
  • Binantayan ni Rizpa ang mga bangkay ng kaniyang mga anak laban sa mga ibon at hayop2 Sam 21:8, 2 Sam 21:10
    Ang mga talata
    2 Sam 21:8Pero kinuha ng hari ang dalawang anak na lalaki ni Rizpa anak na babae ni Aya, mga anak na lalaki na kaniyang ipinanganak kay Saul—pinangalanan ang dalawang anak na lalaking Armoni at Mefiboset; at kinuha rin ni David ang limang anak na lalaki ni Mical na anak na babae ni Saul, na kaniyang iniluwal kay Adriel anak na lalaki ni Barzilai ang taga-Mehola.
    2 Sam 21:10Pagkatapos si Rizpa, ang anak na babae ni Aya, kumuha ng telang magaspang at nilatag sa kaniyang sarili sa bundok sa tabi ng patay na mga katawan, mula sa simula ng ani hanggang bumuhos ang ulan sa kanila galing sa langit. Hindi niya hinayaan ang mga ibon sa langit na galawin ang mga katawan sa araw o mga mababangis na hayop sa gabi.
  • Mas nais ng tunay na ina na ibigay na lamang ang sanggol kaysa makitang patayin ito1 Hari 3:26
    Ang mga talata
    1 Hari 3:26At ang babae na ang anak ay buhay pa ay nagsalita sa hari, dahil ang kaniyang puso ay puno ng pagmamahal para sa kaniyang anak, “O, aking panginoon, ibigay mo na lang sa kaniya ang nabubuhay na bata, at huwag mo siyang patayin sa anumang paraan.” Pero sinabi ng isa pang babae, “Hindi siya mapupunta sa akin o sa iyo. Hatiin ninyo siya.”
  • Nagpadala si Solomon ng trono para sa kaniyang ina1 Hari 2:19
    Ang mga talata
    1 Hari 2:19Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon para kausapin siya para kay Adonias. Tumayo ang hari para salubungin siya at yumuko siya sa kaniya. Pagkatapos ay naupo siya sa kaniyang trono at nagpakuha ng trono para sa ina ng hari. Naupo siya sa bandang kanang kamay niya.
  • Nag-aalalang hinanap nina Maria at Jose ang batang si JesusLuc 2:48
    Ang mga talata
    Luc 2:48Nang siya ay nakita nila, nagulat sila. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, “Anak, bakit mo kami pinakitunguhan ng ganito? Makinig ka, ako at ang iyong ama ay nag-aalala na naghahanap sa iyo.”
  • Nakatayo ang ina ni Jesus malapit sa krusJuan 19:25
    Ang mga talata
    Juan 19:25Ginawa ng mga sundalo ang mga bagay na ito. Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria na asawa ni Cleopas, at Maria Magdalena— ang mga babaeng ito ay nakatayo malapit sa krus ni Jesus.
  • Nagmakaawa si Jairo para sa kaniyang munting anak na babaeMar 5:23
    Ang mga talata
    Mar 5:23Nagmakaawa siya nang paulit-ulit na nagsasabi, “Ang aking anak na babae ay malapit nang mamatay. Nakikiusap ako sa iyo, halika ka at ipatong ang iyong mga kamay sa kaniya upang siya ay gumaling at mabuhay.”
  • Isang opisyal ng hari: “Bumaba ka bago mamatay ang aking anak”Juan 4:49
    Ang mga talata
    Juan 4:49Sinabi ng pinuno sa kaniya, “Ginoo, halina't sumama ka na bago mamatay ang aking anak.”
  • Ama ng isang batang lalaki: “Sumasampalataya ako; tulungan mo ang kawalan ko ng pananampalataya!”Mar 9:24
    Ang mga talata
    Mar 9:24Agad na sumigaw ang ama ng bata at nagsabi, “Naniniwala ako! Tulungan mo ang aking kawalan ng paniniwala!”
  • Humingi ang ina ng mga anak ni Zebedeo ng mga upuang pandangal para sa kanilaMat 20:20–21
    Ang mga talata
    Mat 20:20–21At ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo ay pumunta kay Jesus kasama ang kaniyang mga anak. Yumukod siya sa kaniyang harapan at humiling ng isang bagay sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ano ang nais mong hilingin?” Sinabi niya sa kaniya, “Ipag-utos mo na ang aking dalawang anak ay makakaupo sa iyong kaharian, ang isa sa iyong dakong kanang kamay at ang isa naman ay sa iyong dakong kaliwang kamay,.”
  • Mga magulang ng lalaking ipinanganak na bulag: “Nasa hustong gulang na siya. Tanungin ninyo siya”Juan 9:20–23
    Ang mga talata
    Juan 9:20–23Kaya sumagot ang kaniyang mga magulang sa kanila, “Alam naming ito ang aming anak at siya ay bulag nang isilang. Kung paano siya ngayon ay nakakakita na, hindi namin alam, at kung sino ang nagpadilat sa kaniyang mga mata, hindi namin alam. Tanungin ninyo siya. Siya ay matanda na. Makakapag-salita siya para sa kaniyang sarili.” Sinabi ito ng kaniyang mga magulang sapagkat takot sila sa mga Judio. Sapagkat nagkasundo na ang mga Judio na kung sinumang magpahayag na si Jesus ay ang Cristo, dapat siyang palayasin sa sinagoga. Dahil dito, sinabi ng kaniyang mga magulang, “Siya ay matanda na. Tanungin ninyo siya.

Masyadong maluwag

  • Hindi pinigilan ni Eli ang kaniyang mga anak1 Sam 3:13
    Ang mga talata
    1 Sam 3:13Sinabi ko na sa kanya na hahatulan ko ang kanyang sambahayan minsan para sa lahat ng kasalanang kanyang nalaman, dahil nagdala ng sumpa sa kanilang sarili ang kanyang mga anak na lalaki at hindi niya sila pinigilan.
  • Ni minsan ay hindi pinagsabihan ni David si Adonias1 Hari 1:6
    Ang mga talata
    1 Hari 1:6Hindi siya ginambala ng kaniyang ama, na nagsabing, “Bakit mo ginawa ito o iyan?” Si Adonias ay isa ring napakakisig na lalaki, sumunod na ipinanganak kay Absalom.

Sa Kautusan

  • Igalang ang iyong ama at inaExo 20:12
    Ang mga talata
    Exo 20:12Igalang ninyo ang inyong ama at inyong ina, para maaari kang manirahanng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ko sa inyo Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos.
  • Kamatayan sa sinumang manakit o sumumpa sa kaniyang ama o inaExo 21:15, Exo 21:17
    Ang mga talata
    Exo 21:15Sinumang manakit sa kaniyang ama o ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
    Exo 21:17Sinumang sumpain ang kaniyang ama o kaniyang ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
  • Ipinaliliwanag ng mga magulang sa kanilang mga anak ang PaskuaExo 12:26–27, Exo 13:8
    Ang mga talata
    Exo 12:26–27Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?' At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh.
    Exo 13:8Sa araw na iyon sasabihan ninyo ang inyong mga anak, 'Dahil ito ang ginawa ni Yahweh para sa akin nang lumabas ako mula sa Ehipto.'
  • Dinadala ng dalawang magulang sa mga nakatatanda ang matigas ang ulo at suwail na anakDeut 21:18–20
    Ang mga talata
    Deut 21:18–20Kung ang isang lalaki ay may isang anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na hindi sumusunod sa boses ng kaniyang ama o sa boses ng kaniyang ina, at sinuman, kahit na siya ay kanilang itinutuwid, hindi nakikinig sa kanila; sa gayon dapat lamang siyang pigilan ng kaniyang ama at kaniyang ina at dalhin siya palabas sa mga nakatatanda ng kaniyang lungsod at sa tarangkahan ng kaniyang siyudad. Dapat nilang sabihin sa mga nakatatanda sa kaniyang lungsod, 'Ang aming anak na lalaking ito ay matigas ang ulo at suwail; hindi siya sumusunod sa aming boses; siya ay isang matakaw at isang lasenggo.'

Mga kasabihan sa Mga Kawikaan tungkol sa mga magulang

  • Makinig sa turo ng iyong ama at sa aral ng iyong inaKaw 1:8
    Ang mga talata
    Kaw 1:8Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina;
  • Nagdudulot ng kagalakan sa kaniyang ama ang marunong na anakKaw 10:1
    Ang mga talata
    Kaw 10:1Ang mga kawikaan ni Solomon. Ang isang marunong na anak ay ikinagagalak ng kaniyang ama ngunit ang isang hangal na anak ay nagdadala ng pighati sa kaniyang ina.
  • Nag-iiwan ng mana ang mabuting tao sa kaniyang mga apoKaw 13:22
    Ang mga talata
    Kaw 13:22Nag-iiwan ng mana para sa kaniyang mga apo ang taong mabuti, pero ang kayamanan ng makasalanan ay inipon para sa gumagawa ng matuwid.
  • Huwag hamakin ang iyong ina kapag matanda na siyaKaw 23:22
    Ang mga talata
    Kaw 23:22Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.
  • Magalak nawa ang iyong ama at inaKaw 23:24–25
    Ang mga talata
    Kaw 23:24–25Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya. Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
  • Bumabangon ang kaniyang mga anak at tinatawag siyang mapaladKaw 31:28
    Ang mga talata
    Kaw 31:28Ang kaniyang mga anak ay babangon at tinatawag siyang pinagpala; ang kaniyang asawang lalaki ay pupurihin na nagsasabing,

Sa mga liham

  • Ang mga magulang ang nag-iipon para sa mga anak, hindi ang mga anak para sa mga magulang2 Cor 12:14
    Ang mga talata
    2 Cor 12:14Tingnan niyo! Ako ay handang pumunta sa inyo sa ikatlong pagkakataon. Ako ay hindi magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko gusto ang anumang nasa inyo. Kayo ang gusto ko. Sapagkat ang mga anak ay hindi dapat mag-ipon para sa mga magulang. Sa halip, ang mga magulang ang dapat mag-ipon para sa mga anak.
  • Mga ama, huwag ninyong galitin ang inyong mga anakEfe 6:4, Col 3:21
    Ang mga talata
    Efe 6:4At kayo mga ama, huwag ninyong sulsulan ang inyong mga anak sa galit. Sa halip, palakihin sila na may disiplina at katuruan ng Panginoon.
    Col 3:21Mga ama, huwag ninyong labis na pagalitan ang inyong mga anak, upang hindi sila panghinaan ng loob.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0