Pang-araw-araw na buhay
Galit sa Bibliya
41 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Mga kasabihan
- Ang mahinahong sagot ay pumapawi ng galit; ang masakit na salita ay nagpapaalab nitoKaw 15:1
Ang mga talata
Kaw 15:1Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng poot, pero ang malupit na salita ay nagsasanhi ng galit.
- Mas mabuti ang mabagal magalit kaysa sa mandirigmaKaw 16:32, Kaw 14:29
Ang mga talata
Kaw 16:32Mas mabuting maghinay-hinay sa galit kaysa maging isang mandirigma; ang isang nagpipigil sa kanyang sarili ay mas malakas kaysa sa isang sumasakop sa isang lungsod.
Kaw 14:29Ang matiyaga ay may malawak na pang-unawa, ngunit ang taong mabilis magalit ay itinataas ang kamangmangan.
- Ang taong walang pagpipigil sa sarili ay tulad ng lungsod na wasak ang paderKaw 25:28
Ang mga talata
Kaw 25:28Ang tao na walang pagpipigil sa sarili ay tulad ng lungsod na napasok at walang pader.
- Ibinubuhos ng hangal ang lahat ng kaniyang galit; pinipigilan ito ng marunongKaw 29:11
Ang mga talata
Kaw 29:11Ang isang mangmang ay ipinahahayag ang lahat ng kaniyang galit, pero ang isang taong matalino ay pinipigilan ito at kinakalma ang kaniyang sarili.
- Kung paanong nagiging mantikilya ang hinalong gatas, nagdudulot ng away ang pagpapaalab ng galitKaw 30:33
Ang mga talata
Kaw 30:33Katulad ng hinalong gatas na nakakagawa ng mantikilya, at katulad ng ilong ng sinuman na magdurugo kapag piningot, kaya ang gawain na ginawa sa galit ay lumilikha nang kaguluhan.
- Ang galit ay namamalagi sa kandungan ng hangalMang 7:9
Ang mga talata
Mang 7:9Huwag madaling magalit sa iyong diwa, dahil naninirahan ang galit sa puso ng mga mangmang.
- Pigilan ang galit; kapahamakan lamang ang dulot nitoAwit 37:8
Ang mga talata
Awit 37:8Huwag kang magalit at madismaya. Huwag kang mag-alala, ito ay gumagawa lamang ng problema.
- Huwag hayaang lumubog ang araw sa inyong galitEfe 4:26
Ang mga talata
Efe 4:26“Magalit kayo, ngunit huwag kayong magkasala.” Huwag ninyong hayaan na lumubog ang araw sa inyong galit.
- Maging mabilis makinig, mabagal magsalita, mabagal magalitSant 1:19–20
Ang mga talata
Sant 1:19–20Alam ninyo ito, mga minamahal kong kapatid. Bawat tao ay dapat mabilis sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at hindi agad nagagalit, sapagkat ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos.
Mga halimbawa
- Labis na nagalit si Cain at pinatay ang kapatid niyang si AbelGen 4:5–8
Ang mga talata
Gen 4:5–8pero hindi niya tinanggap si Cain at ang kanyang handog. Kaya lubhang nagalit si Cain, at sumimangot siya. Sinabi ni Yahweh kay Cain, “Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot? Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan.” Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito.
- Si Jacob kay Raquel: “Ako ba ay nasa lugar ng Diyos?”Gen 30:2
Ang mga talata
Gen 30:2Ang galit ni Jacob ay nagsiklab laban kay Raquel. Sinabi niya, “Nasa lugar ba ako ng Dios, na pumigil sa iyo na magkaanak?”
- Sa matinding galit, hinarap ni Jacob si LabanGen 31:36
Ang mga talata
Gen 31:36Nagalit si Jacob at nakipagtalo kay Laban. Sinabi niya sa kanya, “Ano ba ang atraso ko? Ano ba ang kasalanan ko, na pinag-iinitan mo akong habulin?
- Jacob: sina Simeon at Levi ay “pumatay ng mga tao sa kanilang galit”Gen 49:5–7
Ang mga talata
Gen 49:5–7Sina Simeon at Levi ay magkapatid. Mga armas na marahas ang kanilang mga tabak. O aking kaluluwa, huwag kayong pumunta sa kanilang konseho, huwag kayong makiisa sa kanilang pagpupulong, dahil labis ang karangalan ng aking puso para dito. Papatay sila ng mga tao dahil sa kanilang galit. Pipilayan nila ang baka para sa kanilang kasiyahan. Nawa sumpain ang kanilang galit, dahil ito ay mabagsik—at ang kanilang matinding galit, dahil ito ay malupit. Hahatiin ko sila kay Jacob at ikakalat ko sila sa Israel.
- Nag-alab sa galit ang amo ni Jose sa kuwento ng kaniyang asawaGen 39:19
Ang mga talata
Gen 39:19Dumating ang panahon, nang marinig ng kanyang amo ang pagpapaliwanag ng kanyang asawa sa kanya, “Ito ang ginawa ng iyong lingkod sa akin,” siya ay naging labis na galit.
- Ang Paraon kay Moises: “Huwag mo nang makita pang muli ang aking mukha”Exo 10:28
Ang mga talata
Exo 10:28“Lumayo kayo sa akin! Mag-ingat sa isang bagay, nang hindi mo na ako muling makita, dahil sa araw na makita mo ang aking mukha, mamamatay ka.”
- Umalis si Moises sa harap ng Paraon na nag-aalab sa galitExo 11:8
Ang mga talata
Exo 11:8Lahat ng mga alipin mong ito, Paraon ay magpapakumbaba at luluhod sa akin. Sasabihin nila, 'Umalis na kayo at sa lahat ng mga taong sumusunod sa iyo!' Pagkatapos lalabas ako.” Pagkatapos umalis siya mula kay Paraon na may matinding galit.
- Binasag ni Moises ang mga tapyas na bato nang makita ang guyaExo 32:19
Ang mga talata
Exo 32:19Nang dumating si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Siya ay lubhang nagalit. Itinapon niya ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang mga kamay, at nabiyak ang mga ito sa ibaba ng bundok.
- Dalawang beses hinampas ni Moises ang batoBil 20:10–11
Ang mga talata
Bil 20:10–11At tinipong magkakasama nina Moises at Aaron ang kapulungan sa harap ng bato. Sinabi ni Moises sa kanila, “Makinig kayo ngayon, kayong mga mapaghimagsik. Dapat ba kaming magpadaloy ng tubig mula sa batong ito para sa inyo?” Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at hinampas ng dalawang beses ang bato sa pamamagitan ng kaniyang tungkod, at lumabas ang maraming tubig. Uminom ang sambayanan at ang kanilang mga baka.
- Pinalo ni Balaam ang kaniyang asno, at nagsalita itoBil 22:27–29
Ang mga talata
Bil 22:27–29Nakita ng asno ang anghel ni Yahweh, at humiga siya sa ilalim ni Balaam. Sumiklab ang galit ni Balaam at kaniyang hinampas ng baston ang kaniyang asno. Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang bibig ng asno para magsalita siya. Sinabi niya kay Balaam, “Ano ang aking ginawa sa iyo na nag-udyok sa iyo na hampasin ako nitong makaikatlo beses?” Sumagot si Balaam, “Dahil ikaw ay kumilos nang may kahangalan sa akin. Sana ay mayroong isang espada sa aking kamay. Kung mayroon, sa ngayon pinatay na kita.”
- Ipinalakpak ni Balak ang kaniyang mga kamay sa galit kay BalaamBil 24:10
Ang mga talata
Bil 24:10Ang galit ni Balak laban kay Balaam ay sumiklab at hinampas niya ang kaniyang mga kamay sa galit. Sinabi ni Balak kay Balaam, “Ipinatawag kita upang isumpa ang aking mga kaaway, ngunit tingnan mo, pinagpala mo sila ng tatlong beses.
- Pinahinahon ni Gideon ang galit na mga lalaki ng Efraim sa mahinahong sagotHuk 8:1–3
Ang mga talata
Huk 8:1–3Sinabi ng mga kalalakihan ng Efraim kay Gideon, “Ano ba itong ginawa mo sa amin? Hindi mo kami tinawag nang nakipaglaban ka sa mga Midian.” At marahas na nakipagtalo sila sa kaniya. Sinabi niya sa kanila, “Ano ba ang aking ginawa ngayon na maihahambing na ikukumpara sa inyo? Hindi ba na ang tinipong mga ubas ng Efraim ay mas mabuti sa inaning ubas ni Abiezer? Ibinigay ng Diyos sa inyo ang tagumpay laban sa mga prinsipe ng Midian—Oreb at Zeeb! Ano ba ang aking napagtagumpayan na maikukupara sa inyo?” Ang kanilang galit laban sa kaniya ay humupa sa sinabi niya.
- Nag-alab ang galit ni Eliab sa nakababata niyang kapatid na si David1 Sam 17:28
Ang mga talata
1 Sam 17:28Narinig ng kanyang pinakamatandang kapatid na si Eliab nang nakipag-usap siya sa mga kalalakihan. Nag-alab ang galit ni Eliab laban kay David, at sinabi niya, “Bakit ka pumunta dito? Kanino mo iniwan ang ilang tupa na nasa desyerto? Alam ko ang iyong pagmamataas, at ang katusuhan sa iyong puso; dahil pumunta ka dito upang makita mo ang labanan.”
- Ibinato ni Saul ang sibat sa kaniyang anak na si Jonatan1 Sam 20:30–34
Ang mga talata
1 Sam 20:30–34Pagkatapos nag-alab ang galit ni Saul laban kay Jonatan at sinabi niya sa kanya, “Ikaw na anak ng isang tampalasan, suwail na babae! Hindi ko ba alam na pinili mo ang anak na lalaki ni Jesse sa sarili mong kahihiyan at sa kahihiyan ng kahubaran ng iyong ina? Dahil habang nabubuhay sa mundo ang anak na lalaki ni Jesse, hindi ikaw ni ang iyong kaharian ang maitatatag. Ngayon, ipadala mo siya at dalhin mo siya sa akin sapagkat tiyak na dapat siyang mamatay.” Sinagot ni Jonatan si Saul na kanyang ama, “Sa anong kadahilanan dapat siyang ipapatay? Ano ang kanyang nagawa?” Pagkatapos hinagis ni Saul ang kanyang sibat upang patayin siya. Kaya alam ni Jonatan na gustong-gustong ipapatay ng kanyang ama si David. Tumayo si Jonatan sa mesa na sobrang galit at hindi kumain ng pagkain sa ikalawang araw ng buwan dahil nagluksa siya para kay David dahil hindi siya ginalang ng kanyang ama.
- Nag-alab ang galit ni David sa kuwento ni Natan tungkol sa mayamang lalaki2 Sam 12:5
Ang mga talata
2 Sam 12:5Nag-aapoy sa galit si David laban sa mayamang lalaki at nagalit siya ng labis kay Natan, “Habang si Yahweh ay nabubuhay, dapat patayin ang lalaking gumawa nito.
- Ayaw kumain ni Ahab, nagmumukmok at galit1 Hari 21:4
Ang mga talata
1 Hari 21:4Kaya umuwi si Ahab sa kaniyang palasyo nagdadamdam at galit dahil sa sagot na ibinigay sa kaniya ni Nabot na taga-Jezreel, “Hindi ko ibibigay sa iyo ang ipinamana ng aking mga ninuno.” Humiga siya sa kaniyang higaan, ibinaling ang kaniyang mukha, at tumangging kumain ng kahit anong pagkain.
- Naaman: hindi ba mas mabuti ang mga ilog ng Damasco kaysa sa Jordan?2 Hari 5:11–12
Ang mga talata
2 Hari 5:11–12Pero nagalit si Naaman at umalis, sinasabing, “Tingnan mo, akala ko siguradong lalabas siya para sa akin at tatayo at tatawag sa pangalan ni Yahweh na kaniyang Diyos, at ikukumpas ang kamay niya sa buong katawan ko para pagalingin ako sa aking ketong. Hindi ba't ang Abana at Farfar, mga ilog ng Damasco, ay mas malinis kaysa lahat ng tubig sa Israel? Hindi ba pwedeng doon ako maligo para maging malinis?” Kaya tumalikod siya at umalis nang galit na galit.
- Ipinabilanggo ni Asa ang isang tagakita2 Cro 16:10
Ang mga talata
2 Cro 16:10Pagkatapos, nagalit si Asa sa propeta; ikinulong niya ito, sapagkat nagalit siya sa kaniya sa mga bagay na ito. Sa araw na iyon, pinahirapan ni Asa ang ilan sa mga tao.
- Nagngalit si Uzias sa mga pari habang may hawak na insensaryo2 Cro 26:19
Ang mga talata
2 Cro 26:19At nagalit si Uzias. May hawak siyang insensaryo sa kaniyang kamay upang magsunog ng insenso. Habang nagagalit siya sa mga pari, may tumubong ketong sa kaniyang noo sa harap ng mga pari sa tahanan ni Yahweh sa tabi ng altar ng insenso.
- Galit na galit si Assuero nang tumanggi si Reyna Vashti na dumatingEst 1:12
Ang mga talata
Est 1:12Ngunit tumangging sumunod si Reyna Vashti sa salita ng hari na ipinadala sa kanya ng mga opisyal. Pagkatapos labis na nagalit ang hari; nag-alab ang matinding galit sa kalooban niya.
- Napuno ng poot si Haman nang ayaw yumukod ni MordecaiEst 3:5
Ang mga talata
Est 3:5Nang makita ni Haman na si Mordecai ay hindi lumuhod at yumuko sa kanya, napuno si Haman ng matinding galit.
- Nag-alab ang galit ni Elihu kay Job at sa tatlo niyang kaibiganJob 32:2–3
Ang mga talata
Job 32:2–3Pagkatapos sumiklab ang galit ni Elihu anak ni Baraquel, apo ni Bus ng pamilya ni Ram; sumiklab ito laban kay Job dahil binigyang katwiran niya ang kaniyang sarili sa halip na ang Diyos. Sumiklab din ang galit ni Elihu laban sa tatlo niyang mga kaibigan dahil wala silang nahanap na sagot kay Job, gayunman hinatulan nila si Job
- Pinainit ni Nebucadnezar ang hurno nang pitong ulitDan 3:13, Dan 3:19
Ang mga talata
Dan 3:13At napuno ng galit at poot si Nebucadnezar at iniutos na dalhin sa kaniya sina Shadrac, Meshac at Abednego. Kaya dinala nila ang mga kalalakihang ito sa harapan ng hari.
Dan 3:19Pagkatapos, napuno ng poot si Nebucadnezar, nagbago ang kaniyang mukha laban kay Shadrac, Meshac at Abednego. Iniutos niya na painitin ang pugon ng pitong beses na mas mainit kaysa sa karaniwang init nito.
- Jonas, dahil sa natuyong halaman: “galit na galit hanggang sa kamatayan”Jon 4:1, Jon 4:9
- Si Herodes, nalinlang ng mga pantas, ay napuno ng pootMat 2:16
Ang mga talata
Mat 2:16Nang nakita ni Herodes na kinutya siya ng mga pantas na kalalakihan, siya ay nagalit nang labis. Nagsugo siya at ipinapatay ang lahat ng mga batang lalaking naroon sa Bethlehem at sa buong rehiyon, ang mga may dalawang taong gulang pababa ayon sa tiyak na panahong nalaman niya mula sa mga pantas.
- Tinangka ng mga nasa sinagoga sa Nazaret na ihulog si Jesus sa banginLuc 4:28–29
Ang mga talata
Luc 4:28–29Lahat ng tao sa sinagoga ay napuno ng matinding galit nang marinig nila ang mga bagay na ito. Tumayo sila at ipinagtabuyan siya paalis ng lungsod, at dinala siya sa gilid ng burol kung saan itinayo ang kanilang lungsod, upang siya ay maari nilang ihulog sa bangin.
- Lumingon si Jesus nang may galit dahil sa katigasan ng kanilang pusoMar 3:5
Ang mga talata
Mar 3:5Tiningnan niya sila ng may galit, labis siyang nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat niya ang kaniyang kamay at pinagaling ito ni Jesus.
- Nagngalit ang mga ngipin ng galit na Sanedrin kay EstebanGawa 7:54–58
Ang mga talata
Gawa 7:54–58Ngayon, nang marinig ng mga kasapi ng konseho ang mga bagay na ito, nasugatan sila sa kanilang mga puso, at ang kanilang mga ngipin ay nagngalit kay Esteban. Ngunit siya na puspos ng Banal na Espiritu ay kusang tumingala sa langit at kaniyang nakita ang kaluwalhatian ng Diyos; at nakita niya si Jesus na nakatayo sa kanang kamay ng Diyos. Sinabi ni Esteban, “Tingnan ninyo, nakita ko na binuksan ang kalangitan, at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa kanang kamay ng Diyos.” Ngunit ang mga kasapi ng konseho ay sumigaw ng may malakas na boses, at tinakpan ang kanilang mga tainga, at sinunggaban siya, itinapon siya nila sa labas ng lungsod at siya ay binato: at inilatag ng mga saksi ang kanilang balabal sa paanan ng binatang ang pangalan ay Saulo.
- Si Pablo sa punong pari: “Ikaw na pinaputing pader!”Gawa 23:3
Ang mga talata
Gawa 23:3At sinabi ni Pablo sa kaniya, “Ang Diyos ang maghahampas sa'yo, ikaw na pinaputing nilinis na pader. Ikaw ba ay naupo para husgahan ako ayon sa kautusan, ngunit nag-utos ka na sampalin ako na labag sa kautusan?”
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0