Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Pagsilang at pagkabaog

Pang-araw-araw na buhay

Pagsilang at pagkabaog sa Bibliya

39 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Mga pagsilang

  • Nalilimutan ng babaeng nanganganak ang kaniyang sakit sa tuwa sa pagsilangJuan 16:21
    Ang mga talata
    Juan 16:21Ang babae ay may dalamhati kapag siya ay nakararamdam ng pananakit ng tiyan dahil ang oras ng kaniyang panganganak ay malapit na; ngunit kapag naipanganak na niya ang bata, hindi na niya naaalala ang sakit dahil sa kaniyang kagalakan na isang sanggol ay naipanganak na sa mundo.
  • Ang mga Hebreong komadronang sina Sifra at Pua, at ang mga upuang panganganakExo 1:15–16
    Ang mga talata
    Exo 1:15–16Pagkatapos ang hari ng Ehipto ay nakipag-usap sa Hebreong mga komadrona; ang pangalan ng isa ay si Sifra, at ang isa ay si Pua. Sinabi niya, “Kung tutulong kayo sa mga Hebreong babae sa paanakan, pagmasdan ninyo kapag sila ay manganganak. Kapag ang sanggol ay lalaki, patayin ninyo; pero kung ito ay babae, siya ay mabubuhay.”
  • Ang mga babaeng Hebreo ay “nakapanganganak na bago dumating ang komadrona”Exo 1:19
    Ang mga talata
    Exo 1:19Sumagot ang mga hilot kay Paraon, “Ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng taga-Ehipto; sila ay masigla at tapos nang manganak bago dumating ang komadrona.”
  • Mahirap ang panganganak ni Raquel; sabi ng komadrona: “Isa pang anak na lalaki”Gen 35:16–17
    Ang mga talata
    Gen 35:16–17Naglakbay pa sila mula sa Betel. Habang may kalayuan pa sila mula Eprath, nakaramdam na si Raquel ng panganganak. Nakaranas siya ng matinding hirap sa panganganak. Habang siya ay nasa pinakamatinding kahirapan sa panganganak, sinabi ng hilot sa kanya “Huwag kang matakot, dahil ngayon magkakaroon ka ng isa pang anak na lalaki.
  • Namatay si Raquel sa daan patungong BetlehemGen 35:18–19
    Ang mga talata
    Gen 35:18–19Habang naghihingalo siya, kasabay ng kanyang huling hininga pinangalanan niya siyang Benoni, ngunit ang kaniyang ama ay tinawag siyang Benjamin. Namatay si Raquel at inilibing sa daan papunta sa Eprat (iyon ay, Betlehem).
  • Nanganak ang asawa ni Finehas nang marinig ang balita, at namatay1 Sam 4:19–20
    Ang mga talata
    1 Sam 4:19–20Ngayon ang kanyang manugang na babae, asawa ni Finehas, ay buntis at malapit ng manganganak. Nang narinig niya ang balita na nakuha ang kaban ng Diyos at ang kanyang biyenang lalaki at ang kanyang asawa ay patay na, lumuhod siya at nanganak, ngunit nagpahina sa kanya ang hirap ng kanyang panganganak. Sinabi sa kanya ng babaeng nagpapaanak sa oras na malapit na siyang mamatay, “Huwag kang matakot, dahil nanganak ka ng isang lalaki.” Ngunit hindi siya sumagot o isinapuso kung ano ang kanilang sinabi.
  • Pagkasilang ng anak na lalaki, marumi ang ina nang pitong araw, saka naghihintay ng paglilinisLev 12:2–4
    Ang mga talata
    Lev 12:2–4“Kausapin ang mga tao ng Israel, sabihin, 'kung nabuntis ang isang babae at nanganak ng isang batang lalaki, sa gayon siya ay magiging marumi sa loob ng pitong araw, halos katulad ng siya'y marumi noong mga araw ng kaniyang buwanang pagdurugo. Sa ikawalong araw dapat tuliin ang laman na natatakpan ng balat ng isang sanggol na lalaki. Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina mula sa kaniyang pagdurugo sa loob ng tatlumput-tatlong araw. Dapat hindi siya hahawak ng anumang banal na bagay o pupunta sa loob ng tabernakulo habang hindi tapos ang mga araw ng kaniyang paglilinis.
  • Pagkasilang ng anak na babae, dalawang linggong karumihan, saka mas mahabang paglilinisLev 12:5
    Ang mga talata
    Lev 12:5Ngunit kung manganganak siya ng isang sanggol na babae, sa gayon magiging marumi siya sa loob ng dalawang linggo, gaya nang siya ay nasa panahon ng kaniyang pagdurugo. Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina sa loob ng animnaput-anim na araw.
  • Pagkatapos ay naghahandog ng isang kordero at isang ibon, o dalawang ibon kung dukha siyaLev 12:6, Lev 12:8
    Ang mga talata
    Lev 12:6Kapag natapos ang mga araw ng kanyang paglilinis, para sa isang anak na lalaki o isang anak na babae, dapat siyang magdala ng isang taong gulang na tupa bilang isang handog na susunugin at isang batang batu-bato o kalapati bilang isang handog para sa kasalanan, sa pasukan ng tolda ng pagtitipon, para sa pari.
    Lev 12:8Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'”
  • Nakigalak kay Elisabet ang kaniyang mga kapitbahay at kamag-anakLuc 1:57–58
    Ang mga talata
    Luc 1:57–58Ngayon ay dumating ang panahon ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang lalaki. Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na ang Panginoon ay nagpakita ng dakilang habag para sa kaniya, at sila ay nagalak kasama niya.

Mga tagapag-alaga

  • Sumama kay Rebeca sa Canaan ang kaniyang tagapag-alagaGen 24:59
    Ang mga talata
    Gen 24:59Kaya pinadala nila ang kanilang kapatid na si Rebeca, kasama ang kanyang babaing lingkod, sa kanyang paglalakbay kasama ang lingkod ni Abraham at kanyang mga kasamahang lalaki.
  • Sarah: “Sino ang makapagsasabi kay Abraham na magpapasuso si Sarah ng mga anak?”Gen 21:7
    Ang mga talata
    Gen 21:7Sinabi rin niya, “Sinong makapagsasabi kay Abraham na si Sara ay magaalaga ng mga anak, at gayunpaman nagsilang ako sa kanya ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan!”
  • Moises: “Kalungin mo sila … gaya ng pagkalong ng tagapag-alaga sa sanggol”Bil 11:12
    Ang mga talata
    Bil 11:12Ako ba ang nagsilang sa kanila upang sabihin mo sa akin, 'Dalhin mo sila sa iyong kandungan tulad ng pagdadala ng isang ama sa isang sanggol?' Kailangan ko ba silang dalhin sa lupain na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno upang ibigay sa kanila?
  • Pablo: banayad, tulad ng nagpapasusong ina na nag-aaruga sa kaniyang mga anak1 Tes 2:7
    Ang mga talata
    1 Tes 2:7Sa halip, kami ay naging mahinahon sa inyo na gaya ng ina na inaaliw ang kaniyang mga anak.

Matagal na walang anak

  • Baog si Sarai; wala siyang anakGen 11:30
    Ang mga talata
    Gen 11:30Ngayon si Sarai ay baog; siya ay walang anak
  • Ibinigay ni Sarai kay Abram ang kaniyang aliping si Agar upang magkaroon ng pamilyaGen 16:1–2
    Ang mga talata
    Gen 16:1–2Ngayon si Sarai, asawa ni Abram, ay hindi nagkaanak sa kaniya, pero mayroon siyang babaeng lingkod, taga-Ehipto, na ang pangalan ay Agar. Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya.” Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai.
  • Tumawa si Sarah: lampas na siya sa edad ng panganganakGen 18:11–14
    Ang mga talata
    Gen 18:11–14Ngayon matanda na nga sina Abraham at Sarah, talagang napakatanda na at nalampasan na ni Sarah ang edad kung saan hindi na maaaring magkaanak pa ang isang babae. Kaya tinawanan ni Sarah ang kaniyang sarili at sinabing,” “Ngayong matanda na ako, magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan, gayong ang panginoon ko ay matanda na rin?” Sinabi ni Yahweh kay Abraham, “Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?' Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki.
  • Isinilang ni Sarah si Isaac; sandaang taong gulang si AbrahamGen 17:17, Gen 21:2, Gen 21:5
    Ang mga talata
    Gen 17:17Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, “Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya?
    Gen 21:2Nabuntis at nagsilang ng isang anak na lalaki si Sara para kay Abraham sa kanyang katandaan, sa itinakdang panahong sinabi ng Diyos sa kanya.
    Gen 21:5Si Abraham ay isandaang taong gulang nang isilang si Isaac sa kanya.
  • Nanalangin si Isaac para sa baog na si Rebeca, at nagdalang-tao siyaGen 25:21
    Ang mga talata
    Gen 25:21Nagdasal si Isaac kay Yahweh para sa kanyang asawa dahil wala itong anak, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dasal, at si Rebeca na kanyang asawa ay nabuntis.
  • Raquel: “Bigyan mo ako ng mga anak, o mamamatay ako!”Gen 30:1–2
    Ang mga talata
    Gen 30:1–2Nang makita ni Raquel na wala siyang naging anak kay Jacob, si Raquel ay nainggit sa kanyang kapatid na babae. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng mga anak, o mamamatay ako.” Ang galit ni Jacob ay nagsiklab laban kay Raquel. Sinabi niya, “Nasa lugar ba ako ng Dios, na pumigil sa iyo na magkaanak?”
  • Nagtawaran sina Raquel at Lea tungkol sa mga mandragoraGen 30:14–16
    Ang mga talata
    Gen 30:14–16Pumunta si Ruben nang panahon ng pag-ani ang trigo at nakakita ng mga halaman ng mendreik. Dinala niya ito sa kanyang inang si Lea. Pagkatapos sinabi ni Raquel kay Lea, “Bigyan mo ako ilan sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak.” Sinabi ni Lea kay Raquel, “Maliit na bagay lang ba sa iyo na kinuha mo ang aking asawa? Ngayon gusto mo namang kunin din ang mga halaman ng mendreik ng aking anak?” Sinabi ni Raquel, “Matutulog siya kasama mo ngayong gabi, bilang kapalit sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak.” Nanggaling si Jacob sa kanyang sakahan kinagabihan. Lumabas si Lea para salubungin siya at sinabi, “Kailangan mong matulog kasama ko ngayong gabi, dahil inupahan kita sa pamamagitan ng mga halaman na mendreik ng aking anak.” Kaya natulog si Jacob kasama ni Lea nang gabing iyon.
  • Isinilang ni Raquel si Jose: “Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan”Gen 30:22–24
    Ang mga talata
    Gen 30:22–24Naalala ng Diyos si Raquel at dininig siya. Dinulot niya na siya ay mabuntis. Nagdalang-tao siya at nagsilang ng isang anak na lalaki. Sinabi niya, “Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan.” Siya ay pinangalanan niyang Jose, na nagsasabing, “Si Yahweh ay nagdagdag sa akin ng lalaking anak.”
  • Isinilang ng baog na asawa ni Manoa si SamsonHuk 13:2–3, Huk 13:24
    Ang mga talata
    Huk 13:2–3Mayroong isang lalaki na mula sa Zora, sa pamilya ng mga Danita, na ang pangalan ay Manoa. Walang kakayahang magbuntis ang kaniyang asawa kaya hindi siya magkaanak. Nagpakita ang anghel ni Yahweh sa babae at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo ngayon, walang kang kakayahang magbuntis, at hindi ka magkaanak, pero mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki.
    Huk 13:24Dumating ang araw na nanganak ang babae sa isang batang lalaki, at tinawag siya sa pangalang Samson. Lumaki ang bata at pinagpala ni Yahweh.
  • Binigyan ni Elkana ng dobleng bahagi ang walang anak na si Ana1 Sam 1:2, 1 Sam 1:5
    Ang mga talata
    1 Sam 1:2Mayroon siyang dalawang asawa; ang pangalan ng unang asawa ay si Ana at ang pangalan ng pangalawa ay si Penina. Nagkaroon ng mga anak si Penina, ngunit hindi nagkaanak si Ana.
    1 Sam 1:5Ngunit para kay Ana binibigyan niya palagi ng dobleng bahagi si Ana, dahil minahal niya si Ana, kahit na isinara ni Yahweh ang kanyang sinapupunan.
  • Taun-taong tinutuya ni Penina si Ana1 Sam 1:6–7
    Ang mga talata
    1 Sam 1:6–7Lubos siyang ginalit ng kanyang karibal upang mainis siya, dahil isinara ni Yahweh ang kanyang sinapupunan. Kaya taon-taon, kapag umaakyat siya sa bahay ni Yahweh kasama ang kanyang pamilya, palagi siyang ginagalit ng kanyang karibal. Kaya umiiyak na lang siya at hindi na kumakain.
  • Umiyak si Ana at nanata; isinilang niya si Samuel1 Sam 1:10–11, 1 Sam 1:19–20
    Ang mga talata
    1 Sam 1:10–11Labis ang kanyang pagdadalamhati; nanalangin siya kay Yahweh at umiyak nang matindi. Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, “Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo.”
    1 Sam 1:19–20Sila'y bumangon nang maaga sa araw na iyon at sumamba sa harapan ni Yahweh, at pagkatapos bumalik sila sa kanilang bahay sa Ramah. Sinipingan ni Elkana si Ana na kanyang asawa, at inalala siya ni Yahweh. Nang dumating ang panahon, nabuntis si Ana at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag niya ang kanyang pangalan na Samuel, sinasabing, “Dahil hiningi ko siya mula kay Yahweh.”
  • Nang maglaon ay nagkaroon pa si Ana ng mga anak1 Sam 2:21
    Ang mga talata
    1 Sam 2:21Tinulungan muli ni Yahweh si Ana, at nabuntis siya ulit. Nagsilang siya ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae. Samantala, lumaki ang batang si Samuel sa harapan ni Yahweh.
  • Nagkaanak ng lalaki sa sumunod na taon ang Sunamita, na matanda na ang asawa2 Hari 4:14–17
    Ang mga talata
    2 Hari 4:14–17Kaya sinabi ni Eliseo, “Ano pala ang maaari nating gawin para sa kaniya?” Sumagot si Gehazi, “Tunay nga, wala siyang anak, at matanda na ang kaniyang asawa.” Kaya sumagot si Eliseo, “Tawagin mo siya.” Nang siya ay tinawag niya, tumayo siya sa pintuan. Sinabi ni Eliseo, “Sa parehong oras ng taong ito, pagkatapos ng isang taon, makakahawak ka ng isang anak.” Sinabi niya, “Hindi, aking panginoon at lingkod ng Diyos, huwag kang magsinungaling sa iyong alipin.” Pero nagdalang-tao ang babae at nanganak ng isang lalaki sa parehong panahon ng sumunod na taon, tulad ng sinabi ni Eliseo sa kaniya.
  • Walang naging anak si Mical hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan2 Sam 6:23
    Ang mga talata
    2 Sam 6:23Kaya si Mical, ang babaeng anak ni Saul, ay hindi nagkaroon ng mga anak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
  • Nagdalang-tao si Elisabet, baog at matanda na, at nagtago nang limang buwanLuc 1:7, Luc 1:24–25, Luc 1:36
    Ang mga talata
    Luc 1:7Ngunit wala silang anak, sapagkat si Elisabet ay baog, at silang dalawa ay matanda na sa panahong ito.
    Luc 1:24–25Pagkatapos ng mga araw na iyon, ang kaniyang asawang si Elisabet ay nagbuntis. Siya ay nanatili sa kaniyang bahay sa loob ng limang buwan. Sinabi niya, “Ito ang ginawa ng Panginoon sa akin nang tiningnan niya ako nang may biyaya upang tanggalin ang aking kahihiyan sa harapan ng ibang tao.”
    Luc 1:36At tingnan mo, ang iyong kamag-anak na si Elisabet ay nagbuntis din ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito na ang kaniyang ikaanim na buwan, siya na tinawag na baog.
  • Pinatitira niya sa kaniyang tahanan ang baog na babae bilang masayang inaAwit 113:9
    Ang mga talata
    Awit 113:9Binibigyan niya ng upuan ang babaeng baog na nasa bahay tulad ng isang masayahing ina ng mga anak. Purihin si Yahweh.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0