Tuklasin › Mga paksa › Mana at mga habilin
Pang-araw-araw na buhay
Mana at mga habilin sa Bibliya
39 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Mga halimbawa
- Walang anak si Abram: isang lingkod, si Eliezer na taga-Damasco, ang magmamana sa akinGen 15:2–3
Ang mga talata
Gen 15:2–3Sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?” Sinabi ni Abram, “Dahil hindi mo ako binigyan ng anak, tingnan mo, ang katiwala ng aking bahay ay siyang aking tagapagmana.”
- Sarah: hindi makakahati sa mana ni Isaac ang anak ng aliping babaeGen 21:10
Ang mga talata
Gen 21:10Kaya sinabi niya kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng aliping ito kasama ang kanyang anak: dahil hindi magiging tagapagmana ang anak ng babaeng aliping iyan kasama ng anak kong si Isaac.”
- Iniwan ni Abraham ang lahat kay Isaac; pinaalis na may regalo ang mga anak ng mga asawang-lingkodGen 24:36, Gen 25:5–6
Ang mga talata
Gen 24:36Si Sara, ang asawa ng aking amo, ay nagsilang ng isang anak na lalaki sa aking amo nang siya ay matanda na, at ibinigay niya ang lahat ng kanyang mga aria-arian sa kanya.
Gen 25:5–6Ibinigay ni Abraham ang lahat ng kanyang pag-aari kay Isaac. Subalit, habang siya ay nabubuhay pa, nagbigay siya ng mga regalo sa kanyang mga anak na lalaki sa kanyang mga kerida at pinadala sila sa lupain ng silangan, malayo mula sa kanyang anak na si Isaac.
- Raquel at Lea: “May natitira pa ba kaming mana sa bahay ng aming ama?”Gen 31:14–16
Ang mga talata
Gen 31:14–16Sumagot sina Raquel at Lea at sinabi sa kanya, “Mayroon ba kaming makukuhang anumang pamana sa bahay ng aming ama? Hindi ba itinuring niya tayo bilang mga dayuhan? Sapagkat ipinagbili niya tayo at tuluyang inubos ang ating pera. Dahil lahat ng kayamanang kinuha ng Diyos sa ating ama ngayo’y sa atin na at sa ating mga anak. Kaya ngayon, anumang sinabi ng Diyos sa iyo, gawin mo.”
- Binigyan ni Jacob si Jose ng isang tagaytay ng lupa nang higit sa kaniyang mga kapatidGen 48:21–22
Ang mga talata
Gen 48:21–22Sinabi ni Israel kay Jose, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, pero kasama ninyo ang Diyos, at dadalhin kayo pabalik sa lupain ng inyong mga ama. Sa iyo, bilang isang nakahihigit sa iyong mga kapatid, ibibigay ko ang bundok na libis na nakuha ko mula sa Amoreo sa pamamagitan ng aking tabak at aking pana.”
- Napunta sa mga anak ni Jose ang pagkapanganay ni Ruben1 Cro 5:1–2
Ang mga talata
1 Cro 5:1–2Ito ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel—ngayon si Ruben ang panganay na anak ni Israel, ngunit ang kaniyang karapatan bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel dahil dinungisan ni Ruben ang higaan ng kaniyang ama. Kaya hindi siya itinala bilang panganay na anak. Pinakamalakas sa kaniyang mga kapatid si Juda, at ang pinuno ay manggagaling sa kaniya. Ngunit ang karapatan ng pagkapanganay ay kay Jose—
- Tumanggap ng lupa ang mga anak na babae ni Zelofehad kasama ng mga kapatid ng kanilang amaBil 27:1–4, Jos 17:3–4
Ang mga talata
Bil 27:1–4At nagpunta kay Moises ang mga anak na babae ni Zelofehad na anak na lalaki ni Hefer na anak na lalaki ni Galaad na anak na lalaki ni Maquir na anak na lalaki ni Manases, mula sa mga angkan ni Manases na anak na lalaki ni Jose. Ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak na babae: Mahla, Noe, Hogla, Milca, at Tirsa. Tumayo sila sa harapan nina Moises, Eleazar na pari, sa mga pinuno, at sa harapan ng lahat ng mga komunidad sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Sinabi nila, “Namatay ang aming ama sa ilang. Hindi siya kasama sa mga nagtipun-tipon laban kay Yahweh sa samahan ni Kora. Namatay siya sa kaniyang sariling kasalanan; ang kasalanan niya ang dahilan kung bakit siya namatay. Bakit kailangang mawala ang pangalan ng aming ama mula sa buong miyembro ng kaniyang angkan, dahil ba wala siyang anak na lalaki? Bigyan mo kami ng lupain mula sa mga kamag-anak ng aming ama.”
Jos 17:3–4Ngayon si Zelopehad na anak na lalaki ni Heper na anak na lalaki ni Galaad anak na lalaki ni Makir anak na lalaki ni Manases ay walang mga anak na lalaki, pero mga anak na babae lamang. Ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak na babae: Mala, Noe, Hogla, Milka, and Tirza. Nilapitan nila si Eleazar na pari, Josue anak na lalaki ni Nun at ang mga pinuno, at kanilang sinabi, “Iniutos ni Yahweh kay Moises na ibigay sa amin ang isang pamana kasama ng aming mga kapatid na lalaki.” Kaya, sa pagsunod sa kautusan ni Yahweh, binigyan niya ang mga kababaihang iyon ng isang pamana kasama ng mga kapatid na lalaki ng kanilang ama.
- Pinagkaitan ng mana si Jefta bilang anak ng ibang babaeHuk 11:2
Ang mga talata
Huk 11:2Nagsilang din ang asawa ni Galaad ng iba pang mga lalaking anak. Nang lumaki na ang mga lalaking anak ng kaniyang asawa, pinilit nilang paalisin ng bahay si Jefta at sinabi sa kaniya, “Wala kang mamanahin na anumang bagay mula sa aming pamilya. Anak ka sa ibang babae.”
- Binili ni Boaz ang lupa ni Elimelek upang mapanatili ang pangalan ng namatayRut 4:5–6, Rut 4:9–10
Ang mga talata
Rut 4:5–6Pagkatapos sinabi ni Boaz, “Sa araw na bilhin mo ang bukid mula sa kamay ni Naomi, kailangan mo ring kunin si Ruth na Moabita, ang asawa ng namatay na lalaki, sa utos para maitaas ang pangalan ng namatay sa kaniyang pamana.” Pagkatapos sinabi ng malapit na kamag-anak, “Hindi ko ito matutubos para sa aking sarili nang hindi masisira ang aking sariling pamana. Kunin mo ang aking karapatan ng pagtubos para sa iyong sarili, dahil hindi ko ito matutubos.”
Rut 4:9–10Pagkatapos sinabi ni Boaz sa mga nakatatanda at sa lahat ng mga tao, “Kayo ang mga saksi sa araw na ito na nabili ko ang lahat ng dating kay Elimelek at lahat ng dating kay Quelion at Mahlon mula sa kamay ni Naomi. Bukod dito tungkol kay Ruth na Moabita, ang asawa ni Mahlon: nakuha ko rin siya na maging aking asawa, sa utos para maitaas ko ang pangalan ng namatay na lalaki sa kaniyang pamana, kaya ang kaniyang pangalan ay hindi mapuputol mula sa gitna ng kaniyang mga kapatid at mula sa tarangkahan ng kaniyang lugar. Kayo ang mga saksi ngayon.”
- Ayaw ipagbili ni Nabot ang mana ng kaniyang mga ninuno1 Hari 21:2–3
Ang mga talata
1 Hari 21:2–3Nakipag-usap si Ahab kay Nabot, sinasabing, “Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan, para magkaroon ako ng hardin para sa gulay, dahil malapit ito sa aking bahay. Bilang kapalit, bibigyan kita ng mas magandang ubasan, o, kung gusto mo, babayaran ko ang halaga nito sa pera.” Sumagot si Nabot kay Ahab, “Nawa'y ipagbawal ni Yahweh na dapat kong ibigay sa iyo ang lupain na ipinamana ng aking mga ninuno.”
- Binigyan ni Jehoshafat ang kaniyang mga anak ng mga regalo at lungsod, ang kaharian sa panganay2 Cro 21:3
Ang mga talata
2 Cro 21:3Binigyan sila ng kanilang ama ng mga malalaking handog na pilak, ginto, at iba pang mga mahahalagang bagay, at gayundin ang mga matitibay na lungsod sa Juda; gayunman, ibinigay niya ang trono kay Jehoram dahil siya ang panganay.
- Binigyan ni Job ng mana ang kaniyang mga anak na babae kasama ng kanilang mga kapatidJob 42:15
Ang mga talata
Job 42:15Sa buong lupain, walang babae ang matatagpuang kasing ganda ng mga anak ni Job. Binigyan sila ni Job ng pamana kasama ng kanilang mga kapatid na lalaki.
- Binili ni Jeremias ang bukid ng kaniyang pinsan sa karapatan ng pagtubosJer 32:7–8
Ang mga talata
Jer 32:7–8'Tingnan mo, pupunta sa iyo si Hanamel ang lalaking anak ng iyong tiyuhin na si Salum at sasabihin, “Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot para sa iyong sarili, sapagkat nasa iyo ang karapatang bilhin ito.'” At gaya ng ipinahayag ni Yahweh, pumunta sa akin si Hanamel na lalaking anak ng aking tiyuhin sa patyo ng mga bantay, at sinabi sa akin, 'Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin, sapagkat nasa iyo ang karapatan sa mana, at nasa iyo ang karapatang bilhin ito. Bilhin mo ito para sa iyong sarili.' At alam ko na salita ito ni Yahweh.
- “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na hatian ako ng mana”Luc 12:13
Ang mga talata
Luc 12:13At isang lalaki mula sa napakaraming tao ang nagsabi sa kaniya, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mana”,
- Hiningi ng bunsong anak ang kaniyang bahagi sa ari-arian (isang talinghaga)Luc 15:12–13
Ang mga talata
Luc 15:12–13at sinabi ng nakababata sa kanila sa kaniyang ama, 'Ama, ibigay mo na sa akin ngayon ang ari-arian na nararapat na manahin ko.' Kaya hinati niya ang kaniyang kayamanan sa pagitan nila. Pagkaraan ng ilang mga araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng kaniyang pag-aari at pumunta sa isang malayong bansa, at doon ay winaldas niya ang kaniyang pera sa pagbili ng mga bagay na hindi niya kailangan, at pag-aaksaya ng kaniyang pera sa masamang pamumuhay.
- Nagbalak ang mga katiwala na patayin ang tagapagmana at kunin ang mana (isang talinghaga)Mar 12:7
Ang mga talata
Mar 12:7Ngunit sinabi ng mga katiwala sa isa't isa, “Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at mapapasaatin ang kaniyang mana.”
Sa Kautusan
- Kung walang anak na lalaki: sa anak na babae, saka sa mga kapatid, tiyuhin, pinakamalapit na kamag-anakBil 27:8–11
Ang mga talata
Bil 27:8–11Dapat kang magsalita sa mga tao ng Israel at sabihin, 'Kung mamatay man ang isang tao at walang anak na lalaki, dapat ninyong ipasa ang kaniyang mana sa kaniyang anak na babae. Kung wala siyang anak na babae, dapat ninyong ibigay ang kaniyang mana sa kaniyang mga kapatid na lalaki. Kung wala siyang mga kapatid na lalaki, dapat ninyong ibigay ang kanyang mana sa mga lalaking kapatid ng kaniyang ama. Kung walang kapatid na lalaki ang kaniyang ama, dapat ninyong ibigay ang kaniyang mana sa kaniyang malapit na kamag-anak sa kaniyang angkan, at dapat niya itong kunin para sa kaniyang sarili. Ito ay magiging isang batas na itatatag para sa mga tao ng Israel, ayon sa iniutos ni Yahweh sa akin.'”
- Dobleng bahagi pa rin ang panganay ng asawang hindi minamahalDeut 21:15–17
Ang mga talata
Deut 21:15–17Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa, isang minamahal at isang kinasusuklaman, at pareho silang may mga anak sa kaniya— pareho sa minamahal na asawa at ang kinasusuklamang asawa—kung ang panganay na lalaking anak ay sa nasa kinasusuklaman, sa gayon sa araw na ang lalaki ay magbibigay ng pamana sa kaniyang mga anak na lalaki na kanilang magiging pag-aari, hindi niya maaring gawin ang anak na lalaki sa minamahal na asawa na maging panganay na anak bago ang anak na lalaki sa kinasusuklamang asawa, ang siyang tunay na panganay na anak na lalaki. Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.
- Hindi dapat lumipat sa ibang lipi ang minanang lupaBil 36:7–9
Ang mga talata
Bil 36:7–9Walang kabahagi ng mga tao ng Israel ang dapat lumipat mula sa isang tribu tungo sa iba. Dapat magpatuloy ang bawat isa sa mga tao ng Israel sa kabahagi ng tribu ng kaniyang mga ninuno. Bawat babae sa mga tao ng Israel na nagmamay-ari ng kabahagi sa kaniyang tribu ay dapat mag-asawa mula sa angkang nabibilang sa tribu ng kaniyang ama. Ito ay upang bawat isa sa mga tao ng Israel ay magmay-ari ng pamana mula sa mga ninuno niya. Walang kabahagi ang dapat magpalipat-lipat mula sa isang tribu tungo sa iba. Bawat isa sa mga tribu ng mga tao ng Israel ay dapat panatilihin ang kaniyang sariling mana.”
- Hinahati ang lupain sa palabunutan, mas malaki sa mas malalaking lipiBil 26:53–55
Ang mga talata
Bil 26:53–55“Dapat ninyong hatiin ang lupain sa mga kalalakihang ito bilang mana ayon sa bilang ng kanilang mga pangalan. Sa mas malaking mga angkan day apat mong bigyan ng mas malaking mana, at sa mas maliit na mga angkan dapat mong bigyan ng mas maliit na mana. Dapat mong bigyan ng isang mana ang bawat pamilya ayon sa bilang ng mga kalalakihan na nabilang. Gayunpaman, dapat hatiin ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan. Dapat nilang manahin ang lupain habang hinahati ito sa mga tribu ng kanilang mga ninuno.
- Sinabihan si Aaron na wala siyang mamanahin sa lupainBil 18:20
Ang mga talata
Bil 18:20Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Hindi ka dapat magkaroon ng mana sa lupain ng mga tao, ni dapat magkaroon ng bahagi sa mga ari-arian ng mga tao. Ako ang iyong magiging bahagi at mana sa piling ng mga tao ng Israel.
- Bumabalik sa taon ng paglaya ang regalo ng prinsipe sa isang lingkodEzek 46:16–17
Ang mga talata
Ezek 46:16–17Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Kung magbibigay man ang prinsipe ng isang kaloob sa sinuman sa kaniyang mga anak na lalaki, ito ay kaniyang mana. Isang mana ito at magiging ari-arian ito ng kaniyang mga anak na lalaki. Ngunit kung magbibigay siya ng isang kaloob sa isa sa kaniyang mga lingkod mula sa kaniyang mana, kung gayon, magiging pag-aari ito ng lingkod hanggang sa taon ng kaniyang kalayaan, at pagkatapos maibabalik ito sa prinsipe. Tiyak na para lamang sa kaniyang mga anak na lalaki ang kaniyang mana.
Mga huling habilin
- Pinagkrus ni Jacob ang kaniyang mga kamay at inuna si Efraim kaysa kay ManasesGen 48:13–14, Gen 48:19–20
Ang mga talata
Gen 48:13–14Kapwa sila kinuha ni Jose, si Efraim sa kanyang kanang kamay sa may bandang kaliwang kamay ni Israel, at si Manasses sa kanyang kaliwang kamay sa may bandang kanang kamay ni Israel, at dinala sila malapit sa kanya. Inabot ni Israel ang kanyang kanang kamay at inilagay sa ulo ni Efraim, na siyang mas bata, at ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manasses. Pinagsalungat niya ang kanyang mga kamay, dahil si Manasses ang panganay.
Gen 48:19–20Tumanggi ang kanyang ama at nagsabi, “Alam ko, anak, alam ko, siya ay magiging isang lahi, at siya rin ay magiging dakilang mga lahi. Pero ang kanyang nakababatang kapatid ay magiging mas dakila pa kaysa sa kanya, at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging maraming mga bansa.” Binasbasan sila ni Israel sa araw na iyon sa mga salitang ito, “Ang mga mamamayan sa Israel ay magpapahayag ng pagpapala sa pamamagitan ng inyong mga pangalan na nagsasabing, 'Nawa gawin ng Diyos na maging tulad ni Efraim at Manasses'.” Sa ganitong paraan, inuna ni Israel si Efraim bago si Manasses.
- Tinipon ni Jacob ang kaniyang mga anak at pinagpala ang bawat isa bago siya namatayGen 49:1, Gen 49:28, Gen 49:33
Ang mga talata
Gen 49:1Pagkatapos tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi: “Magsama-sama kayo, para sabihin ko kung ano ang mangyayari sa inyo sa hinaharap.
Gen 49:28Ito ang mga labindalawang lipi ng Israel. Ito ang sinabi ng kanilang ama nang sila ay pinagpala niya. Bawat isa ay pinagpala niya ng nararapat na pagpapala.
Gen 49:33Nang matapos ni Jacob ang kanyang mga tagubilin sa kanyang mga anak na lalaki, iniunat niya ang kanyang mga paa sa kama at inihinga ang huling hininga, at pumunta sa kanyang mga tao.
- Huling bilin ni David kay Solomon1 Hari 2:1–3
Ang mga talata
1 Hari 2:1–3Sa pagdating ng araw ng malapit nang mamatay si David, inutusan niya si Solomon na kaniyang anak, sinabi niya, “Papunta na ako sa lupa. Kaya maging malakas ka at ipakita mong lalaki ka. Sundin mo ang mga utos ni Yahweh na iyong Diyos na lumakad sa kaniyang mga pamamaraan, na sumunod sa kaniyang mga alituntunin, kautusan, desisyon, at mga kautusan sa tipan, maging maingat na gawin kung ano ang nakasulat sa batas ni Moises, sa gayon magtatagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man pumunta,
- Isaias kay Hezekias: “Ayusin mo ang iyong sambahayan”2 Hari 20:1
Ang mga talata
2 Hari 20:1Sa mga panahon na iyon ay may sakit si Hezekias na maaari niyang ikamatay. Kaya pinuntahan siya ni Isaias ang anak ni Amoz, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Ihanda mo ang iyong sambahayan; dahil mamamatay ka na, at hindi na mabubuhay.'”
- Nagkakabisa lamang ang habilin pagkamatay ng gumawa nitoHeb 9:16–17
Ang mga talata
Heb 9:16–17Sapagkat kung saan iniwan ng isang tao ang kaniyang testamento, kailangan na mapatunayan ang kamatayan ng taong gumawa nito. Sapagkat nagkakabisa lamang ang testamento kung saan mayroong kamatayan dahil wala pang bisa ito habang buhay pa ang gumawa.
- Hindi maaaring pawalang-bisa o dagdagan ang pinagtibay na kasunduan ng taoGal 3:15
Ang mga talata
Gal 3:15Mga kapatid, magsasalita ako ayon sa pang-taong mga salita. Maging ang pang-taong kasunduan na napagtibay na ay walang makapagpapawalang-bisa nito o makapagdagdag nito.
- Nasa ilalim ng mga tagapag-alaga at katiwala ang tagapagmanang bata paGal 4:1–2
Ang mga talata
Gal 4:1–2Sinasabi ko na hanggang ang tagapagmana ay bata pa, wala siyang pinagkaiba sa isang alipin, kahit na siya pa ang nagmamay-ari ng buong lupain. Sa halip, nasa ilalim pa siya ng kaniyang mga tagapangalaga at mga katiwala hanggang sa dumating ang panahon na itinakda ng kaniyang ama.
Mga kasabihan
- Makakahati sa mana ang marunong na lingkod na parang isa sa magkakapatidKaw 17:2
Ang mga talata
Kaw 17:2Ang isang matalinong alipin ay mamamahala sa isang anak na gumagawa ng kahihiyan at makikibahagi ng mana gaya ng isa sa magkakapatid.
- Ang yamang nawala sa bigong negosyo ay walang naiiwang maipapamana sa anakMang 5:13–14
Ang mga talata
Mang 5:13–14Mayroon isang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nagdudulot ng sarili niyang kapighatian. Kapag nawala ng mayaman na tao ang kaniyang kayamanan dahil sa kamalasan, ang sarili niyang anak, na kaniyang inaruga ay walang naiwang anuman sa kaniyang mga kamay.
- Minamana sa mga ama ang mga bahay at kayamananKaw 19:14
Ang mga talata
Kaw 19:14Ang bahay at kayamanan ay namamana mula sa mga magulang, ngunit mula kay Yahweh ang masinop na asawang babae.
- Sino ang nakaaalam kung marunong o hangal ang aking tagapagmana?Mang 2:18–19
Ang mga talata
Mang 2:18–19Kinamuhian ko ang lahat ng aking natupad na aking pinaghirapan sa ilalim ng araw dahil kailangang iwanan ko sila sa taong susunod sa akin. At sino ang nakakaalam kung siya ay magiging matalinong tao o isang mangmang? Gayunman siya ay magiging panginoon sa lahat ng bagay sa ilalim ng araw kung saan naitayo ang aking gawa at naitatag ang aking karunungan. Ito rin ay usok.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0