Tuklasin › Mga paksa › Mga balo
Pang-araw-araw na buhay
Mga balo sa Bibliya
37 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa Kautusan
- Huwag apihin ang sinumang balo o ulilaExo 22:22–24
Ang mga talata
Exo 22:22–24Huwag dapat ninyong apihin ang sinumang balo o mga batang ulila sa ama. Kung sasaktan ninyo sila, at kung tumawag sila sa akin, na si Yahweh, siguradong pakikinggan ko ang kanilang tawag. Magliliyab ang aking galit, at papatayin ko kayo sa pamamagitan ng espada; ang inyong mga asawa ay magiging balo, at ang inyong mga anak ay magiging ulila sa ama.
- Iniiwan para sa balo ang naiwang bigkis, olibo at ubasDeut 24:19–21
Ang mga talata
Deut 24:19–21Kapag kayo ay mag-aani sa inyong bukid at nakalimot kayo ng isang bigkis sa bukid, hindi na dapat ninyo kunin ito, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay. Kapag inalog niyo ang puno ng olibo, dapat hindi na ninyo babalikang muli ang mga sanga, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo. Kapag pinagtipon-tipon ninyo ang mga ubas sa inyong ubasan, hindi mo na dapat pulutin ang nasa likuran mo, ito ay para na sa dayuhan, sa mga ulila, o sa balo.
- Ang ikapu tuwing ikatlong taon ay pagkain ng balo, ulila at dayuhanDeut 14:28–29
Ang mga talata
Deut 14:28–29Sa katapusan ng bawat tatlong taon ay ibibigay ninyo ang lahat na ikapu ng inyong bunga sa parehong taon, at iimbakin ninyo ito sa loob ng inyong mga tarangkahan; at ang Levita, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo, at ang dayuhan, at ang ulila, at ang balo na nasa loob ng inyong mga tarangkahan, pupunta at kakain at mabusog. Gawin ito para pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong kamay na inyong gagawin.
- Kasama ang mga balo sa kagalakan ng mga pistaDeut 16:11, Deut 16:14
Ang mga talata
Deut 16:11Kayo ay magsasaya sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita na nasa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod, at ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga balo na nasasakupan ninyo, doon sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos para sa kaniyang santuwaryo.
Deut 16:14Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.
- Huwag kunin bilang sangla ang balabal ng baloDeut 24:17
Ang mga talata
Deut 24:17Huwag ninyong piliting ilayo ang hustisya na nararapat sa dayuhan o as ulila, o kunin ang damit ng balo bilang kabayaran sa utang.
- May bisa sa balo ang kaniyang panataBil 30:9
Ang mga talata
Bil 30:9Subalit para sa isang balo o babaeng hiniwalayan ng asawa, lahat ng bagay kung saan ibinigkis niya ang kaniyang sarili ay ipapatupad laban sa kaniya.
- Ang balong anak ng pari na walang anak ay maaaring kumain sa hapag ng amaLev 22:13
Ang mga talata
Lev 22:13Ngunit kung isang balo ang anak na babae ng pari, o hiwalay, at kung wala siyang anak, at kung babalik siya upang manirahan sa bahay ng kanyang ama gaya noong kanyang kabataan, maaari siyang kumain mula sa pagkain ng kanyang ama. Ngunit walang sinumang hindi pamilya ng pari ang maaaring kumain mula sa pagkain ng pari.
- Hindi maaaring mag-asawa ang punong pari ng isang baloLev 21:14
Ang mga talata
Lev 21:14Hindi siya dapat mag-asawa ng isang balo, isang babaeng hiwalay sa asawa, o isang babaeng bayaran. Hindi siya dapat mag-asawa ng ganitong mga uri ng babae. Maaari lang siyang mag-asawa ng isang birhen mula sa kaniyang sariling lahi.
- Pinakakasalan ng lalaki ang balo ng kaniyang kapatid na walang anakDeut 25:5–10
Ang mga talata
Deut 25:5–10Kung ang magkapatid na lalaki ay magkasamang namumuhay at namatay ang isa sa kanila, na hindi nagkaroon ng anak, sa gayon ang asawa ng namatay na lalaki ay hindi dapat ipakasal sa ibang tao sa labas ng pamilya. Sa halip, ang kapatid ng kaniyang asawa ay dapat siyang sipingan at kunin siya sa kaniyang sarili bilang kaniyang asawa, at gawin ang tungkulin ng kaniyang kapatid bilang asawa niya. Para ang unang niyang ipanganak ang papalit sa pangalan ng namatay na kapatid ng lalaking iyon, para ang pangalan niya ay hindi maglaho mula sa Israel. Pero kung ang lalaki ay hindi nais kunin ang asawa ng kaniyang kapatid para sa kaniyang sarili, kung gayon ang asawa ng kapatid ay dapat umakyat sa tarangkahan sa mga nakatatanda at sabihin, 'Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging tumayo para sa pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang gampanan ang tungkulin ng isang kapatid ng asawa para sa akin.' Pagkatapos ang mga nakatatanda ng kaniyang lungsod ay dapat siyang tawagin at kausapin siya. Pero ipagpalagay na magpumilit siya at sabihin, Hindi ko nais na kunin siya.' Sa gayon ang asawa ng kapatid niya ay dapat pumunta sa kaniya sa presensya ng mga nakatatanda, hubarin ang kaniyang sandalyas mula sa kaniyang paa, at duraan ang kaniyang mukha. Dapat niya siyang sagutin at sabihan, 'Ito ang ginagawa sa lalaking hindi itataguyod ang bahay ng kaniyang kapatid.' Ang kaniyang pangalan ay tatawagin sa Israel, 'Ang bahay niya na ang sandalyas ay hinubad.'
Mga kasabihan
- Ang Diyos ay “tagapagtanggol ng mga balo”Awit 68:5, Awit 146:9
Ang mga talata
Awit 68:5Ang ama ng mga walang ama, ang hukom ng mga balo, ay Diyos sa banal na lugar kung saan siya nananahan.
Awit 146:9Inaalagaan ni Yahweh ang mga dayuhan sa lupain; kaniyang pinapasan ang mga walang ama at mga balo, pero siya ang sumasalungat sa masasama.
- Mga propeta: ipagtanggol ang usapin ng baloIsa 1:17, Jer 22:3, Zac 7:10
Ang mga talata
Isa 1:17alamin ninyo paano maging mabuti; isulong ninyo ang katarungan, tulungan niyo ang mga inaapi, bigyan ninyo ng katarungan ang mga walang ama, protektahan ninyo ang mga balo.”
Jer 22:3Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Maging makatarungan at makatuwiran, at sinuman ang ninakawan—iligtas siya sa kamay ng mang-aapi sa kaniya. Huwag apihin ang mga dayuhan sa inyong bayan, o anumang ulila o balo. Huwag gagawa ng karahasan o magbubuhos ng dugo ng walang kasalanan sa lugar na ito.
Zac 7:10Tungkol naman sa balo at ulila, ang dayuhan at ang mahirap na tao, huwag silang apihin. At sa paggawa ng anumang masama sa bawat isa, hindi kayo dapat magbalak ng anumang masama sa inyong puso.'
- Job: “Pinaawit ko sa kagalakan ang puso ng balo”Job 29:13, Job 31:16
- Nagbabala si Jesus tungkol sa mga lalaking umaagaw ng bahay ng mga baloMar 12:40
Ang mga talata
Mar 12:40Kinakamkam din nila ang mga bahay ng mga balo at nananalangin sila ng mga mahahabang panalangin upang makita ng mga tao. Makatatanggap ang mga taong ito ng mas mabigat na parusa.”
- Pablo: dapat tustusan ng mga pamilya ang sarili nilang mga balo1 Tim 5:3–5, 1 Tim 5:16
Ang mga talata
1 Tim 5:3–5Parangalan mo ang mga balo, ang mga tunay na balo. Ngunit kung ang balo ay may mga anak o di kaya mga apo, matuto muna silang ipakita ang paggalang sa kanilang sariling sambahayan. Suklian muna nila ang kanilang mga magulang, sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon. Ngunit ang tunay na balo ay naiwang nag-iisa. Nagtitiwala siya sa Diyos. Lagi siyang nananatili na may mga kahilingan at mga panalangin araw at gabi.
1 Tim 5:16Kung ang mananampalatayang babae ay may kamag-anak na mga balo, tulungan niya sila upang ang iglesiya ay hindi mabigatan at matulungan nito ang tunay na mga balo.
- Ang balong itinala para tustusan ay dapat hindi bababa sa animnapung taong gulang1 Tim 5:9–10
Ang mga talata
1 Tim 5:9–10Itala bilang isang balo ang babaeng hindi bababa sa animnapu ang edad, asawa ng isang lalaki. Dapat siyang makilala sa kaniyang mabubuting gawa, maging sa pag-aalaga ng mga bata, o sa pagpapatuloy ng mga taga-ibang bayan, o sa paghuhugas ng paa ng mga mananampalataya, o sa pagtulong sa mga nagdurusa, o sa pagiging tapat sa bawat mabubuting gawain.
- Malaya ang balo na mag-asawang muli1 Cor 7:39
Ang mga talata
1 Cor 7:39Ang isang babae ay natatalian sa kaniyang asawa habang siya ay nabubuhay. Ngunit kung ang asawang lalaki ay mamatay, siya ay malayang mag- asawa sa sinuman naisin niya, ngunit sa Panginoon lamang.
Mga halimbawa
- Namuhay si Tamar bilang balo sa bahay ng kaniyang ama, nakadamit-baloGen 38:11, Gen 38:14, Gen 38:19
Ang mga talata
Gen 38:11Pagkatapos sinabi ni Juda kay Tamar, na kanyang manugang, “Manatili kang biyuda sa bahay ng iyong ama hanggang sa lumaki si Selah na aking anak.” Dahil sa isip niya, “Baka mamatay din siya katulad ng kanyang mga kapatid.” Umalis si Tamar at nanirahan sa bahay ng kanyang ama.
Gen 38:14Hinubad niya ang damit sa pagkabalo at tinakpan ang kanyang sarili ng isang belo at ibinalot ang sarili. Umupo siya sa tarangkahan ng Enaim, sa tabi ng daan patungong Timnat. Dahil nakita niyang si Selah ay lumaki na ngunit hindi siya binigay bilang asawa niya.
Gen 38:19Tumindig si Tamar at umalis palayo. Inalis niya ang kanyang belo at isinuot ang damit sa kanyang pagkabalo.
- Nawalan si Naomi ng asawa at ng dalawang anak na lalaki sa MoabRut 1:3–5
Ang mga talata
Rut 1:3–5Pagkatapos namatay si Elimelek na asawa ni Naomi, at naiwan siyang kasama ng kaniyang dalawang anak na lalaki. Itong mga anak na lalaki ay kumuha ng mga asawa mula sa mga kababaihan ng Moab; ang pangalan ng isa ay Orpa at ang pangalan ng isa pa ay Ruth. Nanirahan sila roon nang halos sampung taon. Pagkatapos parehong namatay sina Mahlon at Quelion, kaya naiwan si Naomi wala ang kaniyang asawa at wala ang kaniyang dalawang anak.
- Namulot si Ruth sa mga bukid upang may makain si NaomiRut 2:2–3
Ang mga talata
Rut 2:2–3Sinabi ni Ruth, na Moabita, kay Naomi, “Ngayon hayaan mo akong umalis at mamulot ng mga uhay ng natitirang butil sa mga bukid. Susunod ako sa kahit kaninong mga mata ako makatagpo ng pabor.” Kaya sinabi ni Naomi sa kaniya, “Pumunta ka, aking anak.” Si Ruth ay nagpunta at namulot sa bukid kasunod ng mga mang-aani. Nangyaring napunta siya sa bahagi ng bukiring nabibilang kay Boaz, na may kaugnayan kay Elimelek.
- Isang babae mula sa Tekoa ang nagkunwaring balo sa harap ni David2 Sam 14:2–5
Ang mga talata
2 Sam 14:2–5Kaya nagpadala ng salita si Joab sa Tekoa at nagpadala ng isang matalinong babae sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya, “Pakiusap magkunwaring ikaw ay isang taong nagdadalamhati at magsuot ng damit panluksa. Pakiusap huwag pahiran ang iyong sarili ng langis, pero maging katulad ng isang babaeng nagluluksa ng magtagal na panahon para sa patay. Pagkatapos pumunta sa hari at sabihin sa kaniya ang tungkol sa kung ano ang aking ilalarawan.” Kaya sinabi ni Joab sa kaniya ang mga salita kaniyang sasabihin sa hari. Nang makipag-usap sa hari ang babaeng mula sa Tekoa, nagpatirapa siya sa lupa at sinabi, “Tulungan mo ako, hari.” Sinabi ng hari sa kaniya, “Anong problema?” Sumagot siya, “Ang katotohanan isa akong balo at patay na ang aking asawa.
- Si Hiram, ang manggagawa ng tanso ni Solomon, ay anak ng isang balo1 Hari 7:14
Ang mga talata
1 Hari 7:14Si Hiram ay anak na lalaki ng isang balo ng tribo ng Nephtali; ang kaniyang ama ay lalaking taga-Tiro, isang mahusay na manggagawa ng tanso. Si Hiram ay puno ng karunungan at kaalaman at kahusayan sa malaking gawain gamit ang tanso. Pumunta siya kay Haring Solomon para gumawa ng lahat ng kagamitan na yari sa tanso para sa hari.
- Balo ang ina ni Jeroboam na si Serua1 Hari 11:26
Ang mga talata
1 Hari 11:26At si Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, isang Efraimita na taga Sereda, isang opisyal ni Solomon, na ang pangalan ng kaniyang ina ay Serua, isang babaeng balo, ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari.
- Isang dakot na harina at kaunting langis na lamang ang mayroon ang balo sa Sarepta1 Hari 17:10–16
Ang mga talata
1 Hari 17:10–16Kaya bumangon siya at pumunta sa Sarepta, at nang makarating siya sa tarangkahan ng lungsod isang balo ang namumulot ng mga kahoy. Kaya tinawag niya ito at sinabi, “Pakidalhan mo naman ako ng kaunting tubig na nasa banga para maka-inom ako.” Habang siya ay papunta para kumuha ng tubig tinawag siya ni Elias at sinabi, “Pahingi naman ng tinapay na nasa kamay mo.” Sumagot siya, “Si Yahweh na iyong Diyos ay buhay, wala na akong tinapay, maliban na lang sa isang dakot ng harina at kaunting mantika sa lalagyan. Tingnan mo, namulot ako ng dalawang kahoy para lutuin ito para sa akin at sa anak ko, para kami makakain, at mamatay.” Sinabi ni Elias sa kaniya, “Huwag kang matakot. Pumunta ka at gawin ang sinabi mo pero magluto ka muna ng maliit na tinapay at dalhin mo sa akin. At pagkatapos magluto ka na ng para sa inyo ng anak mo. Dahil sinabi ni Yahweh, na Diyos ng Israel, “Hindi mauubusan ng laman ang banga ng harina, maging ang lalagyan ng mantika ay hindi hihinto sa pagdaloy, hanggang sa magpadala si Yahweh ng ulan sa buong lupain.” Pagkatapos, ginawa niya ang sinabi ni Elias, at siya, si Elias at ang bata ay kumain nang maraming araw. Hindi naubos ang harina sa banga maging ang mantika sa lalagyan ay hindi huminto sa pagdaloy, na siyang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.
- Iniligtas ni Eliseo sa pamamagitan ng langis ang mga anak ng isang balo mula sa nagpapautang2 Hari 4:1–7
Ang mga talata
2 Hari 4:1–7Ngayon, nagpuntang umiiyak ang isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, sinabing, “Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na, at alam mo na may takot ang iyong lingkod kay Yahweh. Ngayon pumunta ang nagpapautang para kunin ang aking dalawang anak para maging mga alipin niya.” Kaya sinabi ni Eliseo sa kaniya, “Ano ang magagawa ko para sa iyo?” Sinabi niya, “Ang iyong lingkod ay walang kahit ano sa bahay, maliban sa palayok ng langis.” Pagkatapos, sinabi ni Eliseo, “Umalis ka para manghiram ng mga tapayan na walang laman sa iyong mga kapit-bahay. Manghiram ka ng marami hangga't maaari. Pagkatapos kailangan mo pumunta sa loob ng bahay mo at isara ang pinto sa likod mo at ng iyong mga anak, at ibuhos ang langis sa mga tapayan na iyon; itabi mo ang mga tapayan na napuno.” Kaya iniwan niya si Eliseo at sinara ang pinto sa likod niya at kaniyang mga anak. Nagdala sila ng mga tapayan para sa kaniya, at pinuno ang mga ito ng langis. Nang napuno na ang mga lagayan, sabi niya sa kaniyang mga anak, “Magdala pa kayo ng isa pang tapayan.” Pero ang sabi ng anak niya sa kaniya, “Wala ng mga tapayan.” Pagkatapos, huminto na sa pagdaloy ng langis. Pagkatapos, bumalik siya at sinabi sa lingkod ng Diyos. Sabi niya, “Pumunta ka roon, ibenta mo ang langis; bayaran mo ang iyong utang, at mamuhay kasama ng iyong mga anak sa mga natira.”
- Si Ana, balo hanggang walumpu’t apat na taon, ay hindi umalis sa temploLuc 2:36–38
Ang mga talata
Luc 2:36–38Naroon din ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Siya ay anak ni Fanuel na nagmula sa tribo ni Aser. Napakatanda na niya. Siya ay namuhay kasama ng kaniyang asawa sa loob ng pitong taon pagkatapos ng kaniyang pag-aasawa, at pagkatapos ay balo ng walumpu't apat na taon. Hindi siya kailanman umalis sa templo at patuloy siyang sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin, gabi at araw. Sa oras ding iyon, lumapit siya sa kanila at nagsimulang magpasalamat sa Diyos. Siya ay nagsalita tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.
- Isang dukhang balo ang naghulog ng dalawang maliit na baryang tanso sa kabang-yamanMar 12:41–44
Ang mga talata
Mar 12:41–44Pagkatapos umupo si Jesus sa tapat ng lalagyan ng kaloob sa templo; pinagmamasdan niya ang mga tao habang inihuhulog nila ang kanilang pera sa kahon. Maraming mayayamang tao ang naglalagay ng malalaking halagang pera. At dumating ang isang mahirap na balo at naglagay ng dalawang kusing na nagkakahalaga ng isang pera. At tinawag niya ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Mahalaga itong sinasabi ko sa inyo, ang mahirap na balong ito ay nakapaglagay ng higit kaysa lahat ng nagbigay sa lalagyan ng kaloob Sapagkat nagbigay ang lahat sa kanila mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang balong ito, sa kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng perang mayroon siya na kaniyang ikabubuhay.”
- Binuhay ni Jesus ang nag-iisang anak ng isang balo sa NainLuc 7:11–15
Ang mga talata
Luc 7:11–15Ilang panahon pagkatapos nito, nangyari na si Jesus ay naglakbay sa lungsod na tinatawag na Nain. Ang kaniyang mga alagad ay sumama sa kaniya kasama ang maraming mga tao. Nang palapit na siya sa tarangkahan papasok ng lungsod, masdan ito, isang taong patay ang dinadala palabas, ang kaisa-isang anak ng kaniyang ina. Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod. Pagkakita sa kaniya, ang Panginoon ay labis na nahabag sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Huwag kang umiyak.” Pagkatapos lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay, at ang mga nagdadala ay napatigil. Sinabi niya, “Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.” Ang taong patay ay bumangon at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.
- Napabayaan ang mga balong Griego sa araw-araw na pamamahagi ng pagkainGawa 6:1
Ang mga talata
Gawa 6:1Ngayon sa mga araw na ito, nang ang bilang ng mga alagad ay dumarami, nagsimula ang reklamo mula sa mga Helenista laban sa mga Hebreo, sa dahilan na ang kanilang mga babaing balo ay napapabayaan sa araw-araw na pamamahagi ng pagkain.
- Ipinakita ng mga balo kay Pedro ang mga damit na ginawa ni DorcasGawa 9:39
Ang mga talata
Gawa 9:39Tumayo si Pedro at sumama sa kanila. Nang dumating siya, dinala nila siya sa kuwarto sa itaas, at ang lahat ng mga balo ay nakatayo sa paligid niya na nananangis, ipinapakita sa kaniya ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas habang kasama pa nila siya.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0