Tuklasin › Mga paksa › Mga ilawan
Pang-araw-araw na buhay
Mga ilawan sa Bibliya
28 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa tabernakulo at templo
- Patungan ng ilawan na yari sa pinukpok na ginto, anim na sanga na may hugis-bulaklak ng almendrasExo 25:31–36
Ang mga talata
Exo 25:31–36Dapat kayong gumawa ng isang ilawan ng purong gintong pinanday. Ang ilawan ay gagawin na may paanan at poste. Ang mga tasa nito, ang mga madahong paanan, at ang mga bulaklak nito ay gawa lahat sa isang pirasong kalakip nito. Anim na mga sanga na dapat pahabain palabas mula sa mga gilid nito-tatlong mga sanga na dapat pahabain mula sa isang gilid, at tatlong mga sanga ng ilawan ay dapat pahabain mula sa kabilang gilid. Ang unang sanga ay dapat may tatlong mga tasa na ginawa katulad ng almendro na mga bulaklak, kasama ang isang madahong paanan at isang bulaklak, at tatlong mga tasa ginawa na katulad ng almendro na mga bulaklak na nasa ibang sanga, kasama ang isang madahong paanan at isang bulaklak. Dapat kapareho ito sa lahat ng anim na sanga na hahaba palabas mula sa ilawan. Sa sariling ilawan, ang gitnang katawan ng poste, apat dapat ang mga tasang gawa tulad ng almendro na mga bulaklak, kasama ng kanilang madahong paanan at ang mga bulaklak. Dapat may isang madahong paanan sa unang pares ng mga sanga—gawa bilang isang piraso na kasama nito, at ang isang madahong paanan sa ilalim ng pangalawang pares ng mga sanga—ginawa rin bilang isang piraso kasama nito. Sa parehong paraan dapat mayroong isang madahong paanan sa ilalim ng pangatlong pares ng mga sanga, ginawa bilang isang piraso na kasama nito. Ito ay dapat kapareho ng lahat ng anim na sanga na palabas mula sa ilawan. Ang kanilang mga madahong paanan at mga sanga ay dapat maging isang piraso kasama nito, isang piraso ng pinalong yari sa purong ginto.
- Pitong ilawan, may gintong panggupit ng mitsa at mga sisidlanExo 25:37–38, Exo 37:23
Ang mga talata
Exo 25:37–38Dapat kayong gumawa ng ilawan at ang pitong ilaw nito, at ilagay ang mga ilaw nito para sila ay magbigay ng liwanag mula dito. Ang mga sipit at ang kanilang mga bandeha ay dapat ginawa sa purong ginto.
Exo 37:23Gumawa si Bezalel ng ilawan at pitong mga ilawan nito, mga panipit nito at kanilang mga bandeha ng purong ginto.
- Ginawa mula sa isang talentong purong gintoExo 25:39, Exo 37:24
- Pinananatiling nagniningas ang mga ilawan ng purong langis ng piniga na oliboExo 27:20, Lev 24:2
Ang mga talata
Exo 27:20Dapat mong utusan ang mga Israelita na magdala ng purong langis ng pinisang olibo para sa ilawan para magpapatuloy itong masunog.
Lev 24:2“Utusan ang mga bayan ng Israel para magdala sa iyo ng dalisay na langis na hinalo mula sa mga olibo para sa langis ng inyong mga lampara, para laging nasusunog ang mga ito at magbigay ng liwanag.
- Inaalagaan ni Aaron ang mga ilawan mula gabi hanggang umagaExo 27:21, Lev 24:3–4
Ang mga talata
Exo 27:21Sa tolda ng pagpupulong, sa labas ng kurtina na nasa harapan ng tipan ng kautusan, si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat panatilihin ang mga ilawan mula sa gabi hanggang sa umaga sa harapan ni Yahweh. Ang utos na ito ay magiging isang walang hanggang kautusan magpakailanman sa buong mga salinlahi sa bansa ng Israel.
Lev 24:3–4Sa labas ng kurtina bago ang mga tipan ng kautusan sa tolda ng pagpupulong, si Aaron ay dapat tuloy-tuloy, mula gabi hanggang umaga, panatilihing naka-ilaw ang lampara sa harap ni Yahweh. Ito ay laging magiging isang batas sa buong angkan ng iyong mga tao. Ang punong pari ang dapat na magpanatiling nakailaw ang mga lampara sa harap ni Yahweh, ang mga lampara sa ilawan ng gintong dalisay.
- Nagsusunog ng insenso kapag inaayos ang mga ilawan, sa umaga at takipsilimExo 30:7–8
Ang mga talata
Exo 30:7–8Dapat si Aaron ang magsunog ng mabangong insenso sa tuwing umaga. Dapat niyang sunugin ito kapag inaayos niya ang mga lampara. Kapag sisindihan ni Aaron ang mga lampara muli sa gabi, dapat siyang magsunog ng insenso sa altar ng insenso. Dapat itong maging isang palagiang pagsusunog ng insenso sa harap ko, si Yahweh, sa buong salinlahi ng inyong bayan.
- Inilalagay ang mga ilawan upang ilawan ang harapan ng patungan ng ilawanBil 8:2–3
Ang mga talata
Bil 8:2–3“Kausapin mo si Aaron. Sabihin mo sa kaniya, 'Dapat magbigay ng liwanag ang pitong ilawan sa harapan ng patungan ng ilaw kapag sinindihan mo ang mga ito.''' Ginawa ito ni Aaron. Sinindihan niya ang mga ilawan na nasa patungan ng ilawan upang magbigay ng liwanag sa harapan nito, gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
- Nakatayo ang patungan ng ilawan sa tapat ng mesa, sa gawing timogExo 40:24–25
Ang mga talata
Exo 40:24–25Inilagay niya ang ilawan sa loob ng tolda ng pagpupulong, sa kabila mula sa mesa, sa gawing timog ng tabernakulo. Sinindihan niya ang mga ilaw sa tapat ni Yahweh, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
- Sa paglalakbay, tinatakpan ito ng asul na telaBil 4:9
Ang mga talata
Bil 4:9Dapat silang kumuha ng isang asul na tela at takpan ang patungan ng ilawan, kasama ng mga ilawan nito, mga sipit, mga sisidlan ng abo, at lahat ng mga banga ng langis para sa mga ilawan.
- Nakahiga si Samuel bago mamatay ang ilawan ng Diyos1 Sam 3:3
Ang mga talata
1 Sam 3:3Hindi pa namamatay ang ilawan ng Diyos, at nakahiga si Samuel upang matulog sa bahay ni Yahweh, kung saan naroon ang kaban ng Diyos.
- Gumawa si Solomon ng sampung gintong patungan ng ilawan, lima sa bawat panig1 Hari 7:49, 2 Cro 4:7
Ang mga talata
1 Hari 7:49Ang patungan ng ilaw, lima sa kanan at lima sa kaliwa, sa harap ng panloob na silid ay gawa sa purong ginto, at ang mga bulaklak, ang mga ilawan, at ang mga pang-ipit ay ginto.
2 Cro 4:7Ginawa niya ang gintong patungan ng ilawan na ginawa ayon sa tagubilin para sa disenyo ng mga ito; inilagay niya ang mga ito sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa.
- Sinisindihan tuwing gabi ang mga ilawan ng gintong patungan ng ilawan2 Cro 13:11
Ang mga talata
2 Cro 13:11Nagsusunog sila sa bawat umaga at gabi ng mga alay na susunugin at mga mababangong insenso para kay Yahweh. Sila rin ay naghahanda ng tinapay na handog sa ibabaw ng dinalisay na hapag. Sinisindihan rin nila ang ilawang gintong patungan upang ang mga ito ay magliwanag sa bawat gabi. Sinusunod namin ang mga kautusan ni Yahweh na aming Diyos, ngunit tinalikuran ninyo siya.
- Hezekias: isinara ng ating mga ninuno ang portiko ng templo at pinatay ang mga ilawan2 Cro 29:6–7
Ang mga talata
2 Cro 29:6–7Sapagkat lumabag ang ating mga ninuno at ginawa nila ang masama sa paningin ni Yahweh na ating Diyos; siya ay tinalikuran nila, tumalikod sila mula sa lugar na pinananahanan ni Yahweh. Isinara din nila ang mga pintuan ng mga portiko at pinatay ang mga lampara; hindi sila nagsunog ng mga insenso o naghandog ng mga alay na susunugin sa banal na lugar para sa Diyos ng Israel.
- Tinangay ng mga taga-Babilonia ang mga patungan ng ilawanJer 52:19
Ang mga talata
Jer 52:19Ang mga palanggana at ang mga sunugan ng insenso, ang mga mangkok, mga palayok, mga kandelero, at mga palanggana na gawa sa ginto, at ang mga gawa sa pilak ay kinuha rin ng kapitan ng bantay ng hari.
Sa tahanan
- Inilalagay ng mga tao ang ilawan sa patungan, hindi sa ilalim ng takalan o higaanMat 5:15, Mar 4:21, Luc 8:16, Luc 11:33
Ang mga talata
Mat 5:15Ni hindi nagsisindi ang mga tao ng lampara at ilagay sa loob ng basket, bagkus sa isang patungan ng ilawan, at magliliwanag ito sa lahat ng nasa bahay.
Mar 4:21Sinabi ni Jesus sa kanila, “Magdadala ba kayo ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket o sa ilalaim ng higaan? Dadalhin ninyo ito sa loob at ilalagay sa lagayan ng lampara.
Luc 8:16Ngayon, walang sinuman, na kung kaniyang sisindihan ang ilawan ay tatakpan ito ng mangkok o ilalagay ito sa ilalim ng kama. Sa halip ito ay kaniyang ilalagay sa patungan ng ilawan, upang ang lahat ng papasok ay makikita ang liwanag.
Luc 11:33Wala kahit sino na matapos sindihan ang ilawan ay ilalagay ito sa madilim na silid o sa ilalim ng basket, kung hindi ay sa patungan ng ilawan para magkaroon ng ilaw ang pumapasok.
- Nagsindi ng ilawan ang isang babae at winalisan ang bahay para sa nawawalang baryaLuc 15:8
Ang mga talata
Luc 15:8O sinong babaing may sampung pilak na barya, kung mawalan siya ng isang barya, ang hindi magsisindi ng ilawan, magwawalis sa bahay, at masikap na maghahanap hanggang sa matagpuan niya ito?
- Hindi namamatay sa gabi ang ilawan ng mahusay na asawaKaw 31:18
Ang mga talata
Kaw 31:18Nauunawaan niya kung ano ang magbibigay ng malaking kita para sa kaniya; buong gabi ay hindi namatay ang kaniyang lampara.
- Lumitaw ang sulat sa pader ng palasyo malapit sa patungan ng ilawanDan 5:5
Ang mga talata
Dan 5:5Sa sandaling iyon, lumitaw ang mga daliri ng isang kamay ng tao sa harapan ng patungan ng ilaw at nagsulat sa napalitadahang pader sa palasyo ng hari. At nakikita ng hari ang bahagi ng kamay habang nagsusulat.
- Maraming ilawan sa silid sa itaas sa TroasGawa 20:8
Ang mga talata
Gawa 20:8May maraming mga ilawan sa itaas ng silid kung saan kami nagtipun-tipon.
- Sampung birhen na may ilawan; lima ang hindi nagdala ng dagdag na langis (isang talinghaga)Mat 25:1–8
Ang mga talata
Mat 25:1–8Ang kaharian ng langit ay magiging katulad ng sampung birhen na nagdala ng kanilang mga ilawan at pumuntang sumalubong sa lalaking ikakasal. Ang lima sa kanila ay hangal at ang lima ay matatalino. Sapagkat noong dinala ng limang hangal na birhen ang kanilang mga ilawan, hindi sila nagdala ng karagdagang langis. Ngunit yung limang matatalinong birhen ay nagdala ng mga langis sa lalagyan kasama ng kanilang ilawan. Ngayon habang naantala ang lalaking ikakasal, lahat sila ay inantok at nakatulog. Ngunit noong hating gabi na ay may sumigaw, 'Tingnan ninyo ang lalaking ikakasal! Pumunta na kayo at salubungin siya.' Kaya't tumayo ang lahat ng mga birhen at inayos ang kanilang mga ilawan. Sabi ng mga hangal sa mga matatalino, 'Bigyan ninyo kami ng inyong langis sapagkat nauubusan na ang aming ilawan.'
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0