Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Pagsasayaw

Pang-araw-araw na buhay

Pagsasayaw sa Bibliya

21 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Sumayaw si Miriam at ang mga babae na may tamburin matapos tumawid sa dagatExo 15:20
    Ang mga talata
    Exo 15:20Si Miriam, ang babaeng propeta, na kapatid na babae ni Aaron, ay dumampot ng tamburin, at lumabas ang lahat ng mga kababaihan na may mga tamburin, sabay na sumasayaw kasama niya.
  • Nakita ni Moises ang guya at ang pagsasayawExo 32:19
    Ang mga talata
    Exo 32:19Nang dumating si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Siya ay lubhang nagalit. Itinapon niya ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang mga kamay, at nabiyak ang mga ito sa ibaba ng bundok.
  • Lumabas ang anak na babae ni Jefta upang salubungin siya na sumasayawHuk 11:34
    Ang mga talata
    Huk 11:34Dumating si Jefta sa kaniyang tahanan sa Mizpa, at doon lumabas ang kaniyang anak na babae para salubungin siya ng mga tamburin na mayroong kasamang sayaw. Siya lamang ang nag-iisa niyang anak, at maliban sa kaniya wala na siyang anak na lalaki ni anak na babae.
  • Sumayaw ang mga anak na babae ng Silo sa taunang pistaHuk 21:19–21
    Ang mga talata
    Huk 21:19–21Kaya sinabi nila, “Alam ninyong may isang pista para kay Yahweh sa bawat taon sa Silo (na nasa hilaga ng Betel, silangan ng daan na nagdudugtong mula sa Betel hanggang Sechem, at timog ng Lebona).” Binigyan nila ng tagubilin mga kalalakihan ni Benjamin, sinasabing, “Humayo at magtago ng palihim at maghintay sa mga ubasan. Bantayan ang pagkakataon kapag lumabas na ang mga kababahan para sumayaw mula sa Silo, magmadaling pumunta sa mga ubasan at dapat na kumuha ng isang asawa mula sa mga kababahan ng Silo ang bawat isa sa inyo, pagkatapos bumalik sa lupain ng Benjamin.
  • Sumayaw at umawit ang mga babae: “Pumatay si Saul ng libu-libo”1 Sam 18:6–7, 1 Sam 21:11
    Ang mga talata
    1 Sam 18:6–7Sa kanilang pag-uwi mula sa pagtalo sa mga Filisteo, pumunta ang mga kababaihang nagmula sa lahat ng lungsod ng Israel, na nag-aawitan at nagsasayawan, para salubungin si Haring Saul, na may tamburin, kagalakan, at mga instrumentong pangmusika. Nag-aawitan ang kababaihan habang tumutugtog; inawit nila: “Pinatay ni Saul ang kanyang libu-libo, at si David ang kanyang sampung libo.”
    1 Sam 21:11Sinabi ng mga lingkod ni Aquis sa kanya, “Hindi ba si David ito, ang hari ng lupain? Hindi ba kumakanta sila sa isa't-isa tungkol sa kanya sa mga sayawan, 'Pinatay ni Saul ang kanyang libo-libo, at pinatay ni David ang kanyang sampung libo?'”
  • Sumayaw si David nang buong lakas sa harap ng kaban2 Sam 6:14–16
    Ang mga talata
    2 Sam 6:14–16Sumayaw si David sa harapan ni Yahweh nang ng kaniyang buong kalakasan; nagsuot lamang siya ng isang linong epod. Kaya dinala ni David at ng buong kabahayan ng Israel ang kaban ni Yahweh na may sigawan at tunog ng mga trumpeta. Ngayon pagdating ng kaban ni Yahweh sa loob ng lungsod ni David, dumungaw sa labas ng bintana si Mical, na babaeng anak ni Saul. Nakita niya si Haring David na tumatalon at sumasayaw sa harapan ni Yahweh. Pagkatapos kinamuhian niya siya sa kaniyang puso.
  • Nakita ni Mical si Haring David na sumasayaw at hinamak siya1 Cro 15:29
    Ang mga talata
    1 Cro 15:29Ngunit nang paparating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana ang babaeng anak ni Saul na si Mical. Nakita niya si Haring David na sumasayaw at nagdiriwang. At kinamuhian niya si Haring David sa kaniyang puso.
  • Naglulundagan ang mga bata sa tunog ng tamburin at liraJob 21:11–12
    Ang mga talata
    Job 21:11–12Pinapalaya nila ang kanilang mga anak na parang mga kawan, at sumasayaw ang mga ito. Umaawit sila sa tamburin at alpa at nagagalak sa tugtog ng plauta.
  • “Ginawa mong sayaw ang aking pagluluksa”Awit 30:11
    Ang mga talata
    Awit 30:11Pinalitan mo ang aking pagluluksa ng pagsasayaw; hinubad mo ang aking sako at dinamitan ako ng kagalakan.
  • Purihin siya ng tamburin at sayawAwit 149:3, Awit 150:4
    Ang mga talata
    Awit 149:3Purihin nila ang kaniyang pangalan na may sayawan; umawit sila ng papuri sa kaniya nang may tamburin at alpa.
    Awit 150:4Purihin siya gamit ang tamburin at sayawan; purihin siya gamit ang mga instrumentong may kuwerdas at mga instrumentong hinihipan.
  • Panahon ng pagluluksa at panahon ng pagsasayawMang 3:4
    Ang mga talata
    Mang 3:4panahon ng pag-iyak at panahon ng pagtawa, panahon ng pagtangis at panahon ng pagsayaw,
  • “Ang sayaw ng Mahanaim”AwS 6:13
    Ang mga talata
    AwS 6:13Magbalik ka, bumalik ka, ikaw na babaeng walang kapintasan; magbalik ka, magbalik para ikaw ay aking mapagmasdan. Nagsasalita ang dalaga sa kaniyang mangingibig. Bakit ka nakatitig sa akin, babaeng walang kapintasan, na parang sumasayaw ako sa pagitan ng dalawang hanay ng mga mananayaw?
  • Magsasaya ang mga dalaga sa pagsasayaw, pati ang mga binata at matatandaJer 31:4, Jer 31:13
    Ang mga talata
    Jer 31:4Itatayo kitang muli, upang sa gayon ikaw ay makatatayo, birheng Israel. Maaari mong damputin muli ang iyong mga tamburin at lumabas nang may mga masasayang sayaw.
    Jer 31:13At sasayaw nang may galak ang mga birhen at mga binata at mga matatandang kalalakihan. Sapagkat papalitan ko ang kanilang pagdadalamhati ng pagdiriwang. Kahahabagan ko sila at magagalak sa halip na nagluluksa.
  • “Naging pagluluksa ang aming pagsasayaw”Panag 5:15
    Ang mga talata
    Panag 5:15Tumigil ang kagalakan ng aming mga puso; napalitan ng pagluluksa ang aming pagsasayaw.
  • Mga bata sa pamilihan: “Tinugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo sumayaw”Mat 11:17
    Ang mga talata
    Mat 11:17at magsasabi, 'Kami ay tumugtog ng plauta para sa inyo ngunit hindi kayo nagsayaw. Kami ay nagluksa ngunit hindi kayo tumangis.'
  • Tugtugan at sayawan para sa nagbabalik na anakLuc 15:25
    Ang mga talata
    Luc 15:25Sa panahong iyon, ang kaniyang nakatatandang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumating at palapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan.
  • Sumayaw ang anak ni Herodias sa piging ng kaarawan ni HerodesMat 14:6–7, Mar 6:22
    Ang mga talata
    Mat 14:6–7Ngunit noong dumating ang kaarawan ni Herodes, ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw sa gitna at nalugod si Herodes. Bilang tugon, nangako siya na may panunumpa na ipagkakaloob ang anumang hihilingin nito.
    Mar 6:22Dumating ang mismong anak na babae ni Herodias at sumayaw para sa kanila at naaliw niya si Herodes at kaniyang mga panauhin. At sinabi ng hari sa babae, “Humingi ka ng kahit na anong gusto mo at ibibigay ko ito sa iyo.”

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0