Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga hapag at kainan

Pang-araw-araw na buhay

Mga hapag at kainan sa Bibliya

36 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Mga hapag

  • Higaan, mesa, upuan at ilawan sa maliit na silid ni Eliseo2 Hari 4:10
    Ang mga talata
    2 Hari 4:10Gumawa tayo ng maliit na silid sa bubungan para kay Eliseo, at maglagay tayo ng higaan, upuan, at lampara. Pagkatapos, kapag pumunta siya sa atin, mananatili na siya roon.”
  • Pitumpung hari ang namumulot ng mumo sa ilalim ng mesa ni Adoni-bezekHuk 1:7
    Ang mga talata
    Huk 1:7Sinabi ni Adoni Bezek, “Pitumpung hari, na ang may hinlalaki sa kamay at mga malalaking dalari sa paa ang pinutol, na nag-iipon ng kanilang pagkain mula sa ilalim ng aking mesa. Gaya ng aking ginawa, ganun din ang ginawa ng Diyos sa akin.” Siya ay dinala nila sa Jerusalem, at doon siya namatay.
  • Mesa ng tabernakulo: kahoy na akasya na binalutan ng ginto, may mga pasanang kahoyExo 25:23–28
    Ang mga talata
    Exo 25:23–28Dapat kayong gumawa ng isang mesa ng kahoy na akasya. Ang haba nito ay dapat dalawang kubit; ang lapad nito ay dapat isang kubit, at ang taas nito ay dapat isang kubit at kalahati. Dapat balutan ninyo ito ng purong ginto at lagyan ng gintong dulo sa paligid ng ibabaw. Dapat kayong gumawa ng isang kalakip na balangkas para dito na may isang dangkal ang lapad, kasama ng kalakip na hangganan na ginto para sa balangkas. Dapat gumawa kayo para dito ng apat na argolya na ginto at ikabit ang mga argolya sa apat na kanto, na kung saan ang apat na paa ay naroon. Ang mga argolya ay dapat nakakabit sa gilid para magbigay ng mga lugar para sa mga baras, nang sa gayon ay mabubuhat ang mesa. Dapat kayong gumawa ng mga baras galing sa kahoy na akasya at balutan sila ng ginto para ang mesa ay maaaring buhatin nila.
  • Labindalawang tinapay na inilalagay sa dalawang hanay sa gintong mesa tuwing Araw ng PamamahingaLev 24:5–8
    Ang mga talata
    Lev 24:5–8Dapat kang kumuha ng pinong harina at magluluto ng labindalawang tinapay dito. Dapat na maging dalawang ikasampung ephah sa bawat tinapay. Pagkatapos dapat mong ayusin ang mga ito sa dalawang linya, anim sa bawat linya, sa mesa ng gintong dalisay sa harap ni Yahweh. Dapat maglagay ng isang purong insenso sa tabi ng bawat linya ng mga tinapay bilang isang simbolo ng mga tinapay. Susunugin ang insensong ito para kay Yahweh. Bawat Araw ng Pamamahinga ang punong pari ang dapat na palaging maglagay ng tinapay sa harap ni Yahweh, sa ngalan ng mga tao ng Israel. Bilang isang tanda ng walang hanggang tipan.
  • Mga gintong mesa at pilak na mesa para sa templo1 Cro 28:16
    Ang mga talata
    1 Cro 28:16Ibinigay niya ang timbang ng mga ginto para sa mga lamesa ng tinapay na handog, para sa bawat lamesa, at ang timbang ng pilak para sa mga lamesang pilak.
  • Itinaob ni Jesus ang mga mesa ng mga nagpapalit ng salapiJuan 2:15
    Ang mga talata
    Juan 2:15Kaya gumawa siya nang isang panghagupit na lubid at pinaalis silang lahat palabas ng templo, pati na ang mga tupa at baka. Itinapon niya ang pera ng tagapagpalit ng salapi at itinaob ang kanilang mga mesa.
  • Kinakain ng mga aso sa ilalim ng mesa ang mga mumo ng mga anakMat 15:27, Mar 7:28
    Ang mga talata
    Mat 15:27Sinabi niya, “Oo nga, Panginoon, ngunit kahit ang mga tuta ay kinakain ang mga katiting na tinapay na nahulog mula sa kainan ng kanilang mga amo.
    Mar 7:28Ngunit sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, “Opo, Panginoon, kahit ang mga aso na nasa ilalim ng lamesa ay kumakain ng mumo ng mga bata.”
  • Nananabik si Lazaro sa mga mumo mula sa mesa ng mayaman (isang talinghaga)Luc 16:21
    Ang mga talata
    Luc 16:21at inaasam-asam niyang kainin ang nahuhulog sa mesa ng mayamang tao—at maliban doon, lumapit ang mga aso at dinilaan ang kaniyang mga sugat.
  • Ang iyong mga anak ay tulad ng mga supling ng olibo sa paligid ng iyong hapagAwit 128:3
    Ang mga talata
    Awit 128:3Ang iyong asawang babae ay tulad ng mabungang ubasan sa iyong tahanan; at ang iyong mga anak ay magiging tulad ng tanim ng olibo habang sila ay nakaupo sa palibot sa iyong lamesa.

Pag-upo at paghilig

  • Nakatayo si Abraham sa tabi ng kaniyang mga panauhin sa ilalim ng puno habang kumakain silaGen 18:8
    Ang mga talata
    Gen 18:8Kumuha siya ng mantikilya at gatas, at ang guya na naihanda at nilagay ang pagkain sa harap nila. At tumayo siya sa ilalim ng puno habang sila ay kumakain.
  • Naupo si Ruth sa tabi ng mga mang-aani sa oras ng pagkainRut 2:14
    Ang mga talata
    Rut 2:14Nang oras na ng kainan sinabi ni Boaz kay Ruth, “Pumarito ka, at kumain ng kaunting tinapay, at isawsaw mo ang iyong pagkain sa sukang alak.” Umupo siya sa gilid ng mga mang-aani, at inalok niya siya ng kaunting inihaw na butil. Kumain siya hanggang sa mabusog siya at iniwan ang natira nito.
  • Napasubsob si Haman sa higaang kinahihiligan ni Reyna EstherEst 7:8
    Ang mga talata
    Est 7:8Pagkatapos bumalik ang hari mula sa hardin ng palasyo patungo sa silid kung saan isinilbi ang alak. Kababagsak lamang ni Haman sa upuang kinaroroonan ni Esther. Sinabi ng hari, “Pagsasamantalahan ba niya ang reyna sa aking harapan sa sarili ko pang pamamahay?” Pagkalabas mismo ng mga salitang ito mula sa bibig ng hari, tinakpan ng mga lingkod ang mukha ni Haman.
  • Nakahilig si Jesus sa hapag kasama ang LabindalawaMat 26:20
    Ang mga talata
    Mat 26:20Nang sumapit ang gabi, umupo siya upang kumain kasama ang mga labingdalawang alagad.
  • Sumandal ang isang alagad na nakahilig sa tabi ni Jesus upang magtanong sa kaniyaJuan 13:23–25
    Ang mga talata
    Juan 13:23–25May isa na nasa lamesa ang nakasandal sa dibdib ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, ang minamahal ni Jesus. Kaya hinudyatan ni Simon Pedro ang alagad na ito at sinabi, “Sabihin mo sa amin kung sino ang kaniyang tinutukoy. Sumandal ang alagad na iyon sa dibdib ni Jesus at sinabi sa kaniya, “Panginoon, sino po iyon?”
  • Inanyayahan ng isang Pariseo si Jesus na kumain, at humilig siya sa hapagLuc 7:36
    Ang mga talata
    Luc 7:36Ngayon, may isang Pariseo ang nakiusap kay Jesus na makisalo siya sa kaniya. Kaya nang pumasok si Jesus sa bahay ng Pariseo, sumandal siya sa mesa upang kumain.
  • Naglingkod si Marta, at nakahilig si Lazaro sa hapag kasama ni JesusJuan 12:2
    Ang mga talata
    Juan 12:2Kaya hinandaan nila siya ng hapunan doon, at si Marta ang nagsisilbi, habang si Lazaro ay isa sa mga naupo sa mesa kasama ni Jesus.
  • Naupo ang limang libo sa damuhan nang pangkat-pangkat, tig-iisandaan at tiglilimampuMar 6:39–40, Luc 9:14
    Ang mga talata
    Mar 6:39–40Inutusan niya ang lahat ng tao na umupo ng pangkat-pangkat sa may damuhan. Umupo silang pangkat-pangkat, mga pangkat ng tig-iisang daan at tig-lilimampu.
    Luc 9:14Mayroong nasa limanlibong lalaki ang naroon. Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila sa grupong may tiglilimampung bilang.”

Sino ang kumain kasama nino

  • Wala si David sa hapag ni Saul; umalis si Jonatan sa hapag nang galit1 Sam 20:29, 1 Sam 20:34
    Ang mga talata
    1 Sam 20:29Sinabi niya, 'Pakiusap hayaan akong makaalis. Dahil may pag-aalay ang aming pamilya sa lungsod at inutusan ako ng aking kapatid na lalaki na pumaroon. Ngayon, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, pakiusap hayaan akong makaalis at makita ang aking mga kapatid na lalaki.' Sa kadahilanang ito hindi siya pumunta sa mesa ng hari.”
    1 Sam 20:34Tumayo si Jonatan sa mesa na sobrang galit at hindi kumain ng pagkain sa ikalawang araw ng buwan dahil nagluksa siya para kay David dahil hindi siya ginalang ng kanyang ama.
  • Naglalaan ang mga gobernador ng pagkain para sa lahat ng dumudulog sa hapag ni Solomon1 Hari 4:27
    Ang mga talata
    1 Hari 4:27Ang mga opisyal na iyon ay nagbigay ng pagkain para kay Haring Solomon at para sa lahat ng pumunta sa hapag-kainan ni Haring Solomon, bawat lalaki sa kanyang buwan. Hindi nila hinahayaang magkaroon ng pagkukulang.
  • Namangha ang reyna ng Seba sa hapag ni Solomon at sa pagkakaupo ng kaniyang mga lingkod1 Hari 10:4–5
    Ang mga talata
    1 Hari 10:4–5Nang makita ng reyna ng Seba ang lahat ng karunungan ni Solomon, ang palasyo na kaniyang itinayo, ang pagkain sa kaniyang hapag-kainan at mga tirahan ng kaniyang mga lingkod at kanilang mga gawain at kanilang mga kasuotan, at saka mga taga-silbi niya ng inumin at ang paraan kung paano siya nag-alay ng mga handog na susunugin sa templo ni Yahweh, wala ng espiritu sa kaniya.
  • Maraming Judio at mga opisyal ang kumakain sa hapag ni Nehemias, bukod pa sa mga panauhinNeh 5:17
    Ang mga talata
    Neh 5:17Sa mesa ko ay mga Judio at opisyales, 150 lalaki, maliban pa sa mga dumating sa amin mula sa mga kasamang bansa na nakapaligid sa amin.
  • Habambuhay na kumain si Jehoiakin sa hapag ng hari ng Babilonia2 Hari 25:29
    Ang mga talata
    2 Hari 25:29Hinubad ni Evil Merodac ang mga damit pang bilangguan ni Jehoiakin, at regular na kasalo sa hapag kainan ng hari si Jehoiakin habang siya ay nabubuhay.
  • Kumain si Jesus kasama ng mga maniningil ng buwis at makasalanan sa bahay ni MateoMat 9:10–11, Mar 2:15–16, Luc 15:2
    Ang mga talata
    Mat 9:10–11Habang nakaupo si Jesus upang kumain sa bahay, masdan ito, dumating ang maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanang tao at nakisalo sila kay Jesus at sa mga alagad niya. Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, “Bakit ang iyong guro ay kumakain kasama ng mga maniningil ng buwis at mga taong makasalan?”
    Mar 2:15–16At nang kumakain si Jesus sa bahay ni Levi, maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang tao ang nakikisalo kay Jesus at sa kaniyang mga alagad, sapagkat marami sila na sumunod sa kaniya. Nang makita ng mga eskriba na mga Pariseo si Jesus na kumakain kasama ang mga makasalanang tao at tagasingil ng buwis, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, “Bakit siya nakikisalo sa mga tagasingil ng buwis at mga makasalanang tao?”
    Luc 15:2Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga eskriba sa isa't isa, sinasabi, “Malugod na tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at kumakain pa kasama nila.”
  • “Ang kamay ng magkakanulo sa akin ay kasama ko sa hapag”Luc 22:21
    Ang mga talata
    Luc 22:21Ngunit makinig kayo. Ang taong magkakanulo sa akin ay kasama ko ngayon sa hapag.
  • Ang muling nabuhay na si Jesus: “Halikayo, mag-almusal kayo”Juan 21:12
    Ang mga talata
    Juan 21:12Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo at mag-almusal.” Wala sa mga alagad ang nagtangkang magtanong sa kaniya na, “Sino ka?” Alam nila na siya ang Panginoon.
  • Nagpuputul-putol ng tinapay sa bahay-bahay ang mga unang mananampalatayaGawa 2:46
    Ang mga talata
    Gawa 2:46Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso.
  • Ayaw ng Labindalawa na pabayaan ang pangangaral upang maglingkod sa mga hapagGawa 6:2
    Ang mga talata
    Gawa 6:2Tinawag ng labing dalawang apostol ang marami sa kanilang mga alagad at sinabi, ''Hindi nararapat para sa amin na pabayaan ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag.
  • Pinintasan si Pedro dahil kumain kasama ng mga lalaking hindi tuliGawa 11:3
    Ang mga talata
    Gawa 11:3sinabi nila, “Nakihalubilo ka sa mga hindi tuling lalaki at kumain kasama nila!”
  • Sa Antioquia, umiwas si Pedro na kumain kasama ng mga GentilGal 2:12
    Ang mga talata
    Gal 2:12Bago pa dumating ang mga taong galing kay Santiago, nakikisalo si Cefas sa mga Gentil. Ngunit nang dumating ang mga taong ito, huminto siya at lumayo mula sa mga Gentil. Natakot siya sa mga taong ito na nag-uutos ng pagtutuli.
  • Hinainan ng tagabantay ng bilangguan ng pagkain sina Pablo at SilasGawa 16:34
    Ang mga talata
    Gawa 16:34Dinala niya si Pablo at Silas sa kaniyang tahanan at naghain ng pagkain para sa kanila. Siya ay lubhang nagalak kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan, dahil lahat sila ay nanampalataya sa Diyos.
  • Inanyayahan ng hindi mananampalataya? Kainin ang anumang ihain sa iyo1 Cor 10:27
    Ang mga talata
    1 Cor 10:27Kung ang isang hindi mananampalataya ay inanyayahan kayong kumain, at gusto ninyong pumunta, kainin ninyo ang anumang inihanda sa inyong harapan na walang katanungan sa budhi.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0