Tuklasin › Mga paksa › Magkakapatid na lalaki
Pang-araw-araw na buhay
Magkakapatid na lalaki sa Bibliya
42 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Sinabi ni Abram sa pamangkin niyang si Lot: “Magkapatid tayo”Gen 12:5, Gen 13:8
Ang mga talata
Gen 12:5Isinama ni Abram si Sarai, na kaniyang asawa, si Lot, na anak na lalaki ng kaniyang kapatid, lahat ng mga ari-arian na kanilang naipon, at mga nakuha nilang mga tauhan sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupain ng Canaan.
Gen 13:8Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Huwag nating hayaan na magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol; kung tutuusin, tayo ay magkapamilya.
- Pinatay ni Cain si Abel: “Ako ba ang tagapagbantay ng aking kapatid?”Gen 4:8–9
Ang mga talata
Gen 4:8–9Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito. Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?”
- Ipinagbili ni Esau kay Jacob ang kaniyang pagkapanganay kapalit ng nilagaGen 25:29–34
Ang mga talata
Gen 25:29–34Si Jacob ay nagluto ng nilaga. Dumating si Esau mula sa gubat, at siya ay nanghihina sa gutom. Sinabi ni Esau kay Jacob, “Pakainin mo ako niyang mapulang nilaga. Pakiusap, ako ay pagod!” Kaya iyon ang dahilan na ang kanyang pangalan ay tinawag na Edom. Sinabi ni Jacob, “Ipagbili mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay.” Sabi ni Esau “Tingnan mo, ako ay halos mamamatay na. Ano ang kabutihan ng karapatan ng unang isinilang sa akin?” Sinabi ni Jacob, “Manumpa ka muna sa akin.” Kaya sumumpa si Esau at sa ganung paraan ipinagbili niya kay Jacob ang kanyang karapatan ng unang pagkasilang. Binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilagang mga lentil. Siya ay kumain at uminom, pagkatapos ay tumayo at nagpatuloy sa kanyang lakad. Sa ganitong paraan kinamuhian ni Esau ang kanyang karapatan ng unang isinilang.
- Nagplano si Esau na patayin si Jacob pagkamatay ng kanilang amaGen 27:41
Ang mga talata
Gen 27:41Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa pagpapalang binigay ng kanilang ama sa kanya. Sinabi niya sa kanyang puso, “Malapit na ang mga araw ng pagluluksa para sa aking ama; pagkatapos niyon papatayin ko ang kapatid kong si Jacob.”
- Natakot si Jacob kay Esau at sa kaniyang apatnaraang tauhanGen 32:6–7
Ang mga talata
Gen 32:6–7Bumalik ang mga mensahero kay Jacob at sinabi, “Pumunta kami sa iyong kapatid na si Esau. Paparito siya upang makipagkita sa iyo at may kasama siyang apat na daang tao.” Labis na natakot at nababahala si Jacob. Kaya hinati niya ang mga taong kasama sa dalawang kampo pati ang mga kawan, mga pangkat ng mga hayop at mga kamelyo.
- Tumakbo si Esau upang yakapin si Jacob, at kapwa sila umiyakGen 33:4
Ang mga talata
Gen 33:4Tumakbo si Esau para salubungin siya, niyakap siya, niyapos ang kanyang leeg, at hinalikan siya. Pagkatapos sila'y nag-iyakan.
- Ipinaghiganti nina Simeon at Levi ang kapatid nilang si DinaGen 34:25, Gen 34:31
Ang mga talata
Gen 34:25Sa ikatlong araw, nang matindi ang sakit ng sugat nila, ang dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacob, sina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dina, ang kanilang espada at pumunta sa lungsod na walang bantay, at pinatay ang lahat ng mga kalalakihan.
Gen 34:31Ngunit sinabi ni Simeon at Levi, “Maari bang pakitunguhan ni Sechem ang aming kapatid na katulad ng babaeng bayaran?”
- Sinikap ni Ruben na iligtas si Jose mula sa hukayGen 37:21–22, Gen 37:29
Ang mga talata
Gen 37:21–22Narinig ito ni Reuben at iniligtas siya mula sa kanilang kamay. Sinabi niya, “Huwag nating kunin ang kanyang buhay.” Sinabi ni Reuben sa kanila, “Huwag magpadanak ng dugo. Itapon siya sa balong ito sa deserto, ngunit huwag ninyo siyang hawakan”— upang mailigtas niya siya sa kanilang kamay para maibalik siya sa kanyang ama.
Gen 37:29Bumalik si Reuben sa balon, at masdan, wala na si Jose sa loob ng balon. Pinunit niya ang kanyang damit.
- Juda: “Ipagbili natin siya … sapagkat kapatid natin siya”Gen 37:26–27
Ang mga talata
Gen 37:26–27Sabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Anong pakinabang nito kung papatayin ang ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo? Halina kayo, at ipagbili natin siya sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay. Dahil siya ay ating kapatid, ating laman. Pinakinggan siya ng kanyang mga kapatid.
- “Labindalawang magkakapatid ang iyong mga lingkod … at wala na ang isa”Gen 42:13
Ang mga talata
Gen 42:13Sinabi nila, “Kami na iyong mga lingkod ay labindalawang magkakapatid na lalaki, mga anak ng isang tao sa lupain ng Canaan. Makikita ninyo, ang bunso ngayong araw ay kapiling ng aming ama, at isang kapatid na lalaki ay hindi na nabubuhay.”
- Pumasok si Jose sa isang silid upang umiyak nang makita si BenjaminGen 43:30
Ang mga talata
Gen 43:30Nagmamadali si Jose na lumabas sa loob, dahil labis siyang naantig tungkol sa kanyang kapatid na lalaki. Naghanap siya ng lugar upang iyakan. Pumunta siya sa kanyang silid at doon umiyak.
- Nag-alok si Juda na maging alipin kapalit ni BenjaminGen 44:33–34
Ang mga talata
Gen 44:33–34Kaya ngayon, ako po ay nagmamakaawa hayaang manatili ang iyong lingkod sa halip na ang bata ang maging alipin ng aking amo, at hayaang makabalik ang bata kasama ng kanyang mga kapatid. Sapagkat paano ako makakabalik sa aking ama kung hindi ko kasama ang bata? Natatakot akong makita ang masamang mangyayari sa aking ama.”
- “Ako si Jose, ang inyong kapatid, na ipinagbili ninyo sa Ehipto!”Gen 45:3–4
Ang mga talata
Gen 45:3–4Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Ako si Jose. Buhay pa ba ang aking ama?” Ang kanyang mga kapatid na lalaki ay hindi makasagot sa kanya, sapagkat sila ay nabigla sa kanyang presensiya. Pagkatapos sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Pakiusap, lumapit kayo sa akin.” Lumapit sila. Sinabi niya, “Ako si Jose ang inyong kapatid na lalaki, na inyong ipinagbili sa Ehipto.
- Niyakap ni Jose si Benjamin at hinalikan ang lahat ng kaniyang mga kapatidGen 45:14–15
Ang mga talata
Gen 45:14–15Niyakap niya ang kanyang kapatid na si Benjamin sa leeg at umiyak, at si Benjamin ay umiyak sa kanyang leeg. Hinagkan niya ang lahat ng kanyang mga lalaking kapatid at umiyak sa kanila. Pagkatapos noon nakipag-usap sa kanya ang kanyang mga kapatid na lalaki.
- Jose: “Huwag kayong mag-away sa daan!”Gen 45:24
Ang mga talata
Gen 45:24Kaya pinadala niya ng papalayo ang kanyang mga lalaking kapatid at sila ay umalis. Sinabi niya sa kanila, “Tiyakin ninyo na huwag kayong mag-aaway sa paglalakbay”.
- Pagkamatay ni Jacob, pinanatag ni Jose ang loob ng natatakot niyang mga kapatidGen 50:15–21
Ang mga talata
Gen 50:15–21Nang nakita ng mga kapatid na lalaki ni Jose na ang kanilang ama ay patay na, sinabi nila, “Paano kung si Jose ay may dinadala pang sama ng loob at nais niyang pagbayarin tayo ng buo para sa lahat ng kasamaan na ginawa natin sa kanya?” Kaya nagpadala sila ng mensahe kay Jose, na nagsasabing, “Nagbigay ng mga tagubilin ang iyong ama bago siya mamatay, na nagsasabing. 'Ganito ang sabihin ninyo kay Jose, “Pakiusap patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga kapatid at ang kamalian na kanilang nagawa nang pinagmalupitan ka nila.” Ngayon pakiusap patawarin mo ang mga lingkod ng Diyos ng iyong ama. Si Jose ay umiyak nang dinala ang mensahe sa kanila. Nagpunta rin ang kanyang mga kapatid na lalaki at nagpatirapa sa harap niya. Sinabi nila, “Tingnan mo, kami ay iyong mga lingkod.” Pero sinagot sila ni Jose, “Huwag kayong matakot. Nasa lugar ba ako ng Diyos? At para sa inyo, ninais niyo na ipahamak ako, pero ninais ng Diyos ito para sa kabutihan, para pag-ingatan ang buhay ng maraming tao, gaya ng nakikita ninyo ngayon. Kaya ngayon huwag kayong matakot. Paglalaanan ko kayo at ang inyong mga anak.” Inaliw niya sila sa paraang ito at nakipag-usap ng may kagandahang-loob sa kanila.
- Si Aaron ang magsasalita sa bayan para sa kapatid niyang si MoisesExo 4:14–16
Ang mga talata
Exo 4:14–16Pagkatapos nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, “Ano kaya kung si Aaron, ang iyong kapatid na Levita? Alam ko na nakakapagsalita siya ng maayos. Bukod dito, paparating siya para makipagkita sa iyo, at kapag nakita ka niya, magsasaya ang kaniyang puso. Makikipag-usap ka sa kaniya at ilalagay mo sa kaniyang bibig ang mga salita na dapat sabihin. Ako ay mapapasa iyong bibig at sa kaniyang bibig, at ipapakita ko sa inyo kung ano ang gagawin. Magsasalita siya sa mga tao para sa iyo. Siya ang magiging tagapagsalita mo, at ikaw sa kaniya ay magiging tulad ko, parang Diyos.
- Pinatay ni Abimelec ang kaniyang mga kapatid; nagtago ang bunsong si JotamHuk 9:5
Ang mga talata
Huk 9:5Pumunta siya sa bahay ng kaniyang ama sa Ofra at sa isang bato pinatay niya ang pitumpung kapatid niyang lalaki, mga anak na lalaki ni Jerub Baal. Tanging si Jotam ang naiwan, ang pinakabatang anak na lalaki ni Jerub Baal, dahil itinago niya ang kaniyang sarili.
- Pinalayas si Jefta ng kaniyang mga kapatid sa bahay ng kanilang amaHuk 11:2–3
Ang mga talata
Huk 11:2–3Nagsilang din ang asawa ni Galaad ng iba pang mga lalaking anak. Nang lumaki na ang mga lalaking anak ng kaniyang asawa, pinilit nilang paalisin ng bahay si Jefta at sinabi sa kaniya, “Wala kang mamanahin na anumang bagay mula sa aming pamilya. Anak ka sa ibang babae.” Kaya si Jefta ay umalis mula sa kaniyang mga kapatid at namuhay sa lupain ng Tob. Sumama kay Jefta ang mga lalaking lumalabag sa batas at dumating sila at sumama sa kaniya.
- Mga anak ni Jesse: ikapito si David1 Cro 2:13–15
Ang mga talata
1 Cro 2:13–15Si Jesse ang ama ng panganay niyang anak na si Eliab, si Abinadab ang pangalawa, si Simea ang pangatlo, si Netanel ang pang-apat, panglima si Radai, pang-anim si Ozem, at pang-pito si David.
- Pinagalitan ni Eliab, ang panganay, ang kapatid niyang si David1 Sam 17:28
Ang mga talata
1 Sam 17:28Narinig ng kanyang pinakamatandang kapatid na si Eliab nang nakipag-usap siya sa mga kalalakihan. Nag-alab ang galit ni Eliab laban kay David, at sinabi niya, “Bakit ka pumunta dito? Kanino mo iniwan ang ilang tupa na nasa desyerto? Alam ko ang iyong pagmamataas, at ang katusuhan sa iyong puso; dahil pumunta ka dito upang makita mo ang labanan.”
- Sina Joab, Abisai at Asahel, ang tatlong anak ni Zeruias2 Sam 2:18
Ang mga talata
2 Sam 2:18Ang tatlong anak na lalaki ni Zeruias ay naroon: Si Joab, at Abisai, at Asahel. Si Asahel ay napakabilis ng mga paa gaya ng isang gasel.
- Ipinapatay ni Absalom si Amnon dahil sa paglapastangan sa kapatid nilang si Tamar2 Sam 13:22, 2 Sam 13:28–29
Ang mga talata
2 Sam 13:22Walang anumang sinabi si Absalom kay Amnon, dahil kinapootan siya ni Absalom dahil sa kaniyang ginawa at kung papaano niya pinahiya ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
2 Sam 13:28–29Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.” Kaya ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon ang iniutos niya sa kanila. Pagkatapos tumayo ang lahat ng anak na lalaki ng hari at sumakay ang bawat lalaki sa kaniyang mola at tumakas.
- Ipinapatay ni Solomon ang nakatatanda niyang kapatid na si Adonias1 Hari 2:22–25
Ang mga talata
1 Hari 2:22–25Sumagot si Haring Solomon at sinabi sa kaniyang ina, “Bakit mo hinihingi si Abisag na taga-Sunem para kay Adonias? Bakit hindi mo rin hingin ang kaharian para sa kaniya, dahil siya ang aking nakatatandang kapatid—para sa kaniya, para kay Abiatar na pari, at para kay Joab na anak ni Zeruias?” Pagkatapos ay sumumpa si Haring Solomon kay Yahweh, sinasabi niya, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at mas higit pa, kung hindi ito sinabi ni Adonias laban sa kaniyang sariling buhay. Kaya ngayon sa kay Yahweh na buhay, na nagtatag at naglagay sa akin sa trono ni David na aking ama, at ang gumawa ng sambahayan sa akin tulad ng ipinangako niya, tiyak na papatayin si Adonias ngayon.” Kaya pinadala ni Haring Solomon si Benaias na anak ni Joiada at nahanap ni Benaias si Adonias at pinatay siya.
- Pinatay ni Jehoram sa espada ang lahat ng kaniyang mga kapatid2 Cro 21:4
Ang mga talata
2 Cro 21:4Ngayon, nang si Jehoram ay naghari sa kaharian ng kaniyang ama at matatag na itinalaga ang kaniyang sarili bilang hari, pinatay niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid na lalaki gamit ang tabak, at ang lahat din na iba pang mga pinuno ng Israel.
- Dalawang pares ng magkapatid na mangingisda sa tabi ng Dagat ng GalileaMat 4:18, Mat 4:21
Ang mga talata
Mat 4:18Habang naglalakad si Jesus sa Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat sila ay mga mangingisda.
Mat 4:21Habang naglalakad si Jesus mula doon, nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak na lalaki ni Zebedeo at si Juan na kaniyang kapatid. Kasama nila si Zebedeo na kanilang ama sa bangka na nagkukumpuni ng kanilang mga lambat. Tinawag niya ang mga ito,
- Unang hinanap ni Andres ang kapatid niyang si Simon at dinala kay JesusJuan 1:40–42
Ang mga talata
Juan 1:40–42Isa sa dalawang nakarinig na nagsalita si Juan at pagkatapos sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. Una niyang nakita ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Nakita na namin ang Mesias,” (na sinalin na, 'ang Cristo'). Dinala niya siya kay Jesus. Si Jesus ay tumingin sa kaniya at sinabi, “Ikaw si Simon anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cepas” (na ang ibig sabihin ay 'Pedro').
- Sina Marta at Maria: “Hindi sana namatay ang aking kapatid”Juan 11:21, Juan 11:32
Ang mga talata
Juan 11:21Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung nandito ka lang sana, hindi mamamatay ang kapatid ko.
Juan 11:32Nang makarating si Maria kung saan naroroon si Jesus, at siya ay nakita niya, nagpatirapa siya sa kaniyang mga paa at sinabi sa kaniya, “Panginoon, kung nandito lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
- Mga kapatid ni Jesus na sina Santiago, Jose, Judas at SimonMar 6:3
Ang mga talata
Mar 6:3“Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae dito?” At sumama ang kanilang loob kay Jesus.
- Hindi sumampalataya ang kaniyang mga kapatid, pero nang maglaon ay nanalanging kasama ng mga alagadJuan 7:5, Gawa 1:14
Sa Kautusan at mga kasabihan
- Huwag kang magtanim ng galit sa iyong kapatidLev 19:17
Ang mga talata
Lev 19:17Huwag kamuhian ang inyong kapatid sa inyong puso. Dapat ninyong pagsabihan nang tapat ang inyong kapwa upang hindi kayo magkasala dahil sa kanya.
- Ibalik ang nawawalang baka o tupa ng iyong kapatidDeut 22:1–2
Ang mga talata
Deut 22:1–2Hindi dapat ninyo pabayaan ang lalaking baka ng inyong kapwa Israelita o ang kaniyang tupa ay naligaw at itago ang inyong sarili mula sa kanila; dapat tiyakin ninyong isauli ito sa kaniya. Kung ang kapwa ninyo Israelita ay hindi malapit sa inyo, o hindi ninyo siya kilala, kung gayon iuwi ninyo ang hayop sa inyong tahanan, at ito ay dapat nasa sa inyo hanggang hanapin niya ito, at pagkatapos ito ay dapat ibalik ninyo sa kaniya.
- Kay buti kapag namumuhay nang may pagkakaisa ang magkakapatidAwit 133:1
Ang mga talata
Awit 133:1Masdan niyo, napakabuti at kaaya-aya para sa mga kapatiran na sama-samang manatili ng may pagkakaisa!
- Mas mahirap mapanumbalik ang nasaktang kapatid kaysa sa napapaderang lungsodKaw 18:19
Ang mga talata
Kaw 18:19Ang kapatid na nasaktan ang damdamin ay mas mahirap na amuin kaysa isang matatag na lungsod, at ang pakikipagtalo ay tulad ng mga harang ng isang kastilyo.
- Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, saka mo ialay ang iyong handogMat 5:23–24
Ang mga talata
Mat 5:23–24Kaya kung ikaw ay naghahandog ng iyong kaloob sa altar at maalala mo doon ang iyong kapatid na may anumang bagay laban sa iyo, iwan mo doon ang iyong kaloob sa harap ng altar at humayo ka. Makipag-ayos ka muna sa iyong kapatid, pagkatapos ay pumunta ka at ihandog mo ang iyong kaloob.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0