Tuklasin › Mga paksa › Mga kaugalian sa pagluluksa
Pang-araw-araw na buhay
Mga kaugalian sa pagluluksa sa Bibliya
55 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Pagpunit ng sariling damit sa masamang balitaGen 37:29, Gen 37:34, Gen 44:13, 2 Sam 1:11, 2 Sam 13:31, Job 1:20, 2 Hari 2:12
Ang mga talata
Gen 37:29Bumalik si Reuben sa balon, at masdan, wala na si Jose sa loob ng balon. Pinunit niya ang kanyang damit.
Gen 37:34Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit at naglagay siya ng sako sa kanyang balakang. Nagluksa siya para sa kanyang anak ng maraming araw.
Gen 44:13Pagkatapos pinunit nila ang kanilang mga damit. Nilagay ng bawat lalaki ang kanilang asno at bumalik sa lungsod.
2 Sam 1:11Pagkatapos pinunit ni David ang kaniyang mga damit, at ginawa rin ito ng lahat ng mga kalalakihan na kasama niya.
2 Sam 13:31Pagkatapos tumayo ang hari at pinunit ang kaniyang mga damit at humiga sa sahig; nakiisa ang lahat ng kaniyang mga lingkod na pinunit ang kanilang mga damit.
Job 1:20Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos.”
2 Hari 2:12Nakita iyon ni Eliseo at nanangis, “Ama ko, ama ko, ang mga karwahe ng Israel at kanilang kabalyero!” Hindi na niya nakita si Elias, at hinawakan ang kaniyang damit at pinunit sa dalawang bahagi.
- Telang sako sa baywangGen 37:34, 1 Hari 21:27, Est 4:1
Ang mga talata
Gen 37:34Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit at naglagay siya ng sako sa kanyang balakang. Nagluksa siya para sa kanyang anak ng maraming araw.
1 Hari 21:27Nang marinig ni Ahab ang mga salitang ito, pinunit niya ang kaniyang kasuotan at nagsuot ng damit na sako sa kaniyang katawan at nag-ayuno, at nahiga na nakadamit ng sako at naging labis na malungkot.
Est 4:1Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng ginawa, pinunit niya ang kanyang mga damit at isinuot ang telang magaspang at mga abo. Lumabas siya sa gitna ng siyudad, at umiyak ng isang malakas at mapait na iyak.
- Alikabok o abo sa uloJos 7:6, 2 Sam 13:19, 2 Sam 15:32, Job 2:12
Ang mga talata
Jos 7:6Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi.
2 Sam 13:19Naglagay si Tamar ng mga abo sa kaniyang ulo at pinunit ang kaniyang balabal. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo at lumakad papalayo, umiiyak ng malakas habang umaalis.
2 Sam 15:32Nang nakarating si David sa tuktok ng daan, kung saan nakagawiang sambahin ang Diyos, dumating si Cusai na Arkita para salubungin siya na punit ang kaniyang damit at may lupa sa kaniyang ulo.
Job 2:12Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo.
- Paghiga sa sako at aboEst 4:3, Jon 3:6
Ang mga talata
Est 4:3Sa bawat lalawigan, saan man nakarating ang utos at batas ng hari, mayroong matinding pagluluksa ang mga Judio, may pag-aayuno, iyakan, at taghuyan. Marami sa kanila ang nakahiga sa telang magaspang at mga abo.
Jon 3:6Madaling nakarating ang balita sa hari ng Ninive. Tumayo siya mula sa kaniyang trono, hinubad ang kaniyang balabal, tinakpan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at umupo sa mga abo.
- Paghiga sa lupa2 Sam 12:16, 2 Sam 13:31
Ang mga talata
2 Sam 12:16Pagkatapos nagsumamo si David sa Diyos para sa bata. Nag-ayuno si David at pumunta sa loob at buong gabing humiga sa sahig.
2 Sam 13:31Pagkatapos tumayo ang hari at pinunit ang kaniyang mga damit at humiga sa sahig; nakiisa ang lahat ng kaniyang mga lingkod na pinunit ang kanilang mga damit.
- Takip ang ulo at nakayapak2 Sam 15:30
Ang mga talata
2 Sam 15:30Pero umakyat si David nang nakapaa at umiiyak paakyat sa Bundok ng mga Olibo, at tinakpan niya ang kaniyang ulo. Tinakpan ng bawat isang mga taong kasama niya ang kanilang ulo at umakyat silang umiiyak habang naglalakad.
- Pagtatakip ng mukha2 Sam 19:4, Est 6:12
Ang mga talata
2 Sam 19:4Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha at umiyak sa isang malakas na tinig, “Anak kong Absalom, Absalom, anak ko, anak ko!”
Est 6:12Bumalik si Mordecai sa tarangkahan ng hari. Ngunit nagmadali si Haman sa kanyang bahay, nagluluksa, na may takip ang ulo.
- Pagbunot ng buhok sa ulo at balbasEzra 9:3
Ang mga talata
Ezra 9:3Nang marinig ko ito, pinunit ko ang aking damit at balabal at ginupit ko ang aking buhok at balbas. At umupo ako na hiyang-hiya.
- Pag-ahit ng uloJob 1:20, Ezek 27:31
Ang mga talata
Job 1:20Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos.”
Ezek 27:31Kakalbuhin nila ang kanilang mga ulo para sa iyo at babalutin ang kanilang mga sarili gamit ang sako, at tatangis sila nang may pait at sila ay sisigaw.
- Pag-aalis ng mga alahasExo 33:4–6
Ang mga talata
Exo 33:4–6Nang marinig ng mga tao ang mga nakakagambalang salitang ito, sila ay nagluksa, at walang ni isa man ang nagsuot ng anumang alahas. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Kung sasama ako sa inyo kahit sandali lamang, wawasakin ko kayo. Kaya ngayon, alisin ninyo ang inyong mga alahas kaya makakapagpasya ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.''' Kaya walang suot na alahas ang mga Israelita pasulong mula sa Bundok Horeb.
- Walang pagpapahid ng langis, at damit-panluksa2 Sam 14:2, Dan 10:3
Ang mga talata
2 Sam 14:2Kaya nagpadala ng salita si Joab sa Tekoa at nagpadala ng isang matalinong babae sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya, “Pakiusap magkunwaring ikaw ay isang taong nagdadalamhati at magsuot ng damit panluksa. Pakiusap huwag pahiran ang iyong sarili ng langis, pero maging katulad ng isang babaeng nagluluksa ng magtagal na panahon para sa patay.
Dan 10:3Hindi ako kumain ng masasarap na pagkain, hindi ako kumain ng karne, hindi ako uminom ng alak, at hindi ko pinahiran ng langis ang aking sarili hanggang sa matapos ang buong tatlong linggo.
- Naglalakad sa mga lansangan ang mga nagluluksaMang 12:5
Ang mga talata
Mang 12:5Iyon ang panahon na matatakot ang mga lalaki sa mga matataas na lugar at sa mga kapahamakan sa lansangan, kapag sumagana ang puno ng pili, at kapag hinahatak ng mga tipaklong ang mga sarili nila, at kapag naglaho ang mga likas na pagnanasa. Pagkatapos, pupunta ang tao sa kaniyang walang hanggang tahanan at ang mga nagdadalamhati ay tutungo sa mga lansangan.
- Ipinatatawag ang mga bihasang babaeng manananghoy upang managhoyJer 9:17–18
Ang mga talata
Jer 9:17–18Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Unawain ninyo ito: Tawagin ninyo ang mga mang-aawit sa paglilibing at hayaan silang lumapit, magpadala kayo ng mga babaeng mahuhusay sa pagdadalamhati at hayaan silang lumapit. Madaliin sila at paawitin ng awiting panluksa sa atin, upang dumaloy ang luha sa ating mga mata at daluyan ng tubig ang talukap ng ating mga mata.
- Mga manunugtog ng plawta at maingay na mga tao sa bahay ng namatay na dalagitaMat 9:23
Ang mga talata
Mat 9:23Nang dumating si Jesus sa bahay ng opisyal nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang mga tao na gumagawa ng matinding ingay.
- Dumarating ang mga kaibigan upang aliwin ang pamilyaJuan 11:19, Juan 11:31
Ang mga talata
Juan 11:19Maraming mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria, upang aliwin sila tungkol sa kanilang kapatid na si Lazaro.
Juan 11:31At ang mga Judio na kasama ni Maria sa kanilang bahay, na umaaliw sa kaniya, nang makita nilang nagmamadali siyang tumayo at umalis, sinundan nila siya, inakala nila na pupunta siya sa libingan upang doon umiyak.
Sa Kautusan
- Huwag sugatan ang katawan o ahitin ang noo para sa patayLev 19:28, Deut 14:1
- Ang humipo ng bangkay ay marumi nang pitong arawBil 19:11, Bil 19:16
Ang mga talata
Bil 19:11Sinuman ang humipo sa bangkay ng kahit na sinong tao ay magiging marumi sa loob ng pitong araw.
Bil 19:16Katulad nang sinumang nasa labas ng tolda na humipo sa isang taong pinatay gamit ang isang espada, anumang bangkay, buto ng tao, o isang puntod—magiging marumi ang taong iyon sa loob ng pitong araw.
- Maaari lamang magpakarumi ang mga pari para sa malapit na kapamilyaLev 21:1–3
Ang mga talata
Lev 21:1–3Sinabi ni Yahweh kay Moises: “Nagsalita sa mga pari, ang mga anak na lalaki ni Aaron, at kanilang sinabi, 'Walang isa sa inyo ang gagawing hindi malinis ang kaniyang sarili para sa mga namatay sa kaniyang mga tao, maliban para sa isang malapit na kamag-anak—para sa kaniyang ina at ama, para sa kaniyang anak na lalaki at babae, o para sa kaniyang kapatid o para sa isang birheng kapatid na babae na nasa kaniyang bahay at walang asawa. Para sa kaniya maari niyang gawing hindi malinis ang kaniyang sarili.
- Hindi dapat punitin ng punong pari ang kaniyang kasuotan o lumapit sa bangkayLev 21:10–11
Ang mga talata
Lev 21:10–11Siya na punong pari sa kanyang mga kapatid na lalaki, kung kaninong ulo ibinuhos ang panghirang na langis, at ginawang banal upang magsuot ng mga natatanging kasuotan ng punong pari, ay hindi dapat guluhin ang kanyang buhok o punitin ang kanyang mga damit. Hindi siya dapat pumunta kahit saan na mayroong isang patay na katawan at dungisan ang kanyang sarili, kahit para sa kanyang ama o sa kanyang ina.
- Hindi dapat ipagluksa ni Aaron at ng kaniyang mga anak sina Nadab at AbihuLev 10:6
Ang mga talata
Lev 10:6Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh.
- Walang bahagi ng ikapu ang kakainin habang nagluluksaDeut 26:14
Ang mga talata
Deut 26:14Hindi ko kinain ang anuman sa mga ito sa aking pagluluksa, ni inilagay ito sa ibang lugar nang ako ay marumi, hindi ko ibinigay ang anuman nito sa karangalan ng patay. Nakinig ako sa boses ni Yahweh na aking Diyos; sinunod ko lahat ng bagay na inutos mong gawin ko.
Mga halimbawa
- Nagluksa at umiyak si Abraham para kay SarahGen 23:2
Ang mga talata
Gen 23:2Namatay si Sara sa Kiriat Arba, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. Nagluksa at umiyak si Abraham para kay Sara.
- Ayaw paaliw ni Jacob dahil kay JoseGen 37:34–35
Ang mga talata
Gen 37:34–35Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit at naglagay siya ng sako sa kanyang balakang. Nagluksa siya para sa kanyang anak ng maraming araw. Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, “Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak.” Nanangis ang kanyang ama para kanya.
- Nagluksa ang Ehipto kay Jacob nang pitumpung araw; nagluksa si Jose nang pitong araw sa AtadGen 50:3, Gen 50:10–11
Ang mga talata
Gen 50:3Ginawa nila ito ng apatnapung araw, dahil iyon ang ganap na panahon ng pag-eembalsamo. Umiyak ang mga taga-Ehipto ng pitumpung araw.
Gen 50:10–11Nang sila ay dumating sa giikan ni Atad na nasa kabilang dako ng Jordan, sila ay nagluksa ng napakatindi at napakalungkot na pagdadalamhati. Doon si Jose ay nagluksa ng pitong araw para sa kanyang ama. Nang nakita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang pagluluksa sa giikan ni Atad, kanilang sinabi, “Ito ay isang napakalungkot na pagluluksa ng mga Ehipto.” Kaya ang pangalang itinawag sa lugar na iyon ay Abel-Mizraim, na nasa kabilang dako ng Jordan.
- Nagluksa ang Israel nang tatlumpung araw para kay Aaron, at tatlumpu para kay MoisesBil 20:28–29, Deut 34:8
Ang mga talata
Bil 20:28–29Tinanggal ni Moises kay Aaron ang kaniyang kasuotang pangpari at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Namatay si Aaron doon sa tuktok ng bundok. Pakatapos, bumaba si Moises at Eleazar. Nang makita ng sambayanang patay na si Aaron. Nagluksa ang buong bansa para sa kaniya ng tatlumpung araw.
Deut 34:8nagluksa ng tatlumpung araw ang mga tao ng Israel sa mga kapatagan ng Moab para kay Moises, at ang mga araw ng pagluluksa para kay Moises ay natapos.
- Malakas na panaghoy sa Ehipto: walang bahay na walang namatayExo 12:30
Ang mga talata
Exo 12:30Nagising si Paraon sa gabing iyon—siya, at ang lahat ng kaniyang alipin, at lahat ng mga taga-Ehipto. Nagkaroon ng malakas na pagdadalamhati sa Ehipto, dahil wala ni isang tahanan ang naroroon ang walang namatay.
- Umiyak si David at ang kaniyang mga tauhan hanggang maubos ang kanilang lakas1 Sam 30:4
Ang mga talata
1 Sam 30:4Pagkatapos nagtaas ng boses sina David at mga taong kasama niya at umiyak sila hanggang wala na silang kakayahang umiyak.
- Panaghoy ni David para kina Saul at Jonatan: “Paano nabuwal ang magigiting!”2 Sam 1:17–19
Ang mga talata
2 Sam 1:17–19Pagkatapos inawit ni David ang panlibing na awiting ito tungkol kay Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki. Ipinag-utos niya sa mga tao na ituro itong Awit ng Pananangis sa mga anak lalaki ng Juda, na naisulat sa Ang Aklat ni Jaser. Ang iyong niluwalhati, Israel, ay namatay, pinatay sa inyong mga bundok! Papaano ang magiting ay napatumba!
- Panaghoy ni David para kay Abner2 Sam 3:33–34
Ang mga talata
2 Sam 3:33–34Ang hari ay nanangis para kay Abner, at umawit. “Kailangan bang mamatay ni Abner gaya sa pagkamatay ng isang mangmang? Ang iyong mga kamay ay hindi nakatali. Ang iyong mga paa ay hindi nakakadena. habang ang isang lalaki ay bumabagsak sa harapan ng mga anak na lalaki ng walang hustisya, kaya ikaw ay bumagsak. “Muli ang lahat ng tao ay nagsiiyakan sa kaniya.
- “O anak kong Absalom! Anak ko, anak ko!”2 Sam 18:33, 2 Sam 19:4
Ang mga talata
2 Sam 18:33Pagkatapos kinabahan nang matindi ang hari at umakyat siya sa silid sa itaas ng tarangkahan at umiyak. Habang lumalakad nagdalamhati siya, “Absalom anak ko, anak ko, anak kong si Absalom! Ako nalang sana ang namatay sa halip na ikaw, Absalom, anak ko, anak ko!”
2 Sam 19:4Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha at umiyak sa isang malakas na tinig, “Anak kong Absalom, Absalom, anak ko, anak ko!”
- Nagluksa si Bathsheba para kay Urias2 Sam 11:26–27
Ang mga talata
2 Sam 11:26–27Kaya nang marinig ng asawa ni Urias na patay na ang kaniyang asawa, siya ay lubos na nanangis para sa kaniyang asawa. Nang lumipas ang kaniyang kalungkutan, ipinakuha siya ni David at dinala siya sa kaniyang palasyo, at naging asawa niya ito at nagkaroon sila ng anak na lalaki. Pero ang ginawa ni David ay hindi kalugud-lugod kay Yahweh.
- Umawit ng mga panaghoy para kay Josias ang mga koro ng lalaki at babae2 Cro 35:24–25
Ang mga talata
2 Cro 35:24–25Kaya inilabas siya ng kaniyang mga lingkod sa karwahe at isinakay sa ibang karwahe. Siya ay dinala sa Jerusalem, kung saan siya namatay. Inilibing siya sa libingan ng kaniyang mga ninuno. Ang lahat ng Juda at Jerusalem ay nagluksa para kay Josias. Nagdalamhati si Jeremias para kay Josias. Nagdadalamhati ang lahat ng mga lalaki at mga babaeng mang-aawit kay Josias hanggang sa araw na ito. Naging kaugalian sa Israel ang mga awit na ito kaya isinulat ang mga ito sa mga awiting pangluksa.
- Tumangis si Mordecai na nakasako; bawal ang sako sa tarangkahan ng hariEst 4:1–2
Ang mga talata
Est 4:1–2Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng ginawa, pinunit niya ang kanyang mga damit at isinuot ang telang magaspang at mga abo. Lumabas siya sa gitna ng siyudad, at umiyak ng isang malakas at mapait na iyak. Pumunta lamang siya hanggang sa tarangkahan ng hari, dahil walang sinuman ang pinahihintulutang makadaan dito na nakadamit ng telang magaspang.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0