Tuklasin › Mga paksa › Pagkamapagpatuloy
Pang-araw-araw na buhay
Pagkamapagpatuloy sa Bibliya
45 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Mahalin ang dayuhan, sapagkat naging mga dayuhan kayo sa EhiptoExo 22:21, Exo 23:9, Lev 19:33–34, Deut 10:19
Ang mga talata
Exo 22:21Huwag dapat ninyong gawan ng masama ang isang dayuhan o pagmalupitan siya, dahil naging mga dayuhan din kayo sa lupain ng Ehipto.
Exo 23:9Huwag mo dapat apihin ang dayuhan, dahil alam mo ang buhay ng isang dayuhan, dahil naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto.
Lev 19:33–34Kung naninirahan ang isang dayuhan sa inyong lupain, huwag dapat kayong gumawa ng anumang mali sa kanya. Ang naninirahang dayuhan sa inyo ay dapat maging tulad ninyong katutubong Israelita na kasama ninyong naninirahan, at dapat ninyo siyang mahalin tulad ng inyong sarili, sapagkat naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Deut 10:19Kaya mahalin ang dayuhan; dahil naging dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto.
- Patuluyin sa inyong tahanan ang mahihirap at walang matirhanIsa 58:7
Ang mga talata
Isa 58:7Hindi ba ito para ipamahagi ang inyong tinapay sa nagugutom at dalhin ang dukha at walang tahanan sa inyong bahay?” Kapag nakakita kayo ng isang taong nakahubad, dapat ninyo siyang bihisan; at hindi ninyo dapat itago ang inyong sarili mula sa sarili ninyong mga kamag-anak.
- Anyayahan sa handaan ang mahihirap, ang mga baldado, ang mga pilay at ang mga bulagLuc 14:12–14
Ang mga talata
Luc 14:12–14Sinabi rin ni Jesus sa taong nag-anyaya sa kaniya, “Kapag naghanda ka ng pananghalian o hapunan, huwag mong anyayahan ang iyong mga kaibigan, o ang iyong mga kapatid, o ang iyong mga kamag-anak o ang mga mayayaman mong kapit-bahay, sapagkat maaari ka din nilang anyayahan at ikaw ay mababayaran. Ngunit kapag ikaw ay maghahanda ng salu-salo, anyayahan mo ang mga mahihirap, ang mga lumpo, ang mga pilay, at ang mga bulag, at ikaw ay pagpapalain dahil hindi ka nila mababayaran. Sapagkat ikaw ay mababayaran sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”
- Mag-ingat sa maramot na punong-abala na binibilang ang halaga ng bawat suboKaw 23:6–8
Ang mga talata
Kaw 23:6–8Huwag kakainin ang pagkain ng isang masamang tao- isang tao na nakatingin nang napakatagal sa iyong pagkain- at huwag naisin ang kaniyang masarap na mga pagkain, sapagkat siya ang uri ng tao na inaalam ang halaga ng pagkain. “Kumain at uminom!” sabi niya sa iyo, pero ang kaniyang puso ay wala sa iyo. Iyong isusuka ang kakaunting kinain mo, at sasayangin mo ang iyong mga mabubuting sasabihin.
- “Maging mapagpatuloy” — nang walang reklamoRoma 12:13, 1 Ped 4:9
Ang mga talata
Roma 12:13Tumulong sa pangangailangan ng mga mananampalataya. Humanap ng maraming paraan upang ipakita ang magiliw na pagtanggap sa iba.
1 Ped 4:9Magpakita kayo ng kagandahang-loob sa isa't isa nang walang pagrereklamo.
- May ilang nakapagpatuloy sa mga anghel nang hindi nila nalalamanHeb 13:2
Ang mga talata
Heb 13:2Huwag kalimutang malugod na tanggapin ang mga dayuhan sapagkat sa paggawa nito ay hindi ninyo alam na ang iba sa mga tinatanggap ninyo ay mga anghel.
- Dapat mapagpatuloy ang mga pinuno ng iglesia1 Tim 3:2, Tito 1:8
Ang mga talata
1 Tim 3:2Kaya ang tagapangasiwa ay dapat walang kapintasan. Dapat maging asawa siya ng isang babae. Dapat siya ay mahinahon, matalino, matino, at magiliw sa mga panauhin. Dapat may kakayahan siyang magturo.
Tito 1:8Subalit dapat bukas ang kaniyang tahanan sa mga panauhin at isang kaibigan ng mabuti. Dapat siya ay matino, matuwid, makadiyos, at may pagpipigil sa sarili.
- Isang balong kilala sa pagtanggap sa mga dayuhan at paghuhugas ng paa1 Tim 5:10
Ang mga talata
1 Tim 5:10Dapat siyang makilala sa kaniyang mabubuting gawa, maging sa pag-aalaga ng mga bata, o sa pagpapatuloy ng mga taga-ibang bayan, o sa paghuhugas ng paa ng mga mananampalataya, o sa pagtulong sa mga nagdurusa, o sa pagiging tapat sa bawat mabubuting gawain.
Mga halimbawa
- Dinalhan ni Melquisedec si Abram ng tinapay at alakGen 14:18
Ang mga talata
Gen 14:18Naglabas si Melquisedec, hari ng Salem, ng tinapay at alak. Siya ay pari ng Kataastaasang Diyos.
- Tumakbo si Abraham upang salubungin ang tatlong dayuhan at hinainan sila ng pagkainGen 18:1–8
Ang mga talata
Gen 18:1–8Habang nakaupo siya sa pintuan ng tolda sa kainitan ng araw, nagpakita si Yahweh kay Abraham sa mga kakahuyan ni Mamre. Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa. Sinabi niya, “Panginoon, kung nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, huwag kang umalis at iwan ang iyong lingkod. Hayaan ninyong maidala ang kaunting tubig, mahugasan ang inyong mga paa, at makapagpahinga kayo sa ilalim ng punong kahoy. Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod.” Sinabi nila, “Gawin mo ang sinabi mo.” Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, “Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.” Pagkatapos tumakbo si Abraham sa kawan, kumuha siya ng guyang mainam at maayos at ibinigay ito sa lingkod, at nagmadali siyang ihanda ito. Kumuha siya ng mantikilya at gatas, at ang guya na naihanda at nilagay ang pagkain sa harap nila. At tumayo siya sa ilalim ng puno habang sila ay kumakain.
- Pinatuloy ni Lot sa kaniyang bahay sa Sodoma ang dalawang panauhinGen 19:1–3
Ang mga talata
Gen 19:1–3Dumating ang dalawang anghel sa Sodoma sa gabi, habang nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma. Nakita sila ni Lot, tumayo siya upang salubungin sila, at nagpatirapa na nakasayad ang mukha sa lupa. Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan. Pero pinilit niya sila kaya sumama sila sa kanya, at pumasok sila sa kanyang bahay. Naghanda siya ng makakain nila at nagluto ng tinapay na walang pampaalsa at sila ay kumain.
- Si Abimelec kay Abraham: “Manirahan ka kung saan mo gusto”Gen 20:14–15
Ang mga talata
Gen 20:14–15Pagkatapos, kumuha si Abimelech ng mga tupa at mga baka, mga aliping lalaki at mga babae at ibinigay ang mga ito kay Abraham. Pagkatapos, ibinalik niya sa kanya si Sarah na asawa ni Abraham. Sinabi ni Abimelech, “Tingnan mo, nasa harapan mo ang lupain ko. Manirahan ka kung saan mo naisin.
- Naghanda si Laban ng bahay at ng lugar para sa mga kamelyoGen 24:31–33
Ang mga talata
Gen 24:31–33At sinabi ni laban, “Halika, ikaw na pinagpala ni Yahweh. Bakit ka nakatayo riyan sa labas? Inihanda ko ang bahay, at isang lugar para sa mga kamelyo.” Kaya pumunta ang lalaki sa bahay at diniskargahan niya ng mga kamelyo. Binigyan ang mga kamelyo ng dayami at pagkain ng hayop, naglaan ng tubig upang hugasan ang kanyang mga paa at ang mga paa ng mga lalaking kasama niya. Naglapag sila ng pagkain sa harapan niya upang kainin, ngunit sinabi niya, “Hindi ako kakain hanggang sa masabi ko ang kailangan kong sabihin.” Kaya sinabi ni Laban, “Magsalita ka”.
- Tumakbo si Laban upang salubungin si Jacob at dinala siya sa bahayGen 29:13–14
Ang mga talata
Gen 29:13–14Nang marinig ni Laban ang balita tungkol kay Jacob na anak ng kanyang kapatid na babae, siya ay tumakbo para salubungin siya, yakapin, halikan at dalhin sa kanyang bahay. Sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito. Sinabi ni Laban sa kanya, “Tunay nga na ikaw ay aking buto at laman,” Pagkataposnanatili si Jacob sa piling niya ng isang buwan.
- Naghanda si Isaac ng piging para kay Abimelec at sa kaniyang mga tauhanGen 26:26–30
Ang mga talata
Gen 26:26–30Pagkatapos si Abimelec ay pumunta sa kanya mula sa Gerar, kasama si Ahuzat, kanyang kaibigan, at si Picol, ang kapitan ng kanyang hukbo. Sinabi ni Isaac sa kanila, “Bakit kayo naparito sa akin, samantalang galit kayo sa akin at pinaalis ninyo ako palayo sa inyo?” At sinabi nila, “Malinaw naming nakita na si Yahweh ay iyong kasama. Kaya napagpasyahan namin na dapat ay mayroong sumpaan sa pagitan natin, oo, sa pagitan mo at sa amin. Kaya gagawa kami ng tipan sa iyo, na hindi mo kami sasaktan, gaya ng hindi namin pananakit sa iyo, at sa pakikitungo namin ng mabuti sa iyo at sa pagpapaalis namin sa iyo ng mapayapa. Tunay nga, ikaw ay pinagpala ni Yahweh.” Kaya gumawa si Isaac ng pista para sa kanila, at sila ay kumain at uminom.
- Kumain si Jose kasama ang kaniyang mga kapatid sa EhiptoGen 43:31–34
Ang mga talata
Gen 43:31–34Naghilamos siya at lumabas. Pinigilan niya ang kanyang sarili, na nagsasabing “Ihain na ang pagkain”. Pinagsilbihan ng mga lingkod si Jose na siya lang at ang kanyang mga kapatid na lalaki na sila lang. Ang mga taga-Ehipto ay kumain doon kasama niya ng sila-sila lang dahil ang taga-Ehipto ay hindi kumakain ng tinapay kasama ng mga Hebreo, dahil ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga taga-Ehipto. Ang mga kapatid niya ay umupo sa tapat niya, ang panganay ayon sa kanyang karapatan, at ang pinaka bata ayon sa kanyang pagkabata. Ang mga lalaki ay sama-samang namangha. Nagpadala si Jose ng mga parte sa kanila mula sa pagkain na nasa harapan niya. Pero ang parte ng kay Benjamin ay limang beses ang dami kaysa sa kanyang mga kapatid. Sila'y nag inuman at nagpakasaya na kasama niya.
- Ibinigay ng Paraon sa pamilya ni Jacob ang pinakamainam na bahagi ng lupainGen 45:17–20, Gen 47:11–12
Ang mga talata
Gen 45:17–20Sinabi ng Paraon kay Jose, “Sabihin mo sa iyong mga lalaking kapatid, 'Gawin ito: lagyan ninyo ang inyong mga hayop at pumunta sa lupain ng Canaan. Kunin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sambahayan at pumunta sa akin. Ibibigay ko sa inyo ang kasaganahan ng lupain ng Ehipto, at kakainin ninyo ang taba ng lupain.' Kayo ngayon ay inuutusan ko kayo 'Gawin ninyo ito, kumuha kayo ng mga karitela mula sa lupain ng Ehipto para sa inyong mga anak at mga asawa. Kunin ninyo ang inyong ama at pumarito. Huwag na kayong mag-alala tungkol sa inyong mga ari-arian, sapagkat sa inyo na ang kasaganahan ng lahat ng lupain sa Ehipto.'”
Gen 47:11–12Pagkatapos pinatira ni Jose ang kanyang ama at ang kanyang mga kapatid na lalaki. Binigyan niya sila ng lupain sa Ehipto, ang pinakamainam na lupain, sa lupain ng Rameses, ayon sa utos ng Paraon. Binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid, at lahat ng sambahayan ng kanyang ama, ayon sa bilang ng kanilang kasama sa bahay.
- Jetro: “Anyayahan ninyo siyang kumain”Exo 2:20
Ang mga talata
Exo 2:20Sinabi niya sa kaniyang mga anak na babae, “Kaya nasaan siya? Bakit ninyo iniwan ang lalaki? Tawagin ninyo siya para makasabay natin siyang kumain.”
- Itinago ni Rahab ang dalawang espiya sa kaniyang bubunganJos 2:1–6
Ang mga talata
Jos 2:1–6Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon. Sinabi ito sa hari ng Jerico, “Tingnan ninyo, dumating ang mga lalaki ng Israel para magmanman sa lupain.” Ang hari ng Jerico ay nagpasabi kay Rahab at sinabi, “Ilabas ang mga lalaking pumunta sa iyo na tumuloy sa iyong bahay, dahil naparito sila para magmanman sa buong lupain.” Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, “Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing. Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila.” Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
- Pinatuloy ng isang matandang lalaki sa Gibea ang isang naglalakbay na LevitaHuk 19:16–21
Ang mga talata
Huk 19:16–21Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki mula sa kaniyang trabaho sa bukid ng gabing iyon. Siya ay mula sa burol na bansa ng Efraim, at panandalian siyang nakatira sa Gabaa. Pero ang mga kalalakihang naninirahan sa lugar na iyon ay mga Benjamita. Tumingin siya at nakita ang manlalakbay sa plasa ng lungsod. Sinabi ng matandang lalaki, “Saan ka pupunta? Saan ka nanggaling?” Sinabi ng Levita sa kaniya, “Kami ay naglalakbay mula sa Bethlehem sa Juda patungo sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim, na kung saan ako nagmula. Pumunta ako sa Bethlehem sa Juda, at papunta ako sa bahay ni Yahweh, pero wala ni isang magdadala sa akin sa kaniyang bahay. Mayroon kaming dayami at pakain para sa aming mga asno, at mayroong tinapay at alak para sa akin at sa iyong babaeng lingkod dito, at para sa binatang ito na kasama ng iyong mga lingkod. Wala kaming kakulangan.” Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.” Kaya dinala ng lalaki ang Levita sa kaniyang bahay at nagbigay ng pakain para sa mga asno. Hinugasan nila ang kanilang mga paa at kumain at uminom.
- Binigyan ng Paraon ang batang si Hadad ng bahay at lupa1 Hari 11:17–19
Ang mga talata
1 Hari 11:17–19Ngunit si Hadad ay dinala ng mga lingkod ng kaniyang ama sa Ehipto kasama ng iba pang mga Idumeo, dahil si Hadad ay isa pa lamang maliit na bata. Umalis sila sa Midian at nagpunta sa Paran, mula kung saan kasama nilang dinala ang mga kalalakihan patungo sa Ehipto, sa Paraon na hari ng Ehipto, na nagbigay sa kaniya ng isang bahay, lupa at pagkain. Nalugod ang Paraon kay Hadad kaya binigyan siya ng Paraon ng asawa, ang kapatid ng sarili niyang asawa, ang kapatid na babae ng reyna na si Tapenes.
- Ibinahagi ng balo sa Sarepta kay Elias ang huli niyang harina at langis1 Hari 17:10–16
Ang mga talata
1 Hari 17:10–16Kaya bumangon siya at pumunta sa Sarepta, at nang makarating siya sa tarangkahan ng lungsod isang balo ang namumulot ng mga kahoy. Kaya tinawag niya ito at sinabi, “Pakidalhan mo naman ako ng kaunting tubig na nasa banga para maka-inom ako.” Habang siya ay papunta para kumuha ng tubig tinawag siya ni Elias at sinabi, “Pahingi naman ng tinapay na nasa kamay mo.” Sumagot siya, “Si Yahweh na iyong Diyos ay buhay, wala na akong tinapay, maliban na lang sa isang dakot ng harina at kaunting mantika sa lalagyan. Tingnan mo, namulot ako ng dalawang kahoy para lutuin ito para sa akin at sa anak ko, para kami makakain, at mamatay.” Sinabi ni Elias sa kaniya, “Huwag kang matakot. Pumunta ka at gawin ang sinabi mo pero magluto ka muna ng maliit na tinapay at dalhin mo sa akin. At pagkatapos magluto ka na ng para sa inyo ng anak mo. Dahil sinabi ni Yahweh, na Diyos ng Israel, “Hindi mauubusan ng laman ang banga ng harina, maging ang lalagyan ng mantika ay hindi hihinto sa pagdaloy, hanggang sa magpadala si Yahweh ng ulan sa buong lupain.” Pagkatapos, ginawa niya ang sinabi ni Elias, at siya, si Elias at ang bata ay kumain nang maraming araw. Hindi naubos ang harina sa banga maging ang mantika sa lalagyan ay hindi huminto sa pagdaloy, na siyang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.
- Nagpagawa ng silid para kay Eliseo ang isang babae sa Sunem2 Hari 4:8–10
Ang mga talata
2 Hari 4:8–10Isang araw, naglakad si Eliseo sa Sunem kung saan nakatira ang isang mahalagang babae; pinilit niyang kumain sila ng magkasama. Kaya sa madalas na pagdaan ni Eliseo, siya ay humihinto para kumain doon. Sinabi ng babae sa kaniyang asawa, “Tingnan mo, nalaman ko na ang lalaking ito na laging dumadaan dito ay lingkod ng Diyos. Gumawa tayo ng maliit na silid sa bubungan para kay Eliseo, at maglagay tayo ng higaan, upuan, at lampara. Pagkatapos, kapag pumunta siya sa atin, mananatili na siya roon.”
- Ipinakain ni Eliseo at pinauwi ang mga nabihag na kawal na Arameo2 Hari 6:22–23
Ang mga talata
2 Hari 6:22–23Sumagot si Eliseo, “Huwag mo silang patayin. Papatayin mo ba silang mga kinuha mong bihag gamit ang espada at pana mo? Maghain ka ng tinapay at tubig sa kanila para makakain at makainom sila at makapunta sa kanilang panginoon.” Kaya't naghain ng pagkain ang hari para sa kanila, at nang nakakain at nakainom sila, pinalaya niya sila at pinabalik sa kanilang panginoon. Ang mga grupo ng sundalong Aramean na iyon ay hindi bumalik sa lupain ng Israel nang mahabang panahon.
- Job: “Bukas ang aking pinto sa manlalakbay”Job 31:32
Ang mga talata
Job 31:32(hindi kailanman kinailangan ng dayuhan na manatili sa lansangan; sa halip, lagi kong binubuksan ang aking mga pinto sa manlalakbay)
- Tinanggap ni Marta si Jesus; isang hapunan para sa kaniya sa BetaniaLuc 10:38, Juan 12:1–2
Ang mga talata
Luc 10:38Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, siya ay pumunta sa isang nayon, at isang babaeng nagngangalang Marta ang tumanggap sa kaniya sa loob ng kaniyang bahay.
Juan 12:1–2Anim na araw bago ang Paskwa, nagpunta si Jesus sa Bethania, kung saan naroon si Lazaro na siyang binuhay niya mula sa mga patay. Kaya hinandaan nila siya ng hapunan doon, at si Marta ang nagsisilbi, habang si Lazaro ay isa sa mga naupo sa mesa kasama ni Jesus.
- Inanyayahan ng isang Pariseo si Jesus na kumainLuc 11:37
Ang mga talata
Luc 11:37Nang matapos siyang magsalita, isang Pariseo ang humiling sa kaniya na kumain kasama niya sa kaniyang bahay, kung kaya pumasok si Jesus at sumandal.
- Masayang tinanggap ni Zaqueo si JesusLuc 19:5–6
Ang mga talata
Luc 19:5–6Nang makarating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at sinabi sa kaniya, “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat sa araw na ito, kinakailangan kong manatili sa iyong tahanan.” Kaya nagmadali siya, bumaba at tinanggap siya nang may galak.
- Nanatili si Pedro kay Simon na tagapagbilad ng balat sa JoppaGawa 9:43, Gawa 10:6
- Pinatuloy ni Pedro bilang mga panauhin ang mga sugo ni CornelioGawa 10:23
Ang mga talata
Gawa 10:23Kaya inanyayahan sila ni Pedro na pumasok at manatili na kasama niya. Kinabukasan bumangon siya at sumama sa kanila, at sinamahan siya ng ilang mga kapatid na taga-Joppa.
- Hinikayat ni Lidia si Pablo at ang kaniyang mga kasama na manatili sa kaniyang bahayGawa 16:15
Ang mga talata
Gawa 16:15Nang mabautismuhan siya at ang kaniyang sambahayan, hinikayat niya kami, at nagsasabing, “Kung itinuturing ninyo na ako ay matapat sa Panginoon, pumunta kayo sa aking bahay, at manatili roon.” At nahikayat niya kami.
- Malta: nagsindi ng apoy ang mga taga-isla; pinatuloy sila ni Publio nang tatlong arawGawa 28:2, Gawa 28:7
Ang mga talata
Gawa 28:2Ang mga katutubong tao roon ay nag-alok sa amin ng hindi lang basta pangkaraniwang kabutihan. ngunit sila ay nagsindi ng apoy at tinanggap kaming lahat, dahil sa walang tigil na pag ulan at lamig.
Gawa 28:7Ngayon, sa malapit na dakong iyon may mga lupain na pagmamay-ari ng pinuno ng Isla, isang lalaki na nagngangalang Publio. Malugod niya kaming tinanggap at ipinaghanda kami sa tatlong araw.
- Madalas pinalakas ni Onesiforo si Pablo2 Tim 1:16
Ang mga talata
2 Tim 1:16Kahabagan nawa ng Panginoon ang sambahayan ni Onesiforo, sapagkat madalas niya akong pinalalakas at hindi niya ikinahiya ang aking kadena.
- Tinanggap ni Gayo ang mga naglalakbay na mananampalatayang hindi niya kilala3 Juan 1:1, 3 Juan 1:5–8
Ang mga talata
3 Juan 1:1Ang nakatatanda para kay minamahal na si Gayo, na siyang aking mahal sa katotohanan.
3 Juan 1:5–8Minamahal, ikaw ay nagsasagawa ng katapatan tuwing ikaw ay gumagawa para sa iyong mga kapatid na lalaki at para sa mga hindi kilala, siya na nagpatotoo ng pag-ibig mo sa harapan ng iglesia. Gumawa ka ng mainam para maipadala sila sa kanilang paglalakbay sa paraang karapat-dapat sa Diyos, dahil para sa kapakanan ng Pangalan sila ay lumabas, walang kinukuha mula sa mga Gentil. Samakatuwid tayo ay marapat na tumanggap tulad ng mga ito, nang sa gayon tayo ay maging kapwa manggagawa para sa katotohanan.
- Iniligtas sa Jerico si Rahab at ang kaniyang pamilya, gaya ng ipinangakoJos 6:22–25
Ang mga talata
Jos 6:22–25Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, “Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya.” Kaya ang kabataang lalaki na nagmanman ay pumasok at inilabas si Rahab. Nilabas nila ang kaniyang ama, ina, mga kapatid at lahat ng kamag-anak na kasama niya. Dinala nila sila sa isang lugar sa labas ng kampo ng Israel. At sinunog nila ang lungsod at lahat ng naririto. Tanging pilak, ginto at mga sisidlang tanso at bakal ang inilagay sa ingatang yaman ng bahay ni Yahweh. Pero pinahintulutan ni Josue si Rahab ang bayarang babae, ang sambahayan ng kaniyang ama, at lahat ng kasama niya na mabuhay. Nanirahan siya sa Israel hanggang sa araw na ito, dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala ni Josue para magmanman sa Jerico.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0