Tuklasin › Mga paksa › Pangangaso at pagbibitag
Pang-araw-araw na buhay
Pangangaso at pagbibitag sa Bibliya
14 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Si Nimrod, “isang makapangyarihang mangangaso sa harapan ni Yahweh”Gen 10:9
Ang mga talata
Gen 10:9Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi, “Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh.”
- Lumaki si Ismael sa ilang at naging mahusay na mamamanaGen 21:20
Ang mga talata
Gen 21:20Sinamahan ng Diyos ang bata, at lumaki siya. Nanirahan siya sa ilang at naging isang mamamana.
- Naging bihasang mangangaso si Esau, isang taong-parangGen 25:27
Ang mga talata
Gen 25:27Ang mga bata ay lumaki na, at si Esau ay naging mahusay na mangangaso, isang taong sanay sa gubat; subalit si Jacob ay isang tahimik na tao, na ginugugul ang kanyang oras sa mga tolda.
- Mahilig si Isaac sa karne ng hayop-gubat at mahal niya si EsauGen 25:28
Ang mga talata
Gen 25:28Ngayon minahal ni Isaac si Esau dahil nakakain nya ang mga hayop na kanyang nahuli, subalit si Rebeca ay minahal si Jacob.
- Pinapangaso ni Isaac si Esau dala ang lalagyan ng palaso at ang panaGen 27:3–5
Ang mga talata
Gen 27:3–5Kaya kunin mo ang iyong mga sandata, ang iyong sisidlan ng palaso at pana at mangaso ka sa bukid para sa akin. Gawan mo ako ng masarap na pagkain na gusto ko at dalhin mo iyon sa akin para makain ko iyon at pagpalain ka bago ako mamatay.” Ngayon narinig ni Rebeca nang kausapin ni Isaac si Esau na kanyang anak. Nagpunta si Esau sa bukid para mangaso ng hayop at dalhin ito pauwi.
- Bumalik si Esau mula sa pangangaso nang huli na para sa pagpapalaGen 27:30–33
Ang mga talata
Gen 27:30–33Matapos pagpalain ni Isaac si Jacob, at bahagya pa siyang lumayo sa presensya ng ama niyang si Isaac, noon naman dumating ang kapatid niyang si Esau mula sa pangangaso. Gumawa rin siya ng masarap na pagkain at dinala iyon sa kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, bumangon ka at kainin mo ang ilan sa napangaso ng iyong anak upang mapagpala mo ako.” Ang kanyang amang si Isaac ay nagsabi sa kanya, “Sino ka?” Sinabi niya, “Ako ang anak mo, ang unang anak mong si Esau.” Nanginig nang matindi si Isaac at nagsabi, “Sino pala iyon na nangaso ng hayop na ito at dinala sa akin? Kinain ko lahat ito bago ka dumating, at pinagpala ko siya. Tunay nga, siya ay pagpapalain.”
Sa Kautusan
Mga silo at lambat
- Lambat, mata ng lambat, bitag, silo at pantaling nakatago sa lupaJob 18:8–10
Ang mga talata
Job 18:8–10Dahil siya ay ihahagis sa isang lambat ng kaniyang sariling mga paa; lalakad siya sa isang patibong. Isang bitag ang huhuli sa kaniya sa sakong; isang patibong ang huhuli sa kaniya. Nakatago sa lupa ang isang silo; at isang bitag para sa kaniyang daraanan.
- Antilopeng nahuli sa lambatIsa 51:20
Ang mga talata
Isa 51:20Nahimatay ang mga anak mo; nakahiga sila sa bawat sulok ng lansangan, tulad ng antilope sa lambat; puno sila ng galit ni Yahweh, ang pagsaway ng iyong Diyos.
- Nag-aabang ang mga manghuhuli ng ibon at naglalagay ng bitagJer 5:26
Ang mga talata
Jer 5:26Sapagkat ang mga masasamang kalalakihan ay matatagpuan sa aking mga tao. Nagbabantay sila gaya ng taong nakahandang manghuli ng mga ibon, naglalagay sila ng bitag at nanghuhuli ng mga tao.
- Mga lubid ng lambat na nakalatag sa daan, at mga paing inilagayAwit 140:5
Ang mga talata
Awit 140:5Ang mapagmalaki ay naghanda ng patibong para sa akin; nagkalat sila ng lambat; naghanda sila ng silo para sa akin. Selah
Mga paghahambing
- David: gaya ng humahabol sa ibong perdiz sa kabundukan1 Sam 26:20
Ang mga talata
1 Sam 26:20Samakatuwid ngayon, huwag hayaang dumanak ang aking dugo sa lupa mula sa presensya ni Yahweh, para sa hari ng Israel na dumating at humanap sa isang pulgas, bilang isang naghahanap ng ibon sa mga bundok.”
- “Hinuli ako ng aking mga kaaway na parang ibon”Panag 3:52
Ang mga talata
Panag 3:52Walang tigil akong tinutugis tulad ng isang ibon ng aking mga kaaway nang walang dahilan.
- Iniligtas “mula sa bitag ng manghuhuli”Awit 91:3
Ang mga talata
Awit 91:3Dahil sasagipin ka niya mula sa patibong ng mangangaso at mula sa nakamamatay na salot.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0