Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga tolda

Pang-araw-araw na buhay

Mga tolda sa Bibliya

29 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Si Jabal ang ama ng mga naninirahan sa tolda at nag-aalaga ng mga hayopGen 4:20
    Ang mga talata
    Gen 4:20Isinilang ni Ada si Jabal. Siya ay ama ng lahat ng nakatira sa mga tolda na may mga alagang hayop.
  • Itinayo ni Abram ang kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at Ai, saka lumipat sa MamreGen 12:8, Gen 13:18
    Ang mga talata
    Gen 12:8Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh.
    Gen 13:18Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh.
  • May mga kawan, bakahan at tolda rin si LotGen 13:5
    Ang mga talata
    Gen 13:5Ngayon si Lot, na kasama ni Abram sa paglalakbay, ay mayroon ding mga kawan, mga alagang hayop at mga tolda.
  • Nakaupo si Abraham sa pasukan ng kaniyang tolda sa init ng arawGen 18:1–2
    Ang mga talata
    Gen 18:1–2Habang nakaupo siya sa pintuan ng tolda sa kainitan ng araw, nagpakita si Yahweh kay Abraham sa mga kakahuyan ni Mamre. Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
  • Nakikinig si Sarah sa pasukan ng toldaGen 18:9–10
    Ang mga talata
    Gen 18:9–10Sinabi nila sa kanya, “Nasaan ang iyong asawa na si Sarah?” Sumagot siya, “Naroon sa loob ng tolda.” Sinabi niya, “Makatitiyak ka na babalik ako sa iyo sa tagsibol at makikita mo, magkakaroon ng anak na lalaki ang iyong asawa na si Sarah.” Nakikinig si Sarah sa pintuan ng tolda na nasa likod ni Abraham.
  • Dinala ni Isaac si Rebeca sa tolda ng kaniyang inang si SarahGen 24:67
    Ang mga talata
    Gen 24:67Pagkatapos dinala ni Isaac si Rebeca sa loob tolda ng kanyang inang si Sara at kinuha si Rebeca, at siya ay naging kanyang asawa, at siya ay minahal niya. Kaya naginhawahan si Isaac matapos ang kamatayan ng kanyang ina.
  • Itinayo ni Isaac ang kaniyang tolda, at naghukay ng balon ang kaniyang mga lingkodGen 26:25
    Ang mga talata
    Gen 26:25Nagtayo si Isaac ng altar doon at tumawag sa pangalan ni Yahweh. Nagtindig siya ng tolda doon, at ang kanyang mga lingkod ay naghukay ng balon.
  • May kani-kaniyang tolda sina Jacob, Lea, Raquel at ang mga aliping babaeGen 31:33
    Ang mga talata
    Gen 31:33Pumunta si Laban sa tolda ni Jacob, sa tolda ni Lea at sa tolda ng dalawang babaeng alipin, ngunit hindi niya natagpuan ang mga ito. Pumunta siya sa tolda ni Lea at pumasok sa tolda ni Raquel.
  • Nanirahan sa mga tolda sina Abraham, Isaac at JacobHeb 11:9
    Ang mga talata
    Heb 11:9Sa pamamagitan ng pananampalataya siya ay nanirahan sa lupang ipinangako bilang isang dayuhan. Siya ay namuhay sa tolda na kasama sina Isaac at Jacob na parehong tagapagmana ng pangako.
  • May mga tabing, lubid at tulos ang mga toldaIsa 54:2, Jer 10:20
    Ang mga talata
    Isa 54:2Gawin ninyong mas malaki ang inyong tolda at ilatag ang inyong mga kurtina ng tolda nang mas malawak; nang walang panghihinayang, pahabain ang inyong mga lubid at patibayin ang inyong mga tulos.
    Jer 10:20Ganap na nawasak ang aking tolda at nahati sa dalawa ang lahat ng tali nito. Kinuha sa akin ang aking mga anak, kaya wala na sila. Wala ng maglalatag ng aking tolda o magtataas ng aking mga kurtina.
  • Maitim na tulad ng mga tolda ng KedarAwS 1:5
    Ang mga talata
    AwS 1:5Nagsasalita ang babae sa ibang mga kababaihan. Ako ay kayumanggi pero maganda, kayong mga dalaga ng mga kalalakihan ng Jerusalem- kayumanggi tulad ng mga tolda ng Kedar, maganda tulad ng mga kurtina ni Solomon.
  • Gumagawa ng tolda bilang hanapbuhay sina Pablo, Aquila at PriscilaGawa 18:2–3
    Ang mga talata
    Gawa 18:2–3Natagpuan niya doon ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila na nagmula sa Punto na kagagaling lamang ng Italya, kasama si Priscila na kaniyang asawa, dahil pinag-utos ni Claudio na lahat ng Judio ay umalis ng Roma. Pumunta si Pablo sa kanila; Namuhay at nagtrabaho si Pablo kasama nila dahil siya ay katulad din nila. Mga manggagawa ng tolda.

Sa ilang

  • Binati ni Moises ang kaniyang biyenan, at pumasok sila sa toldaExo 18:7
    Ang mga talata
    Exo 18:7Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda.
  • Nagkampo ang Israel ayon sa mga pangkat, bawat isa sa ilalim ng kaniyang watawatBil 1:52, Bil 2:2
    Ang mga talata
    Bil 1:52Kapag itatayo ng mga tao ng Israel ang kanilang mga tolda, dapat itong gawin ng bawat lalaki malapit sa bandilang nabibilang sa kaniyang armadong grupo.
    Bil 2:2“Ang bawat kaapu-apuhan ng mga Israelita ay dapat magkampo sa palibot ng bandila ng kaniyang armadong grupong nabibilang sa hukbo at sa palibot ng pinakamaliit na watawat na palatandaan sa kaniyang tribu. Ang kanilang mga kampo ay dapat nakaharap sa tolda ng pagpupulong.
  • Nakatayo ang mga tao sa pasukan ng kanilang tolda, nakatingin kay MoisesExo 33:8
    Ang mga talata
    Exo 33:8Sa tuwing lalabas si Moises sa tolda, lahat ng tao ay tumatayo sa harap ng pasukan ng kanilang tolda at tinitingnan si Moises hanggang siya ay makapasok sa loob.
  • Balaam: “Kay ganda ng iyong mga tolda, Jacob”Bil 24:5
    Ang mga talata
    Bil 24:5Anong ganda ng iyong mga tolda, o Jacob, ang lugar na kung saan ka nakatira, Israel!
  • Ibinaon ni Acan ang pilak at ginto sa lupa sa loob ng kaniyang toldaJos 7:21–22
    Ang mga talata
    Jos 7:21–22Nang nakita ko sa mga manloloob ang isang magandang balabal mula sa Babylon, dalawan-daang sekel ng pilak, at isang bar ng ginto na nagtitimbang ng limampung sekel, aking ninais at kinuha ko ang mga ito. Nakatago sila sa ilalim ng lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim nito.” Nagpadala si Josue ng mga mensahero, na siyang pumunta sa tolda at naroon ang mga bagay. Nang tiningnan nila, natagpuan nila ang mga ito na nakatago sa kaniyang sariling tolda, at ang mga pilak na nasa ilalim ng mga ito.

Sa mga salaysay

  • Pinainom ni Jael si Sisera ng gatas sa kaniyang tolda at pinatay siya sa tulos ng toldaHuk 4:18–21, Huk 5:25–26
    Ang mga talata
    Huk 4:18–21Lumabas si Jael para salubungin si Sisera at sinabi sa kaniya, “Lumapit ka, aking panginoon; lumapit ka patungo sa akin at huwag matakot.” Kaya lumapit si Sisera patungo sa kaniya at pumasok sa kaniyang tolda at siya ay tinakpan niya ng isang kumot. Sinabi niya sa kaniya, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig na maiinom, dahil ako ay nauuhaw.” Binuksan niya ang isang balat na supot ng gatas at binigyan siya ng inumin, at siya'y tinakpan niyang muli. Sinabi niya sa kaniya, “Tumayo ka sa bungad ng tolda at kung may dumating at magtanong sa iyo, 'May tao ba riyan?' sabihing, 'Wala'.” Pagkatapos nagdala si Jael (ang asawa ni Heber) ng isang pakong kahoy ng tolda at martilyo sa kaniyang kamay at palihim na pumunta sa kaniya, dahil siya ay nasa mahimbing na pagtulog, at ipinukpok niya ang pakong kahoy sa tagiliran ng kaniyang ulo at ito ay tumusok patagos sa kaniya at bumaba sa lupa. At siya ay namatay.
    Huk 5:25–26Humingi ang lalaki ng tubig, at siya ay binigyan niya ng gatas; dinalhan niya ng mantikilya sa isang pinggan para sa mga prinsipe. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa pakong kahoy ng tolda, at ang kaniyang kanang kamay sa martilyo ng mga manggagawa, sa pamamagitan ng martilyo pinalo niya si Sisera, dinurog niya ang kaniyang ulo. Pinalo niya ang kaniyang bungo hanggang magkapira-piraso nang pinalo niya ang gilid ng kaniyang ulo.
  • Dumating ang mga Midianita kasama ang kanilang mga hayop at tolda na parang mga balangHuk 6:5
    Ang mga talata
    Huk 6:5Sa tuwing sila at kanilang mga alagang hayop at mga tolda ay dadating, darating sila na gaya ng pulutong ng mga balang, at ito ay hindi kayang bilangin maging ang mga tao o ang kanilang mga kamelyo. Sinakop nila ang lupain para wasakin ito.
  • Inilagay ni David ang mga sandata ni Goliat sa sarili niyang tolda1 Sam 17:54
    Ang mga talata
    1 Sam 17:54Kinuha ni David ang ulo ng Filisteo at dinala ito sa Jerusalem, ngunit nilagay niya ang kanyang baluti sa kanyang tolda.
  • Urias: nasa mga tolda ang kaban, ang Israel at ang Juda2 Sam 11:11
    Ang mga talata
    2 Sam 11:11Sumagot si Urias kay David, “Ang kaban, at ang Israel at Juda ay nananatili sa mga tolda, at nakakampo ang aking amo na si Joab at kaniyang mga lingkod sa isang hayag na bukid. Paano ako mamakapunta sa aking bahay para kumain at uminom at sumiping sa aking asawa? Titiyakin kong habang ikaw ay nabubuhay, hindi ko ito gagawin.”
  • “Sa kani-kaniyang tolda, O Israel!”2 Sam 20:1, 1 Hari 12:16
    Ang mga talata
    2 Sam 20:1Mayroon ding nangyari sa parehong lugar isang basagulero na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, isang lahi ni Benjamin. Hinipan niya ang trumpeta at sinabing, “Wala kaming kinuhang bahagi kay David, ni nakuhang pamana sa anak na lalaki ni Jesse. Hayaan ang bawat lalaking bumalik sa kaniyang tahanan, sa Israel.”
    1 Hari 12:16Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Umuwi kayo sa inyong mga tolda, Israel. Ngayon pangalagaan mo ang sarili mong bahay, David.” Kaya nagbalik ang Israel sa kanilang mga tolda.
  • Sinalakay ng hukbo ni Asa ang mga tolda ng mga pastol at tinangay ang mga tupa at kamelyo2 Cro 14:15
    Ang mga talata
    2 Cro 14:15Winasak din ng hukbo ang mga toldang tinirhan ng mga pastol na pagala-gala, kinuha nila ang napakaraming tupa, gayundin ang mga kamelyo at bumalik na sila sa Jerusalem.
  • Binunot at inilipat ang tolda ng pastolIsa 38:12
    Ang mga talata
    Isa 38:12Inalis at tinangay ang aking buhay mula sa akin tulad ng isang tolda ng pastol; binalumbon ko ang aking buhay tulad ng isang manghahabi; tinatabas mo ako mula sa habihan; araw at sa gabi, winawakasan mo ang aking buhay.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0