Tuklasin › Mga paksa › Selos at inggit
Pang-araw-araw na buhay
Selos at inggit sa Bibliya
26 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Ang selos ay nagpapagalit sa asawang lalakiKaw 6:34
Ang mga talata
Kaw 6:34Dahil ang pagseselos ay ginagawang galit na galit ang isang lalaki; kapag siya ay gumanti hindi siya magpapakita ng awa.
- Ang galit ay parang baha, pero sino ang makatatagal sa selos?Kaw 27:4
Ang mga talata
Kaw 27:4Mayroon kalupitan ang kapootan at baha ng galit, ngunit sino ang kayang makatatagal sa pagseselos?
- Ang inggit ay nagpapabulok ng mga butoKaw 14:30
Ang mga talata
Kaw 14:30Ang pusong panatag ay buhay para sa katawan, ngunit ang inggit ay binubulok ang mga buto.
- Ang pagpapagal at tagumpay ay nagmumula sa inggit sa kapwaMang 4:4
Ang mga talata
Mang 4:4Pagkatapos aking nakita na ang bawat paggawa at bawat mahusay na paggawa ay kinaiingitan ng kanilang kapwa. Ito rin ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
- Kasinlakas ng kamatayan ang pag-ibig, ang selos nito ay kasinlupit ng SheolAwS 8:6
Ang mga talata
AwS 8:6Ilagay mo ako bilang isang tatak sa iyong puso, katulad ng isang selyo sa iyong bisig, dahil ang pag-ibig ay kasing lakas tulad ng kamatayan. Ang madamdaming debosyon ay tulad ng pagpupumilit ng sheol; ang mga apoy nito ay lumalagablab; ito ay isang nagliliyab na apoy, isang apoy na mas mainit kaysa sa anumang apoy.
- Kung saan may selos, may kaguluhanSant 3:16
Ang mga talata
Sant 3:16Sapagkat kung saan may paninibugho at makasariling hangaring umiiral, may pagkalito at masasamang pag-uugali.
- Ang pagsubok ng Kautusan sa asawang pinaghihinalaan ng seloso niyang asawaBil 5:12–31
Ang mga talata
Bil 5:12–31“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo sa kanila, 'Ipagpalagay na tumalikod ang isang asawang babae at nagkasala laban sa kaniyang asawang lalaki. Pagkatapos, ipagpalagay na ang isang lalaki ay nakipagtalik sa kaniya. Sa ganitong kalagayan, nadungisan siya. Kahit na hindi ito nakita ng kaniyang asawang lalaki o nalaman ang tungkol dito, at kahit wala ni isa ang nakahuli sa kaniya sa kaganapan at wala ni isa ang makapagpatotoo laban sa kaniya, gayon pa man, maaaring ipaalam ng isang espiritu ng pagseselos sa asawang lalaki na ang kaniyang asawang ay nadungisan. Gayunman, ang espiritu ng pagseselos ay maaaring iparating sa isang lalaki na ang kaniyang asawa ay hindi nadungisan. Sa ganitong mga kalagayan, dapat dalhin ng lalaki ang kaniyang asawa sa pari. Dapat magdala ng isang inuming handog ang asawang lalaki para sa kaniyang asawa. Dapat magdala siya ng isang ikasampu ng isang epa ng sebadang harina. Dapat hindi niya ito buhusan ng langis o kamanyang dahil ito ay isang handog na butil ng pagseselos, isang handog na butil na maaaring tagaturo ng kasalanan. Ang pari ay dapat ilapit ang babae at iharap siya kay Yahweh. Dapat kumuha ang pari ng isang tapayan ng banal na tubig at kumuha ng alikabok mula sa sahig ng tabernakulo. Dapat niyang ilagay ang alikabok sa tubig. Dapat iharap ng pari ang babae kay Yahweh. Dapat alisin ng babae ang takip ng kaniyang ulo at alisin ang tali ng kaniyang buhok. Dapat ilagay ng pari sa kaniyang mga kamay ang handog na butil bilang isang pahiwatig. Ito ang handog na butil ng pagseselos. Dapat hawakan ng pari sa kaniyang kamay ang mapait na tubig na may alikabok na magdadala ng isang sumpa sa kaniya. Dapat panumpain siya ng pari ng isang panunumpa. Dapat niyang sabihin sa babae, “Kung walang lalaking nakipagtalik sa iyo, at kung hindi ka naligaw at nakagawa ng kalaswaan, tiyak na ikaw ay magiging malaya mula sa mapait na tubig na ito na magdadala ng isang sumpa. Ngunit kung ikaw ay isang babae na nasa ilalim ng kaniyang asawa, naligaw, kung nadungisan ka, at kung nakipagtalik sa iyo ang ilang lalaki...” Dapat panumpain ng pari ang babae ng isang panunumpa na magdadala ng isang sumpa sa kaniya, at pagkatapos, dapat siyang patuloy na kausapin ang babae,”... at gagawin kang isang isinumpa ni Yahweh na ipapakita sa iyong mga tao na maging ganoon. Mangyayari ito kung pahihintulutan ni Yahweh ang iyong hita na mabulok at mamaga ang iyong tiyan. Ang tubig na ito na nagdadala ng sumpa ay pupunta sa iyong tiyan, mamaga ang iyong tiyan, at mabubulok ang iyong mga hita.” Isasagot dapat ng babae, “Oo, mangyari nawa ito kung ako ay nagkasala.” Dapat Isulat ng pari ang mga sumpang ito sa isang kasulatang binalumbon, at pagkatapos, dapat niyang hugasan ang mga sumpang isinulat sa mapait na tubig. Ipapainom ng pari ang mapait na tubig sa babaeng magdadala ng sumpa. Papasok sa kaniya at magiging mapait ang tubig na magdadala ng sumpa. Dapat kumuha ang pari ng handog na butil ng pagseselos mula sa kamay ng babae. Dapat niyang itaas ang handog na butil sa harap ni Yahweh at dalhin ito sa altar. Dapat kumuha ng isang dakot ng handog na butil, isang bahagi nito, at sunugin ito sa altar. Pagkatapos, dapat niyang ibigay sa babae ang mapait na tubig upang inumin. Kapag bibigyan niya ang babae ng tubig upang inumin, kung nadungisan siya dahil nakagawa siya ng isang kasalanan laban sa kaniyang asawang lalaki, ang tubig na magdadala ng sumpa ay papasok sa kaniya at magiging mapait. Mamamaga ang kaniyang tiyan at mabubulok ang kaniyang hita. Isusumpa ang babae sa gitna kaniyang mga tao. Ngunit kung hindi nadungisan ang babae at kung malinis siya, dapat siyang maging malaya. Maaari siyang magkaroon ng mga anak. Ito ay ang batas ng pagseselos. Ito ay ang batas para sa isang babaeng lumayo mula sa kaniyang asawa at nadungisan. Ito ang batas para sa isang lalaki na may espiritu ng pagseselos kapag nagseselos siya sa kaniyang asawa. Dapat niyang dalhin ang babae sa harap ni Yahweh, at dapat gawin ng pari sa kaniya ang lahat ng bagay na inilalarawan ng batas na ito ng pagseselos. Magiging malaya ang lalaki mula sa pagkakasala sapgkat dinala niyaang kaniyang asawa sa pari. Ang babae ay dapat niyang dalhin ang anumang kasalanang maaaring nasa kaniya.'”
Mga halimbawa
- Si Cain, galit dahil tinanggap ang handog ni Abel, ay pinatay siyaGen 4:4–8
Ang mga talata
Gen 4:4–8Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog, pero hindi niya tinanggap si Cain at ang kanyang handog. Kaya lubhang nagalit si Cain, at sumimangot siya. Sinabi ni Yahweh kay Cain, “Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot? Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan.” Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito.
- Hinamak ng nagdadalang-taong si Agar si Sarai, at inapi siya ni SaraiGen 16:4–6
Ang mga talata
Gen 16:4–6Kaya nagkaroon siya ng kaugnayan kay Agar, at nabuntis siya. At nang makita niyang nabuntis siya, tiningnan niya ng may pag-aalipusta ang kaniyang among babae. Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, “Ang kamaliang ito sa akin ay dahil sa iyo. Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig, at nang makita niyang siya ay nabuntis, hinamak niya ako sa kaniyang paningin. Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin. Pero sinabi ni Abram kay Sarai, “Tingnan mo, nasa iyong kapangyarihan ang iyong babaeng lingkod, gawin mo sa kaniya ang iniisip mong pinakamabuti.” Kaya pinagmalupitan siya ni Sarai, at siya ay tumakas mula sa kaniya.
- Kinainggitan ng mga Filisteo ang mga kawan at bakahan ni IsaacGen 26:14
Ang mga talata
Gen 26:14Mayroon siyang maraming tupa at mga baka, at isang malaking sambahayan. Ang mga Filisteo ay kinaiinggitan siya.
- Nainggit si Raquel kay Lea: “Bigyan mo ako ng mga anak, o mamamatay ako!”Gen 30:1
Ang mga talata
Gen 30:1Nang makita ni Raquel na wala siyang naging anak kay Jacob, si Raquel ay nainggit sa kanyang kapatid na babae. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng mga anak, o mamamatay ako.”
- Nainggit kay Jose ang kaniyang mga kapatid at ipinagbili siyaGen 37:4, Gen 37:11, Gen 37:18–28
Ang mga talata
Gen 37:4Nakita ng kanyang mga kapatid ang pagmamahal ng kanilang ama na mas higit kaysa sa lahat niyang kapatid na lalaki. Siya ay kinamuhian nila at hindi nakikipag-usap nang maayos.
Gen 37:11Nainggit sa kanya ang kanyang mga kapatid, pero ang kanyang ama ay itinago ang bagay sa kanyang isip.
Gen 37:18–28Nakita nila si Jose mula sa di kalayuan, at bago siya makalapit sa kanila, nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya. Sinabi ng kanyang mga kapatid sa bawat isa, “Tingnan niyo, Papalapit na ang taong mapanaginipin. Halikayo, kung ganon, patayin na natin siya at ihulog siya sa isa sa mga balon. Sabihin natin, 'Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop.' Tingnan natin kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip.” Narinig ito ni Reuben at iniligtas siya mula sa kanilang kamay. Sinabi niya, “Huwag nating kunin ang kanyang buhay.” Sinabi ni Reuben sa kanila, “Huwag magpadanak ng dugo. Itapon siya sa balong ito sa deserto, ngunit huwag ninyo siyang hawakan”— upang mailigtas niya siya sa kanilang kamay para maibalik siya sa kanyang ama. Nangyari na nang dumating si Jose sa kanyang mga kapatid, hinubad sa kaniya ang magandang damit. Dinala siya at itinapon siya sa loob ng balon. Walang laman ang balon ni wala itong tubig. Umupo sila para kumain ng tinapay. Tumingala sila at tumingin, at masdan, may paparating na isang karawan ng mga Ismaelita mula sa Gilead, kasama ang kanilang mga kamelyo na may dala-dalang mga sahog at balsamo at mira. Naglalakbay sila ay para dalhin ang mga iyon pababa sa Ehipto. Sabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Anong pakinabang nito kung papatayin ang ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo? Halina kayo, at ipagbili natin siya sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay. Dahil siya ay ating kapatid, ating laman. Pinakinggan siya ng kanyang mga kapatid. Dumaan ang mga mangangalakal na Midianita. Inihaon si Jose ng kanyang mga kapatid at iniakyat pataas mula sa balon. Ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita para sa dalawampung pirasong pilak. Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
- Si Moises kay Josue: “Naninibugho ka ba para sa akin?”Bil 11:28–29
Ang mga talata
Bil 11:28–29Si Josue na lalaking anak ni Nun, ang tagapangasiwa ni Moises, ang isa sa mga lalaking pinili ang nagsabi kay Moises, “Aking among Moises, pigilan mo sila.” Sinabi ni Moises sa kaniya, “Naninibugho ka ba para sa kapakanan ko? Nais kong lahat ng tao ni Yahweh ay mga propeta at ilagay niya ang kaniyang Espiritu sa kanilang lahat!''
- Miriam at Aaron: “Kay Moises lamang ba nagsasalita si Yahweh?”Bil 12:1–2
Ang mga talata
Bil 12:1–2Pagkatapos, nagsalita sina Miriam at Aaron laban kay Moises dahil sa isang babaeng taga-Cus na napangasawa niya. Sinabi nila, “Kay Moises lamang ba nagsalita si Yahweh? Hindi rin ba siya nagsalita sa amin?” Ngayon narinig ni Yahweh kung ano ang kanilang sinabi.
- Nagdamdam ang mga lalaki ng Efraim kina Gideon at Jefta dahil hindi sila tinawagHuk 8:1, Huk 12:1
Ang mga talata
Huk 8:1Sinabi ng mga kalalakihan ng Efraim kay Gideon, “Ano ba itong ginawa mo sa amin? Hindi mo kami tinawag nang nakipaglaban ka sa mga Midian.” At marahas na nakipagtalo sila sa kaniya.
Huk 12:1Isang panawagan ang lumabas para sa kalalakihan ng Efraim; dumaan sila sa Zafon at sinabi kay Jefta, “Bakit ka dadaan para makipaglaban sa mga tao ng Ammon at hindi kami tinawag para sumama sa iyo? Susunugin namin ang iyong bahay kasama ka.”
- Nagdamdam si Saul sa awit na “si David ay sampu-sampung libo”1 Sam 18:7–9
Ang mga talata
1 Sam 18:7–9Nag-aawitan ang kababaihan habang tumutugtog; inawit nila: “Pinatay ni Saul ang kanyang libu-libo, at si David ang kanyang sampung libo.” Galit na galit si Saul at hindi nakalugod sa kanya ang awiting ito. Sinabi niya, “Ipinagpalagay nila kay David ang sampung libo, pero ang ipinagpalagay nila sa akin ay libu-libo lamang. Ano pa ang kanyang makukuha kundi ang kaharian?” At patuloy na minasdan ni Saul si David na may paghihinala mula sa araw na iyon.
- Pinatay ni Joab si Abner, na pinaalis ni David nang payapa2 Sam 3:24–27
Ang mga talata
2 Sam 3:24–27Pagkatapos pumunta si Joab sa hari at sinabi, “Ano ang ginawa mo? Tingnan mo, pumunta si Abner sa iyo! Bakit mo siya pinaalis, at siya ay nakaalis na? Hindi mo ba alam na pumunta si Abner anak na lalaki ni Ner para lokohin ka, at alamin ang iyong mga plano at malaman ang lahat ng bagay na gagawin mo?” Nang iniwan ni Joab si David, nagpadala siya ng mga mensahero kay Abner, at dinala siya pabalik mula sa balon ng Sira, pero hindi alam ito ni David. Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.
- Nagtalo ang Israel at Juda kung sino ang nagbalik sa hari2 Sam 19:41–43
Ang mga talata
2 Sam 19:41–43Sa madaling panahon lahat kalalakihan ng Israel ay nag-umpisang pumunta sa hari at sinabi sa hari, “Bakit ang mga kapatid naming lalaki, ang kalalakihan ng Juda, ninakaw kayo palayo at dinala ang hari at kaniyang pamilya sa Jordan, at lahat ng kalalakihan ni David kasama niya?” Kaya sumagot ang kalalakihan ng Israel, “Ito ay dahil mas malapit na kamag-anak ang hari sa amin. Kung kaya bakit kayo magagalit tungkol dito? Kinain ba namin ang anumang bagay na kailangan bayaran ng hari? Binigyan ba niya kami ng anumang mga regalo? Sumagot ang kalalakihan ng Israel sa kalalakihan ng Juda, “Mayroon kaming sampung liping kamag-anak ng hari, kaya mas may karapatan kami kay David kaysa sa inyo. Kung kaya bakit ninyo kami nilinlang? Hindi ba ang aming mungkahi na ibalik ang aming hari ang unang pinakinggan?” Pero ang mga salita ng kalalakihan ng Juda ay naging mas marahas kaysa sa mga salita ng kalalakihan ng Israel.
- Ayaw pumasok ng nakatatandang kapatid ng alibughang anakLuc 15:25–30
Ang mga talata
Luc 15:25–30Sa panahong iyon, ang kaniyang nakatatandang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumating at palapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga utusan at tinanong kung ano ang mga bagay na ito. Sinabi ng utusan sa kaniya, 'Dumating ang iyong kapatid at nagpakatay ang iyong ama ng pinatabang guya, dahil nakabalik siya nang ligtas.' Nagalit ang nakatatandang anak, at ayaw niyang pumasok, at lumabas ang kaniyang ama, at pinakiusapan siya. Ngunit sumagot ang nakatatandang anak at sinabi sa kaniyang ama, 'Tingnan mo, nagpa-alipin ako sa iyo sa loob ng maraming taon, at kailanman ay hindi ako sumuway sa iyong utos, ngunit kailanman ay hindi mo ako binigyan ng isang batang kambing upang magdiwang ako kasama ng aking mga kaibigan, ngunit nang dumating ang iyong anak, na umubos ng iyong kabuhayan sa mga babaing nagbebenta ng aliw, nagpakatay ka ng pinatabang guya para sa kaniya.'
- Alam ni Pilato na dahil sa inggit kaya nila ibinigay si JesusMat 27:18
Ang mga talata
Mat 27:18Dahil alam niya na ipinasakamay siya ng mga ito dahil sa inggit.
- Napuno ng inggit ang punong pari at ang mga SaduceoGawa 5:17
Ang mga talata
Gawa 5:17Ngunit tumayo ang pinakapunong pari, at ang lahat ng kaniyang mga kasama (na sekta ng mga Saduceo) at sila ay napuno ng inggit
- Mga mainggiting tao ang kumontra kay Pablo sa Antioquia at TesalonicaGawa 13:45, Gawa 17:5
Ang mga talata
Gawa 13:45Nang makita ng mga Judio ang maraming tao, napuno sila ng pagka-inggit at nagsalita laban sa mga bagay na ipinahayag ni Pablo at ininsulto siya.
Gawa 17:5Ngunit nang dahil sa inggit, ang mga hindi naniniwalang mga Judio ay kumuha ng mga masasamang tao mula sa pamilihan, nagsama-sama sila upang manggulo sa lungsod. Pinasok nila ang bahay ni Jason dahil nais nilang iharap sina Pablo at Silas sa mga tao.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0