Tuklasin › Mga paksa › Katandaan
Pang-araw-araw na buhay
Katandaan sa Bibliya
42 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Mga kasabihan
- Tumayo sa harap ng matatanda; igalang ang may edadLev 19:32
Ang mga talata
Lev 19:32Dapat kayong tumayo sa harapan ng taong may puting buhok at igalang ang presensiya ng isang matandang tao. Dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
- Nasa matatanda ang karununganJob 12:12
Ang mga talata
Job 12:12Sa mga taong may edad ay karunungan; sa kahabaan ng mga araw ay pang-unawa.
- Ang uban ay korona ng kaluwalhatianKaw 16:31, Kaw 20:29
- Ang mga apo ay korona ng matatandaKaw 17:6
Ang mga talata
Kaw 17:6Ang mga apo ay korona ng mga matatanda, at ang mga magulang ay nagbibigay dangal sa kanilang mga anak.
- Pitumpung taon, o walumpu kung kami ay malakasAwit 90:10
Ang mga talata
Awit 90:10Ang aming mga taon ay pitumpu, walumpu kung kami ay malusog; pero kahit na ang aming pinakamainam na taon ay may suliranin at kapighatian. Oo, mabilis itong lumilipas, at tinatangay kami palayo.
- “Huwag mo akong itakwil sa aking katandaan”Awit 71:9, Awit 71:18
Ang mga talata
Awit 71:9Sa panahon ng aking pagtanda huwag mo akong itapon; huwag mo akong iwanan kapag ang aking lakas ay manghina.
Awit 71:18Tunay nga, kahit na matanda na ako at maputi na ang buhok, O Diyos, huwag mo akong pabayaan, dahil ihinahayag ko ang iyong kalakasan sa susunod na salinlahi, at iyong kapangyarihan para sa lahat ng darating.
- Sa katandaan ay mamumunga pa rin silaAwit 92:14
Ang mga talata
Awit 92:14Namumunga sila kahit sila ay matanda na; nanatili silang sariwa at luntian,
- “Bata ako noon at ngayon ay matanda na”Awit 37:25
Ang mga talata
Awit 37:25Ako ay naging bata at ngayon ay matanda na; hindi pa ako nakakakita ng matuwid na pinabayaan o mga anak niyang nagmamakaawa para sa tinapay.
- “Hanggang sa inyong katandaan … kakalungin ko kayo kapag kayo ay uban na”Isa 46:4
Ang mga talata
Isa 46:4Hanggang sa katandaan ay Ako ay siya nga, at hanggang sa magkauban ay dadalhin kita. Ginawa kita, at tutulungan kita, akin kitang dadalhin sa kaligtasan.
- Inilarawan ang katandaan: ang mga araw na wala ka nang kasiyahanMang 12:1–5
Ang mga talata
Mang 12:1–5Alalahanin mo rin ang iyong Manlilikha sa araw ng iyong kabataan, bago dumating ang araw ng paghihirap, at bago dumating ang mga taon na sasabihin mong, “Hindi ako nasisiyahan sa kanila,” bago dumilim ang liwanag ng araw at buwan at mga bituin, at bumalik ang mga maiitim na ulap pagkatapos ng ulan. Iyon ang panahon na manginginig ang mga tagapagbantay ng palasyo, at yuyuko ang mga malalakas na tao, at ang mga babaeng nagdidikdik ay titigil dahil kaunti sila, at ang mga tumatanaw sa mga bintana ay hindi na makakakita nang malinaw. Iyon ang panahon na isasara ang mga pinto sa lansangan, at titigil ang tunog ng pagdidikdik, kapag nasisindak ang mga lalaki sa tinig ng ibon, at kapag lumilipas na ang mga kanta ng mga babae. Iyon ang panahon na matatakot ang mga lalaki sa mga matataas na lugar at sa mga kapahamakan sa lansangan, kapag sumagana ang puno ng pili, at kapag hinahatak ng mga tipaklong ang mga sarili nila, at kapag naglaho ang mga likas na pagnanasa. Pagkatapos, pupunta ang tao sa kaniyang walang hanggang tahanan at ang mga nagdadalamhati ay tutungo sa mga lansangan.
- Uupo ang matatandang lalaki at babae sa mga lansangan ng Jerusalem, may tungkod sa kamayZac 8:4
Ang mga talata
Zac 8:4Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: 'Muling magkakaroon sa mga lansangan ng Jerusalem ng mga matatandang kalalakihan at mga matatandang kababaihan at kakailanganin ng bawat tao ang isang tungkod sa kaniyang kamay dahil napakatanda na niya.
- Kapag matanda ka na, iba ang magbibihis sa iyoJuan 21:18
Ang mga talata
Juan 21:18Tunay nga sinabi ko sa iyo, noong bata ka pa, dinadamitan mo ang iyong sarili at lumalakad ka kahit saan mo gusto; subalit pagtumanda ka na, iuunat mo ang iyong mga kamay, at ibang tao ang magdadamit sa iyo at dadalhin ka sa lugar na ayaw mong puntahan.”
- Matatandang lalaki at matatandang babae sa iglesiaTito 2:2–3
Ang mga talata
Tito 2:2–3Ang mga nakatatandang lalake ay dapat maging mahinahon, marangal, matino, nasa tamang pananampalataya, sa pag-ibig, at sa katiyagaan. Ang mga nakatatandang babae gayon din dapat laging ipakilalang sila rin ay kagalang-galang at hindi mga tsismosa. Sila ay hindi dapat inalipin ng sobrang alak. Sila ay dapat nagtuturo ng kung ano ang mabuti
Mga halimbawa
- Ipinangako kay Abraham ang mahabang buhay at namatay siyang matanda at kontentoGen 15:15, Gen 25:8
- Tumawa ang matandang si Sarah sa pangako ng isang anak na lalakiGen 18:11–12, Gen 21:7
Ang mga talata
Gen 18:11–12Ngayon matanda na nga sina Abraham at Sarah, talagang napakatanda na at nalampasan na ni Sarah ang edad kung saan hindi na maaaring magkaanak pa ang isang babae. Kaya tinawanan ni Sarah ang kaniyang sarili at sinabing,” “Ngayong matanda na ako, magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan, gayong ang panginoon ko ay matanda na rin?”
Gen 21:7Sinabi rin niya, “Sinong makapagsasabi kay Abraham na si Sara ay magaalaga ng mga anak, at gayunpaman nagsilang ako sa kanya ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan!”
- Si Isaac, matanda at halos bulag, ay ipinatawag si EsauGen 27:1–2
Ang mga talata
Gen 27:1–2Nang matanda na si Isaac at ang kanyang mga mata ay malabo na kaya hindi na siya makakita, tinawag niya ang nakatatandang anak niyang si Esau. Sinabi niya, “Anak ko.” Sumagot ito, “Narito po ako.” Sinabi niya rito, “Tumingin ka rito, matanda na ako. Hindi ko alam ang araw ng aking kamatayan.
- Si Jacob sa harap ng Paraon: “Tumagal nang 130 taon ang aking paglalakbay”Gen 47:9
Ang mga talata
Gen 47:9Sinabi ni Jacob kay Paraon, “Ang mga taon ng aking mga paglalakbay ay isandaan at tatlumpu. Ang mga taon ng aking buhay ay maikli at masakit. Hindi ito kasintagal ng aking mga ninuno.”
- Halos hindi na makita ng matandang si Jacob ang mga anak ni JoseGen 48:10
Ang mga talata
Gen 48:10Ngayon ang mga mata ni Israel ay malabo na dahil sa kanyang katandaan, kaya hindi na siya nakakakita. Kaya dinala sila ni Jose malapit sa kanya, at hinagkan sila at niyakap.
- Si Moises sa edad na 120: hindi malabo ang mata, hindi nabawasan ang lakasDeut 34:7
Ang mga talata
Deut 34:7Isang daan at dalawampung taong gulang si Moises ng namatay siya; hindi lumabo ang kaniyang mata, ni humina ang kaniyang likas na lakas.
- Si Caleb sa edad na walumpu’t lima: “kasinlakas pa rin ako noon”Jos 14:10–11
Ang mga talata
Jos 14:10–11Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako. Malakas pa rin ako ngayon gaya noong araw na isinugo ako ni Moises. Ang lakas ko ngayon ay katulad ng lakas ko noon, para sa digmaan at para sa pag-alis at sa pagdating.
- Ipinatawag ng matandang si Josue ang buong IsraelJos 13:1, Jos 23:1–2
Ang mga talata
Jos 13:1Ngayon matanda na si Josue at nasa ganap ng mga taon nang sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Matanda ka na at marami ng taon ang iyong dinaanan, pero napakarami pa ring lupain ang bibihagin.
Jos 23:1–2At pagkatapos ng maraming araw, nang mabigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway na nakapalibot sa kanila, napakatanda na ni Josue. Tinawag ni Josue ang buong Israel—ang kanilang mga matatanda, ang kanilang mga pinuno, ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga opisiyal—at sinabi sa kanila, “Napakatanda ko na.
- Si Eli, siyamnapu’t walong taong gulang at mabigat, ay nahulog mula sa kaniyang upuan1 Sam 4:15, 1 Sam 4:18
Ang mga talata
1 Sam 4:15Ngayon siyamnapu't walong taong gulang na si Eli; malabo ang kanyang mga mata, at hindi siya makakita.
1 Sam 4:18Nang nabanggit niya ang kaban ng Diyos, natumba patalikod si Eli mula sa kanyang upuan sa gilid ng tarangkahan. Nabali ang kanyang leeg, at namatay siya, dahil matanda na siya at mabigat. Naging hukom siya ng Israel sa loob ng apatnapung taon.
- Tumanda si Samuel at hinirang ang kaniyang mga anak bilang mga hukom1 Sam 8:1, 1 Sam 8:5
Ang mga talata
1 Sam 8:1Nang matanda na si Samuel, ginawa niyang mga hukom sa Israel ang mga anak niyang lalaki.
1 Sam 8:5Sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, matanda ka na at hindi lumalakad ayon sa mga paraan mo ang iyong mga anak. Pumili ka para sa amin ng isang hari na hahatol sa amin tulad ng lahat ng mga bansa.”
- Si Barzilai, walumpung taong gulang, ay tumangging sumama kay David sa palasyo2 Sam 19:32–37
Ang mga talata
2 Sam 19:32–37Ngayon si Barzilai ay isang napakatandang lalaki, walumpung taong gulang. Pinagkalooban niya ang hari ng pangangailangan habang nanatili siya sa Mahanaim, dahil siya ay isang napakayamang tao. Sinabi ng hari kay Barzilai, “Pumunta ka sa akin, at ako ang magbibigay para sa iyo ng matitirahan kasama ko sa Jerusalem.” Sumagot si Barzilai sa hari, “Ilang mga araw nalang ang natitira sa mga taon ng aking buhay, dapat umakyat ako kasama ng hari sa Jerusalem? Ako ay walumpung taong gulang. Malalaman ko paba ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama? Malalasahan paba ng iyong lingkod ang aking kakainin o anuman iinumin ko? Makakarinig pa ba ako ng ibang boses ng kumakantang kalalakihan at kumakantang kababaihan? Bakit pa kailangan ng iyong lingkod na maging isang pasanin ng aking panginoong hari? Nanaisin nalang ng iyong lingkod na pumunta sa Jordan kasama ng hari. Bakit pa kailangan bayaran ako ng hari ng isang gantimpala? Pakiusap hayaan ang iyong lingkod na bumalik sa tahanan, nang sa gayon ako ay mamatay sa aking sariling lungsod sa libingan ng aking ama at aking ina. Pero tingnan mo, narito ang aking lingkod na si Camaam. Hayaan siyang tumawid kasama ang aking panginoong hari, at gawin sa kaniya anuman sa tingin mo ay mabuti.”
- Hindi mainitan ang matandang si Haring David sa ilalim ng mga kumot1 Hari 1:1–4
Ang mga talata
1 Hari 1:1–4Matandang-matanda na si Haring David. Binalutan nila siya ng mga damit, pero hindi siya naiinitan. Kaya sinabi sa kaniya ng kaniyang mga lingkod, “Hayaan mo kaming maghanap ng dalagang birhen para sa aming hari. Paglingkuran niya ang hari at alagaan siya. Hihiga siya sa iyong mga bisig upang maiinitan ang aming panginoon na hari.” Kaya naghanap sila ng isang magandang babae sa loob ng mga hangganan ng Israel. Nahanap nila si Abisag na taga-Sunem at dinala siya sa hari. Siya ay napakagandang babae. Pinaglingkuran niya ang hari at inalagaan siya, pero hindi sumiping ang hari sa kaniya.
- Tinanggihan ni Rehoboam ang payo ng matatanda1 Hari 12:6–8
Ang mga talata
1 Hari 12:6–8Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matatandang lalaki na tumayo sa harapan ni Solomon na kaniyang ama habang siya ay nabubuhay; sinabi niya, “Paano ninyo ako papayuhan upang sagutin ang mga taong ito?” Sila ay nagsalita sa kaniya at sinabi, “Kung ikaw ay magiging isang lingkod ngayon sa mga taong ito at paglilingkuran sila, at sasagutin sila sa pamamagitan ng mabubuting mga salita, palagi silang magiging mga lingkod mo.” Subalit binalewala ni Rehoboam ang ibinigay na payo ng mga matatandang lalaki sa kaniya, at sumangguni sa mga kabataan na lumaking kasama niya, na tumayo sa harapan niya.
- Ang propetang si Ahias, malabo na ang mata dahil sa katandaan1 Hari 14:4
Ang mga talata
1 Hari 14:4Ganoon nga ang ginawa ng asawa ni Jeroboam; umalis siya at nagpunta sa Silo at dumating sa bahay ni Ahias. Ngayon hindi na nakakakita si Ahias, siya ay bulag na dahil sa kaniyang edad.
- Namatay si Joiada sa edad na 130, matanda at puspos ng mga taon2 Cro 24:15
Ang mga talata
2 Cro 24:15Tumanda si Joiada at napuspos ng mga araw, at siya ay namatay. Siya ay 130 taong gulang nang siya mamatay.
- Naghintay si Elihu bago magsalita dahil mas matanda ang ibaJob 32:6–7
Ang mga talata
Job 32:6–7Pagkatapos nagsalita si Elihu na anak ni Baraquel, apo ni Bus at sinabi, “Bata pa ako, at kayo ay napakatanda na. Iyon ang kung bakit nagpigil ako at hindi nangahas na sabihin sa inyo ang aking palagay. Sinabi ko, “ Ang haba ng mga araw ay dapat magsalita; ang maraming mga taon ay dapat magturo ng karunungan.
- Nabuhay si Job upang makita ang apat na salinlahiJob 42:16–17
Ang mga talata
Job 42:16–17Pagkatapos nito, nabuhay pa si Job ng 140 taon; nakita niya ang kaniyang mga anak na lalaki at ang mga anak ng mga anak niya, hanggang sa apat na salinlahi. Pagkatapos namatay si Job, sa katandaan at puspos ng mga kaarawan.
- Aalagaan si Naomi ng kaniyang apo sa kaniyang katandaanRut 4:15
Ang mga talata
Rut 4:15Nawa maging isa siyang tagapagpanumbalik ng buhay, at isang tagapagpalusog sa iyong katandaan, dahil isinilang siya ng iyong manugang, na nagmahal sa iyo, na mas mabuti sa iyo kaysa pitong anak na lalaki.”
- Sina Zacarias at Elisabet, kapwa matanda naLuc 1:7, Luc 1:18
- Si Ana, balong walumpu’t apat na taong gulangLuc 2:36–37
Ang mga talata
Luc 2:36–37Naroon din ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Siya ay anak ni Fanuel na nagmula sa tribo ni Aser. Napakatanda na niya. Siya ay namuhay kasama ng kaniyang asawa sa loob ng pitong taon pagkatapos ng kaniyang pag-aasawa, at pagkatapos ay balo ng walumpu't apat na taon. Hindi siya kailanman umalis sa templo at patuloy siyang sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin, gabi at araw.
- Pablo: “Ako, si Pablo, ay matanda na ngayon”Filem 1:9
Ang mga talata
Filem 1:9sa halip dahil sa pag-ibig, ako ay nakikiusap sa iyo- ako, si Pablo, isang matandang lalaki, at ngayon isang bilanggo para kay Cristo Jesus.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0