Tuklasin › Mga paksa › Mga bahay
Pang-araw-araw na buhay
Mga bahay sa Bibliya
38 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Mga bahay na bato, may biga ng sedar at tahilan ng abetoAmos 5:11, AwS 1:17
Ang mga talata
Amos 5:11Dahil tinatapakan ninyo ang mahihirap at kinukuha ninyo ang mga bahagi ng trigo mula sa kanila—at kahit na nagtayo kayo ng mga bahay na gawa sa bato, hindi ninyo matitirahan ang mga ito. Mayroon kayong masaganang ubasan, ngunit hindi ninyo maiinom ang mga alak nito.
AwS 1:17Ang mga biga ng ating bahay ay mga sanga ng puno ng sedar, at ang pamakuan ng ating bubong ay mga sanga ng pir.
- Pinapalitadahan ng argamasa ang mga paderLev 14:42, Dan 5:5
Ang mga talata
Lev 14:42Kailangan nilang kunin ang ibang mga bato at ilagay ang mga ito sa lugar ng mga bato na tinanggal, at dapat silang gumamit ng bagong luad upang tapalan ang bahay.
Dan 5:5Sa sandaling iyon, lumitaw ang mga daliri ng isang kamay ng tao sa harapan ng patungan ng ilaw at nagsulat sa napalitadahang pader sa palasyo ng hari. At nakikita ng hari ang bahagi ng kamay habang nagsusulat.
- Mga pundasyon ng malalaki at mamahaling bato na sampu at walong kubit ang haba1 Hari 7:9–10
Ang mga talata
1 Hari 7:9–10Ang mga gusaling ito ay pinalamutian ng mamahalin na batong natagpas, sinukat nang maagi at hinati ng lagari at pinakinis sa lahat ng panig. Ang mga batong ito ay ginamit mula sa pundasyon hanggang sa mga bato sa itaas at sa labas din ng malaking patyo. Ang pundasyon ay itinayo gamit ang napakalaki, mamahaling bato na walo at sampung kubit ang haba.
- Labintatlong taon bago natapos ni Solomon ang kaniyang palasyo1 Hari 7:1
Ang mga talata
1 Hari 7:1Inabot ng labing tatlong taon si Solomon para makapagtayo ng sarili niyang palasyo.
- Nakatira si David sa bahay na sedar2 Sam 7:2
Ang mga talata
2 Sam 7:2sinabi ng hari kay Natan na propeta, “Tingnan mo, naninirahan ako sa isang tahanang cedar, pero nananatili sa gitna ng isang tolda ang kaban ng Diyos.”
- Mga bahay na may dingding na tablaHag 1:4
Ang mga talata
Hag 1:4“Ito ba ay ang oras para kayo ay manirahan sa inyong mga sariling tahanan, samantalang ang tahanang ito ay napabayaang wasak?”
- Nakatayo sa pader ng lungsod ang bahay ni RahabJos 2:15
Ang mga talata
Jos 2:15Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod.
- Nagtitipon ang mga iglesia sa mga bahay ng mga mananampalatayaGawa 12:12, Roma 16:5, Col 4:15, Filem 1:2
Ang mga talata
Gawa 12:12Pagkatapos niyang maunawaan ito, dumating siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na ang huling pangalan ay Marcos; maraming mananampalataya ang nagkatipon doon at nananalangin.
Roma 16:5Batiin ninyo ang iglesiya na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na aking minamahal, na siyang kauna-unahang bunga ng Asia kay Cristo.
Col 4:15Batiin mo ang mga kapatid sa Laodicea, si Nimfas at sa iglesiya na nasa kaniyang bahay.
Filem 1:2at kay Apia aming kapatid na babae, at kay Arquipo aming kapwa kawal, at sa mga mananampalataya na nagtitipon sa iyong tahanan:
Mga bubungan
- Itinago ni Rahab ang mga espiya sa ilalim ng linong nakalatag sa kaniyang bubunganJos 2:6
Ang mga talata
Jos 2:6Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
- Nakipag-usap si Samuel kay Saul sa bubungan, at doon natulog si Saul1 Sam 9:25–26
Ang mga talata
1 Sam 9:25–26Nang makababa sila mula sa mataas na lugar patungo sa lungsod, nakipag-usap si Samuel kay Saul sa ibabaw ng bubong. Pagkatapos sa bukang-liwayway, tinawag ni Samuel si Saul sa ibabaw ng bubong at sinabing, “Bumangon ka, upang maihatid kita paalis sa iyong patutunguhan.” Kaya bumangon si Saul, at kapwa siya at si Samuel ay lumabas sa kalye.
- Naglakad-lakad si David sa bubungan ng palasyo sa gabi2 Sam 11:2
Ang mga talata
2 Sam 11:2Kaya isang gabi nang bumangon si David mula sa kaniyang higaan at naglakad-lakad sa bubong ng kaniyang palasyo. Mula roon nagkataong nakita niya ang isang babaeng naliligo, at sadyang napakagandang pagmasdan.
- Nagtayo ng mga kubol sa mga bubungan at patyo para sa pistaNeh 8:16
Ang mga talata
Neh 8:16Kaya ang mga tao ay pumunta at nagdala ng mga sanga pabalik at ginawan nila ang kanilang mga sarili ng kubol, bawat isa sa kanilang mga bubong, sa kanilang mga patyo, sa mga hukuman ng bahay ng Diyos, sa bukas na lugar sa Tarangkahan ng Tubig, at sa bukas na lugar sa Tarangkahan ng Efraim.
- Mga tatlong libong tao sa bubungan ng templo ng mga FilisteoHuk 16:27
Ang mga talata
Huk 16:27Ngayon ang bahay ay punung-puno ng mga lalaki at mga babae. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Palestina. Sa itaas ng bubong humigit kumulang na tatlong libong mga lalaki at mga babae, na nanunuod habang sila ay inaaliw ni Samson.
- Binutas ng mga kaibigan ang bubungan at ibinaba ang paralitiko sa pagitan ng mga tisaMar 2:4, Luc 5:19
Ang mga talata
Mar 2:4Nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa maraming tao, inalis nila ang bubong sa taas kung saan siya naroon. At nang nakagawa sila ng butas doon, ibinaba nila ang higaan kung saan nakahiga ang lalaking paralisado.
Luc 5:19Hindi sila makahanap ng paraan upang siya ay maipasok dahil sa dami ng tao, kaya sila ay umakyat sa bubungan ng bahay at ibinaba nila ang lalaking nasa higaan sa kalagitnaan ng mga tao, sa mismong harapan ni Jesus.
- Ang ibinulong sa mga silid ay ipahahayag mula sa mga bubunganLuc 12:3
Ang mga talata
Luc 12:3Kaya kung anuman ang inyong nasabi sa kadiliman ay maririnig sa liwanag, at anuman ang inyong ibinulong sa pinakaloob ng mga silid ay maihahayag sa ibabaw ng mga bubong.
Mga silid, pinto at bintana
- Nakaupong mag-isa si Haring Eglon sa malamig niyang silid sa itaasHuk 3:20
Ang mga talata
Huk 3:20Lumapit sa kaniya si Ehud. Nakaupong mag-isa ang hari, nag-iisa sa katiwasayan ng silid sa itaas. Sinabi ni Ehud, “Mayroon akong mensahe mula sa Diyos para sa iyo.” Tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan.
- Nanatili si Elias sa silid sa itaas ng bahay ng balo1 Hari 17:19
Ang mga talata
1 Hari 17:19Pagkatapos sinabi sa kaniya ni Elias, “Ibigay mo sa akin ang iyong anak.” Kinuha ni Elias ang kaniyang anak at dinala sa taas ng bahay kung saan siya namamalagi, at inilapag ang bata sa higaan.
- Isang malaking silid sa itaas, may kagamitan at handa na para sa PaskuaMar 14:14–15
Ang mga talata
Mar 14:14–15Sundan ninyo siya kung saang bahay siya papasok at sabihin sa may-ari ng bahay na iyon, 'Ipinapatanong ng Guro, “Nasaan ang aking silid na aking kakainan sa Paskua kasama ang aking mga alagad?”' “Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na kumpleto ang kagamitan na nakahanda na. Gawin ninyo ang mga paghahanda para sa atin doon.”
- Pumasok si Jose sa isang silid upang umiyak nang sarilinanGen 43:30
Ang mga talata
Gen 43:30Nagmamadali si Jose na lumabas sa loob, dahil labis siyang naantig tungkol sa kanyang kapatid na lalaki. Naghanap siya ng lugar upang iyakan. Pumunta siya sa kanyang silid at doon umiyak.
- Nahulog si Ahazias sa rehas ng kaniyang silid sa itaas2 Hari 1:2
Ang mga talata
2 Hari 1:2Pagkatapos, nahulog si Ahazias sa balkonahe sa taas ng kaniyang tulugan sa Samaria, at nagkaroon ng malubhang karamdaman. Kaya nagpadala siya ng mga mensahero at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo at tanungin si Baal-zebub, ang diyos ng Ekron, kung gagaling pa ako sa karamdamang ito.”
- Sumilip ang ina ni Sisera sa rehas ng bintanaHuk 5:28
Ang mga talata
Huk 5:28Sa labas ng isang bintana tumingin siya — tumingin ang ina ni Sisera mula sa sala-sala at sumigaw siya sa lubos na kalungkutan 'Bakit napakatagal dumating ng kaniyang karwahe? Bakit natagalan ang tunog ng mga paa ng mga kabayong humihila ng kaniyang mga karwahe?'
- Nakatulog si Eutico sa bintana at nahulog mula sa ikatlong palapagGawa 20:9
Ang mga talata
Gawa 20:9May isang binata na nakaupo sa bintana na nagngangalang Eutico, na nakatulog ng mahimbing. Habang tumatagal ang pangangaral ni Pablo, patuloy parin sa pagtulog ang binatang ito, nahulog mula sa pangatlong palapag at kinuha siyang patay.
Sa Kautusan
- Kailangan ng bagong bahay ang barandilya sa paligid ng bubunganDeut 22:8
Ang mga talata
Deut 22:8Kapag kayo ay nagpatayo ng isang bagong bahay, kung gayon dapat gumawa kayo ng isang barandilya para sa inyong bubong, para hindi kayo magdala ng dugo sa inyong bahay, kung sinuman ang mahuhulog mula doon.
- Mga salita ng Kautusan na nakasulat sa mga hamba ng pinto at sa mga tarangkahanDeut 6:9
Ang mga talata
Deut 6:9Isusulat ninyo ang mga ito sa mga haligi ng pintuan ng inyong bahay at sa inyong mga tarangkahan.
- Amag sa bahay: palitan ang mga bato at kayurin at muling palitadahan ang mga paderLev 14:40–45
Ang mga talata
Lev 14:40–45Kung mayroon ito, iuutos ng pari na tatanggalin nila ang mga bato na kung saan nakita ang amag at itapon ang mga ito sa isang maruming lugar sa labas ng lungsod. Iuutos niya na dapat kukuskusin lahat ng mga dingding na nasa loob ng bahay, at kailangan nilang kunin ang nahawaang gamit na kinuskos palabas ng lungsod at itambak ito sa maruming lugar. Kailangan nilang kunin ang ibang mga bato at ilagay ang mga ito sa lugar ng mga bato na tinanggal, at dapat silang gumamit ng bagong luad upang tapalan ang bahay. Kung bumalik ulit ang amag at kumalat sa bahay na kung saan tinanggal ang mga bato at kinuskos ang mga dingding at pagkatapos muling tinapalan, kung gayon ang pari ay kailangan pumasok at suriin ang bahay upang makita kung ang amag ay kumalat sa bahay. Kung mayroon ito, kung gayon ito ay mapaminsalang amag, at ang bahay ay marumi. Dapat gibain ang bahay. Ang mga bato, troso, at lahat ng mga panapal ng bahay ay kailangan dalhin palabas ng lungsod papunta sa maruming lugar.
- Ang bahay na ipinagbili sa napapaderang lungsod ay matutubos sa loob ng isang taonLev 25:29–30
Ang mga talata
Lev 25:29–30Kung ang isang tao ay magbebenta ng isang bahay sa isang pinaderang siyudad, sa gayon maaari niya itong bilhin muli sa loob ng isang buong taon matapos na ipagbili ito. Sa loob na isang buong taon magkakaroon siya ng karapatan ng pagtubos. Kung hindi matubos ang bahay sa loob ng isang buong taon, sa gayon ang bahay na nasa pinaderang siyudad ay magiging permanenteng ari-arian ng taong bumili nito, sa kabuuan ng mga salinhlahi ng kanyang mga kaapu-apuhan. Hindi na ibabalik ang bahay na iyon sa Paglaya.
- Ang mga bahay sa mga nayong walang pader ay ibinabalik sa may-ari sa Taon ng PaglayaLev 25:31
Ang mga talata
Lev 25:31Subalit ang mga bahay sa mga bayan na walang pader sa palibot ng mga iyon ay magiging ari-ariang may kaugnayan sa mga bukirin ng bansa. Maaaring bilhin muli ang mga iyon, at dapat ibalik ang mga iyon sa panahon ng paglaya.
- Pinauuwi mula sa digmaan ang lalaking may bagong bahay na hindi pa naitatalagaDeut 20:5
Ang mga talata
Deut 20:5Dapat makipag usap ang mga opisyal sa mga tao at sabihing, 'Anong lalaki ang naroon na nagtayo ng isang bagong bahay at hindi ito inihinandog? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang tahanan, para hindi siya mamatay sa labanan at ibang tao ang maghandog nito.
Mga kasabihan
- Itinatayo ng taong marunong ang kaniyang bahay sa bato (isang talinghaga)Mat 7:24–27, Luc 6:48
Ang mga talata
Mat 7:24–27Kaya ang lahat ng nakikinig sa aking mga salita at sumusunod sa kanila ay maihahalintulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng kaniyang bahay sa isang bato. Bumuhos ang ulan at bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay ngunit hindi ito bumagsak, sapagkat ito ay natatayo sa bato. Subalit lahat ng nakarinig sa aking mga salita at hindi sinusunod ang mga ito ay mahahalintulad sa isang taong mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa buhanginan. Bumuhos ang ulan, bumaha, umihip ang hangin at hinagupit ang bahay. At ito ay bumagsak at nawasak nang tuluyan.”
Luc 6:48Siya ay tulad ng isang tao na nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim sa lupa at itinayo ang pundasyon ng bahay sa matatag na bato. Nang dumating ang baha, umagos ang malakas na tubig sa bahay ngunit hindi nito kayang yanigin dahil ito ay itinayo nang mahusay.
- Sa karunungan naitatayo ang bahayKaw 24:3
Ang mga talata
Kaw 24:3Sa pamamagitan ng karunungan ang isang bahay ay naitatayo at sa kaunawaan ito ay naitatatag.
- Itinatayo ng bawat marunong na babae ang kaniyang bahayKaw 14:1
Ang mga talata
Kaw 14:1Ang marunong na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay, ngunit ang hangal na babae ay sinisira ito ng kaniyang sariling mga kamay.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0