Tuklasin › Mga paksa › Paglalasing
Pang-araw-araw na buhay
Paglalasing sa Bibliya
30 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Mga kasabihan
- Manunuya ang alak, palaaway ang matapang na inuminKaw 20:1
Ang mga talata
Kaw 20:1Ang alak ay mangungutya at ang matapang na inumin ay basag-ulero; ang sinumang naliligaw sa pamamagitan ng pag-inom ay hindi matalino.
- Sino ang may namumulang mga mata? Ang mga nagtatagal sa alakKaw 23:29–35
Ang mga talata
Kaw 23:29–35Sino ang may kasawian? Sino ang may kalungkutan? Sino ang may mga laban? Sino ang nagrereklamo? Sino ang may mga sugat na walang dahilan? Sino ang may matang namumula? Silang sugapa sa alak, sila na sinusubukan ang pinaghalong alak. Huwag tumingin sa alak kung ito ay mapula, kung ito ay kumikinang sa tasa at bumaba nang tuloy-tuloy. Sa bandang huli ito ay tumutuklaw katulad ng isang ulupong at ito ay kumakagat tulad ng isang ahas. Ang iyong mga mata ay makakakita ng kakaibang mga bagay at ang iyong puso ay magsasabi ng napakasamang mga bagay. Ikaw ay magiging gaya ng isang natutulog sa mataas na karagatan o humihiga sa ibabaw ng isang duyan. “Tinamaan nila ako!” iyong sasabihin, “pero ako ay hindi nasaktan. Binugbog nila ako, pero hindi ko ito naramdaman. Kailan ako magigising? Maghahanap ako ng isa pang maiinom.”
- Maghihirap ang lasenggo at ang matakawKaw 23:20–21
Ang mga talata
Kaw 23:20–21Huwag makikisama sa mga lasenggero, o sa mga matatakaw na kumakain ng karne, dahil ang lasenggero at ang matakaw ay nagiging mahirap, at ang naiidlip ay madadamitan ng mga basahan.
- Hindi para sa mga hari ang pag-inom ng alakKaw 31:4–7
Ang mga talata
Kaw 31:4–7Hindi ito para sa mga hari, Lemuel, hindi para sa mga hari ang uminom ng alak, ni para sa mga namumuno ang magtanong, “Nasaan ang matapang na inumin? Dahil kung sila ay iinom, makakalimutan nila kung ano ang naisabatas, at mababaluktot ang mga karapatan ng lahat ng mga naghihirap. Bigyan ang mga taong nasasawi ng inuming matapang at alak sa mga taong may mapait na kalungkutan. Iinom siya at makakalimutan niya ang kaniyang kahirapan, at hindi niya maaalala ang kaniyang kabalisahan.
- Kawawa ang maagang bumabangon upang maghanap ng matapang na inuminIsa 5:11–12
Ang mga talata
Isa 5:11–12Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan! Nagsasalo-salo sila ng may alpa, lira, tamburin, plauta, at alak, pero hindi nila kinikilala ang gawa ni Yahweh, ni iniisip ang mga ginawa ng kaniyang mga kamay.
- “Bayani sa pag-inom ng alak at magaling sa paghahalo ng matapang na inumin”Isa 5:22
Ang mga talata
Isa 5:22Kaawa-awa silang mga pasimuno sa pag-inom ng alak, at dalubhasa sa paghahalo-halo ng matatapang na alak;
- Gumegewang ang mga pari at mga propeta dahil sa matapang na inuminIsa 28:7–8
Ang mga talata
Isa 28:7–8Pero kahit na ang mga ito ay humahapay-hapay sa alak, at nagpapasuray-suray sa inuming matapang. Ang pari at ang propeta ay humahapay-hapay sa malakas na alak, at nalululon sila ng alak. Nagpapasuray-suray sila sa malakas na alak, nagsusuray-suray sa pangitain at humahapay-hapay sa pagpasya. Tunay nga, lahat ng mesa ay natatakpan ng suka, kung kaya't walang malinis na lugar.
- “Ang bukas ay magiging tulad ng araw na ito, at higit pang mas mabuti!”Isa 56:12
Ang mga talata
Isa 56:12Halikayo, “sabi nila, uminom tayo ng alak at matapang na alak; bukas ay magiging tulad ng araw na ito, isang dakilang araw na hindi kayang sukatin.”
- Inaalis ng alak ang pang-unawaHos 4:11
Ang mga talata
Hos 4:11Ang mahalay na gawain, ang alak at bagong alak ang nag-alis sa kanilang pang-unawa.
- Umiinom ng alak nang tig-mangkokAmos 6:6
Ang mga talata
Amos 6:6Umiinom sila ng alak mula sa mga mangkok at pinahiran ang kanilang mga sarili ng mga pinakapurong langis, ngunit hindi sila nagluluksa sa pagkawasak ni Jose.
- Kawawa ang lumalasing sa kaniyang kapwaHab 2:15
Ang mga talata
Hab 2:15'Aba sa taong nagpapainom sa kaniyang kapit-bahay, ikaw na nagdadagdag ng iyong lason hanggang sa malasing mo sila upang makita mo ang kanilang kahubaran!'
- Ang mga naglalasing ay naglalasing sa gabi1 Tes 5:7
Ang mga talata
1 Tes 5:7Sapagkat ang mga natutulog, sa gabi natutulog, at ang mga naglalasing, sa gabi naglalasing.
- Huwag malasing sa alakEfe 5:18, Roma 13:13, Luc 21:34
Ang mga talata
Efe 5:18At huwag magpakalasing sa alak, sapagkat hahantong ito sa pagkasira. Sa halip, mapuspos kayo ng Banal na Espiritu.
Roma 13:13Lumakad tayo nang nararapat, gaya ng sa liwanag, hindi sa magulong pagdiriwang o sa paglalasing. At huwag tayong mamuhay sa kahalayan o sa pagnanasang walang pagpipigil, at hindi sa alitan o pagkainggit.
Luc 21:34Ngunit bigyang-pansin ang inyong mga sarili, upang hindi magnais ang inyong mga puso ng kahalayan, kalasingan, at mga alalahanin sa buhay. Sapagkat darating ang araw na iyon sa inyo nang biglaan
Sa Kautusan
- Maaaring isakdal ng mga magulang ang anak sa harap ng mga nakatatanda: “matakaw at lasenggo”Deut 21:20
Ang mga talata
Deut 21:20Dapat nilang sabihin sa mga nakatatanda sa kaniyang lungsod, 'Ang aming anak na lalaking ito ay matigas ang ulo at suwail; hindi siya sumusunod sa aming boses; siya ay isang matakaw at isang lasenggo.'
- Hindi umiinom ng alak ang mga pari kapag pumapasok sa tolda ng pagpupulongLev 10:9
Ang mga talata
Lev 10:9“Huwag uminom ng alak o matapang na inumin, ikaw, ni ang iyong mga anak na lalaki na natitirang kasama mo, para kapag pumasok ka sa tolda ng pagpupulong hindi kayo mamatay. Ito ay permanenteng batas sa buong salinlahi ng iyong mga mamamayan,
- Umiiwas ang Nazareo sa alak at sa matapang na inuminBil 6:3
Ang mga talata
Bil 6:3dapat niyang ilayo ang kaniyang sarili mula sa alak at matapang na inumin. Dapat hindi siya iinom ng suka na gawa mula sa alak o mula sa matapang na inumin. Dapat hindi siya iinom ng anumang katas ng ubas o kakain ng sariwang mga ubas o mga pasas.
Mga halimbawa
- Nagtanim si Noe ng ubasan at nalasingGen 9:20–21
Ang mga talata
Gen 9:20–21Nagsimulang maging magsasaka si Noe, at nagtanim siya ng ubasan. Uminom siya ng kaunting alak at nalasing. Siya ay nakahigang walang damit sa kanyang tolda.
- Nilasing ng mga anak na babae ni Lot ang kanilang amaGen 19:32–33
Ang mga talata
Gen 19:32–33Halika ating painumin ng alak ang ating ama at sisipingan natin siya para mapalawig natin ang kaapu-apuhan ng ating ama. Kaya, pinainom nila ang kanilang ama ng alak ng gabing iyon. Pagkatapos, pumasok ang nakatatanda at sumiping sa kanyang ama; hindi niya alam kung kailan siya humiga, ni kung kailan siya bumangon.
- Si Nabal, lasing na lasing sa kaniyang piging, ay walang narinig hanggang umaga1 Sam 25:36–37
Ang mga talata
1 Sam 25:36–37Bumalik si Abigail kay Nabal; masdan mo, siya ay nagdadaos ng isang pagdiriwang sa kanyang bahay, tulad ng pagdiriwang ng isang hari; at maligaya ang puso ni Nabal sa kalooban niya, dahil lasing na lasing siya. Kaya hindi niya sinabi ang lahat hanggang sa magbukang-liwayway. At nangyari kinaumagahan, nang hindi na lasing si Nabal, na sinabi ng kanyang asawa sa kanya ang mga bagay na ito, inatake siya sa puso, at naging tulad siya ng isang bato.
- Nilasing ni David si Urias, pero hindi umuwi si Urias2 Sam 11:13
Ang mga talata
2 Sam 11:13Nang pinatawag siya ni David, kumain siya at uminom kasama niya, at nilasing siya ni David. Kinagabihan lumabas si Urias para matulog sa kaniyang higaan kasama ang mga lingkod ng kaniyang amo; hindi siya umuwi sa kaniyang bahay.
- Naghintay si Absalom hanggang masiyahan sa alak ang puso ni Amnon2 Sam 13:28
Ang mga talata
2 Sam 13:28Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.”
- Pinatay ni Zimri si Haring Ela habang naglalasing1 Hari 16:9–10
Ang mga talata
1 Hari 16:9–10Ang kaniyang lingkod na si Zimri, ang pinuno ng kalahati ng kaniyang mga karuwaheng pandigma, ay nagbalak ng masama laban sa kaniya. Sa panahong iyon si Ela ay nasa Tirza, na nilalasing ang sarili sa bahay ni Arza, na namamahala sa buong sambahayan sa Tirza. Pumasok sa loob si Zimri, sinalakay at pinatay niya si Ela, at naging hari kapalit niya sa ika-dalawampu't pitong taon ni Asa hari ng Juda.
- Uminom si Ben-hadad at ang 32 hari sa kanilang mga tolda sa katanghalian1 Hari 20:16
Ang mga talata
1 Hari 20:16Sila ay umalis ng tanghaling tapat. Si Ben Hadad ay umiinom at lasing sa loob ng kaniyang tolda, siya at ang tatlongput dalawang mas mababang mga hari na tumutulong sa kaniya.
- Si Assuero, masaya dahil sa alak, ay ipinatawag si Reyna VashtiEst 1:10–11
Ang mga talata
Est 1:10–11Sa ika-pitong araw, nang ang puso ng hari ay nasisiyahan dahil sa alak, sinabihan niya sina Memuhan, Biztha, Harbona, Bigtha, Abagtha, Zethar at Carcas (ang pitong opisyal na naglilingkod sa harap niya), na dalahin si Reyna Vashti sa harap niya dala ang kanyang maharlikang korona. Gusto niyang ipakita sa mga tao at mga opisyal ang kanyang kagandahan, sapagkat ang mga katangian niya ay napakaganda.
- Uminom si Belsazar mula sa mga sisidlan ng templo sa JerusalemDan 5:1–4
Ang mga talata
Dan 5:1–4Nagdaos si haring Belsazar nang napakalaking handaan para sa isang libo niyang maharlikang tauhan, at uminom siya ng alak sa harapan nilang lahat na isang libo. Habang tinitikman ni Belsazar ang alak, nagbigay siya ng mga utos na ilabas ang mga sisidlan na gawa sa ginto at pilak na kinuha sa templo ng Jerusalem ng kaniyang amang si Nebucadnezar, upang mainuman niya at ng kaniyang mga maharlikang tauhan at ng kaniyang mga asawa at mga asawang tagapaglingkod. Dinala ng mga tagapaglingkod ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo, ang bahay ng Diyos sa Jerusalem. At ito ang pinag-inuman ng hari at ang mga maharlika niyang tauhan at kaniyang mga asawa at mga asawang niyang taga-paglingkod. Ininom nila ang alak at nagpuri sa kanilang mga diyus-diyosan na gawa sa ginto at pilak, tanso, bakal, kahoy at bato.
Napagkamalang lasing
- Inakala ni Eli na lasing si Ana, na tahimik na nananalangin1 Sam 1:13–15
Ang mga talata
1 Sam 1:13–15Nangusap si Ana sa kanyang puso. Gumalaw ang kanyang mga labi, ngunit hindi narinig ang kanyang boses. Kaya inakala ni Eli na siya ay lasing. Sinabi ni Eli sa kanya, “Gaano katagal kang magiging lasing? Itapon mo ang iyong alak.” Sumagot si Ana, “Hindi, aking amo, ako ay isang babaeng nagdadalamhati ang kalooban. Hindi ako nakainom ng alak o matapang na inumin, ngunit ibinubuhos ko ang aking kaluluwa sa harapan ni Yahweh.”
- Tinawag si Jesus na “matakaw at lasenggo”Mat 11:19
Ang mga talata
Mat 11:19Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at umiinom at sinasabi nilang, 'Tingnan ninyo, siya ay napakatakaw na tao at lasenggero, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!' Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa.”
- Sa Pentecostes: “Lasing sila sa bagong alak!”Gawa 2:13–15
Ang mga talata
Gawa 2:13–15Ngunit nangutya ang iba at sinabi, “Lasing na lasing sila ng bagong alak.” Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, “Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin. Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0