Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga liham

Pang-araw-araw na buhay

Mga liham sa Bibliya

38 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Mga hari at mga opisyal

  • Pinadala ni David si Urias na may dalang liham na nag-uutos ng kaniyang kamatayan2 Sam 11:14–15
    Ang mga talata
    2 Sam 11:14–15Kaya kinabukasan sumulat si David ng isang liham kay Joab, at pinadala ito sa kamay ni Urias. Sumulat si David ng liham na nagsasabing, “Ilagay si Urias sa pinaka harap ng matinding labanan, at pagkatapos pabayaan siya, para matamaan at mamatay.”
  • Sumulat si Jezebel ng mga liham sa pangalan ni Ahab, tinatakan ng kaniyang pantatak1 Hari 21:8–11
    Ang mga talata
    1 Hari 21:8–11Kaya sumulat si Jezebel ng mga liham sa pangalan ni Ahab, sinelyuhan ito ng kaniyang mga selyo, at pinadala ito sa mga nakatatanda at sa mayayaman na nakaupo na kasama niya sa mga pagpupulong, at sa naninirahan malapit kay Nabot. Kaniyang isinulat sa liham, “Maghayag ng isang pag-aayuno at iupo si Nabot ng mataas sa mga tao. Maglagay ng dalawang lalaking hindi tapat kasama niya at hayaan silang tumestigo laban sa kaniya, na magsasabing, 'Sinumpa mo ang Diyos at ang hari.'” At ilabas ninyo siya at pagbabatuhin hanggang mamatay. Kaya ang mga tao sa kaniyang lungsod, ang mga nakatatanda at ang mayayaman na naninirahan sa kaniyang lungsod, ay ginawa ang inilarawan ni Jezebel sa kanila, gaya ng nasusulat sa mga liham na kaniyang pinadala sa kanila.
  • Pinadala ng hari ng Aram si Naaman na may dalang liham2 Hari 5:5–7
    Ang mga talata
    2 Hari 5:5–7Kaya sinabi ng hari ng Aram, “Lumakad ka, at magpapadala ako ng liham sa hari ng Israel.” Umalis si Naaman na may baong sampung talentong pilak, anim na libong piraso ng ginto, at sampung pamalit na damit. Dinala rin niya ang liham sa hari ng Israel na nagsasabing, “Kapag dumating ang sulat na ito sa iyo, makikita mong pinadala ko si Naaman na aking lingkod sa iyo para pagalingin mo siya sa kaniyang ketong.” Nang mabasa ng hari ng Israel ang liham, pinunit niya ang damit niya at sinabing, “Diyos ba ako, para pumatay at magbigay ng buhay kaya nais ng lalaking ito na pagalingin ko ang isang tao sa kaniyang ketong? Mukhang naghahamon siya ng away.”
  • Sumulat si Jehu sa mga tagapag-alaga ng pitumpung anak ni Ahab2 Hari 10:1–7
    Ang mga talata
    2 Hari 10:1–7Ngayon si Ahab ay may pitumpung kaapu-apuhan sa Samaria. Sumulat si Jehu ng mga liham at ipinadala nila sa Samaria, sa mga namumuno sa Jezreel, kabilang ang mga matatanda at tagapag-alaga ng mga kaapu-apuhan ni Ahab, sinasabing, “Ang mga kaapu-apuhan ng iyong panginoon ay kasama ninyo, at kayo ay mayroon ding mga karwahe at kabayo at isang pinagtibay na lungsod at armas. Kung gayon, sa sandaling dumating ang liham na ito sa inyo, piliin ang pinakamabuti at pinakanararapat sa mga kaapu-apuhan ng iyong panginoon at ilagay siya sa trono ng kaniyang ama, at ipaglaban ang maharlikang lahi ng iyong panginoon.” Pero sila ay natakot at sinabi sa kanilang mga sarili, “Tingnan ninyo, hindi makatayo ang dalawang hari sa harap ni Jehu. Kaya paano kami tatayo?” Pagkatapos ang lalaki na tagapamahala sa palasyo, at lalaki na naroroon sa lungsod, at pati rin ang mga matatanda, at sila na nagpalaki sa mga bata, ay nagpasabi kay Jehu, sinasabing, “Kami ang inyong mga lingkod. Gagawin namin ang lahat ng bagay na inuutos ninyo sa amin. Hindi namin gagawing hari ang sinumang lalaki. Gawin kung ano ang mabuti sa inyong paningin.” Pagkatapos sumulat si Jehu ng isang liham sa kanila sa ikalawang pagkakataon, sinasabing, “Kung kayo ay nasa aking panig, at kung kayo ay makikinig sa aking tinig, dapat ninyong kunin ang ulo ng mga lalaki na mga kaapu-apuhan ng inyong panginoon, at pumunta kayo sa akin sa Jezreel bukas sa ganitong oras.” Ngayon ang mga kaapu-apuhan ng hari, pitumpu ang bilang, ay kasama ang mahahalagang lalaki ng lungsod, siyang nagpapalaki sa kanila. Kaya nang dumating ang liham sa kanila, kinuha nila ang mga anak na lalaki ng hari at pinatay sila, pitumpung katao, inilagay ang kanilang mga ulo sa mga basket, at ipinadala nila kay Jehu sa Jezreel.
  • Inilatag ni Hezekias sa harap ni Yahweh ang liham ng hari ng Asiria2 Hari 19:14, Isa 37:14
    Ang mga talata
    2 Hari 19:14Natanggap ni Hezekias ang liham na ito mula sa mga mensahero at binasa ito. Umakyat siya sa tahanan ni Yahweh at nilatag ito sa kaniyang harapan.
    Isa 37:14Tinanggap ni Hezekias ang liham na ito mula sa mensahero at binasa ito. Pagkatapos umakyat siya sa bahay ni Yahweh at inilatag ito sa kanyang harapan.
  • Nagpadala ang hari ng Babilonia ng mga liham at regalo kay Hezekias2 Hari 20:12, Isa 39:1
    Ang mga talata
    2 Hari 20:12Sa panahon na iyon si Berodac Baladan na anak ni Baladan hari ng Babilonia ay nagpadala ng mga liham at isang kaloob kay Hezekias, dahil narinig niya na nagkaroon ng karamdaman si Hezekias.
    Isa 39:1Sa mga oras na iyon si Merodac Baladan anak ni Baladan, hari ng Babylonia, ay nagpadala ng mga liham at regalo kay Hezekias; dahil narinig niya na nagkasakit si Hezekias at gumaling.
  • Isang liham mula kay Elias ang dumating kay Haring Jehoram2 Cro 21:12
    Ang mga talata
    2 Cro 21:12Isang liham mula kay propetang Elias ang dumating para kay Jehoram. Sabi sa liham, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ninuno: Dahil hindi ka lumakad sa kaparaanan ni Jehoshafat na iyong ama, o sa kaparaanan ni Asa na hari ng Juda,
  • Dinala ng mga mensahero ang paanyaya ni Hezekias sa Paskua sa buong Israel2 Cro 30:1, 2 Cro 30:6
    Ang mga talata
    2 Cro 30:1Nagpapunta si Ezequias ng mga mensahero sa buong Israel at Juda, at sumulat din ng liham sa Efraim at Manases, na kinakailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
    2 Cro 30:6Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
  • Isang liham laban sa Jerusalem, nakasulat sa Aramaico, kay ArtaxerxesEzra 4:7–8, Ezra 4:11
    Ang mga talata
    Ezra 4:7–8Ito ay nangyari sa panahon ni Assuero na sumulat sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang kanilang mga kasamahan kay Assuero. Ang liham ay nakasulat sa Aramaico at isinalin. Si Rehum na kumander at si Simsai na eskriba ang sumulat sa ganitong paraan kay Artaxerxes tungkol sa Jerusalem.
    Ezra 4:11Ito ang kopya ng liham na kanilang ipinadala kay Artaxerxes: “Ito ang sinusulat ng iyong mga lingkod, ang mga tao sa ibayo ng ilog:
  • Ang ulat ni Gobernador Tatenai kay Haring DarioEzra 5:6–7
    Ang mga talata
    Ezra 5:6–7Ito ang liham nina Tatenai, Setar Bozenai, at ang kanilang mga kapwa opisyal kay haring Dario. Nagpadala sila ng isang ulat, isinusulat ito kay haring Dario, “Sumainyo nawang lahat ang kapayapaan.
  • Humingi si Nehemias ng mga liham para sa ligtas na pagdaan at para sa trosoNeh 2:7–9
    Ang mga talata
    Neh 2:7–9Pagkatapos sinabi ko sa hari, “Kung makalulugod sa hari, nawa bigyan ako ng mga liham para ibigay sa mga gobernador sa kabilang ilog, para ako ay pahintulutang makaraan sa kanilang mga lupain sa aking pagpunta sa Juda. Mangyaring mayroon din sanang liham para kay Asaf ang tagapag-ingat ng kagubatan ng hari, nang sa gayon ay maaaring niya akong bigyan ng troso para gawing mga biga sa mga pintuan ng tanggulang kasunod sa templo, at sa pader ng lungsod, at sa aking bahay na aking pananahanan.” Dahil ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin, ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking mga kahilingan. Pumunta ako sa mga gobernador sa kabilang ilog, at ibinigay sa kanila ang mga liham ng hari. Ngayon ang hari ay nagpadala ng mga opisyal at mga mangangabayo para samahan ako.
  • Nagpadala si Sanbalat kay Nehemias ng liham na walang selyoNeh 6:5–7
    Ang mga talata
    Neh 6:5–7Ipinadala ni Sanbalat ang kanyang lingkod sa akin sa parehong paraan nang ika-limang beses, na may isang bukas na liham sa kanyang kamay. Nasusulat dito, “Ito ay nauulat sa mga bansa, at sinasabi rin ito ni Gesem, na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak na maghimagsik, iyan ang dahilan kung bakit mo muling tinatayo ang pader. Mula sa sinasabi ng mga ulat na ito, ikaw ay malapit ng maging hari nila. At nagtalaga ka rin ng mga propeta para ipahayag ang tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nagsasabing, 'May isang hari sa Juda!' Matitiyak mong maririnig ng hari ang mga ulat na ito. Kaya halika, mag-usap tayo.”
  • Dinala ng mga mensahero ang mga liham ni Haman sa bawat lalawiganEst 3:13
    Ang mga talata
    Est 3:13Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.
  • Tinatakan ni Mordecai ng singsing ng hari ang mga liham; matuling kabayo ang sinakyan ng mensaheroEst 8:10
    Ang mga talata
    Est 8:10Sumulat si Mordecai sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ito ng panselyong singsing ng hari. Pinadala ang mga kasulatan sa pamamagitan ng mga tagahatid na nakasakay sa mabibilis na mga kabayo na siyang ginagamit sa paglilingkod sa hari, pinarami mula sa maharlikang palahiang hayop.
  • Ang mga liham ni Mordecai tungkol sa Purim sa mga Judio sa malapit at malayoEst 9:20
    Ang mga talata
    Est 9:20Itinala ni Mordecai ang mga bagay na ito at nagpadala ng mga liham sa lahat ng mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasueros, kapwa malapit at malayo,
  • Ang liham ni Jeremias sa mga bihag sa BabiloniaJer 29:1
    Ang mga talata
    Jer 29:1Ito ang mga salitang nakasulat sa kasulatang binalumbon na ipinadala ni Jeremias na propeta mula Jerusalem para sa mga natitirang nakatatanda na kasama sa mga bihag at sa mga pari, sa mga propeta at sa lahat ng tao na sapilitang dinala ni Nebucadnezar mula Jerusalem hanggang Babilonia.
  • Sumulat ang pinunong si Claudio Lisias kay Gobernador FelixGawa 23:25–30
    Ang mga talata
    Gawa 23:25–30At nagsulat siya ng liham na ganito: “Mula kay Claudio Lisias para sa kagalang-galang na Gobernador Felix, binabati ko kayo. Ang taong ito ay dinakip ng mga Judio at muntik na nilang patayin, Nang dumating ako sa kanila kasama ang mga kawal upang sagipin siya, dahil nalaman kong isa siyang mamamayang Romano. Nais kong malaman kung bakit siya pinaratangan nila, kaya dinala ko siya sa kanilang konseho. Nalaman ko na pinaratangan siya patungkol sa mga katanungang hinggil sa kanilang sariling batas, ngunit wala sa mga inereklamo laban sa kaniya ang nararapat sa kamatayan o pagkabilanggo. Pagkatapos naibalita sa akin na mayroon silang masamang balak laban sa lalaki, kaya agad-agad ko siyang pinadala sa iyo, at ipinagbilin din sa mga nag-aakusa sa kaniya na dalhin ang kanilang mga reklamo laban sa kaniya sa iyong harapan. Paalam.”

Sa unang iglesia

  • Sumulat si Lucas ng maayos na salaysay para kay TeofiloLuc 1:3, Gawa 1:1
    Ang mga talata
    Luc 1:3Sa akin din naman, nang nasiyasat ko nang mabuti ang lahat ng pangyayaring ito mula pa noong simula—sa tingin ko ay mabuti na isulat ko ang mga ito ayon sa kanilang pagkasunod-sunod—pinakatanyag na Teopilo.
    Gawa 1:1Teofilo, nabanggit sa unang aklat na aking isinulat ang lahat ng mga gawain na sinimulan at itinuro ni Jesus.
  • Humingi si Saulo ng mga liham para sa mga sinagoga ng DamascoGawa 9:2
    Ang mga talata
    Gawa 9:2at humingi sa kaniya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco, upang kung may makita siyang sinumang kabilang sa Daan, maging lalaki o babae, ay maari niyang dalhin na nakagapos sa Jerusalem.
  • Binasa sa Antioquia ang liham ng kapulungan sa JerusalemGawa 15:23, Gawa 15:30
    Ang mga talata
    Gawa 15:23Isinulat nila ito, “Ang mga apostol, mga nakatatanda at mga kapatid, sa mga kapatid na Gentil sa Antioquia, Siria at Cilicia, binabati ko kayo.
    Gawa 15:30Kaya sila, nang sila ay pinauwi, pumunta sila sa Antioquia; pagkatapos nilang tipunin ang lahat ng tao, iniabot nila ang liham.
  • Sumulat ang mga kapatid upang tanggapin si Apolos sa AcayaGawa 18:27
    Ang mga talata
    Gawa 18:27Nang ninais niyang dumaan sa Acaya, pinalakas ng mga kapatiran ang kaniyang loob at sumulat sa mga disipulo sa Acaya upang siya ay tanggapin. Nang dumating siya, tinulungan niya ng labis ang mga nanampalataya sa pamamagitan ng biyaya.
  • Mga pinunong Judio sa Roma: “Wala kaming natanggap na anumang liham tungkol sa iyo”Gawa 28:21
    Ang mga talata
    Gawa 28:21At sinabi nila sa kaniya, “Kami ay walang natanggap na mga sulat mula sa Judea patungkol sa iyo, o sinuman sa mga kapatirang dumating at nagbalita o nagsabi ng anumang masama patungkol sa iyo.
  • Si Tercio ang sumulat ng liham sa mga taga-RomaRoma 16:22
    Ang mga talata
    Roma 16:22Ako, si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.
  • Binanggit ni Pablo ang naunang liham sa Corinto1 Cor 5:9
    Ang mga talata
    1 Cor 5:9Sumulat ako sa inyo sa aking liham upang kayo ay huwag makisama sa mga taong mahahalay.
  • Mga liham ng rekomendasyon2 Cor 3:1
    Ang mga talata
    2 Cor 3:1Sinisimulan ba naming papurihang muli ang aming mga sarili? Hindi namin kailangan ng mga liham ng rekomendasyon para sa inyo o mula sa inyo, tulad ng ibang tao, hindi ba?
  • “Tingnan ninyo kung gaano kalalaki ang mga titik … sa sarili kong kamay!”Gal 6:11
    Ang mga talata
    Gal 6:11Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo sa aking sariling sulat-kamay.
  • Isang pagbati sa sariling sulat-kamay ni Pablo ang tanda ng bawat liham2 Tes 3:17
    Ang mga talata
    2 Tes 3:17Ito ang aking pagbati, akong si Pablo, sa aking sariling kamay, kung saan ay tanda sa bawat sulat. Ganito ako sumulat.
  • Mag-ingat sa liham na “waring mula sa amin” lamang2 Tes 2:2
    Ang mga talata
    2 Tes 2:2na huwag kaagad kayong mabalisa o mabahala, maging sa pamamagitan ng espiritu, ng mensahe, o ng sulat na parang nagmula sa amin, na para bang ang araw ng Panginoon ay dumating na.
  • Magpapalitan ng liham ang Colosas at LaodiceaCol 4:16
    Ang mga talata
    Col 4:16Kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, basahin din ninyo ito sa iglesia ng mga taga-Laodicea at siguraduhin din ninyong nabasa ang liham mula sa Laodicea.
  • Sumulat si Pablo kay Filemon tungkol kay OnesimoFilem 1:1, Filem 1:10
    Ang mga talata
    Filem 1:1Si Pablo, isang bilanggo kay Jesu-Cristo, at kapatid na Timoteo, kay Filemon, aming minamahal na kaibigan at kamanggagawa,
    Filem 1:10Ako ay nakikiusap sa iyo tungkol sa aking anak na si Onesimo, ako'y naging ama niya sa aking pagkakagapos.
  • Pedro: mahirap unawain ang ilang bahagi ng mga liham ni Pablo2 Ped 3:16
    Ang mga talata
    2 Ped 3:16Sinabi ni Pablo ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng kaniyang mga sulat, na kung saan maraming mga bagay ang mahihirap na maintindihan. Ang mga bagay na ito ay binaluktot ng mga taong hindi naturuan at walang katiyakan, habang sila ay gumagawa ng ibang mga kasulatan para sa sarili nilang kapahamakan.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0