Tuklasin › Mga paksa › Paglilibing at mga libingan
Pang-araw-araw na buhay
Paglilibing at mga libingan sa Bibliya
42 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Agad na inililibing ang mga patay, kadalasan sa araw ding iyonDeut 21:23, Gawa 5:6, Gawa 5:10
Ang mga talata
Deut 21:23sa gayon ang kaniyang katawan ay hindi dapat manatili ng buong gabi sa puno. Sa halip, dapat ninyo tiyakin at ilibing siya sa araw ding iyon; sapagka't sinumang ibinitin ay isinumpa ng Diyos. Sundin ang kautusang ito ng sa ganoon hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.
Gawa 5:6Ang mga binata ay lumapit sa harap at binalot siya, binuhat siya palabas at inilibing.
Gawa 5:10Agad siyang nabuwal sa kaniyang paanan, at nawalan ng hininga, at ang mga binata ay pumasok at natagpuan siyang patay; binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa.
- Nagsusunog ng mga pabango bilang parangal sa mga namatay na hariJer 34:5
Ang mga talata
Jer 34:5Mamatay ka sa kapayapaan. Gaya ng pagsusunog sa paglilibing sa iyong mga ninuno, na mga haring nauna sa iyo, susunugin nila ang iyong katawan. Sasabihin nila, “Aba sa iyo, panginoon!” Tatangis sila para sa iyo. Ngayon, nagsalita ako—ito ang pahayag ni Yahweh.”
- Naglakad si Haring David sa likod ng kabaong ni Abner at umiyak sa kaniyang libingan2 Sam 3:31–32
Ang mga talata
2 Sam 3:31–32Sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng tao na kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga damit, maglagay ng telang magaspang, at manangis sa harapan ng bangkay ni Abner.” At si Haring David ay lumakad sa likod ng bangkay sa paghahatid sa libingan. Inilibing nila si Abner sa Hebron. Umiyak ang hari at nanangis ng malakas sa puntod ni Abner, at lahat din ng tao ay nag iyakan.
- Sa Nain, sinundan ng maraming tao ang libing ng kaisa-isang anak ng isang baloLuc 7:12
Ang mga talata
Luc 7:12Nang palapit na siya sa tarangkahan papasok ng lungsod, masdan ito, isang taong patay ang dinadala palabas, ang kaisa-isang anak ng kaniyang ina. Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod.
Mga libing
- Umakyat ang mga nakatatanda ng Paraon, mga karwahe at mangangabayo upang ilibing si JacobGen 50:7–9
Ang mga talata
Gen 50:7–9Umakyat si Jose para ilibing ang kanyang ama. Kasama niyang umakyat ang lahat ng mga opisyal ng Paraon, ang mga tagapayo sa kanyang sambahayan, at ang lahat ng mga nakakatandang opisyal sa lupain ng Ehipto, kasama lahat ng sambahayan ni Jose at kanyang mga kapatid, at sambahayan ng kanyang ama. Pero iniwan nila ang mga bata, kanilang mga kawan, at ang kanilang mga kalipunan, sa lupain ng Gosen. Pumunta kasama niya ang mga karwahe at mga mangangabayo. Ito ay isang napakalaking pulutong ng tao.
- Inilibing nina Isaac at Ismael si Abraham; inilibing nina Esau at Jacob si IsaacGen 25:9, Gen 35:29
Ang mga talata
Gen 25:9Sina Isaac at Ismael, na kanyang mga anak, ay inilibing siya sa kuweba ng Macpela, sa lupain ni Epron na anak na lalaki ni Zohar na mga anak ni Heth, na malapit sa Mamre.
Gen 35:29Inihinga ni Isaacs ang kanyang huli at siya ay namatay, at tinipon siya sa kanyang mga ninuno, isang matandang lalaking ganap ang mga araw. Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.
- Nagluksa ang buong Israel kay Samuel at inilibing siya sa kaniyang tahanan sa Rama1 Sam 25:1, 1 Sam 28:3
Ang mga talata
1 Sam 25:1Ngayon namatay na si Samuel. Sama-samang nagtipon ang lahat ng Israelita at nagluksa para sa kanya, at inilibing nila siya sa kanyang bahay sa Rama. Pagkatapos tumayo at bumaba si David sa desyerto ng Paran.
1 Sam 28:3Namatay si Samuel; pinagluksa siya ng buong Israel at inilibing siya sa Rama, sa kanyang lungsod. Ngayon ipinagbawal ni Saul sa lupain sa sinumang nakikipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu.
- Naglakbay nang buong gabi ang mga lalaki ng Jabes upang kunin ang bangkay ni Saul1 Sam 31:11–13
Ang mga talata
1 Sam 31:11–13Nang nabalitaan ng mga nakatira sa Jabes Galaad kung ano ang ginawa ng mga Filisteo kay Saul, tumayo ang lahat ng mandirigmang mga kalalakihan at lumakad ng magdamag at kinuha ang katawan ni Saul at ang mga katawan ng kanyang mga anak na lalaki mula sa pader ng Bethsan. Pumunta sila sa Jabesh at doon nila sinunog ang mga ito. Pagkatapos kinuha nila ang kanilang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sa loob ng pitong araw.
- Inilipat ni David ang mga buto nina Saul at Jonatan sa libingan ni Kish2 Sam 21:12–14
Ang mga talata
2 Sam 21:12–14Kaya pumunta si David at kinuha ang mga buto ni Saul at mga buto ni Jonatan kaniyang anak na lalaki mula sa kalalakihan ng Jabes Galaad, na nagnakaw sa kanila mula sa plasa ng Beth San, kung saan sila binitay ng mga Palestina, pagkatapos mapatay ng mga Palestina si Saul sa Gilboa. Kinuha ni David mula doon ang mga buto ni Saul at Jonatan na kaniyang anak, at tinipon rin niya ang mga buto ng pitong kalalakihan na binitay. Inilibing nila ang mga buto ni Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki sa bansa ni Benjamin sa Zela, sa libingan ni Kish na kaniyang ama. Isinagawa nila ang lahat ng inutos ng hari. Pagkatapos sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin sa lupain.
- Inilibing ng mga lalaking may takot sa Diyos si Esteban at labis na tinangisan siyaGawa 8:2
Ang mga talata
Gawa 8:2Mga lalaking may takot sa Diyos ang naglibing kay Esteban at nagkaroon ng matinding pagdadalamhati para sa kaniya.
Mga hiling tungkol sa paglilibing
- Hiniling ni Jacob na mailibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno, hindi sa EhiptoGen 47:30, Gen 49:29–32
Ang mga talata
Gen 47:30Pagtulog ko kasama ng aking mga ama, ilabas mo ako sa Ehipto at ilibing sa libingan ng aking mga ninuno.” Sinabi ni Jose, “Gagawin ko ang sinabi mo.”
Gen 49:29–32Tinuruan niya sila at sinabihang, “Ako nga ay pupunta na sa aking mga tao. Ilibing ninyo ako kasama ng aking mga ninuno sa kuweba na nasa bukid ni Efron ang Heteo, sa kuweba na nasa bukid ng Macpela, na malapit sa Mamre sa lupain ng Canaan, ang bukid na binili ni Abraham kay sa Efron ang Heteo para maging libingan. Doon inilibing si Abraham at Sara na kanyang asawa; inilibing nila roon si Isaac at Rebeca na kanyang asawa; at inilibing ko roon si Lea. Binili ang bukid at ang kuweba rito mula sa mga Heth.”
- Pinanumpa ni Jose ang Israel na dadalhin nila ang kaniyang mga buto palabas ng EhiptoGen 50:25
Ang mga talata
Gen 50:25Pagkatapos ipinasumpa ni Jose ang mga anak ni Israel. Sinabi niya, “Tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos. Sa panahong iyon kailangan ninyong dalhin ang aking mga buto mula rito.”
- Nais ni Barzilai na mamatay malapit sa libingan ng kaniyang ama at ina2 Sam 19:37
Ang mga talata
2 Sam 19:37Pakiusap hayaan ang iyong lingkod na bumalik sa tahanan, nang sa gayon ako ay mamatay sa aking sariling lungsod sa libingan ng aking ama at aking ina. Pero tingnan mo, narito ang aking lingkod na si Camaam. Hayaan siyang tumawid kasama ang aking panginoong hari, at gawin sa kaniya anuman sa tingin mo ay mabuti.”
- Hiniling ng isang matandang propeta na mailibing siya sa tabi ng lingkod ng Diyos1 Hari 13:30–31
Ang mga talata
1 Hari 13:30–31Inilibing niya ang bangkay sa sarili niyang libingan, at sila ay nagluksa sa kaniya, na sinasabing, “Kaawa-awa ka, aking kapatid na lalaki!” Nang siya ay mailibing na niya, nagsalita ang matandang propeta sa kaniyang mga anak na lalaki, na sinasabing, “Kapag ako ay namatay ilibing ninyo ako sa libingan kung saan inilibing ang lingkod ng Diyos. Ilagay ninyo ang aking mga buto sa tabi ng kaniyang mga buto.
Mga libingan at himlayan
- Binili ni Abraham ang yungib ng Macpela sa halagang apatnaraang siklong pilakGen 23:16–20
Ang mga talata
Gen 23:16–20Nakinig si Abraham kay Efron at tinimbang ni Abraham sa harap ni Efron ang halaga ng pilak na kanyang sinasabi na naririnig ng mga anak ni Het, apatnaraang shekel ng pilak, ayon sa pamantayang panukat ng mga mangangalakal. Kaya ang bukid ni Ephron, na nasa Macpela, na katabi ng Mamre, ang bukid, ang kuweba na nasa loob nito, at ang lahat ng mga punong naroon sa bukid at lahat ng nasa palibot ng hangganan, ay ipinasa kay Abraham sa pamamagitan ng pagbili sa harapan ng mga anak ni Het, at sa harapan ng lahat ng mga pumunta sa loob ng tarangkahan ng lungsod. Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang kanyang asawang si Sara sa kuweba sa bukid ng Macpela, na katabi ng Mamre, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. Kaya ang bukid at ang kuwebang naroon ay naipasa kay Abraham mula sa mga anak ni Het bilang ari-arian upang gawing libingan.
- Nagtayo si Jacob ng haligi sa libingan ni Raquel sa daan patungong BetlehemGen 35:19–20
Ang mga talata
Gen 35:19–20Namatay si Raquel at inilibing sa daan papunta sa Eprat (iyon ay, Betlehem). Nagtayo si Jacob ng isang haligi sa ibabaw ng kanyang libingan. Iyon ang palatandaan ng libingan ni Raquel hanggang sa araw na ito.
- Inilibing sa ilalim ng mga puno: si Debora sa ilalim ng ensina, si Saul sa tamariskoGen 35:8, 1 Sam 31:13
Ang mga talata
Gen 35:8Namatay si Debora, na tagapag-alaga ni Rebeka. Inilibing siya mula Betel sa ilalim ng kakayuhang puno, kaya tinawag itong Allon Bacuth.
1 Sam 31:13Pagkatapos kinuha nila ang kanilang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sa loob ng pitong araw.
- Inilibing ang mga hari ng Juda sa Lungsod ni David1 Hari 2:10, 2 Cro 32:33
Ang mga talata
1 Hari 2:10Pagkatapos, nahimlay na si David kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing sa lungsod ni David.
2 Cro 32:33Namatay si Ezequias gaya ng kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa burol ng libingan ng mga kaapu-apuhan ni David. Sa kaniyang burol pinarangalan siya ng lahat ng mga taga-Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem. Pumalit sa kaniya bilang hari ang kaniyang anak na lalaki na si Manases.
- Inilibing ang paring si Joiada kasama ng mga hari2 Cro 24:16
Ang mga talata
2 Cro 24:16Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David kasama ng mga hari, dahil mabuti ang ginawa niya sa Israel, sa Diyos, at sa tahanan ng Diyos.
- Inilibing sina Joas at Jehoram, pero hindi sa mga libingan ng mga hari2 Cro 24:25, 2 Cro 21:20
Ang mga talata
2 Cro 24:25Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
2 Cro 21:20Nagsimula siyang maghari nang siya ay tatlumpu't dalawang taong gulang; naghari siya sa Jerusalem ng walong taon at namatay siya nang walang nagdalamhati. Siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
- Inilibing si Uzias, isang ketongin, sa isang bukid malapit sa mga libingan ng hari2 Cro 26:23
Ang mga talata
2 Cro 26:23Namatay si Uzias at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa isang lupang libingan na pag-aari ng mga hari sapagkat sabi nila, “Siya ay ketongin.” Si Jotam, ang kaniyang anak, ang pumalit sa kaniya bilang hari.
- Inilibing sina Manases at Amon sa hardin ni Uza2 Hari 21:18, 2 Hari 21:26
Ang mga talata
2 Hari 21:18Nahimlay si Manasses kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing sa hardin ng sarili niyang bahay, sa hardin ni Uza. Ang kaniyang anak na si Amon ang pumalit sa kaniya bilang hari.
2 Hari 21:26Nilibing siya ng mga tao sa kaniyang puntod sa hardin ni Uza, at si Josias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
- Inilibing si Joab sa sarili niyang tahanan sa ilang1 Hari 2:34
Ang mga talata
1 Hari 2:34Pagkatapos, umalis si Benaias na anak ni Joiada at sinalakay si Joab at pinatay siya. Inilibing siya sa kaniyang sariling bahay sa ilang.
- Nakita ni Josias ang mga libingan sa gilid ng burol at isang bantayog sa ibabaw ng isa2 Hari 23:16–17
Ang mga talata
2 Hari 23:16–17Nang makita ni Josias ang lugar, napansin niya ang mga libingan na nasa gilid ng burol. Ipinadala niya ang mga lalaki para kunin ang mga kalansay mula sa mga libingan; pagkatapos sinunog niya ang mga iyon sa altar, na lumapastangan nito. Ito ay sang-ayon sa salita ni Yahweh na sinabi ng lingkod ng Diyos, ang lalaki na sa simula pa ay nagsabi ng mga bagay na ito. Pagkatapos sinabi niya, “Anong bantayog iyon na nakikita ko?' Sinabi sa kaniya ng mga lalaki ng lungsod, “Iyon ay ang libingan ng lingkod ng Diyos na nanggaling sa Juda at nagsalita tungkol sa mga bagay na ito na kagagawa mo lamang laban sa altar ng Bethel.”
- Inilagay si Jesus sa isang bagong libingan sa hardin malapit sa lugar ng krusJuan 19:41–42
Ang mga talata
Juan 19:41–42Ngayon, sa lugar kung saan siya napako ay may isang hardin; at sa hardin na iyon ay may isang bagong libingan na kung saan ay wala pang tao na naililibing. Dahil ito ay araw ng paghahanda para sa mga Judio at dahil sa malapit lang ang libingan, inilagay nila si Jesus doon.
- Nagtataka ang mga babae kung sino ang magpapagulong ng malaking bato mula sa libinganMar 16:3–4
Ang mga talata
Mar 16:3–4Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato ng pasukan ng libingan para sa atin?” Nang tumingin sila sa itaas, nakita nila na mayroon ng nagpagulong ng bato na napakalaki.
- Binili ang bukid ng magpapalayok bilang libingan ng mga dayuhanMat 27:7
Ang mga talata
Mat 27:7Sama-sama nilang pinag-usapan ang bagay na ito at ang salapi ay ipinambili ng Bukid ng Magpapalayok upang paglibingan ng mga dayuhan.
- Itinapon ang bangkay ni Urias sa libingan ng karaniwang mga taoJer 26:23
Ang mga talata
Jer 26:23Dinakip nila si Urias mula sa Egipto at dinala kay Haring Jehoiakim. Pagkatapos, pinatay siya ni Jehoiakim gamit ang espada at ipinadala ang kaniyang bangkay sa libingan ng mga karaniwang tao.
- Itinapon si Absalom sa isang hukay sa ilalim ng napakalaking bunton ng bato2 Sam 18:17
Ang mga talata
2 Sam 18:17Kinuha nila si Absalom at itinapon siya sa isang malaking hukay sa kagubatan; inilibing nila ang kaniyang katawan sa ilalim ng isang malaking tumpok ng mga bato, habang tumatakas ang buong Israel, ang bawat tao sa kanilang sariling tahanan.
- Walang nakaaalam kung nasaan ang libingan ni MoisesDeut 34:6
Ang mga talata
Deut 34:6Inilibing siya ni Yahweh sa lambak ng lupain ng Moab sa tapat ng Beth Peor, pero walang nakakaalam kung saan ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
- Isang lalaking sinaniban ng demonyo ang nakatira sa gitna ng mga libinganMar 5:3, Luc 8:27, Mat 8:28
Ang mga talata
Mar 5:3Ang lalaki ay nakatira sa mga libingan. Wala nang makapagpigil sa kaniya, kahit pa kadena.
Luc 8:27Nang nakababa si Jesus sa lupa, may isang lalaki mula sa lungsod ang sumalubong sa kaniya at ang lalaking ito ay may mga demonyo. Sa matagal na panahon, siya ay walang suot na damit at hindi tumira sa isang bahay, sa halip, ay sa mga libingan.
Mat 8:28Nang dumating si Jesus sa kabilang dako, sa bayan ng mga Gadareno, may sumalubong sa kaniya na dalawang lalaki na sinapian ng mga demonyo. Galing sila sa mga libingan at lubhang napakarahas kaya walang mga manlalakbay ang nakararaan sa daan na iyon.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0