Tuklasin › Mga paksa › Mga piging at handaan
Pang-araw-araw na buhay
Mga piging at handaan sa Bibliya
44 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Mga kaugalian
- Pinaupo ang mga kapatid ni Jose ayon sa edad, mula panganay hanggang bunsoGen 43:33
Ang mga talata
Gen 43:33Ang mga kapatid niya ay umupo sa tapat niya, ang panganay ayon sa kanyang karapatan, at ang pinaka bata ayon sa kanyang pagkabata. Ang mga lalaki ay sama-samang namangha.
- Limang ulit na mas malaki ang bahagi ni Benjamin kaysa sa ibaGen 43:34
Ang mga talata
Gen 43:34Nagpadala si Jose ng mga parte sa kanila mula sa pagkain na nasa harapan niya. Pero ang parte ng kay Benjamin ay limang beses ang dami kaysa sa kanyang mga kapatid. Sila'y nag inuman at nagpakasaya na kasama niya.
- Pinaupo ni Samuel si Saul sa upuang pandangal sa tatlumpung panauhin1 Sam 9:22–24
Ang mga talata
1 Sam 9:22–24Kaya isinama ni Samuel si Saul at kanyang lingkod, dinala sila sa bulwagan, at pinaupo sila sa pang-ulong dako ng mga inanyayahan, na mga tatlumpung tao. Sinabi ni Samuel sa tagapagluto, “Dalhin mo ang bahaging ibinigay ko sa iyo, kung alin sinabi sa iyong, 'Itabi mo ito.'” Kaya kinuha ng tagapagluto ang hitang itinaas sa pag-aalay at kung ano ang kasama nito, at inilagay ito sa harapan ni Saul. Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Tingnan kung ano ang itinabi ko para sa iyo! Kainin mo ito, dahil itinabi ko ito hanggang sa itinakdang oras para sa iyo. Sa ngayon masasabi mong, 'Inanyayahan ko ang mga tao.'” Kaya kumain si Saul kasama ni Samuel sa araw na iyon.
- Huwag umupo sa upuang pandangal sa handaan ng kasalLuc 14:8–10
Ang mga talata
Luc 14:8–10“Kapag inanyayahan ka ng isang tao sa isang kasalan, huwag kang umupo sa mga upuang pandangal dahil maaaring may isang taong naanyayahan na mas pinararangalan kaysa sa iyo. Kapag dumating ang taong nag-anyaya sa inyong dalawa, sasabihin niya sa iyo, 'Ibigay mo sa taong ito ang iyong upuan,' at sa kahihiyan lilipat ka sa kababababaang dako. Ngunit kapag ikaw ay inanyayahan, pumunta ka at umupo sa kababababaang dako, upang kung dumating ang taong nag-anyaya sa iyo, maaari niyang sabihin sa iyo, 'Kaibigan, lumipat ka sa mas mataas.' At ikaw ay mapararangalan sa harapan ng lahat ng kasalo mo sa hapag.
- Nakahilig sa mga higaan ang mga panauhinAmos 6:4, Juan 13:23–25
Ang mga talata
Amos 6:4Humihiga sila sa mga higaang gawa sa garing at nagpapahinga sa kanilang mga malalambot na upuan. Kinakain nila ang mga batang tupa mula sa kawan at mga pinatabang guya mula sa kuwadra.
Juan 13:23–25May isa na nasa lamesa ang nakasandal sa dibdib ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, ang minamahal ni Jesus. Kaya hinudyatan ni Simon Pedro ang alagad na ito at sinabi, “Sabihin mo sa amin kung sino ang kaniyang tinutukoy. Sumandal ang alagad na iyon sa dibdib ni Jesus at sinabi sa kaniya, “Panginoon, sino po iyon?”
- Sumasawsaw sa iisang mangkok ang mga kumakainMat 26:23
Ang mga talata
Mat 26:23Sumagot siya, “Ang sinumang kasabay kong sumawsaw ng kaniyang kamay ay siyang magkanulo sa akin.
- Tinitikman ng punong-abala ng handaan ang alakJuan 2:8–10
Ang mga talata
Juan 2:8–10Pagkatapos ay sinabi niya sa mga lingkod, “Kumuha kayo ng kaunti at ibigay sa punong tagapag-silbi.” Kaya ginawa nga nila. Tinikman ng punong tagapag-silbi ang tubig na naging alak, ngunit hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ito ng mga lingkod na kumuha ng tubig). Pagkatapos ay tinawag niya ang lalaking bagong kasal at sinabi sa kaniya, “Ang unang hinahain ng bawa't isa ay ang mainam na alak at pagkatapos ay ang murang alak kapag ang mga tao ay lasing na. Ngunit itinira mo ang napakainam na alak hanggang ngayon.”
- Lira at alpa, tamburin, plauta at alak sa mga pigingIsa 5:12, Amos 6:5
Ang mga talata
Isa 5:12Nagsasalo-salo sila ng may alpa, lira, tamburin, plauta, at alak, pero hindi nila kinikilala ang gawa ni Yahweh, ni iniisip ang mga ginawa ng kaniyang mga kamay.
Amos 6:5Umaawit sila ng mga walang kabuluhang mga awitin sa tugtugin ng alpa; gumagawa sila ng mga pansarili nilang instrumento gaya ng ginawa ni David.
- Tugtugan at sayawan sa piging para sa nagbabalik na anakLuc 15:23–25
Ang mga talata
Luc 15:23–25Pagkatapos, dalhin ninyo dito ang pinatabang guya at katayin. Tayo ay magsikain at magdiwang. Sapagkat ang anak ko ay namatay, at ngayon siya ay nabuhay. Siya ay nawala, at ngayon siya ay natagpuan.' At sila ay nagsimulang magdiwang. Sa panahong iyon, ang kaniyang nakatatandang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumating at palapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan.
- Nagbigay si Samson ng bugtong sa kaniyang pitong araw na piging ng kasalHuk 14:10–12
Ang mga talata
Huk 14:10–12Bumaba ang ama ni Samson sa lugar kung saan nakatira ang babae, at nagbigay si Samson ng isang kapistahan doon, dahil kaugalian ito ng mga binatang kalalakihan. Pagkakita ng mga kamag-anak niya sa kaniya, nagdala sila sa kaniya ng kanilang tatlumpung mga kaibigan para dumalo sa kaniya. Sinabi ni Samson sa kanila, “Hayaan ninyo na magsabi ako ng isang bugtong. Kung isa sa inyo ang makaalam nito at sabihin sa akin ang sagot sa loob ng pitong araw ng kapistahan, magbibigay ako ng tatlumpung mga linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit.
- Nagdaos si Reyna Vashti ng hiwalay na piging para sa mga babaeEst 1:9
Ang mga talata
Est 1:9Pati si Reyna Vashti ay nagbigay ng pista para sa mga kababihan sa maharlikang palasyo ni Haring Assuero.
- Inihahanda ang piging para sa tawananMang 10:19
Ang mga talata
Mang 10:19Naghahanda ang mga tao ng pagkain para sa pagtawa, nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang alak, at pinupuno ng pera ang pangangailangan sa lahat ng bagay.
- Nagdahilan ang mga inanyayahang panauhin (talinghaga)Luc 14:16–20
Ang mga talata
Luc 14:16–20Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “May isang taong naghanda ng malaking hapunan at inanyayahan ang marami. Nang maihanda na ang hapunan, inutusan niya ang kaniyang utusan na sabihin sa mga naanyayahan, 'Halikayo, dahil nakahanda na ang lahat.' Silang lahat ay pare-parehong nagsimulang magdahilan. Sabi ng una sa kaniya, 'Bumili ako ng bukid at kinakailangan kong umalis at tingnan ito.' Pakiusap ipagpaumanhin mo ako.' At sinabi naman ng isa, 'Bumili ako ng limang pares na baka, at pupunta ako upang subukan ang mga ito. Pakiusap ipagpaumanhin mo ako.' At sabi naman ng isang lalaki, 'Kakakasal ko pa lamang sa aking asawa, at kaya hindi ako makakadalo.'
- Magpadala ng bahagi sa mga walang naihandaNeh 8:10–12
Ang mga talata
Neh 8:10–12Pagkatapos, sinabi ni Nehemias sa kanila, “Humayo na kayo, kainin ninyo ang taba at kumuha kayo ng matamis na maiinom, at ipadala ang ilan nito sa mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong magdalamhati, dahil ang kagalakan ni Yahweh ang inyong lakas.” Kaya pinatahimik ng mga Levita ang mga tao, na sinasabing, “Tumahimik kayo! Dahil ang araw na ito ay banal. Huwag kayong magdalamhati.” At lahat ng tao ay humayo para kumain, uminom, magbahagi ng pagkain at magdiwang ng may matinding kagalakan dahil naunawaan nila ang mga salitang ipinahayag sa kanila.
- Nagsasalitan sa pagpipiging ang mga anak ni Job at inaanyayahan ang kanilang mga kapatid na babaeJob 1:4–5
Ang mga talata
Job 1:4–5Sa bawat araw na may kani-kaniyang pagdiriwang ang mga anak na lalaki, ipinapatawag nila ang kanilang tatlong kapatid na babae para kumain at uminom kasama nila. Pagkatapos ng mga araw ng pista, sila ay ipinapatawag at muli silang itatalaga ni Job sa Diyos. Babangon siya nang maagang-maaga at mag-aalay ng sinunog na handog para sa bawat kaniyang mga anak, dahil iniisip niya na, “Marahil nagkasala ang aking mga anak at isinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso.” Ito ay laging ginagawa ni Job.
Mga okasyon
- Nagdaos ang Paraon ng piging sa kaniyang kaarawanGen 40:20
Ang mga talata
Gen 40:20Dumating ang panahon sa ikatlong araw ay ang kaarawan ni Paraon. Gumawa siya ng salu-salo para sa lahat ng kanyang mga lingkod. Siya ay nagbigay ng natatanging pansin sa punong tagahawak ng saro at sa punong panadero, na mas higit sa lahat ng iba niyang mga lingkod.
- Ang piging ni Herodes sa kaniyang kaarawan para sa mga pangunahing lalaki ng GalileaMar 6:21
Ang mga talata
Mar 6:21At dumating ang araw ng pagkakataon nang ipagdiwang ni Herodes ang kaniyang kaarawan at naghanda siya ng hapunan para sa kaniyang mga opisyal, mga pinuno ng mga kawal at mga pinuno ng Galilea.
- Ang malaking piging ni Abraham sa araw na inawat si IsaacGen 21:8
Ang mga talata
Gen 21:8Lumaki ang bata at hiniwalay na sa kanyang ina, at naghanda si Abraham ng isang malaking pagdiriwang sa araw na hiniwalay na si Isaac sa kayang ina.
- Pinagtibay nina Isaac at Abimelec ang isang tipan sa pamamagitan ng pigingGen 26:28–30
Ang mga talata
Gen 26:28–30At sinabi nila, “Malinaw naming nakita na si Yahweh ay iyong kasama. Kaya napagpasyahan namin na dapat ay mayroong sumpaan sa pagitan natin, oo, sa pagitan mo at sa amin. Kaya gagawa kami ng tipan sa iyo, na hindi mo kami sasaktan, gaya ng hindi namin pananakit sa iyo, at sa pakikitungo namin ng mabuti sa iyo at sa pagpapaalis namin sa iyo ng mapayapa. Tunay nga, ikaw ay pinagpala ni Yahweh.” Kaya gumawa si Isaac ng pista para sa kanila, at sila ay kumain at uminom.
- Kumain si Jacob at ang kaniyang mga kamag-anak sa bundokGen 31:54
Ang mga talata
Gen 31:54Nag-alok ng isang alay si Jacob sa bundok at tinawag ang kanyang mga kamag-anak para kumain. Kumain sila at nanatili sila sa bundok buong gabi.
- Nagdaos si David ng piging para kay Abner at sa dalawampung lalaki2 Sam 3:20
Ang mga talata
2 Sam 3:20Nang dumating sa Hebron si Abner at ang dalawampu sa kaniyang mga tauhan para makipagkita kay David, naghanda si David ng isang piging para sa kanila.
- Ang piging ni Adonias para sa mga inaasahan niyang gagawa sa kaniyang hari1 Hari 1:25
Ang mga talata
1 Hari 1:25Dahil bumaba siya ngayon at nag-alay siya ng maraming mga lalaking baka, mga pinatabang baka at mga tupa, at inanyayahan ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari, ang mga kapitan ng mga hukbo, at si Abiatar na pari. Kumakain at umiinom sila sa harapan niya, at isinasabi nilang, 'Mabuhay si Haring Adonias!'
- Tatlong araw na kainan at inuman sa Hebron upang gawing hari si David1 Cro 12:38–40
Ang mga talata
1 Cro 12:38–40Ang lahat ng mga kawal na ito, na handa para sa labanan, ay dumating sa Hebron na may matatag na hangarin na gawing hari si David sa buong Israel. Ang lahat ng iba pang Israelita ay sumang-ayon na gawing hari si David. Sila ay naroon ng tatlong araw kasama si David na kumain at uminom, sapagkat pinadalhan sila ng kanilang mga kamag-anak ng kailangang pagkain at inumin. Bukod pa rito, ang mga malapit sa kanila, hanggang Isacar, Zebulun at Neftali, ay nagdala ng tinapay na isinakay sa mga asno, mga camelyo, mga mola at mga baka, at tinapay na gawa sa igos, mga kumpol ng pasas, alak, langis, baka at tupa, sapagkat nagdiriwang ang Israel.
- Nagdaos si Solomon ng piging para sa lahat ng kaniyang lingkod matapos ang kaniyang panaginip1 Hari 3:15
Ang mga talata
1 Hari 3:15Pagkatapos ay nagising si Solomon, masdan ito, isa iyong panaginip. Pumunta siya sa Jerusalem at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon. Nag-alay siya ng mga handog na susunugin at handog para sa kapayapaan, at nagdaos ng isang handaan para sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
- Ipinakita ni Assuero ang kaniyang kayamanan nang 180 araw, saka nagpiging nang pitong arawEst 1:3–8
Ang mga talata
Est 1:3–8Sa ikatlong taon ng kanyang paghahari, nagbigay siya ng isang pista sa lahat ng kanyang mga opisyal at kanyang mga lingkod. Ang hukbo ng Persia at Media, ang magigiting na mga lalaki, ang mga gobernador ng mga lalawigan ay nasa kanyang harapan. Ipinakita niya ang yaman ng karangyaan ng kanyang kaharian at ang dangal ng kaluwalhatian ng kanyang kadakilaan nang maraming araw, sa loob ng 180 araw. Nang natapos ang mga araw na ito, nagbigay ang hari ng pista na tumagal ng pitong araw. Ito ay para sa lahat ng tao sa palasyo ng Susa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakahamak. Idinaos ito sa bulwagan ng hardin ng palasyo ng hari. Ang bulwagan ng hardin ay pinalamutian ng mga kurtina na kulay puti ang tela at kulay-ube, na may mga tali ng pinong lino at kulay-ube, ibinitin sa sabitang pilak mula sa mga haliging marmol. May mga sopang ginto at pilak na nasa bangketang may dibuhong palamuti na yari sa batong kristal, marmol, ina ng perlas, at mga batong panlatag na may kulay. Ang mga inumin ay inihain sa mga gintong tasa. Di-pangkaraniwan ang bawat tasa, at maraming maharlikang alak na dumating dahil sa pagiging mapagbigay ng hari. Ang inuman ay isinagawa alinsunod sa kautusang, “Dapat walang pilitan.” Nagbigay ng mga utos ang hari sa lahat ng mga tauhan ng kanyang palasyo na gawin para sa kanila ang anumang naisin ng bawat panauhin.
- Sa piging ni Esther: “Ano ang iyong kahilingan?”Est 5:6
Ang mga talata
Est 5:6Nang inihahain na ang alak sa handaan, sinabi ng hari kay Esther, “Ano ang iyong kahilingan? Ipagkakaloob sa iyo. Ano ang iyong pakiusap? Hanggang kalahati ng aking kaharian, ito ay ipagkakaloob.”
- Pagpipista sa kautusan ng hari at sa mga araw ng PurimEst 8:17, Est 9:17–19
Ang mga talata
Est 8:17Sa bawat lalawigan at sa bawat siyudad, saanman makarating ang kautusan ng hari, may kagalakan at kasiyahan ang mga Judio, isang pagdiriwang at isang araw ng pangilin. Maraming naging Judio ang nagmula sa ibat-ibang lahi ng mga tao, dahil ang takot ng mga Judio ay bumagsak sa kanila.
Est 9:17–19Sa ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikalabing-apat na araw, nagpahinga sila at gumawa ng isang araw ng kapistahan at pagsasaya. Ngunit ang mga Judio na nasa Susa ay magkakasamang nagtipon sa ikalabintatlo at ikalabing-apat na araw. Sa ikalabinlimang araw nagpahinga sila at ginawa nila itong isang araw ng kapistahan at pagsasaya. Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Judio ng mga nayon, na gumagawa ng kanilang mga tahanan sa mga bayang bukirin, ay ipinagdiriwang ang ikalabing-apat na araw sa buwan ng Adar bilang isang araw ng pagsasaya at kapistahan, at bilang isang araw kung saan nagpapadala sila ng mga regalong pagakain sa isa't-isa.
- Ang malaking piging ni Belsazar para sa kaniyang mga maharlikaDan 5:1–3
Ang mga talata
Dan 5:1–3Nagdaos si haring Belsazar nang napakalaking handaan para sa isang libo niyang maharlikang tauhan, at uminom siya ng alak sa harapan nilang lahat na isang libo. Habang tinitikman ni Belsazar ang alak, nagbigay siya ng mga utos na ilabas ang mga sisidlan na gawa sa ginto at pilak na kinuha sa templo ng Jerusalem ng kaniyang amang si Nebucadnezar, upang mainuman niya at ng kaniyang mga maharlikang tauhan at ng kaniyang mga asawa at mga asawang tagapaglingkod. Dinala ng mga tagapaglingkod ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo, ang bahay ng Diyos sa Jerusalem. At ito ang pinag-inuman ng hari at ang mga maharlika niyang tauhan at kaniyang mga asawa at mga asawang niyang taga-paglingkod.
- Ang piging ni Nabal na para sa isang hari1 Sam 25:36
Ang mga talata
1 Sam 25:36Bumalik si Abigail kay Nabal; masdan mo, siya ay nagdadaos ng isang pagdiriwang sa kanyang bahay, tulad ng pagdiriwang ng isang hari; at maligaya ang puso ni Nabal sa kalooban niya, dahil lasing na lasing siya. Kaya hindi niya sinabi ang lahat hanggang sa magbukang-liwayway.
- Umupo ang mga tao upang kumain at uminom sa harap ng guyaExo 32:6
Ang mga talata
Exo 32:6Kinabukasan gumising ng maaga ang mga tao at nag-alay ng mga sinunog na handog at sama-samang nagdala ng mga alay. Pagkatapos sila ay umupo para kumain at uminom, at pagkatapos tumindig para makipag-inuman sa mahalay na pagdiriwang.
Sa hapag
- Sa kainan sa Bagong Buwan, bakante ang upuan ni David1 Sam 20:5, 1 Sam 20:24–25
Ang mga talata
1 Sam 20:5Sinabi ni David kay Jonatan, “Bukas ang bagong buwan at kailangan kong umupo para kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis upang makapagtago ako sa bukirin hanggang sa ikatlong araw nang gabi.
1 Sam 20:24–25Kaya itinago ni David ang kanyang sarili sa bukirin. Noong dumating ang bagong buwan, umupo ang hari para kumain ng pagkain. Umupo ang hari sa kanyang upuan, gaya ng dati, sa upuan sa may pader. Tumayo si Jonatan at umupo si Abner sa tabi ni Saul. Ngunit walang nakaupo sa lugar ni David.
- Kumakain sa hapag ng hari si Mefiboset at ang mga anak ni Barzilai2 Sam 9:10, 1 Hari 2:7
Ang mga talata
2 Sam 9:10Ikaw ang mag-aararo ng lupa para sa kaniya, ikaw at iyong mga anak na lalaki at iyong mga lingkod, at dapat anihin ninyo ang mga pananim para ang apo ng iyong amo ay magkaroon ng makakain. Pero si Mefisobet lalaking apo ng iyong amo ay laging kakain sa aking lamesa.” Mayroong labing limang anak na lalaki at dalawampung lingkod si Siba.
1 Hari 2:7Subalit, magpakita ka ng kabaitan sa mga anak na lalaki ni Barsilai na taga-Galaad, at hayaan mo silang makasama sa mga kumakain sa iyong mesa, dahil pumunta sila sa akin noong tumakas ako sa kapatid mong si Absalom.
- 850 propeta ang kumakain sa hapag ni Jezebel1 Hari 18:19
Ang mga talata
1 Hari 18:19Kaya ngayon, magpasabi ka at tipunin sa akin ang buong Isarel sa Bundok Carmelo, kasama ang 450 propeta ni Baal at apat na raang propeta ni Asera, na kumakain sa lamesa ni Jezebel.”
- Naghanda si Lot ng piging at nagluto ng tinapay na walang pampaalsaGen 19:3
Ang mga talata
Gen 19:3Pero pinilit niya sila kaya sumama sila sa kanya, at pumasok sila sa kanyang bahay. Naghanda siya ng makakain nila at nagluto ng tinapay na walang pampaalsa at sila ay kumain.
- Nagdaos si Levi ng malaking handaan para kay JesusLuc 5:29
Ang mga talata
Luc 5:29Pagkatapos ay naghanda si Levi sa kaniyang bahay ng malaking handaan para kay Jesus, at maraming mga maniningil ng buwis ang nandoon, at iba pang mga taong nakasandal sa mesa ang kumakain kasama nila.
- Inanyayahan ng mga Pariseo si Jesus na kumain kasama nilaLuc 7:36, Luc 14:1
Ang mga talata
Luc 7:36Ngayon, may isang Pariseo ang nakiusap kay Jesus na makisalo siya sa kaniya. Kaya nang pumasok si Jesus sa bahay ng Pariseo, sumandal siya sa mesa upang kumain.
Luc 14:1Nangyari sa isang Araw ng Pamamahinga, nang pumunta si Jesus sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo upang kumain ng tinapay, na minamanmanan nila si Jesus.
- Binuhusan ng pabango si Jesus sa isang hapunan sa BetaniaMar 14:3, Juan 12:2–3
Ang mga talata
Mar 14:3Nang si Jesus ay nasa Bethania sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakasandal siya sa mesa, isang babae ang pumunta sa kaniya na mayroong dalang alabastrong sisidlan na may lamang napakamahal na likido na purong nardo. Binasag niya ito at ibinuhos ang laman sa kaniyang ulo.
Juan 12:2–3Kaya hinandaan nila siya ng hapunan doon, at si Marta ang nagsisilbi, habang si Lazaro ay isa sa mga naupo sa mesa kasama ni Jesus. Pagkatapos kumuha si Maria ng isang litra ng pabango mula sa purong nardo na napakamahal, at pinahiran nito ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kaniyang buhok ang kaniyang mga paa, at napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0