Tuklasin › Mga paksa › Pagkakaibigan
Pang-araw-araw na buhay
Pagkakaibigan sa Bibliya
45 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon; ang kapatid ay isinilang para sa kagipitanKaw 17:17
Ang mga talata
Kaw 17:17Ang kaibigan ay mapagmahal sa lahat ng oras, at ang kapatid ay isinilang para sa mga oras ng kaguluhan.
- May kaibigang mas malapit pa kaysa sa kapatidKaw 18:24
Ang mga talata
Kaw 18:24Sinumang umaangkin ng maraming kaibigan ay nadadala sa pagkasira ng mga kaibigang iyon, pero mayroong isang kaibigan na mas malapit pa sa isang kapatid.
- Tapat ang mga sugat na dulot ng kaibiganKaw 27:6
Ang mga talata
Kaw 27:6Tapat ang mga sugat na sanhi ng isang kaibigan, ngunit ang kaaway maaaring humalik sa iyo nang maraming beses.
- Mas mabuti ang kapitbahay na malapit kaysa sa kapatid na malayoKaw 27:10
Ang mga talata
Kaw 27:10Huwag pababayaan ang iyong kaibigan at kaibigan ng iyong ama, at huwag pupunta sa bahay ng iyong kapatid sa araw ng iyong kalamidad. Mas mabuti ang isang kapwa na malapit kaysa sa isang kapatid na malayo.
- Kung paanong pinatatalas ng bakal ang bakal, pinatatalas ng tao ang kapwa niyaKaw 27:17
Ang mga talata
Kaw 27:17Bakal ang nagpapatalas sa bakal; gaya ng parehong paraan, ang isang tao ay nagpapatalas sa kaniyang kaibigan.
- Bihira kang tumuntong sa bahay ng iyong kapitbahay, baka magsawa siya sa iyoKaw 25:17
Ang mga talata
Kaw 25:17Huwag mong ilagay ang iyong paa ng napakadalas sa bahay ng iyong kapwa, maaari siyang magsawa sa iyo at kamuhian ka.
- Ang malakas na pagbati nang maagang-maaga ay ituturing na sumpaKaw 27:14
Ang mga talata
Kaw 27:14Kung sinuman ang nagbibigay sa kaniyang kapwa ng isang pagpapala nang may isang malakas na tinig ng maagang-maaga, ang pagpapalang iyon ay ituturing na isang sumpa!
- Huwag makipagkaibigan sa taong mainitin ang uloKaw 22:24–25
Ang mga talata
Kaw 22:24–25Huwag ka makipagkaibigan sa isang tao na siyang pinamumuan ng galit, at huwag kang sumama sa isang nagagalit nang labis, o matututunan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at papaluputan mo ang iyong sarili sa isang patibong.
- Umaakit ng maraming kaibigan ang kayamanan; iniiwan ang dukhaKaw 19:4, Kaw 19:6
- Ang paulit-ulit na pagbanggit ng kasalanan ay naghihiwalay sa magkaibiganKaw 17:9
Ang mga talata
Kaw 17:9Ang sinumang nagpapaumanhin sa paglabag ay naghahanap ng pagmamahal, pero ang sinumang umuulit sa isang bagay ay nagpapalayo sa mga malalapit na kaibigan.
- Mas mabuti ang dalawa kaysa isa; hindi madaling malagot ang lubid na may tatlong pilasMang 4:9–12
Ang mga talata
Mang 4:9–12Ang gawain ng dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa; sabay silang makikinabang sa isang mainam na kabayaran sa kanilang gawain. Kapag nabuwal ang isa, maaaring ibangon ng isa ang kaniyang kaibigan. Subalit, kalungkutan ang sumusunod sa nag-iisa kapag nabuwal siya kung walang magbabangon sa kaniya. At kung ang dalawa ay magkasamang mahihiga, maaari silang mainitan, ngunit paanong maaaring mainitan ang nag-iisa. Ang isang taong nag-iisa ay maaaring madaig, ngunit maaring mapagtagumpayan ng dalawa ang isang pagsalakay, at ang isang tatlong ikit na lubid ay hindi agad malalagot.
- Isang matalik na kaibigang kasalo sa tinapay ang tumalikod sa mang-aawitAwit 41:9, Awit 55:12–14
Ang mga talata
Awit 41:9Sa katunayan, kahit ang sarili kong malapit na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan, ang siyang kumain ng aking tinapay, ay inangat ang sakong niya laban sa akin.
Awit 55:12–14Dahil hindi isang kaaway ang sumasaway sa akin. kaya maaari ko itong tiisin; ni hindi siya ang napopoot sa akin na itinaas ang kaniyang sarili laban sa akin, dahil kung hindi itinago ko sana ang aking sarili sa kanya. Pero ikaw iyon, isang lalaking kapantay ko, aking kasama at aking malapit na kaibigan. Mayroon tayong matamis na pagsasamahan; naglakad tayo kasama ang maraming tao sa tahanan ng Diyos.
- Nagreklamo si Job na tumalikod sa kaniya ang kaniyang mga kaibiganJob 6:14–15, Job 16:20, Job 19:19
Ang mga talata
Job 6:14–15Para sa isang taong malapit nang mawalan ng malay, dapat ipakita ng kaniyang kaibigan ang katapatan; kahit na pinabayaan niya pa ang kaniyang takot sa Makapangyarihan. Pero naging matapat ang mga kapatid ko sa akin, na tulad ng mga batis sa disyerto, na tulad ng mga daluyan ng tubig na natutuyo,
Job 16:20Hinahamak ako ng aking mga kaibigan, pero umiiyak ko sa Diyos.
Job 19:19Kinamumuhian ako ng lahat ng aking mga kaibigan; tinalikuran ako ng lahat ng mga minamahal ko.
- Sa unang pagtatanggol ni Pablo, iniwan siya ng lahat2 Tim 4:16
Ang mga talata
2 Tim 4:16Sa una kong pagtatanggol ay walang nanatili sa akin. Sa halip, iniwan ako ng lahat. Hindi sana ito maibilang laban sa kanila.
- Jesus: wala nang hihigit na pag-ibig kaysa ialay ang buhay para sa mga kaibiganJuan 15:13–15
Ang mga talata
Juan 15:13–15Walang sinuman ang nagmahal na hihigit pa rito, na kaniyang inaalay ang kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan. Kayo ay mga kaibigan ko kung ginagawa ninyo ang mga bagay na iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod, dahil hindi nalalaman ng lingkod kung ano ang ginagawa ng kaniyang Panginoon. Tinawag ko kayong mga kaibigan dahil ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng mga bagay na narinig ko mula sa aking Ama.
Mga halimbawa
- Iniligtas ni Abram ang kamag-anak niyang si Lot kasama ang 318 sinanay na tauhanGen 14:14–16
Ang mga talata
Gen 14:14–16Ngayon nang marinig ni Abram na nabihag ng mga kaaway ang kaniyang kamag-anak, pinangunahan niya ang kaniyang tatlong daan at labing walong sinanay na tauhan, na ipinanganak sa kaniyang sambahayan, at tinugis niya sila hanggang sa Dan. Kinagabihan hinati niya ang kaniyang mga tauhan laban sa kanila at nilusob sila, at hinabol sila hanggang sa Hoba na nasa hilaga ng Damasco. Pagkatapos dinala niya ang lahat ng mga ari-arian, at dinala rin niya ang kaniyang kamag-anak na si Lot at ang kaniyang mga kagamitan, pati na rin ang mga kababaihan at ang iba pang mga tao.
- Hindi iiwan ni Ruth si Naomi: “Kung saan ka pupunta, doon ako pupunta”Rut 1:16–17
Ang mga talata
Rut 1:16–17Pero sinabi ni Ruth, “Huwag mo akong palayuin mula sa iyo, sapagkat kung saan ka pupunta, doon ako pupunta; kung saan ka titira, doon ako titira; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay magiging aking Diyos. Kung saan ka mamamatay, doon ako mamamatay at doon din ako ililibing. Nawa parusahan ako ni Yahweh, at kahit higit pa, kung anuman pero kamatayan kailanman ang magpahiwalay sa atin.
- Nagdalamhati si Samuel para kay Saul1 Sam 15:35, 1 Sam 16:1
Ang mga talata
1 Sam 15:35Hindi nakita ni Samuel si Saul hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, sapagkat nagluksa siya kay Saul. At nalungkot si Yahweh na kanyang ginawang hari si Saul ng Israel.
1 Sam 16:1Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
- Minahal ni Jonatan si David gaya ng sarili at ibinigay sa kaniya ang kaniyang balabal1 Sam 18:1–4
Ang mga talata
1 Sam 18:1–4Nang matapos siyang makipag-usap kay Saul, ibinigkis ang kaluluwa ni Jonatan sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonatan si David bilang kanyang sariling kaluluwa. Kinuha ni Saul si David na maglingkod sa kanya sa araw na iyon; hindi niya siya hinayaang bumalik sa bahay ng kanyang ama. Pagkatapos gumawa ng pakikipagkaibigang kasunduan sina Jonatan at David dahil minahal siya ni Jonatan na parang kanyang sariling kaluluwa. Hinubad ni Jonatan ang kanyang balabal na kanyang isinuot at ibinigay ito kay David kasama nang kanyang sandata, kanyang espada, pana at sinturon.
- Naghalikan, nag-iyakan at naghiwalay sina David at Jonatan na may sumpaan1 Sam 20:41–42, 1 Sam 23:16–18
Ang mga talata
1 Sam 20:41–42Pagkaalis na pagkaalis ng binata, tumayo si David mula sa likod ng isang tambak ng lupa, nagpatirapa sa lupa at yumuko ng tatlong beses. Hinalikan nila ang isa't-isa at magkasamang umiyak, na si David ang mas malakas ang pag-iyak. Sinabi ni Jonatan kay David, “Humayo ka ng payapa, dahil pareho tayong nangako sa pangalan ni Yahweh at sinabing, 'Pumagitna nawa si Yahweh sa iyo at sa akin at sa pagitan ng aking mga kaapu-apuhan at iyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.'” Pagkatapos tumayo si David at umalis at bumalik si Jonatan sa lungsod.
1 Sam 23:16–18Sa gayon bumangon at pinuntahan ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul si David sa Hores, at pinalakas ang kanyang kamay sa Diyos. Sinabi niya sa kanya, “Huwag kang matakot. Dahil hindi ka mahahanap ng kamay ni Saul na aking ama. Magiging hari ka sa Israel, at ako ang susunod sa iyo. Alam din ito ni Saul na aking ama.” Gumawa sila ng isang kasunduan sa harap ni Yahweh. Nanatili si David sa Hores, at umuwi si Jonatan sa kanyang tahanan.
- Panaghoy ni David: “Kahanga-hanga ang pag-ibig mo sa akin”2 Sam 1:26
Ang mga talata
2 Sam 1:26Ako ay namimighati para sa iyo, aking kapatid na Jonatan. Ikaw ay minahal ko ng lubusan. Ang pagmamahal mo sa akin ay kahanga-hanga, higit pa sa pagmamahal ng mga kababaihan.
- Alang-alang kay Jonatan, laging kumakain si Mefiboset sa hapag ni David2 Sam 9:1, 2 Sam 9:7
Ang mga talata
2 Sam 9:1Sinabi ni David, “Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob alang-alang kay Jonatan?”
2 Sam 9:7Sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang matakot, dahil titiyakin kong kagandahang-loob ang ipapakita ko sa iyo alang-alang kay Jonatan na iyong ama at ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ni Saul na iyong lolo, at lagi kang kakain sa aking lamesa.”
- Si David sa paring si Abiatar: “Manatili ka sa akin; ligtas ka rito”1 Sam 22:23
Ang mga talata
1 Sam 22:23Manatili ka kasama ko at huwag matakot. Dahil ang nagtatangka sa buhay mo ay nagtatangka din sa buhay ko. Magiging ligtas ka kasama ako.”
- Si Hiram na hari ng Tiro ay laging naging kaibigan ni David1 Hari 5:1
Ang mga talata
1 Hari 5:1Ipinadala ni Hiram, hari ng Tiro, ang kaniyang mga lingkod kay Solomon, dahil narinig niya na siya ay hinirang na hari kapalit ng kaniyang ama; dahil sa noon pa man ay mahal na ni Hiram si David.
- Nanatiling tapat ang kaibigan ni David na si Cusai sa paghihimagsik ni Absalom2 Sam 15:32–37, 2 Sam 16:16–17
Ang mga talata
2 Sam 15:32–37Nang nakarating si David sa tuktok ng daan, kung saan nakagawiang sambahin ang Diyos, dumating si Cusai na Arkita para salubungin siya na punit ang kaniyang damit at may lupa sa kaniyang ulo. Sinabi ni David sa kaniya, “Kung maglalakbay ka kasama ko, sa gayon magiging isang pabigat ka sa akin. Pero kung babalik ka sa lungsod at sasabihin kay Absalom, 'Magiging lingkod mo ako, hari, gaya ng paglilingkod ko dati sa iyong ama,' kaya magiging lingkod mo ako ngayon; pagkatapos guguluhin mo ang payo ni Ahitofel para sa akin. Hindi mo ba makakasama roon si Abiatar at Zadok na mga pari? Kaya kahit ano ang marinig mo sa palasyo ng hari, dapat mong sabihin ito kina Zadok at Abiatar na mga pari. Makikita mo na kasama nila roon ang kanilang dalawang anak, sina Ahimaaz, anak na lalaki ni Zadok at Jonatan, anak na lalaki ni Abiatar. Dapat mong ipadala sa akin sa pamamagitan ng kanilang kamay ang lahat ng bagay na marinig mo.” Kaya pumunta si Cusai, kaibigan ni David sa lungsod habang dumating at pumasok si Absalom sa Jerusalem.
2 Sam 16:16–17Nang dumating kay Absalom si Cusai na Arkite, ang kaibigan ni David, na sinabi ni Cusai kay Absalom, “Mabuhay ng mahaba ang hari! Mabuhay ng mahaba ang hari!” Sinabi ni Absalom kay Cusai, “Ito ba ang katapatan mo sa iyong kaibigan? Bakit hindi ka sumama sa kaniya?”
- Ayaw iwan ni Itai na Geteo ang tumatakas na si David2 Sam 15:19–21
Ang mga talata
2 Sam 15:19–21Pagkatapos sinabi ng hari kay Itai ang taga- Gat, “Bakit sumama ka rin sa amin? Bumalik at manatili kasama ni Haring Absalom, dahil isa kang dayuhan at isang pinalayas. Bumalik sa iyong sariling lugar. Yamang kahapon ka lang umalis, bakit maglalakbay kami kasama ka? Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaya bumalik at isama ang iyong kababayan pabalik. Nawa'y mapasaiyo ang katapatan at pagkamatapat.” Pero sinagot ni Itai ang hari at sinabing, “Habang nabubuhay si Yahweh at habang nabubuhay ang aking among hari, tunay na kahit sa anumang lugar pumunta ang aking among hari, doon din pupunta ang iyong lingkod kahit mangahulugan ito ng buhay o kamatayan.”
- Dinalaw ni Haring Ahazias ang sugatang si Haring Joram2 Hari 8:28–29
Ang mga talata
2 Hari 8:28–29Pumunta si Ahazias kasama si Joram anak ni Ahab, para makipaglaban kay Hazael, hari ng Aram, sa Ramoth-galaad. Sinugatan ng mga Aramean si Joram. Nagbalik si Haring Joram para magpagaling sa Jezreel sa mga sugat na ginawa ng mga Aramean sa kaniya sa Rama, nang nakipaglaban siya kay Hazael hari ng Aram. Kaya si Ahazias anak ni Jehoram, hari ng Juda, ay bumababa sa Jezreel para makita si Joram anak ni Ahab, dahil siya ay nasugatan.
- Pitong araw na tahimik na naupo kasama ni Job ang tatlo niyang kaibiganJob 2:11–13
Ang mga talata
Job 2:11–13Ngayon naman, nabalitaan ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat ng masamang nangyari sa kaniya, nilisan nila ang kani-kanilang lugar para puntahan si Job: Si Eliphaz na Temaneo, Bildad na Shuhita, at Zophar na Naamita. Naglaan sila ng panahon para makidalamhati sa kaniya at aliwin siya. Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo. Saka sila umupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw at pitong gabi, wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita sa kaniya, dahil nakita nila ang sobrang hirap ni Job.
- Hiniling ni Daniel sa hari na itaas ang tungkulin ng tatlo niyang kaibiganDan 2:17–18, Dan 2:49
Ang mga talata
Dan 2:17–18Pagkatapos, pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at ipinaliwanag niya kay Hananias, Misael, at Azarias kung ano ang nangyari. Hinimok niya sila na hanapin ang habag mula sa Diyos ng langit tungkol sa hiwagang ito upang siya at sila ay hindi maaaring patayin kasama ang mga natirang kalalakihan sa Babilonia na kilala sa kanilang karunungan.
Dan 2:49Si Daniel ang naging punong gobernador sa lahat ng matatalinong kalalakihan ng Babilonia. Gumawa ng kahilingan si Daniel sa hari, at hinirang ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego na maging tagapangasiwa sa buong lalawigan ng Babilonia. Ngunit nanatili si Daniel sa palasyo ng hari.
- Mahal ni Jesus si Marta, ang kaniyang kapatid at si LazaroLuc 10:38–39, Juan 11:5, Juan 11:11
Ang mga talata
Luc 10:38–39Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, siya ay pumunta sa isang nayon, at isang babaeng nagngangalang Marta ang tumanggap sa kaniya sa loob ng kaniyang bahay. Mayroon siyang isang kapatid na nagngangalang Maria, na nakaupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kaniyang salita.
Juan 11:5Ngayon mahal ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.
Juan 11:11Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabi niya sa kanila, “Ang ating kaibigan na si Lazaro ay nakatulog, subalit pupunta ako doon upang gisingin siya mula sa kaniyang pagkakatulog.”
- Binalaan si Pablo ng kaniyang pamangkin tungkol sa isang sabwatanGawa 23:16
Ang mga talata
Gawa 23:16Ngunit narinig ito ng lalaking anak ng kapatid na babae ni Pablo na matagal silang naghihintay, kaya pumunta siya at pumasok sa kampo at sinabi kay Pablo.
- Isinapanganib nina Priscila at Aquila ang kanilang buhay para kay PabloRoma 16:3–4
Ang mga talata
Roma 16:3–4Batiin ninyo sina Prisca at Aquila, na mga kapwa ko manggagawa kay Cristo Jesus, na inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay para sa aking buhay. Nagpapasalamat ako sa kanila, at hindi lamang ako, kundi pati na rin ang lahat ng mga iglesiya ng mga Gentil.
- Pablo: “Wala na akong ibang katulad” ni TimoteoFil 2:19–22
Ang mga talata
Fil 2:19–22Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na agad niyang ipadala si Timoteo sa inyo, nang sa gayon ay mapalakas din ang aking loob kapag nalaman ko ang mga bagay tungkol sa inyo. Sapagkat walang ibang taong may katulad ng ugali niya, na tunay na sabik sa inyo. Sapagkat lahat sila ay naghahanap ng kani-kaniyang kapakinabangan, hindi ang mga bagay na kay Jesu-Cristo. Ngunit alam ninyo ang kaniyang halaga, dahil tulad ng isang anak na naglilingkod sa kaniyang ama, kaya naglingkod din siya kasama ko sa ebanghelyo.
- Si Epafrodito, kapatid, kapwa manggagawa at kapwa kawal ni PabloFil 2:25
Ang mga talata
Fil 2:25Ngunit sa tingin ko ay kinakailangang ipadala muli si Epafrodito pabalik sa inyo. Kapatid ko siya, kapwa manggagawa, at kapwa kawal, at inyong mensahero at lingkod para sa aking mga pangangailangan.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0