Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Sakit at mga manggagamot

Pang-araw-araw na buhay

Sakit at mga manggagamot sa Bibliya

41 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Mga manggagamot

  • Inembalsamo ng mga manggagamot ni Jose si JacobGen 50:2
    Ang mga talata
    Gen 50:2Inutusan ni Jose ang kanyang mga lingkod na manggagamot na embalsamuhin ang kanyang ama. Kaya inembalsamo ng mga manggagamot si Israel.
  • Si Asa, na may sakit sa paa, ay humingi ng tulong sa mga manggagamot2 Cro 16:12, 1 Hari 15:23
    Ang mga talata
    2 Cro 16:12Sa ikatatlumpu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkaroon ng sakit sa paa; napakalubha ng kaniyang sakit. Gayunpaman, hindi siya humingi ng tulong kay Yahweh, kundi sa mga manggagamot lamang.
    1 Hari 15:23At sa iba pang mga bagay tungkol kay Asa, ang kaniyang kadakilaan, ang lahat ng kaniyang ginawa, ang lahat ng mga lungsod na kaniyang itinayo, hindi ba naisulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda? Pero nang siya ay tumanda na, nagkaroon siya ng sakit sa paa.
  • Inubos ng babaeng labindalawang taon nang dinudugo ang lahat ng kaniya sa mga manggagamotMar 5:25–26, Luc 8:43
    Ang mga talata
    Mar 5:25–26Ngayon, mayroong isang babae na walang tigil na dinudugo sa loob ng labing dalawang taon. Dumanas siya ng maraming hirap sa ilalim ng mga manggagamot at naubos na niya ang lahat ng mayroon siya. Ngunit walang nakatulong sa kaniya, sa halip ay lalo pang lumala.
    Luc 8:43Isang babae ang naroroon na labindalawang taon nang dinudugo at ginugol ang lahat ng kaniyang pera sa mga manggagamot, ngunit hindi siya mapagaling ng kahit sinuman sa kanila.
  • “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang maysakit”Mat 9:12
    Ang mga talata
    Mat 9:12Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya,” Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga taong may malalakas na pangangatawan, iyon lamang may mga sakit.
  • Isang kasabihan: “Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili!”Luc 4:23
    Ang mga talata
    Luc 4:23Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tinitiyak kong sasabihin ninyo ang kawikaang ito sa akin, 'Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili. Anuman ang aming narinig na ginawa mo sa Capernaum, gawin mo din dito sa iyong bayang kinalakihan.”'
  • Si Lucas, “ang minamahal na manggagamot”Col 4:14
    Ang mga talata
    Col 4:14Bumabati sa inyo si Demas at si Lucas na minamahal na manggagamot.
  • “Wala bang lunas sa Galaad? Wala bang manggagamot doon?”Jer 8:22
    Ang mga talata
    Jer 8:22Wala bang lunas sa Galaad? Wala bang manggagamot doon? Bakit hindi gumagaling ang anak ng aking mga tao?

Mga lunas

  • Tapal ng dinikdik na igos para sa pigsa ni Hezekias2 Hari 20:7, Isa 38:21
    Ang mga talata
    2 Hari 20:7Kaya sinabi ni Isaias, “Kumuha kayo ng tumpok ng mga igos.” Ginawa nila ito at pinatong sa kaniyang pigsa, at gumaling siya.
    Isa 38:21Ngayon sinabi ni Isaias, “Hayaan silang pumitas ng isang bungkos na igos at itapal sa iyong pigsa, at ikaw ay gagaling.
  • Tinalian ng Samaritano ang mga sugat, binuhusan ng langis at alakLuc 10:34
    Ang mga talata
    Luc 10:34Lumapit siya sa kaniya at binendahan ang kaniyang mga sugat, nilagyan ng langis at alak ang mga ito. Sinakay siya sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-panuluyan, at inalagaan siya.
  • Kaunting alak para sa sikmura at madalas na karamdaman1 Tim 5:23
    Ang mga talata
    1 Tim 5:23Huwag lamang tubig ang iyong inumin. Sa halip uminom ka ng konting alak para sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.
  • Pinahiran ng langis ang mga maysakitMar 6:13, Sant 5:14
    Ang mga talata
    Mar 6:13Pinalayas nila ang maraming demonyo at pinahiran nila ng langis ang mga taong may sakit at pinagaling sila.
    Sant 5:14Mayroon bang masaya sa inyo? Hayaan siyang umawit ng papuri. Mayroon bang may sakit sa inyo? Hayaan siyang tawagin ang mga nakatatanda ng iglesya at hayaan siyang ipanalangin ng mga nakatatanda, at pahiran siya ng langis sa pangalan ng Panginoon,
  • Mabuting gamot ang masayang pusoKaw 17:22
    Ang mga talata
    Kaw 17:22Ang isang masayahing puso ay mainam na gamot, pero ang mabigat na kalooban ay nakakatuyo ng mga buto.

Mga halimbawa

  • Nagkasakit si Jacob; dinala ni Jose ang kaniyang dalawang anakGen 48:1
    Ang mga talata
    Gen 48:1At nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, may nagsabi kay Jose, “Tingnan mo, maysakit ang iyong ama.” Kaya kinuha niya ang kanyang dalawang anak na lalaki, sina Manasses at Efraim.
  • Iniwan ng kaniyang amo ang isang aliping taga-Ehipto nang magkasakit ito1 Sam 30:13
    Ang mga talata
    1 Sam 30:13Sinabi ni David sa kanya, “Kanino ka nabibilang? Saan ka nagmula?” Sinabi niya, isa akong binata ng Ehipto, lingkod ng isang Amalekita; iniwan ako ng aking amo, dahil tatlong araw na ang nakakaraan nagkasakit ako.
  • Nagkasakit ang anak ni Jeroboam; nagbalatkayo ang kaniyang ina at pumunta sa propeta1 Hari 14:1–3
    Ang mga talata
    1 Hari 14:1–3Nang panahon na iyon ang anak ni Jeroboam na si Abias ay nagkasakit. Sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, “Pakiusap bumangon ka at magkunwari, para hindi ka makilala bilang asawa ko, at pumunta ka sa Silo, dahil ang propetang si Ahias ay naroroon; siya ang nagsalita tungkol sa akin, na sinasabing ako ay magiging hari sa bayang ito. Magdala ka ng sampung tinapay, ilang mga keyk, at isang garapong pulot, at pumunta ka kay Ahias. Sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.”
  • Nagkasakit ang anak ng balo sa Zarepat1 Hari 17:17
    Ang mga talata
    1 Hari 17:17Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, nagkasakit ang lalaking anak ng babae, ang babaeng may-ari ng bahay. Napakalubha ng kaniyang karamdaman na kaniyang ikinamatay.
  • Ang batang lalaki ng Sunamita sa bukid: “Ang ulo ko! Ang ulo ko!”2 Hari 4:18–20
    Ang mga talata
    2 Hari 4:18–20Nang lumaki na ang bata, pumunta siya sa kaniyang ama, na kasama ng mga taga-ani. Sinabi niya sa kaniyang ama, “Ang ulo ko, ang ulo ko.” Sabi ng kaniyang ama sa kaniyang alipin, “Buhatin mo siya sa kaniyang ina.” Nang binuhat siya at dinala ang bata sa kaniyang ina, umupo ang bata sa tuhod ng kaniyang ina hanggang tanghali at pagkatapos ay namatay.
  • Nasaktan si Ahazias nang mahulog sa rehas2 Hari 1:2
    Ang mga talata
    2 Hari 1:2Pagkatapos, nahulog si Ahazias sa balkonahe sa taas ng kaniyang tulugan sa Samaria, at nagkaroon ng malubhang karamdaman. Kaya nagpadala siya ng mga mensahero at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo at tanungin si Baal-zebub, ang diyos ng Ekron, kung gagaling pa ako sa karamdamang ito.”
  • Ipinatanong ni Ben-hadad na hari ng Aram kay Eliseo kung gagaling siya2 Hari 8:7–8
    Ang mga talata
    2 Hari 8:7–8Nagpunta si Eliseo sa Damasco kung saan si Ben-Hadad ang hari ng Aram ay may sakit. Sinabi sa hari, “Ang lingkod ng Diyos ay naparito.” Sinabi ng hari kay Hazael, “Magdala ka ng isang regalo at salubungin ang lingkod ng Diyos, at sumangguni kay Yahweh sa pamamagitan niya, sinasabing, 'Gagaling ba ako mula sa sakit na ito?”
  • Nagkasakit si Eliseo ng sakit na ikinamatay niya2 Hari 13:14
    Ang mga talata
    2 Hari 13:14Ngayon, si Eliseo ay nagkasakit na kaniyang ikinamatay kalaunan, kaya si Joas ay bumaba at nanangis sa kaniya. Sinabi niya, “Ama ko, ama ko, ang mga karwahe ng Israel at mga mangangabayo ay kinukuha ka palayo!”
  • Malubhang nagkasakit si Hezekias, saka gumalingIsa 38:1, 2 Hari 20:7
    Ang mga talata
    Isa 38:1Nang mga araw na iyon, malubhang nagkasakit si Hezekias. Kaya dinalaw siya ni Isaias anak ni Amos, ang propeta, at sinabi sa kaniya, “pinasasabi ni Yahweh, 'Ilagay mo sa ayos ang iyong sambahayan; dahil mamamtay ka na at hindi na mabubuhay.'”
    2 Hari 20:7Kaya sinabi ni Isaias, “Kumuha kayo ng tumpok ng mga igos.” Ginawa nila ito at pinatong sa kaniyang pigsa, at gumaling siya.
  • Si Job, puno ng pigsa, ay kinayod ang sarili ng basag na palayokJob 2:7–8
    Ang mga talata
    Job 2:7–8Kaya umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh at nilagyan ng mga malubhang pigsa si Job mula sa kaniyang talampakan hanggang sa bumbunan. Pumulot si Job ng isang piraso ng basag na palayok para kayurin ang sarili gamit nito, saka siya umupo sa ibabaw ng mga abo.
  • Ilang araw na nagkasakit si Daniel pagkatapos ng isang pangitainDan 8:27
    Ang mga talata
    Dan 8:27At akong si Daniel ay napagod at nanghina sa loob ng ilang araw. Pagkatapos, bumangon ako at pumunta sa gawain ng hari. Ngunit kinilabutan ako dahil sa pangitain at walang sinumang nakaunawa nito.
  • Nakaratay ang biyenan ni Pedro na may mataas na lagnatMat 8:14, Luc 4:38
    Ang mga talata
    Mat 8:14Pagkarating ni Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat.
    Luc 4:38Pagkatapos, umalis si Jesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Ngayon, ang biyenan ni Simon ay nahihirapan dahil sa mataas na lagnat, at sila ay nakiusap para sa kaniya.
  • Nakaratay na maysakit sa Capernaum ang anak ng isang opisyal ng hariJuan 4:46–47
    Ang mga talata
    Juan 4:46–47Ngayon dumating muli siya sa Cana na nasa Galilea, sa lugar na ginawa niyang alak ang tubig. Mayroong isang maharlikang pinuno na ang anak na lalaking nasa Capernaum ay may sakit. Nang marinig niya na si Jesus ay dumating sa Galilea mula Judea, pumunta siya kay Jesus at nagsumamo siya upang lumusong at pagalingin ang kaniyang anak, na nasa bingit ng kamatayan.
  • Isang batang inaatake ng sumpong na madalas mahulog sa apoy o tubigMat 17:15
    Ang mga talata
    Mat 17:15“Panginoon, mahabag kayo sa aking anak na lalaki, sapagkat siya ay may epilepsiya at lubhang nahihirapan. Sapagkat madalas siyang nahuhulog sa apoy o sa tubig.
  • Maraming maysakit sa palanguyan ng Bethzata; isang lalaki ay tatlumpu’t walong taon naJuan 5:2–3, Juan 5:5
    Ang mga talata
    Juan 5:2–3Ngayon, mayroon sa Jerusalem, sa may tarangkahan ng tupa, isang palanguyan na tinatawag sa Hebreo na Bethzata. Ito ay mayroong limang mga portico na may bubungan. Maraming bilang ng mga tao na may sakit, bulag, pilay, o lumpo ang mga nakahiga sa mga portico na ito.
    Juan 5:5Nandoon ang isang lalaki na tatlumpu't walong taon ng lumpo.
  • Isang lalaking pilay mula pagsilang ang araw-araw na dinadala sa tarangkahan ng temploGawa 3:2
    Ang mga talata
    Gawa 3:2May isang lalaking pilay mula pa nang isinilang ang dinadala doon araw-araw at ipinapahiga sa harapan ng templo na tinawag na Pintuang Maganda, upang mamalimos sa mga taong pumupunta sa templo.
  • Maysakit si Lazaro na taga-Bethania; nagpasabi kay Jesus ang kaniyang mga kapatid na babaeJuan 11:1–3
    Ang mga talata
    Juan 11:1–3Ngayon, may isang lalaki na nagngangalang Lazaro na may karamdaman. Siya ay mula sa Bethania na ang nayon ni Maria at ng kaniyang babaeng kapatid na si Martha. Siya rin ang Maria na magpapahid ng mira sa Panginoon at magpupunas gamit ang kaniyang buhok sa mga paa ng Panginoo, siya ang kapatid ni Lazaro na siyang may karamdaman. At nagpasabi ng mensahe ang magkapatid na babae kay Jesus at sinabi, “Panginoon, tingnan mo, ang iyong minamahal ay may karamdaman.”
  • Nagkasakit si Dorcas at namatayGawa 9:37
    Ang mga talata
    Gawa 9:37At nangyari nga sa mga araw na iyon na siya ay nagkasakit at namatay; nang siya ay kanilang hugasan, pinahiga siya sa kuwarto sa itaas.
  • May lagnat at disenterya ang ama ni PublioGawa 28:8
    Ang mga talata
    Gawa 28:8Nangyaring ang ama ni Publio ay nagka-lagnat at nagkaroon ng disenterya. Nang si Pablo ay lumapit sa kaniya, nanalangin siya, ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya, at pinagaling siya.
  • Nagkasakit si Epafrodito, halos ikamatay niyaFil 2:25–27
    Ang mga talata
    Fil 2:25–27Ngunit sa tingin ko ay kinakailangang ipadala muli si Epafrodito pabalik sa inyo. Kapatid ko siya, kapwa manggagawa, at kapwa kawal, at inyong mensahero at lingkod para sa aking mga pangangailangan. Sapagkat labis siyang nabalisa, at ninais niyang makasama kayong lahat, dahil nalaman ninyo na siya ay may sakit. Sa katunayan, malubha ang kaniyang karamdaman na halos ikamatay niya. Ngunit naawa ang Diyos sa kaniya, at hindi lamang sa kaniya, ngunit pati na rin sa akin, nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang aking kalungkutan ng isa pang kalungkutan.
  • Unang nangaral si Pablo sa Galacia dahil sa isang karamdamanGal 4:13–14
    Ang mga talata
    Gal 4:13–14Ngunit alam ninyo na dahil sa sakit na pisikal kaya ko ipinahayag ang ebanghelyo sa inyo sa unang pagkakataon. Kahit na inilagay kayo ng aking pisikal na kalagayan sa pagsubok, hindi ninyo ako hinamak o tinanggihan. Sa halip tinanggap ninyo ako tulad ng anghel ng Diyos, na para bang ako mismo si Cristo Jesus.
  • Iniwan ni Pablo si Tropimo na maysakit sa Mileto2 Tim 4:20
    Ang mga talata
    2 Tim 4:20Nanatili si Erasto sa Corinto ngunit iniwan ko si Tropimo na may sakit sa Mileto.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0