Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Pagkain

Pang-araw-araw na buhay

Pagkain sa Bibliya

38 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Ano ang kinakain ng mga tao

  • Gatas ng kambing para sa sambahayanKaw 27:27
    Ang mga talata
    Kaw 27:27Magkakaroon ng gatas ng kambing para sa iyong pagkain—ang pagkain para sa iyong sambahayan—at pagkain para sa iyong mga aliping babae.
  • Keso, gatas, taba ng mga kordero at piling trigoDeut 32:14
    Ang mga talata
    Deut 32:14Kumain kayo ng mantikilya na mula sa grupo ng mga hayop at uminom ng gatas na mula sa kawan, kasama ng taba ng mga tupa, mga lalaking tupa ng Bashan, at mga kambing, kasama ng pinakamainam ng trigo— at ininum ninyo ang bumubulang alak na gawa mula sa katas ng mga ubas.
  • Sampung piraso ng keso para sa pinuno ng hukbo1 Sam 17:17–18
    Ang mga talata
    1 Sam 17:17–18Pagkatapos sinabi ni Jesse sa kanyang anak na si David, “Dalahan mo ang iyong mga kapatid ng epa ng butil na sinangag at itong sampung tinapay at dalhin agad ang mga ito sa kampo para sa iyong mga kapatid mo. Dalahin mo din ang sampung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo. Tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid na lalaki at magdala ka pabalik ng ilang patunay na mabuti ang kanilang kalagayan.
  • Trigo, sebada, bitsuwelas, lentehas, pulot at keso para sa mga tauhan ni David2 Sam 17:28–29
    Ang mga talata
    2 Sam 17:28–29nagdala ng mga tulugang banig at mga kumot, mga mangkok at mga banga, mga trigo at harinang sebada, sinangag na butil, mga patani, mga lentil, pulot, mantikilya, tupa at keso. Kaya maaaring kumain si David at ang mga taong kasama niya. Sinabi ng mga lalaking ito, “Gutom ang mga tao, pagod at uhaw sa ilang.”
  • Naghain si Abraham ng tinapay, malambot na guya, keso at gatasGen 18:5–8
    Ang mga talata
    Gen 18:5–8Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod.” Sinabi nila, “Gawin mo ang sinabi mo.” Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, “Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.” Pagkatapos tumakbo si Abraham sa kawan, kumuha siya ng guyang mainam at maayos at ibinigay ito sa lingkod, at nagmadali siyang ihanda ito. Kumuha siya ng mantikilya at gatas, at ang guya na naihanda at nilagay ang pagkain sa harap nila. At tumayo siya sa ilalim ng puno habang sila ay kumakain.
  • Isinawsaw ni Ruth ang tinapay sa suka at kumain ng sinangag na butilRut 2:14
    Ang mga talata
    Rut 2:14Nang oras na ng kainan sinabi ni Boaz kay Ruth, “Pumarito ka, at kumain ng kaunting tinapay, at isawsaw mo ang iyong pagkain sa sukang alak.” Umupo siya sa gilid ng mga mang-aani, at inalok niya siya ng kaunting inihaw na butil. Kumain siya hanggang sa mabusog siya at iniwan ang natira nito.
  • Tinapay, tinapay na datiles at tinapay na pasas para sa lahat2 Sam 6:19
    Ang mga talata
    2 Sam 6:19Pagkatapos namahagi siya sa mga tao, sa kabuuang dami ng Israel, sa mga lalaki at mga babae, ng isang buong tinapay, isang piraso ng karne, at isang mamong pasas. Pagkatapos umalis ang lahat ng mga tao; at bumalik ang bawat isa sa kanilang sariling bahay.
  • Nagdala si Abigail ng mga tinapay, alak, tupa, pasas at tinapay na igos1 Sam 25:18
    Ang mga talata
    1 Sam 25:18Pagkatapos nagmadali si Abigail at kumuha ng dalawang daang tinapay, dalawang boteng alak, limang tupang nakahanda na, limang sukob ng sinangag na butil, isang daang tungkos ng pasas, at dalawang daang mamon ng igos at ikinarga ang mga ito sa mga asno.
  • Dinalhan ni Ziba si David ng tinapay, pasas at prutas ng tag-araw2 Sam 16:1–2
    Ang mga talata
    2 Sam 16:1–2Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak. Sinabi ng hari kay Ziba, “Bakit mo dinala ang mga bagay na ito?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno ay para sa sambahayan ng hari para sakyan at ang mga tinapay at mga mamon na igos ay para sa iyong mga tauhan para kainin at ang alak ay para sa sinumang mahihilo sa ilang para inumin.”
  • Nanumbalik ang lakas ng isang gutom na taga-Ehipto sa tinapay na igos at pasas1 Sam 30:11–12
    Ang mga talata
    1 Sam 30:11–12Natagpuan nila sa bukid ang isang taga-Ehipto at dinala kay David; binigyan nila ng tinapay, at kinain niya ito; binigyan nila ng tubig na maiinom; at binigyan nila ng isang pirasong mamon na gawa sa igos at dalawang kumpol ng pasas. Nang nakakain na siya, bumalik na muli ang kanyang lakas, sapagkat hindi siya kumain ng tinapay ni uminom ng tubig sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
  • Isda, pipino, melon, kutsay, sibuyas at bawang sa EhiptoBil 11:5
    Ang mga talata
    Bil 11:5Naaalala namin ang isda na kinain namin nang libre sa Ehipto, ang mga pipino, mga pakwan, mga dahon ng sibuyas o lasuna, ang mga sibuyas, at bawang.
  • Tinapay at nilagang lentehasGen 25:34
    Ang mga talata
    Gen 25:34Binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilagang mga lentil. Siya ay kumain at uminom, pagkatapos ay tumayo at nagpatuloy sa kanyang lakad. Sa ganitong paraan kinamuhian ni Esau ang kanyang karapatan ng unang isinilang.
  • Lasang manipis na tinapay na may pulot ang manaExo 16:31
    Ang mga talata
    Exo 16:31Tinawag ng mga tao ng Israel ang pagkaing iyon na “manna.” Ito ay maputi tulad ng buto ng kulantro at ang lasa ay parang apa na ginawang may pulot.
  • Sinangag na butil ng lupain; saka tumigil ang manaJos 5:11–12
    Ang mga talata
    Jos 5:11–12At kinabukasan ng Paskua, sa araw mismong iyon, kinain nila ang ilan sa bunga ng lupain, tinapay na walang lebadura, at inihaw na butil. Tumigil ang manna sa araw matapos nilang kainin ang bunga ng lupain. Wala ng manna para sa bayan ng Israel, pero kinain nila ang bunga ng lupain ng Canaan sa taong iyon.
  • Tinapay mula sa trigo, sebada, bitsuwelas, lentehas, dawa at espeltaEzek 4:9
    Ang mga talata
    Ezek 4:9Magdala ka ng trigo, sebada, bitsuwelas, lentil, dawa at espelta; ilagay mo sila sa isang sisidlan at gumawa ka ng tinapay para sa iyong sarili ayon sa bilang ng mga araw na nakahiga kang patagilid. Kakainin mo ito nang 390 na araw!
  • Gulay at tubig lamang ang hiniling ni DanielDan 1:12
    Ang mga talata
    Dan 1:12Sinabi niya, “Nakikiusap ako na subukin mo kami, ang iyong mga lingkod, sa sampung araw. Bigyan mo lamang kami ng ilang mga gulay na makakain at tubig upang inumin.
  • Dinalhan ng mga uwak si Elias ng tinapay at karne tuwing umaga at gabi1 Hari 17:6
    Ang mga talata
    1 Hari 17:6Dinalhan siya ng mga uwak ng tinapay at karne sa umaga at sa gabi, at uminom siya mula sa batis.
  • Kumain si Juan na Tagapagbautismo ng balang at pulot-pukyutang ligawMat 3:4
    Ang mga talata
    Mat 3:4Ngayon, nagsusuot si Juan ng damit na gawa sa buhok ng kamelyo at sinturong balat sa kaniyang baywang. Ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan.
  • Mas mabuti ang isang pinggang gulay na may pag-ibig kaysa sa pinatabang bakaKaw 15:17
    Ang mga talata
    Kaw 15:17Mas mabuti ang pagkain na may mga gulay na may mayroong pag-ibig kaysa sa isang pinatabang guya na hinain na may galit.
  • Humingi ang anak ng tinapay o ng isdaMat 7:9–10
    Ang mga talata
    Mat 7:9–10O anong tao sa inyo na kapag humingi ng tinapay ang kaniyang anak ay bibigyan niya ng bato? O kapag humihingi siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
  • Isda at tinapay sa baga ng uling sa tabi ng lawaJuan 21:9
    Ang mga talata
    Juan 21:9Nang makaahon sila sa lupa, may nakita sila nagbabagang uling at may isdang nakalagay sa ibabaw nito, at may tinapay.
  • Kumain ang muling nabuhay na si Jesus ng isang piraso ng inihaw na isdaLuc 24:42
    Ang mga talata
    Luc 24:42Siya ay binigyan nila ng inihaw na isda.

Sa hapag

  • Gumawa si Rebeca ng masarap na putahe mula sa dalawang batang kambingGen 27:9
    Ang mga talata
    Gen 27:9Pumunta ka sa kawan at dalhan mo ako ng dalawang batang kambing; at magluluto ako ng masarap na pagkain para sa ama mo, na katulad ng gusto niya.
  • Nagtatrabaho ang mga babae bilang tagapagluto at panadera1 Sam 8:13, Kaw 31:15
    Ang mga talata
    1 Sam 8:13Kukunin din niya ang inyong mga anak na babae para maging mga tagagawa ng pabango, tagapagluto at babaeng magtitinapay.
    Kaw 31:15Bumabangon siya habang gabi pa at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sambahayan, at ipinamamahagi niya ang mga gawain sa kaniyang mga aliping babae.
  • Hindi kumakain ang mga taga-Ehipto kasama ng mga HebreoGen 43:32
    Ang mga talata
    Gen 43:32Pinagsilbihan ng mga lingkod si Jose na siya lang at ang kanyang mga kapatid na lalaki na sila lang. Ang mga taga-Ehipto ay kumain doon kasama niya ng sila-sila lang dahil ang taga-Ehipto ay hindi kumakain ng tinapay kasama ng mga Hebreo, dahil ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga taga-Ehipto.
  • Nagpapasalamat bago pagputul-putulin ang tinapayMar 8:6, Luc 24:30, Gawa 27:35
    Ang mga talata
    Mar 8:6Inutusan niyang umupo sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay, nagpasalamat at hinati-hati ang mga ito. Ibinigay niya ang mga ito sa kaniyang mga alagad upang ipamigay nila, at ipinamigay nila ang mga ito sa mga tao.
    Luc 24:30At nangyari, nang siya ay umupong kasalo nila upang kumain, kinuha niya ang tinapay, at pinagpasalamatan ito, at pinagpira-piraso ito, at ibinigay niya ito sa kanila.
    Gawa 27:35Nang sinabi niya ito, kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa paningin ng bawat isa. Pagkatapos pinutol niya ang tinapay at nagsimulang kumain.
  • Isang himnong inawit pagkatapos ng Huling HapunanMat 26:30
    Ang mga talata
    Mat 26:30At pagka-awit nila ng isang himno, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.

Bawal kainin

  • Mga hayop sa lupa: tanging may hati ang kuko at ngumunguya ng dating kinainLev 11:3–4
    Ang mga talata
    Lev 11:3–4Maaari ninyong kainin ang alinmang hayop na hati ang kuko at gayundin ang ngumunguya ng pagkain. Gayunman, ang ilang mga hayop maging ang ngumunguya ng pagkain o may hati ang kuko, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, mga hayop tulad ng kamelyo, dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko. Kaya marumi ang kamelyo para sa inyo.
  • Mga nilalang sa tubig: tanging may palikpik at kaliskisLev 11:9–10
    Ang mga talata
    Lev 11:9–10Ang mga hayop na nabubuhay sa tubig na maaari ninyong kainin ay iyong may mga palikpik at may mga kaliskis, maging nasa karagatan man o nasa mga ilog. Ngunit lahat ng mga nabubuhay na nilikha na walang mga palikpik at kaliskis na nasa karagatan o mga ilog, kasama ang lahat ng mga gumagalaw na nasa tubig at lahat ng mga nabubuhay na nilikha na nasa tubig—maging kasuklam-suklam ang mga ito para sa inyo.
  • Hindi dapat kainin ang mga agila, buwitre at iba pang nakalistang ibonLev 11:13
    Ang mga talata
    Lev 11:13Ito ang mga ibong dapat ninyong kasuklaman at hindi dapat kainin: ang agila, ang buwitre.
  • Maaaring kainin ang mga balang, kuliglig at tipaklongLev 11:21–22
    Ang mga talata
    Lev 11:21–22Gayunman maaari ninyong kainin alinman sa lumilipad na mga kulisap na lumalakad din gamit ang paa, kung may mga binti sila sa itaas ang kanilang mga paa, na ginagamit upang tumalon sa lupa. At maaari rin ninyong kainin ang anumang uri ng balang, lukton, kuliglig o tipaklong.
  • Pinatutulo ang dugo at tinatabunan ng lupaLev 17:13–14
    Ang mga talata
    Lev 17:13–14At sinumang mamamayan ng Israel, o sinumang mga dayuhang naninirahan sa kanila, na nangaso at pumatay ng isang hayop o ibon na maaaring kainin, dapat patuluin ng taong iyon ang dugo nito at takpan ng lupa. Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay ang dugo nito. Kaya sinabi ko sa bayan ng Israel, “Hindi ninyo dapat kainin ang dugo ng anumang nilalang, sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay ang dugo nito. Dapat na itiwalag ang sinumang kumain nito.”
  • Walang karne ng hayop na nilapa sa parangExo 22:31
    Ang mga talata
    Exo 22:31Kayo ay magiging bayan na ibubukod para sa akin. Kaya huwag dapat kayong kumain ng anumang karne na ginutay-gutay ng mga hayop sa bukid. Sa halip, dapat ninyong itapon ito sa mga aso.
  • Huwag lutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang inaExo 23:19, Deut 14:21
    Ang mga talata
    Exo 23:19Dapat ninyong dalhin ang unang mga prutas na piling-pili galing sa inyong lupain sa aking bahay, ang templo ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag mong ilalaga ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
    Deut 14:21Hindi ninyo dapat kainin ang anumang hayop na kusang namatay; maaari ninyo itong ibigay sa dayuhan na nasa inyong mga tarangkahan, na maaari niyang kainin ito; o maaari ninyo itong ipagbili sa isang dayuhan. Sapagka't kayo ay isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag ninyong pakuluan ang isang batang kambing sa gatas ng ina nito.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0