Tuklasin › Mga paksa › Mga anak
Pang-araw-araw na buhay
Mga anak sa Bibliya
57 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa pagsilang
- Hinuhugasan ang mga sanggol, kinukuskos ng asin at binabalot ng telaEzek 16:4
Ang mga talata
Ezek 16:4Sa araw ng iyong kapanganakan, hindi pinutol ng iyong ina ang iyong pusod, ni hindi ka niya nilinisan sa tubig o kinuskos ng asin o binalot ng tela.
- Binalot si Jesus ng lampin at inihiga sa sabsabanLuc 2:7, Luc 2:12
Ang mga talata
Luc 2:7Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, ang kaniyang panganay na anak, at maayos niya itong binalot ng pirasong tela. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa sabsaban dahil wala nang bakanteng silid para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Luc 2:12Ito ang palatandaan na maibibigay sa inyo, matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng pirasong tela na nakahiga sa isang sabsaban.”
- Tinalian ng komadrona ng pulang sinulid ang pulso ng isang kambalGen 38:27–30
Ang mga talata
Gen 38:27–30Nang siya ay manganganak na, masdan, kambal ang nasa kanyang sinapupunan. Nang nanganganak na siya, may isang naglabas ng kamay, at kinuha ng komadrona ang isang pulang sinulid at itinali ito sa kanyang kamay at sinabi, “Ito ang unang lumabas.” nang inurong niya ang kanyang kamay, at masdan, ang kapatid niyang lalaki ay unang lumabas. Ang komandrona ay nagsabi, “Paano ka nakalabas!” At pinangalanan siyang Perez. Pagkatapos ang kapatid niya ay lumabas, na mayroong pulang sinulid sa kanyang kamay, at Zera ang ipinangalan sa kanya.
- Ipinanganak si Esau na mapula at mabalahibo, si Jacob na nakahawak sa kaniyang sakongGen 25:24–26
Ang mga talata
Gen 25:24–26Nang oras na para siya ay manganak, masdan mo, mayroong kambal sa kanyang sinapupunan. At ang unang lumabas ay nababalutan ng pula gaya ng mabalahibong damit. Tinawag nila siya sa kanyang pangalan na Esau. Pagkatapos noon, ang kanyang kapatid ay lumabas. Ang kanyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau. Siya ay tinawag na Jacob. Si Isaac ay animnapung taong gulang nang ang kanyang asawa ay nagsilang sa kanila.
- Tinutuli ang mga batang lalaki sa ikawalong arawGen 17:12, Lev 12:3, Luc 2:21
Ang mga talata
Gen 17:12Bawat lalaki sa inyo ay dapat na matuli pagsapit ng ikawalong araw na gulang, maging sa mga susunod ninyong salinlahi. Kasama rito ang mga ipinanganak sa iyong sambahayan, pati na ang nabili ng salapi mula sa mga dayuhan na hindi kasama sa iyong mga kaapu-apuhan.
Lev 12:3Sa ikawalong araw dapat tuliin ang laman na natatakpan ng balat ng isang sanggol na lalaki.
Luc 2:21Noong ikawalong araw at siyang panahon para tuliin ang sanggol, pinangalanan nila siyang Jesus, ang pangalan na ibinigay ng anghel bago pa siya ipinagbuntis.
- Mga magulang na nanalangin para magkaanak: Isaac, Ana, ZacariasGen 25:21, 1 Sam 1:11, 1 Sam 1:20, Luc 1:13
Ang mga talata
Gen 25:21Nagdasal si Isaac kay Yahweh para sa kanyang asawa dahil wala itong anak, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dasal, at si Rebeca na kanyang asawa ay nabuntis.
1 Sam 1:11Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, “Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo.”
1 Sam 1:20Nang dumating ang panahon, nabuntis si Ana at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag niya ang kanyang pangalan na Samuel, sinasabing, “Dahil hiningi ko siya mula kay Yahweh.”
Luc 1:13Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya “Huwag kang matakot Zacarias, sapagkat ang iyong panalangin ay pinakinggan. Ipagbubuntis ng asawa mong si Elisabet ang iyong anak na lalaki. Juan ang ipapangalan mo sa kaniya.
Pagpapangalan
- Binigyan nina Lea at Raquel ang bawat anak na lalaki ng pangalang may dahilanGen 29:32–35, Gen 30:6–13, Gen 30:22–24
Ang mga talata
Gen 29:32–35Si Lea ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang batang lalaki, at pinangalanan niyang Ruben. Sinabi niya, “Dahil nakita ni Yahweh ang aking paghihirap; tiyak ngayon na mamahalin na ako ng aking asawa. Pagkatapos muli siyang nagdalang-tao at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Dahil narinig ni Yahweh na hindi ako minahal, kaya binigyan din niya ako ng anak na lalaki,” at pinangalanan niya itong Simeon. Pagkatapos nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Ngayon, sa pagkakataong ito, ang aking asawa ay magiging malapit na sa akin dahil nakapagsilang ako para sa kanya ng tatlong lalaki.” Kaya nga ang kanyang pangalan ay tinawag na Levi. Nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Sa pagkakataong ito pupurihin ko si Yahweh.” Kaya nga pinangalanan niya itong Juda; Pagkatapos huminto na siya sa pagkakaroon ng anak.
Gen 30:6–13Sinabi ni Raquel, “Narinig ako ng Diyos. Tiyak na narinig niya ang aking tinig at binigyan ako ng isang anak. Kaya nga, pinangalanan niya itong Dan. Si Bilha, ang lingkod ni Raquel, ay nagdalang-tao muli at nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak. Sinabi ni Raquel, “Sa matinding pakikipagbuno, nakipagbuno ako sa aking kapatid at ako ay nanaig.” Siya ay pinangalanan niyang Nephtali. Nang nakita ni Lea na natigil na siya sa pagkakaroon ng anak, kinuha niya si Zilpa, ang kanyang lingkod, at ibinigay kay Jacob bilang asawa. Si Zilpa, na lingkod ni Lea, ay nagsilang ng lalaki kay Jacob. Sinabi ni Lea, “Ito ay napakapalad!” Kaya siya ay pinangalanan niyang Gad. Pagkatapos si Zilpa, lingkod ni Lea, ay nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak. Sinabi ni Lea, “Masaya ako! Dahil ang mga anak na babae ay tatawagin akong masaya.” Kaya siya ay pinangalanan niyang Asher.
Gen 30:22–24Naalala ng Diyos si Raquel at dininig siya. Dinulot niya na siya ay mabuntis. Nagdalang-tao siya at nagsilang ng isang anak na lalaki. Sinabi niya, “Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan.” Siya ay pinangalanan niyang Jose, na nagsasabing, “Si Yahweh ay nagdagdag sa akin ng lalaking anak.”
- Pinangalanan ng naghihingalong si Raquel ang kaniyang anak na Benoni; tinawag siya ni Jacob na BenjaminGen 35:18
Ang mga talata
Gen 35:18Habang naghihingalo siya, kasabay ng kanyang huling hininga pinangalanan niya siyang Benoni, ngunit ang kaniyang ama ay tinawag siyang Benjamin.
- Pinangalanan ni Ana si Samuel: “Hiningi ko siya kay Yahweh”1 Sam 1:20
Ang mga talata
1 Sam 1:20Nang dumating ang panahon, nabuntis si Ana at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag niya ang kanyang pangalan na Samuel, sinasabing, “Dahil hiningi ko siya mula kay Yahweh.”
- Icabod: “Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel”1 Sam 4:21
Ang mga talata
1 Sam 4:21Pinangalanan niya ang bata ng Icabod, na nagsasabing, “Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel!” dahil nakuha ang kaban ng Diyos, at dahil sa kanyang biyenan at kanyang asawa.
- Pinangalanan ng anak na babae ng Paraon si Moises: “Inahon ko siya mula sa tubig”Exo 2:10
Ang mga talata
Exo 2:10Nang lumaki na ang sanggol, siya ay dinala niya sa anak na babae ni Paraon, at siya ay naging lalaking anak niya. Pinangalanan niya siyang Moises at sinabing, “Dahil inahon kita mula sa tubig”
- Gusto ng mga kamag-anak na ipangalan ang sanggol sa kaniyang ama; Juan, sabi ni ElisabetLuc 1:59–63
Ang mga talata
Luc 1:59–63Ngayon ay nangyari sa ikawalong araw na tuliin nila ang sanggol. Tatawagin sana nila siyang “Zacarias” mula sa pangalan ng kaniyang ama, ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi, “Hindi; siya ay tatawaging Juan.” Sinabi nila sa kaniya, “Wala pa ni isa sa iyong angkan ang tinawag sa ganyang pangalan.” Sumenyas sila sa kaniyang ama kung ano ang gusto niyang ipangalan sa kaniya. Humingi ang kaniyang ama ng isang sulatan at nagsulat siya, “Ang kaniyang pangalan ay Juan.” Silang lahat ay namangha dito.
- Pinangalanan ng mga babaeng kapitbahay na Obed ang apo ni NaomiRut 4:17
Ang mga talata
Rut 4:17At ang mga babae, kaniyang mga kapitbahay, binigyan siya ng pangalan, sinasabing, “Isang bata ang ipinanganak kay Naomi.” Pinangalanan nila siyang Obed. Naging ama siya ni Jesse, na naging ama ni David.
Pagpapasuso at pag-awat
- Nagdaos si Abraham ng malaking piging sa araw na inawat si IsaacGen 21:8
Ang mga talata
Gen 21:8Lumaki ang bata at hiniwalay na sa kanyang ina, at naghanda si Abraham ng isang malaking pagdiriwang sa araw na hiniwalay na si Isaac sa kayang ina.
- Inalagaan ni Ana si Samuel hanggang sa maawat, saka siya dinala sa Silo1 Sam 1:22–28
Ang mga talata
1 Sam 1:22–28Ngunit hindi sumama si Ana; sinabi niya sa kanyang asawa, “Hindi ako sasama hanggang sa hindi na sumususo ang bata; pagkatapos dadalhin ko siya, upang maipakita siya sa harapan ni Yahweh at manirahan siya doon magpakailanman.” Sinabi ni Elkana na kanyang asawa sa kanya, “Gawin mo kung ano ang pasya mong mabuti sa iyo. Maghintay ka hanggang sa hindi mo na siya pinapasuso; pagtibayin lamang nawa ni Yahweh ang kanyang salita.” Kaya nanatili ang babae at pinasuso ang kanyang anak hanggang sa hindi na siya sumususo. Nang hindi na niya siya pinapasuso, isinama niya siya kasama ang tatlong taong gulang na toro, isang epa ng pagkain at isang bote ng alak, at dinala niya siya sa bahay ni Yahweh sa Shilo. Ngayon ang anak niya ay bata pa. Pinatay nila ang toro, at dinala nila ang bata kay Eli. Sinabi niya, “O aking panginoon! Habang buhay ka, aking panginoon, ako ang babaeng tumayo rito sa tabi mo na nananalangin kay Yahweh. Sapagkat ang batang ito ang aking ipinanalangin at ibinigay sa akin ni Yahweh ang aking kahilingan na aking hiniling sa kanya. Ibinibigay ko siya kay Yahweh; habang nabubuhay siya ipapahiram ko siya kay Yahweh.” At sinamba ni Elkana at kanyang pamilya si Yahweh doon.
- Binayaran ang mismong ina ni Moises upang pasusuhin siyaExo 2:7–9
Ang mga talata
Exo 2:7–9Pagkatapos sinabi ng kapatid na babae ng bata sa anak na babae ni Paraon, “Maaari ba akong pumunta at kumuha ng isang babaeng Hebreo para alagaan ang sanggol para sa iyo?” Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa kaniya, “Pumunta ka”. Kaya nagpunta ang batang babae at kinuha ang ina ng sanggol. Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa ina ng bata, “Kunin mo ang sanggol na ito at alagaan mo siya para sa akin, at bibigyan kita ng mga kabayaran.” Kaya kinuha ng babae ang sanggol at inalagaan siya.
- Kinandong ni Naomi ang sanggol na si ObedRut 4:16
Ang mga talata
Rut 4:16Pagkatapos kinuha ni Naomi ang bata, pinahiga niya siya sa kaniyang dibdib at inalagaan siya.
- Tumakas ang tagapag-alaga kasama ang limang taong gulang na si Mefiboset; nahulog siya at napilay2 Sam 4:4
Ang mga talata
2 Sam 4:4Ngayon si Jonatan, lalaking anak ni Saul, ay mayroong isang lalaking anak na lumpo sa kaniyang mga paa. Limang taon gulang siya nang nabalitaan niya ang tungkol kina Saul at Jonatan na nagmula sa Jezreel. Binuhat siya ng kaniyang tagapangalaga para tumakas. Pero habang tumatakbo siya, natumba ang lalaking anak ni Jonatan at naging lumpo. Mefiboset ang kanyang pangalan.
- Itinago ang sanggol na si Joas kasama ang kaniyang tagapag-alaga mula kay Atalia2 Hari 11:2
Ang mga talata
2 Hari 11:2Pero kinuha ni Jehoseba, anak na babae ni Haring Joram at kapatid ni Ahazias, si Joas anak ni Ahazias, at itinago siya malayo sa mga anak ng hari na pinatay, kasama ang kaniyang tagapag-alaga; itinago niya sila sa silid. Itinago nila siya mula kay Atalia para hindi siya mapatay.
Paglaki
- Taun-taon ay iginagawa ni Ana ang batang si Samuel ng maliit na balabal1 Sam 2:18–19
Ang mga talata
1 Sam 2:18–19Ngunit naglingkod si Samuel kay Yahweh bilang isang batang dinamitan ng isang linong epod. Ginagawan siya ng kanyang ina ng isang maliit na balabal at dinadala ito sa kanya taon-taon, kapag umaakyat siya kasama ang kanyang asawa upang maghandog ng taunang alay.
- Tinuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa bahay at sa daanDeut 6:7, Deut 11:19
Ang mga talata
Deut 6:7at matiyaga ninyong ituturo ang mga ito sa inyong mga anak; pag-uusapan ninyo ang mga ito kung kayo ay nakaupo sa inyong bahay, kapag naglalakad kayo sa daan, kapag kayo ay nakahiga, at kapag kayo ay babangon.
Deut 11:19Ituturo ninyo ang mga ito sa inyong mga anak at pag-usapan ang tungkol sa mga ito kapag nakaupo kayo sa bahay ninyo, kapag naglalakad kayo sa daan, kapag humihiga at bumabangon kayo.
- Kapag nagtanong ang iyong anak, “Ano ang ibig sabihin nito?” — isalaysay mo sa kaniyaExo 13:14
Ang mga talata
Exo 13:14Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin.
- Turuan ang bata sa daang dapat niyang lakaranKaw 22:6
Ang mga talata
Kaw 22:6Turuan ang isang bata sa daan kung saan siya nararapat pumunta, at kapag siya ay matanda na hindi siya tatalikod mula sa bilin na iyon.
- Mga kasabihan sa Mga Kawikaan tungkol sa pamalo ng pagdidisiplinaKaw 13:24, Kaw 29:15
Ang mga talata
Kaw 13:24Ang hindi dinidisiplina ang kaniyang anak ay napopoot dito, pero ang nagmamahal sa kaniyang anak ay maingat na disiplinahin ito.
Kaw 29:15Ang pamalo at pagsaway ay nagbibigay ng karunungan, pero ang isang batang malaya mula sa pagdidisiplina ay inilalagay ang kaniyang ina sa kahihiyan.
- Nakikinig ang mga bata kapag binabasa nang malakas ang KautusanJos 8:35, Neh 8:2–3
Ang mga talata
Jos 8:35Walang isang salita mula sa lahat na inutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng pagpupulong ng Israel, kasama ang mga kababaihan, ang maliliit na mga bata, at ang mga dayuhan na siyang nanirahan sa kanila.
Neh 8:2–3Sa unang araw ng ika-pitong buwan, si Ezra, ang pari ay dinala ang batas sa harap ng pagpupulong, sa kapwa mga lalaki at babae, at sa lahat ng nakakarinig at nakakaunawa. Humarap siya sa liwasan sa harap ng Tarangkahan ng Tubig, at binasa niya ito mula umaga hanggang tanghali, sa harap ng mga lalaki at babae, at sinumang nakauunawa. At ang lahat ng tao ay nakinig nang masigasig sa Aklat ng Batas.
- Naglulundagan at naglalaro ang mga bata sa mga lansanganJob 21:11, Zac 8:5
- Si Jesus, labindalawang taong gulang, sa templo, nagtatanong sa mga guroLuc 2:41–47
Ang mga talata
Luc 2:41–47Ang kaniyang mga magulang ay pumupunta sa Jerusalem taon-taon para sa Pista ng Paskwa. Nang siya ay labindalawang taong gulang, sila ay muling umakyat para sa nakaugaliang panahon para sa pista. Pagkatapos nilang manatili sa buong bilang ng araw para sa pista, nagsimula na silang umuwi. Ngunit ang batang Jesus ay nanatili sa Jerusalem at ito ay hindi alam ng kaniyang mga magulang. Inakala nila na siya ay nasa pangkat na kasama nilang naglalakbay, kaya sila ay nagpatuloy ng isang araw sa paglalakbay. Pagkatapos ay nagsimula silang hanapin siya sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Nang siya ay hindi nila matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem at sinimulang hanapin siya roon. At nangyari nga na makalipas ang tatlong araw, natagpuan nila siya sa loob ng templo na nakaupo sa gitna ng mga guro, nakikinig sa kanila at nagtatanong sa kanila ng mga katanungan. Lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang pang-unawa at sa kaniyang mga kasagutan.
- Lumago si Jesus sa karunungan at sa pangangatawanLuc 2:40, Luc 2:52
- Tinuruan si Pablo sa paanan ni GamalielGawa 22:3
Ang mga talata
Gawa 22:3“Isa akong Judio, ipinanganak sa Tarso sa Cilicia, subalit nag-aral sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel. Tinuruan ako mula sa mahigpit na mga kaparaanan ng kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa Panginoon, katulad ninyong lahat ngayong.
- Natuto si Timoteo mula sa kaniyang lolang si Loida at inang si Eunice2 Tim 1:5, 2 Tim 3:15
Ang mga talata
2 Tim 1:5Napaalalahanan ako sa tapat mong pananampalataya na unang ipinamuhay ng iyong lola na si Loida at ng iyong ina na si Eunice. At natitiyak ko na ipinapamuhay mo rin ito.
2 Tim 3:15Alam mo na mula sa iyong kabataan nalaman mo na ang sagradong kasulatan. Ang mga ito ang nagbibigay karunungan sa iyo para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
- Sumigaw ang mga bata ng “Hosana” sa mga patyo ng temploMat 21:15
Ang mga talata
Mat 21:15Subalit nang makita ng mga pinunong pari at ng mga eskriba ang mga kamanghamanghang mga bagay na kaniyang ginawa, at nang mapakinggan nila ang mga bata na sumisigaw sa templo at nagsasabi, “Hosana sa anak ni David,” sila ay lubhang nagalit.
- Binasbasan ni Jesus ang maliliit na bataMat 19:13–15, Mar 10:13–16
Ang mga talata
Mat 19:13–15May maliliit na mga bata na dinala sa kaniya upang patungan ng kaniyang mga kamay at ipanalangin sila, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. Ngunit sinabi ni Jesus, “Hayaan ang maliliit na mga bata, at huwag silang pagbawalan na pumunta sa akin, sapagkat ang kaharian ng langit ay para sa mga ganito.” At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at pagkatapos umalis mula roon.
Mar 10:13–16At dinala nila ang kanilang mga anak sa kaniya upang sila ay maaari niyang hawakan, ngunit sinaway sila ng mga alagad. Ngunit nang mabatid ito ni Jesus, labis na sumama ang kaniyang loob at sinabi sa kanila, “Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata at huwag ninyo silang pagbawalan, dahil nabibilang ang mga katulad nila sa kaharian ng Diyos. Totoo, sinasabi ko ito sa inyo, sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang maliit na bata ay tiyak na hindi makakapasok dito.” Pagkatapos, kinalong niya ang mga bata at binasbasan niya sila sa pagpatong ng kaniyang kamay sa kanila.
Mga halimbawa
- Pinakamamahal ni Jacob si Jose at binigyan siya ng damit na maraming kulayGen 37:3–4
Ang mga talata
Gen 37:3–4Minahal ni Israel si Jose nang mas higit sa lahat ng kanyang anak na lalaki dahil siya ang anak niya sa katandaan. Ginawan siya nang isang magandang damit. Nakita ng kanyang mga kapatid ang pagmamahal ng kanilang ama na mas higit kaysa sa lahat niyang kapatid na lalaki. Siya ay kinamuhian nila at hindi nakikipag-usap nang maayos.
- Iniingatan ng Kautusan ang dobleng bahagi ng panganay ng asawang hindi minamahalDeut 21:15–17
Ang mga talata
Deut 21:15–17Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa, isang minamahal at isang kinasusuklaman, at pareho silang may mga anak sa kaniya— pareho sa minamahal na asawa at ang kinasusuklamang asawa—kung ang panganay na lalaking anak ay sa nasa kinasusuklaman, sa gayon sa araw na ang lalaki ay magbibigay ng pamana sa kaniyang mga anak na lalaki na kanilang magiging pag-aari, hindi niya maaring gawin ang anak na lalaki sa minamahal na asawa na maging panganay na anak bago ang anak na lalaki sa kinasusuklamang asawa, ang siyang tunay na panganay na anak na lalaki. Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.
- Isang batang babaeng Israelita ang nagsabi sa asawa ni Naaman tungkol sa propeta2 Hari 5:2–3
Ang mga talata
2 Hari 5:2–3Lumusob ang mga Aramean nang grupo grupo at dinakip ang isang batang babae mula sa lupain ng Israel. Pinaglingkuran niya ang asawa ni Naaman. Sinabi ng dalaga sa kaniyang madrasta, “Sana kasama ng amo ko ang propeta na nasa Samaria! Tiyak pagagalingin niya ang ketong ng panginoon ko.”
- Naging hari si Joas sa edad na pito, si Josias sa edad na walo2 Hari 11:21, 2 Hari 22:1
Ang mga talata
2 Hari 11:21Si Joas ay pitong taon nang magsimula siyang maghari.
2 Hari 22:1Si Josias ay walong taong gulang nang magsimula siyang maghari; naghari siya nang tatlumpu't isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Jedida (siya ang anak ni Adaya na taga-Boskat).
- Mga batang kinuha bilang alipin dahil sa utang ng kanilang mga magulang2 Hari 4:1, Neh 5:5
Ang mga talata
2 Hari 4:1Ngayon, nagpuntang umiiyak ang isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, sinabing, “Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na, at alam mo na may takot ang iyong lingkod kay Yahweh. Ngayon pumunta ang nagpapautang para kunin ang aking dalawang anak para maging mga alipin niya.”
Neh 5:5Pero ngayon ang aming laman at dugo ay pareho na ng sa mga kapatid namin, at ang aming mga anak ay pareho na ng kanilang mga anak. Napilitan kaming ipagbili ang aming mga anak na lalaki at babae para maging mga alipin. Ang iba naming mga anak na babae ay inalipin na. Pero wala sa aming kapangyarihan na baguhin ito dahil ibang mga tao na ngayon ang nagmamay-ari ng aming mga bukirin at aming mga ubasan.”
- Iniutos ng Paraon na itapon sa Nilo ang mga sanggol na lalaking HebreoExo 1:22
Ang mga talata
Exo 1:22Inutusan ni Paraon ang lahat ng kaniyang mga tao, “Kailangan ninyong itapon sa ilog bawat lalaki na ipinanganak, pero pabayaan ninyong mabuhay ang bawat babae.”
- Pinatay ni Herodes ang mga batang lalaki sa Betlehem na dalawang taong gulang pababaMat 2:16
Ang mga talata
Mat 2:16Nang nakita ni Herodes na kinutya siya ng mga pantas na kalalakihan, siya ay nagalit nang labis. Nagsugo siya at ipinapatay ang lahat ng mga batang lalaking naroon sa Bethlehem at sa buong rehiyon, ang mga may dalawang taong gulang pababa ayon sa tiyak na panahong nalaman niya mula sa mga pantas.
- Ang mga apo ay korona ng matatandaKaw 17:6
Ang mga talata
Kaw 17:6Ang mga apo ay korona ng mga matatanda, at ang mga magulang ay nagbibigay dangal sa kanilang mga anak.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0