Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Pagsasaka

Pang-araw-araw na buhay

Pagsasaka sa Bibliya

37 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Inilagay ang tao sa Eden upang linangin at ingatan itoGen 2:15
    Ang mga talata
    Gen 2:15Kinuha ni Yahweh na Diyos ang lalaki at inilagay siya sa hardin ng Eden upang trabahuin at alagaan ito.
  • Magsasaka si Cain; nag-aalaga ng tupa si AbelGen 4:2
    Ang mga talata
    Gen 4:2Pagkatapos ay isinilang niya ang lalaking kapatid nitong si Abel. Naging pastol si Abel, pero si Cain ay nagbungkal ng lupa.
  • Nagtanim ng ubasan si Noe, isang magsasakaGen 9:20
    Ang mga talata
    Gen 9:20Nagsimulang maging magsasaka si Noe, at nagtanim siya ng ubasan.
  • Naghasik si Isaac at umani nang sandaang ulit nang taong iyonGen 26:12
    Ang mga talata
    Gen 26:12Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani sa parehong taon ng isang sandaang beses, dahil pinagpala siya ni Yahweh.
  • Namulot si Ruth kasunod ng mga mang-aani: mga isang efa ng sebadaRut 2:2–3, Rut 2:17
    Ang mga talata
    Rut 2:2–3Sinabi ni Ruth, na Moabita, kay Naomi, “Ngayon hayaan mo akong umalis at mamulot ng mga uhay ng natitirang butil sa mga bukid. Susunod ako sa kahit kaninong mga mata ako makatagpo ng pabor.” Kaya sinabi ni Naomi sa kaniya, “Pumunta ka, aking anak.” Si Ruth ay nagpunta at namulot sa bukid kasunod ng mga mang-aani. Nangyaring napunta siya sa bahagi ng bukiring nabibilang kay Boaz, na may kaugnayan kay Elimelek.
    Rut 2:17Kaya namulot siya sa bukid hanggang gabi. Pagkatapos giniik niya ang mga uhay ng butil na kaniyang napulot, at ang butil ay halos isang salop ng sebada.
  • Nagtahip si Boaz ng sebada sa gabi sa giikanRut 3:2
    Ang mga talata
    Rut 3:2Ngayon si Boaz, ang lalaki na ang mga kabataang babaing manggagawa ay nakasama mo, hindi ba kamag-anak natin siya? Tingnan mo, magtatahip siya ng sebada mamayang gabi sa giikang palapag.
  • Gumiik si Gideon ng trigo sa pisaan ng ubas upang itago ito sa MidianHuk 6:11
    Ang mga talata
    Huk 6:11Ngayon ang anghel ni Yahweh ay dumating at umupo sa ilalim ng igos sa Ofra, na pag-aari ni Joas (ang Abiezrita), habang si Gideon, anak na lalaki ni Joas, ay hinihiwalay ang trigo sa pamamagitan ng paghampas nito sa sahig, sa pigaan ng ubas—para itago ito mula sa mga Midianita.
  • Nag-aani ng trigo sa lambak ang mga taga-Beth-semes1 Sam 6:13
    Ang mga talata
    1 Sam 6:13Ngayon nag-aaniang mga tao ng Beth-semes sa kanilang trigo sa lambak. Nang tumingin sila sa itaas at nakita ang kaban, nagalak sila.
  • Pumupunta ang mga Israelita sa mga Filisteo upang ipahasa ang sudsod at karit1 Sam 13:19–21
    Ang mga talata
    1 Sam 13:19–21Walang mahanap na panday sa buong Israel, dahil sinabi ng mga Filisteo, “Kung hindi gagawa ang mga Hebreo ng mga espada o mga sibat para sa kanilang mga sarili.” Subalit ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay sanay na bumaba sa mga Filisteo, bawat isa upang hasain ang tulis ng kanyang arado, kanyang asarol, kanyang palakol, at kanyang karit. Ang bayad ay ikadalawang bahagi ng isang sekel para sa tulis ng arado, at sa mga asarol, at isangkatlo ng isang sekel para sa paghahasa ng mga palakol at para sa pagpapatuwid ng mga pantaboy.
  • Nag-aararo si Eliseo na may labindalawang pares ng baka1 Hari 19:19
    Ang mga talata
    1 Hari 19:19Kaya umalis si Elias mula roon at natagpuan si Eliseo anak na lalaki ni Shafat, na nag-aararo ng labindalawang pamatok na mga baka sa kaniyang harapan, at siya ang nag-aararo sa ika-labindalawang pamatok. Lumakad si Elias papalapit kay Eliseo at binalot ang dulo ng kaniyang balabal sa kaniya.
  • Mga opisyal ni David sa mga bukid, ubasan, puno ng olibo at bakahan1 Cro 27:26–31
    Ang mga talata
    1 Cro 27:26–31Si Ezri na anak ni Kelub ang namahala sa mga magsasakang nag-aararo ng lupa. Si Simei na mula sa Rama ang namahala ng mga ubasan, at Si Zabdi na mula sa Sephan ang namahala ng mga ubas at ang mga imbakan ng alak. Si Baal Hahan na mula sa Geder ang namahala sa mga punong olibo at mga puno ng sicamoro na nasa mga mabababang lugar, at si Joas ang namahala sa mga imbakan ng langis. Pinamahalaan ni Sitrai na mula sa Saron ang mga kawan na pinapastulan sa Saron, at pinamahalaan ni Safat na anak ni Adlai ang mga kawan na nasa mga lambak. Sa mga kamelyo, si Obil na Ismaelita ang namahala, at si Jedeias na mula sa Meronot ang namahala sa mga babaeng asno. Si Jaziz na Hagrita ang namahala sa mga kawan. Lahat ng ito ay mga tagapamahala ng mga pag-aari ni Haring David.
  • May mga magsasaka at tagapag-alaga ng ubasan si Uzias, na mahilig sa lupa2 Cro 26:10
    Ang mga talata
    2 Cro 26:10Nagtayo siya ng mga toreng bantayan sa ilang at naghukay ng maraming balon, sapagkat marami siyang mga baka sa mababang lugar gayon din sa mga kapatagan. Mayroon siyang mga magsasaka at mga nagtatanim ng ubas sa mga burol sa bansa at sa mabungang mga bukirin, sapagkat mahal niya ang pagsasaka.
  • Nagtanim si Solomon ng mga ubasan at halamanan at nagpagawa ng mga imbakan ng tubigMang 2:4–6
    Ang mga talata
    Mang 2:4–6Nagawa ko ang mga dakilang bagay. Nagtayo ako ng mga bahay para sa aking sarili at nagtanim ng mga ubasan. Nagtayo ako ng mga hardin at mga liwasan para sa aking sarili; sa loob ng mga ito ay nagtanim ako nang lahat ng uri ng bungang kahoy. Lumikha ako ng mga lawa ng tubig upang diligan ang isang kagubatan kung saan naglalakihan ang mga puno.
  • Pag-aararo, paghahasik nang pahanay, at paggiik sa bawat pananim sa sarili nitong paraanIsa 28:24–28
    Ang mga talata
    Isa 28:24–28Ang magsasaka ba na buong araw nag-aararo para maghasik, ay nag-aararo lang ng lupa? Patuloy ba niyang binubungkal at sinusuyod ang bukid? Kapag naihanda na niya ang lupa, hindi ba niya ikinakalat ang buto ng anis, inihahasik ang linga, inilalagay ang trigo sa mga hanay at ang sebada sa tamang lugar, at ang espelta sa mga gilid nito? Tinatagubilinan siya ng Diyos; tinuturuan niya siya nang may karunungan. Higit pa rito, ang linga ay hindi ginigiik gamit ang isang paragos, ni pinapagulungan ang linga ng gulong ruweda ng karitela; pero ang anis ay binabayo ng isang kahoy, at ang linga ng isang pamalo. Ang butil ay ginigiling para sa tinapay pero hindi napakapino, at kahit na ikinakalat ito ng mga gulong ng kanyang karitela at ng kanyang mga kabayo, hindi ito dinudurog ng kanyang mga kabayo.
  • Naghihintay ang magsasaka sa maaga at huling ulanSant 5:7
    Ang mga talata
    Sant 5:7Kaya maging matiyaga, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon, katulad ng magsasaka na naghihintay ng mahalagang ani ng lupa, Matiyagang naghihintay dito, hangang sa una at huling pagbuhos ng ulan.
  • Namitas ng mga uhay ang mga alagad habang naglalakad sa bukirinMat 12:1
    Ang mga talata
    Mat 12:1Nang panahong iyon, sa Araw ng Pamamahinga, napadaan si Jesus sa mga triguhan. Ang kaniyang mga alagad ay nagutom at nag-umpisa silang pumitas ng mga uhay at kinain iyon.
  • Binhi sa daan, sa batuhan, sa tinikan, sa mabuting lupa (isang talinghaga)Mat 13:3–8
    Ang mga talata
    Mat 13:3–8At nagsabi si Jesus sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Kaniyang sinabi, “Masdan ito, isang manghahasik ang lumabas upang maghasik. Sa kaniyang paghahasik, nahulog ang ilang mga binhi sa tabi ng daan, dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito. Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa. Ngunit nang sumikat na ang araw, ang mga ito ay natuyo dahil wala itong mga ugat, at nalanta ang mga ito. Ang ibang mga binhi ay nahulog sa may mga matitinik na halaman. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito. Ang ibang mga binhi ay nahulog sa mabuting lupa at ang mga ito ay namunga, ang iba ay tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tigtatatlumpu.
  • Mga manggagawang inupahan sa ubasan sa halagang isang denaryo bawat araw (isang talinghaga)Mat 20:1–2
    Ang mga talata
    Mat 20:1–2Sapagkat ang kaharian ng langit ay tulad sa isang nagmamay-ari ng lupain, na lumabas ng maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan. Pagkatapos niyang makipagsundo sa mga manggagawa sa isang denaryo sa isang araw, pinapunta niya sila sa kaniyang ubasan.

Sa Kautusan

  • Maghasik nang anim na taon; sa ikapito ay magpapahinga ang lupaExo 23:10–11, Lev 25:3–5
    Ang mga talata
    Exo 23:10–11Sa loob ng anim na taon magtatanim ka ng buto sa iyong lupain at iipunin ang mga naani. Pero sa ikapitong taon lilinangin mo ito nang walang araro at hahayaan, para ang mahihirap sa gitna ninyo ay makakain. Kung ano ang kanilang iniwan, ang mga mababangis na hayop ang kakain. Gagawin mo rin ito sa iyong ubasan at sa iyong halamanang olibo.
    Lev 25:3–5Dapat ninyong taniman ang inyong bukid sa loob ng anim na taon, at sa loob ng anim na taon dapat ninyong putulan ang ubasan at tipunin ang mga bunga. Subalit sa ikapitong taon, isang Araw ng Pamamahinga ng taimtim na pahinga para sa lupa ang dapat ipatupad, isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh. Hindi ninyo dapat taniman ang inyong bukid o putulan ang inyong ubasan. Hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang tumutubong mag-isa, at hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang ubas na tumutubo sa mga hindi pinutulang baging ninyo. Ito ay magiging isang taon ng taimtim na pahinga para sa lupa.
  • Magpahinga sa ikapitong araw, kahit sa panahon ng pag-aararo at pag-aaniExo 34:21
    Ang mga talata
    Exo 34:21Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga.
  • Iwan sa dukha ang gilid ng bukid at ang mga nalaglag na ubasLev 19:9–10
    Ang mga talata
    Lev 19:9–10Kapag inani ninyo ang mga pananim sa inyong lupain, hindi ninyo dapat anihin ang lahat ng sulok ng inyong bukirin, ni ipunin ang lahat ng bunga ng inyong ani. Hindi ninyo dapat ipunin ang bawat ubas mula sa inyong ubasan, ni ipunin ang mga ubas na nahulog sa lupa sa inyong ubasan. Dapat ninyong iwan ang mga ito para sa mahihirap at para sa dayuhan. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
  • Iniiwan ang nakalimutang bigkis para sa dayuhan, ulila at baloDeut 24:19–21
    Ang mga talata
    Deut 24:19–21Kapag kayo ay mag-aani sa inyong bukid at nakalimot kayo ng isang bigkis sa bukid, hindi na dapat ninyo kunin ito, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay. Kapag inalog niyo ang puno ng olibo, dapat hindi na ninyo babalikang muli ang mga sanga, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo. Kapag pinagtipon-tipon ninyo ang mga ubas sa inyong ubasan, hindi mo na dapat pulutin ang nasa likuran mo, ito ay para na sa dayuhan, sa mga ulila, o sa balo.
  • Huwag maghasik ng dalawang uri ng binhi; huwag pagsamahin sa pamatok ang baka at asnoLev 19:19, Deut 22:9–10
    Ang mga talata
    Lev 19:19Dapat ninyong ingatan ang aking mga utos. Huwag subukang palahian ang inyong mga hayop ng iba't ibang uri ng mga hayop. Huwag ihalo ang dalawang magkaibang uri ng buto kapag nagtatanim sa inyong kabukiran. Huwag magsuot ng damit na gawa sa dalawang uri ng materyal na magkasama.
    Deut 22:9–10Dapat hindi kayo magtanim sa inyong ubasan ng dalawang uri ng buto, para ang buong ani ay hindi kunin ng banal na lugar, ang buto na inyong hinasik at ang bunga ng ubasan. Hindi dapat kayo mag-araro kasama ang isang lalaking baka at isang asno ng magkasama.
  • Hindi kinakain nang tatlong taon ang bunga ng bagong tanim na punoLev 19:23–25
    Ang mga talata
    Lev 19:23–25Kapag pumunta kayo sa lupain at magtanim ng lahat ng uri ng mga puno para makain, kung gayon dapat ninyong ituring ang bunga na kanilang nakuha bilang pinagbabawal na kainin. Dapat ipagbawal ang bunga sa inyo ng tatlong taon. Hindi dapat itong kainin. Subalit sa ikaapat na taon lahat ng bunga ay magiging banal, na isang papuring handog kay Yahweh. Sa ikalimang taon maaari na ninyong kainin ang bunga, kinakailangang maghintay upang higit pang magbunga ang puno. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
  • Pagbabayad para sa gumagalang hayop o sa sunog sa bukidExo 22:5–6
    Ang mga talata
    Exo 22:5–6Kung magpapastol ang isang lalaki ng kaniyang mga baka sa isang bukid o sa ubasan at hinayaang nakakawala ang kaniyang hayop, at kumain ito sa bukid ng ibang tao, dapat siyang gumawa ng pagbabayad-pinsala mula sa pinakamainam sa kaniyang sariling bukid at mula sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan. Kung kumalat ang apoy at kumalat sa mga tinik kaya ang mga nakasalansan na butil, o nakatayo na butil, o ang bukid ay natupok, siya na nagsimula ng apoy ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala.
  • Kumain ka hanggang mabusog sa ubasan ng kapwa, pero huwag punuin ang basketDeut 23:24–25
    Ang mga talata
    Deut 23:24–25Kapag kayo ay pumunta sa ubasan ng inyong kapitbahay, maaari kayong kumain ng dami ng mga ubas hanggang sa nais ninyo, Pero huwag kayong maglagay ng ilan man sa inyong buslo. Kapag kayo ay pumunta sa hinog na bunga ng inyong kapitbahay, maaari ninyong pitasin ang mga ulo ng butil sa pamamagitan ng inyong kamay, pero huwag ninyong lagyan ng karit sa hinog na butil ng inyong kapitbahay.
  • Huwag busalan ang baka habang gumigiik ng butilDeut 25:4
    Ang mga talata
    Deut 25:4Hindi dapat ninyo busalan ang lalaking baka kapag siya ay naggigiik ng butil.
  • Umuuwi mula sa digmaan ang lalaking hindi pa nakikinabang sa bago niyang ubasanDeut 20:6
    Ang mga talata
    Deut 20:6Anong lalaki ang naroon na siyang nagtanim ng isang ubasan at hindi nagamit ang bunga nito? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay, para hindi siya mamatay sa labanan at ibang lalaki ang gagamit ng bunga nito.

Mga kasabihan

  • Ang naglilinang ng kaniyang lupa ay magkakaroon ng saganang pagkainKaw 12:11
    Ang mga talata
    Kaw 12:11Sinumang nagbubungkal ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng kasaganaan ng pagkain, pero sinumang naghahabol ng mga proyektong walang halaga ay hindi nag-iisip.
  • Bukid ng tamad na puno ng tinik, sira ang pader na batoKaw 24:30–31
    Ang mga talata
    Kaw 24:30–31Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip. Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
  • Maghasik ka ng binhi sa umaga; huwag ipahinga ang iyong mga kamay sa gabiMang 11:6
    Ang mga talata
    Mang 11:6Sa umaga, itanim mo ang binhi; hanggang sa gabi, magtrabaho ka gamit ang iyong mga kamay ayon sa pangangailangan, dahil hindi mo alam kung alin ang sasagana, umaga man o gabi, o ito o iyan, o pareho man silang magiging mabuti.
  • Alamin ang kalagayan ng iyong mga kawan at bakahanKaw 27:23–27
    Ang mga talata
    Kaw 27:23–27Tiyakin na alam mo ang kalagayan ng iyong kawan at magmalasakit ka sa iyong mga kawan, dahil ang kayamanan ay hindi panghabang panahon. Ang isang korona ba ay nanatili sa lahat ng mga henerasyon? Ang damo ay nawawala at lumilitaw ang bagong tubo at tinipon ang pagkain ng baka sa kabundukan. Ang mga tupa ay magbibigay ng iyong kasuotan, at ang mga kambing ay magbibigay ng halaga para sa bukid. Magkakaroon ng gatas ng kambing para sa iyong pagkain—ang pagkain para sa iyong sambahayan—at pagkain para sa iyong mga aliping babae.
  • Ang naghahasik nang kakaunti ay aani rin nang kakaunti2 Cor 9:6
    Ang mga talata
    2 Cor 9:6Tandaan ninyo ito: kung sino man ang nagtatanim ng kaunti ay mag aani ng kaunti, at kung sino man ang nagtatanim sa layunin ng pagpapala ay aani ng pagpapala.
  • Ang masipag na magsasaka ang dapat unang makatanggap ng bahagi sa ani2 Tim 2:6
    Ang mga talata
    2 Tim 2:6Kinakailangang ang isang masipag na magsasaka ay maunang tatanggap ng kaniyang bahagi sa ani.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0