Tuklasin › Mga paksa › Mga taggutom at tagtuyot
Mga nakagugulat na detalye
Mga taggutom at tagtuyot sa Bibliya
33 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa Genesis
- Bumaba si Abram sa Ehipto dahil matindi ang taggutomGen 12:10
Ang mga talata
Gen 12:10Nagkaroon ng taggutom sa lupain, kaya bumaba si Abram papunta sa Ehipto para manirahan doon, dahil matindi ang taggutom sa lupain.
- Sa isa pang taggutom, pumunta si Isaac sa Gerar, hindi sa EhiptoGen 26:1–2
Ang mga talata
Gen 26:1–2Ngayon, may taggutom sa lupain, bukod pa sa naunang taggutom na nagkaroon sa panahon ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, ang hari ng Filisteo sa Gerar. Ngayon nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabi, “Huwag kang pumunta sa Ehipto; tumira ka sa lugar na sinabi ko na iyong pagtirhan.
- Sa Ehipto, pitong taon ng kasaganaan, saka pitong taon ng taggutomGen 41:29–30, Gen 41:54
Ang mga talata
Gen 41:29–30Tingnan mo, pitong taon ng dakilang kasaganahan ang darating sa buong lupain ng Ehipto. Pitong taon ng taggutom ay darating pagkatapos nila at lahat ng kasaganahan ay makakalimutan sa lupain ng Ehipto at ang taggutom ay wawasak sa lupain.
Gen 41:54Ang pitong taon ng taggutom ay nagsimula, ayon sa nasabi ni Jose. Mayroong taggutom sa lahat ng mga lupain, pero sa lahat ng lupain ng Ehipto ay mayroong pagkain.
- Nag-imbak si Jose ng butil na kasindami ng buhangin sa dagatGen 41:48–49
Ang mga talata
Gen 41:48–49Tinipon niya lahat ng pagkaing nasa lupain ng Ehipto ng pitong taon at inilagay ang pagkain sa mga siyudad. Inilagay niya sa bawat siyudad ang pagkain galing sa mga bukid na nakapaligid dito. Inimbak ni Jose ang mga butil na parang buhangin ng dagat, na sa kalabisan ay tumigil na siya sa pagbilang dahil ito ay hindi mabilang.
- Pumunta kay Jose sa Ehipto ang bawat bansa upang bumili ng butilGen 41:56–57
Ang mga talata
Gen 41:56–57Ang taggutom ay nasa buong lupain. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig at nagbenta sa mga taga-Ehipto. Ang taggutom ay napakatindi sa lupain ng Ehipto. Ang buong mundo ay pumupunta sa Ehipto upang bumili ng butil kay Jose dahil ang taggutom ay matindi sa buong mundo.
- Bumaba ang sampu sa mga kapatid ni Jose upang bumili ng butilGen 42:1–3
Ang mga talata
Gen 42:1–3Ngayon, napagalaman ni Jacob na may butil sa Ehipto. Sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, “Bakit kayo nakatingin sa isa't isa?” Sinabi niya, “Tingnan niyo ito, narinig kong mayroong butil sa Ehipto. Bumaba kayo doon at bumili para sa atin mula doon para tayo ay mabuhay at hindi mamatay.” Ang sampung lalaking kapatid ni Jose ay bumaba para bumili ng butil mula sa Ehipto.
- Dalawang taon ng taggutom, at lima pa na walang pag-aararo o pag-aaniGen 45:6
Ang mga talata
Gen 45:6Nasa tagtuyot ang lupain nitong mga dalawang taon at magkakaroon pa nang limang dagdag na mga taon na walang pag-aararo o walang ani.
- Nagbayad ng pagkain ang mga taga-Ehipto ng salapi, saka ng kanilang mga hayopGen 47:13–17
Ang mga talata
Gen 47:13–17Ngayon wala ng pagkain sa lahat ng lupain; dahil malubha na ang taggutom. Ang lupain ng Ehipto at ang lupain ng Canaan ay nakatiwangwang dahil sa taggutom. Naipon ni Jose ang lahat ng salaping nasa lupain ng Ehipto at sa lupain ng Canaan, sa pamamagitan ng pagbebenta ng butil sa mga mamamayan. Pagkatapos dinala ni Jose ang salapi sa palasyo ng Paraon. Nang naubos na ang lahat ng salapi sa mga lupain ng Ehipto at Canaan, lahat ng mga taga-Ehipto ay pumunta kay Jose at sinabing, “Bigyan mo kami ng pagkain! Bakit kami mamamatay sa iyong harapan dahil ubos na ang aming salapi? Sinabi ni Jose, “Kung wala na kayong salapi, dalhin ninyo ang inyong mga hayop at bibigyan ko kayo ng pagkain bilang kapalit ng inyong mga alagang hayop.” Kaya dinala nila ang kanilang mga alagang hayop kay Jose. Binigyan sila ni Jose ng pagkain bilang kapalit ng kanilang mga kabayo, mga hayop, mga kawan, at mga asno. Pinakain niya sila ng tinapay kapalit ng kanilang mga hayop sa taon na iyon.
- Pagkatapos ay ipinagbili nila ang kanilang mga bukid, at napunta sa Paraon ang lupainGen 47:19–20
Ang mga talata
Gen 47:19–20Bakit kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupain? Bilhin mo kami at ang aming lupain kapalit ng pagkain, at kami at ang aming lupain ay magiging mga lingkod ni Paraon. Bigyan mo kami ng binhi para mabuhay kami at hindi mamatay, at ang aming lupain ay hindi mapababayan. Kaya nabili ni Jose ang buong lupain ng Ehipto para sa Paraon. Ibinenta ng bawat mamamayan ng Ehipto ang kanilang mga bukid, dahil napakalubha na ng taggutom. Sa paraang ito, ang lupain ay naging pag-aari na ng Paraon.
- Mula noon, ang ikalimang bahagi ng ani ay napupunta sa ParaonGen 47:23–24
Ang mga talata
Gen 47:23–24Pagkatapos sinabi ni Jose sa mga tao, “Masdan ninyo, binili ko kayo at ang inyong lupain sa araw na ito para sa Paraon. Ngayon narito ang mga binhi para sa inyo, at tatamnan niyo ang lupain. Sa anihan, magbigay kayo ng ikalimang bahagi sa Paraon, at ang apat na bahagi ay para sa inyong sarili, para sa binhi ng lupain at para pagkain ng inyong sambahayan at inyong mga anak.”
Sa Israel
- Sa panahon ng mga hukom, lumipat sa Moab ang isang pamilya mula sa BetlehemRut 1:1
Ang mga talata
Rut 1:1Nangyari ito noong mga araw nang ang mga hukom ay namahala na nagkaroon ng taggutom doon, at isang tiyak na lalaki ng Bethlehem ng Juda ang pumunta sa bansa ng Moab kasama ang kaniyang asawa at kaniyang dalawang anak na lalaki.
- Umuwi si Naomi nang mabalitaang may pagkain na muliRut 1:6
Ang mga talata
Rut 1:6Pagkatapos nagpasya si Naomi na umalis ng Moab kasama ang kaniyang mga manugang at bumalik sa Juda dahil narinig niya sa rehiyon ng Maob na tinulungan ni Yahweh ang kaniyang bayan na nangangailangan at binigyan sila ng pagkain.
- Sa panahon ni David, tumagal ang taggutom nang tatlong magkakasunod na taon2 Sam 21:1
Ang mga talata
2 Sam 21:1May taggutom ng panahon ni David ng tatlong taon na magkakasunod, at hinanap ni David ang mukha ni Yahweh. Kaya sinabi ni Yahweh, “Kaya may taggutom sa iyo dahil kay saul at sa mapanganib niyang pamiya, dahil inilagay niya ang mga lahi ni Gibeon sa kamatayan.”
- Si Elias kay Ahab: walang hamog ni ulan maliban sa aking salita1 Hari 17:1
Ang mga talata
1 Hari 17:1Sinabihan ni Elias na taga-Tisbe sa Galaad si Ahab, “Habang si Yahweh, na Diyos ng Israel na aking kinakatawan, ay totoong buhay, hindi magkakaroon ng hamog o kaya ulan sa mga susunod na taon hanggang hindi ko sinasabi.”
- Dinalhan ng mga uwak si Elias ng tinapay at karne umaga at gabi1 Hari 17:6
Ang mga talata
1 Hari 17:6Dinalhan siya ng mga uwak ng tinapay at karne sa umaga at sa gabi, at uminom siya mula sa batis.
- Hindi naubos ang harina sa banga at ang langis sa tapayan ng isang balo1 Hari 17:14–16
Ang mga talata
1 Hari 17:14–16Dahil sinabi ni Yahweh, na Diyos ng Israel, “Hindi mauubusan ng laman ang banga ng harina, maging ang lalagyan ng mantika ay hindi hihinto sa pagdaloy, hanggang sa magpadala si Yahweh ng ulan sa buong lupain.” Pagkatapos, ginawa niya ang sinabi ni Elias, at siya, si Elias at ang bata ay kumain nang maraming araw. Hindi naubos ang harina sa banga maging ang mantika sa lalagyan ay hindi huminto sa pagdaloy, na siyang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.
- Sa ikatlong taon, matindi ang taggutom sa Samaria1 Hari 18:1–2
Ang mga talata
1 Hari 18:1–2Kaya pagkalipas ng maraming araw ang salita ni Yahweh ay nakarating kay Elias sa ikatlong taon ng tagtuyot nagsasabing, “Elias ipakita mo ang iyong sarili kay Ahab, at magpapadala ako ng ulan sa lupain.” At pumunta si Elias at siya ay nagpakita kay Ahab; ngayon malubha ang taggutom sa Samaria.
- Pinahanap ni Ahab kay Obadias ang damo para sa mga kabayo at mola1 Hari 18:5
Ang mga talata
1 Hari 18:5Sinabi ni Ahab kay Obadias, “Lumibot ka sa lupain sa lahat ng mga bukal ng tubig at batis. Marahil tayo ay makakahanap ng damo at maililigtas ang mga kabayo at mga asno para hindi tayo maubusan ng lahat ng hayop.”
- Inalala nang maglaon: walang ulan nang tatlong taon at kalahatiLuc 4:25, Sant 5:17
Ang mga talata
Luc 4:25Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan na maraming mga balo sa Israel sa panahon ni Elias, noong sumara ang kalangitan na walang ulan sa loob ng tatlo at kalahating mga taon, noong nagkaroon ng matinding taggutom sa lahat ng kalupaan.
Sant 5:17Si Elias ay tao din na may pakiramdaman kagaya natin. Siya ay taimtim na nanalangin na huwag umulan at hindi nga umulan sa lupa ng tatlong taon at anim na buwan.
- Taggutom sa Gilgal: ligaw na upo sa nilaga, “kamatayan sa palayok”2 Hari 4:38–40
Ang mga talata
2 Hari 4:38–40Pagkatapos pumunta muli si Eliseo sa Gilgal. Mayroong taggutom doon sa lupain, at umupo sa kaniyang tabi ang mga anak ng mga propeta. Sinabi niya sa mga alipin, “Ilagay ninyo ang malaking palayok sa apoy at magluto ng nilaga para sa mga anak ng mga propeta.” Ang isa sa kanila ay pumunta sa sakahan para maglikom ng mga gulay. Nakahanap siya ng ligaw na punong ubas at nakalikom ng sapat na ligaw na mga gulay para punuin ang tupi ng kaniyang balabal. Hiniwa nila ang mga ito at nilagay sa nilaga, pero hindi nila alam kung anong uri ang mga iyon. Kaya binuhos nila ang nilaga para kainin ng mga tao. Kinalaunan, habang kumakain sila, sumigaw sila at sinabi, “Lingkod ng Diyos, may kamatayan sa palayok!” At hindi na sila makakain.
- Pitong taong nanirahan ang Sunamita sa mga Filisteo dahil sa taggutom2 Hari 8:1–3
Ang mga talata
2 Hari 8:1–3Ngayon nagsalita si Eliseo sa babae na ang anak ay kaniyang binuhay. Sinabi niya sa kaniya, “Bumangon ka, at pumunta sa iyong sambahayan, at manatili ka sa ibang lupain kung saan maaari, dahil magpapadala si Yahweh ng taggutom na darating sa lupaing ito ng pitong taon.” Kaya bumangon ang babae at sinunod niya ang salita ng lingkod ng Diyos. Nagpunta siya sa kaniyang sambahayan at nanirahan sa lupain ng Filisteo ng pitong taon. Pagkatapos ng pitong taon bumalik ang babae mula sa lupain ng mga Filisteo, at siya ay pumunta sa hari para magmakaawa sa kaniya para sa kaniyang bahay at lupain.
- Natagpuan ng apat na ketongin na walang tao ang kampo ng mga Aramean sa labas ng Samaria2 Hari 7:3–5
Ang mga talata
2 Hari 7:3–5Ngayon, mayroong apat na lalaking may ketong sa labas ng tarangkahan ng lungsod. Sinabi nila sa isa't isa, “Bakit tayo mauupo rito hanggang mamatay tayo? Kung sabihin nating papasok tayo sa lungsod, ang taggutom ay nasa lungsod, at mamamatay tayo roon. Pero kung uupo pa rin tayo dito, mamamatay pa rin tayo. Kaya ngayon, halika, pumunta tayo sa hukbo ng mga Aramean. Kung pananatilihin nila tayong buhay, mabubuhay tayo, at kung papatayin nila tayo, mamamatay lang tayo.” Kaya tumayo sila nang mag-gagabi na para pumunta sa kampo ng mga Aramean; nang dumating sila sa pinakalabas na bahagi ng kampo, walang naroon.
- Pagkatapos ay naipagbili ang isang takal ng mainam na harina sa halagang isang siklo2 Hari 7:16
Ang mga talata
2 Hari 7:16Lumabas ang mga tao at sinamsam ang mga gamit sa kampo ng mga Aramean. Kaya ang takal ng mainam na harina ay ipinagbili sa halagang isang sekel at ang dalawang takal ng sebada ay kapalit ng isang sekel, tulad ng sinabi ni Yahweh.
- Sa pagkubkob sa Jerusalem, walang pagkain ang mga tao ng lupain2 Hari 25:3, Jer 52:6
Ang mga talata
2 Hari 25:3Sa ika-siyam na araw ng ika-apat na buwan ng taong iyon, napakatindi ng taggutom sa lungsod kung kaya't walang pagkain para sa mga mamamayan ng lupain.
Jer 52:6Sa ikaapat na buwan, sa ikasiyam na araw ng taon na iyon, matindi ang taggutom sa lungsod na walang pagkain para sa mga tao ng lupain.
- Jeremias: nagbitak ang lupa; iniiwan ng babaeng usa ang kaniyang anak dahil walang damoJer 14:4–5
Ang mga talata
Jer 14:4–5Dahil dito, nabitak ang lupa sapagkat walang ulan sa lupain. Nahihiya ang mga mag-aararo at tinatakpan nila ang kanilang mga ulo. Sapagkat iniiwan din maging ng babaing usa ang kaniyang maliliit na anak sa parang at pinababayaan ang mga ito sapagkat walang damo.
- Mga Panaghoy: namamalimos ng tinapay ang maliliit na bataPanag 4:4
Ang mga talata
Panag 4:4Nakadikit sa ngalangala ng kaniyang bibig ang dila ng sumususong sanggol dahil sa uhaw; humihingi ng tinapay ang mga bata, ngunit wala ng para sa kanila
- Sa panahon ni Nehemias, isinanla ng mga tao ang mga bukid at bahay upang makabili ng butilNeh 5:3
Ang mga talata
Neh 5:3May mga iba rin na nagsabing, “Sinasanla namin ang aming mga bukirin, ang aming ubasan, at ang aming mga bahay para makakuha ng butil sa panahon ng taggutom.”
Sa Bagong Tipan
- Sa kuwento ni Jesus, iniwan ng matinding taggutom ang bunsong anak na nangangailanganLuc 15:14
Ang mga talata
Luc 15:14Ngayon, nang naubos na niya ang lahat, matinding taggutom ang lumaganap sa buong bansang iyon, at siya ay nagsimulang mangailangan.
- Ipinahayag ni Agabo ang malaking taggutom; dumating ito sa panahon ni ClaudioGawa 11:28
Ang mga talata
Gawa 11:28Isa sa kanila na nagngangalang Agabo, ay tumayo, at ipinahiwatig sa pamamagitan ng Espiritu, na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong mundo. Nangyari nga ito sa panahon ni Claudio.
- Nagpadala ang mga alagad ng tulong sa Judea sa pamamagitan nina Bernabe at SauloGawa 11:29–30
Ang mga talata
Gawa 11:29–30Kaya, napagpasyahan ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kakayahan ng bawat isa. Ginawa nila ito; nagpadala sila ng pera sa mga nakatatanda sa pamamagitan nila Bernabe at Saulo.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0