Tuklasin › Mga paksa › Ang bilang na pito
Mga nakagugulat na detalye
Ang bilang na pito sa Bibliya
49 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Pitong araw
- Nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw; anim na araw ng paggawa, saka ang Araw ng PamamahingaGen 2:3, Exo 20:11, Deut 5:13–14
Ang mga talata
Gen 2:3Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawang banal ito, dahil doon siya nagpahinga mula sa lahat ng gawain na kanyang nagawa sa kanyang paglikha.
Exo 20:11Dahil sa ikaanim na araw Ako, si Yahweh, ang lumikha ng langit, lupa at dagat at lahat ng bagay na nasa loob nito at nagpahinga sa ikapitong araw. Kaya nga Ako, si Yahweh, ay pinagpala ang Araw ng Pamamahinga at inihandog ito sa aking sarili.
Deut 5:13–14Para sa anim na araw magtatrabaho kayo at gawin lahat ang inyong trabaho; pero ang ikapitong araw ay ang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh na inyong Diyos. Sa araw na ito hindi na kayo gagawa ng anumang trabaho, ikaw, ni inyong anak na lalaki, ni inyong anak na babae, ni inyong lalaking tagapaglingkod, ni inyong babaeng tagapaglingkod, ni inyong baka, ni inyong asno, ni alinman sa inyong kawan, ni sino mang dayuhan na nasa loob ng mga tarangkahan. Para ang iyong lalaking tagapaglingkod at babaeng tagapaglingkod ay maaaring makapagpahinga ganoon din kayo.
- Dumating ang baha pitong araw matapos pumasok si Noe sa arkaGen 7:4, Gen 7:10
- Naghintay si Noe ng pitong araw bago muling pakawalan ang kalapatiGen 8:10, Gen 8:12
- Pitong araw na nagluksa si Jose para sa kaniyang amaGen 50:10
Ang mga talata
Gen 50:10Nang sila ay dumating sa giikan ni Atad na nasa kabilang dako ng Jordan, sila ay nagluksa ng napakatindi at napakalungkot na pagdadalamhati. Doon si Jose ay nagluksa ng pitong araw para sa kanyang ama.
- Pitong araw na tahimik na naupo kasama ni Job ang kaniyang mga kaibiganJob 2:13
Ang mga talata
Job 2:13Saka sila umupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw at pitong gabi, wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita sa kaniya, dahil nakita nila ang sobrang hirap ni Job.
- Pitong araw ng tinapay na walang pampaalsa sa PaskuaExo 12:15
Ang mga talata
Exo 12:15Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
- Pitong araw sa mga kubol sa Pista ng mga KanlunganLev 23:34, Lev 23:42
Ang mga talata
Lev 23:34“Kausapin ang mga bayan ng Israel, sinasabi, 'Sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan magiging Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh. Magtatagal ito ng pitong araw.
Lev 23:42Dapat kayong manirahan sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw. Lahat ng likas na ipinanganak na mga Israelita dapat tumira sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw,
- Pitong araw tumagal ang pagtatalaga sa mga pariExo 29:35
Ang mga talata
Exo 29:35Sa ganitong paraan, sa pagsunod sa lahat ng iniutos ko sa iyo na gawin, dapat mong pakitunguhan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki. Dapat kang kumuha ng pitong araw para italaga sila sa akin.
- Pitong araw na naghintay si Saul kay Samuel sa Gilgal1 Sam 13:8
Ang mga talata
1 Sam 13:8Naghintay siya ng pitong araw, ang itinakdang panahon ni Samuel. Subalit hindi pumunta si Samuel sa Gilgal, at naghiwa-hiwalay ang mga tao mula kay Saul.
- Humingi ang Jabes ng pitong araw bago sumuko1 Sam 11:3
Ang mga talata
1 Sam 11:3Sumagot ang mga nakatatanda ng Jabes, “Iwan muna kami sa loob ng pitong araw para makapagpadala kami ng mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Pagkatapos, kung walang magliligtas sa amin, susuko kami sa iyo.”
- Pitong araw na nag-ayuno ang mga lalaki ng Jabes matapos ilibing si Saul1 Sam 31:13
Ang mga talata
1 Sam 31:13Pagkatapos kinuha nila ang kanilang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sa loob ng pitong araw.
- Pitong araw tumagal ang piging ng kasal ni Samson at ang kaniyang bugtongHuk 14:12, Huk 14:17
Ang mga talata
Huk 14:12Sinabi ni Samson sa kanila, “Hayaan ninyo na magsabi ako ng isang bugtong. Kung isa sa inyo ang makaalam nito at sabihin sa akin ang sagot sa loob ng pitong araw ng kapistahan, magbibigay ako ng tatlumpung mga linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit.
Huk 14:17Umiyak siya sa loob ng pitong araw hanggang sa natapos ang kanilang kapistahan. Sa ikapitong araw sinabi niya sa kaniya ang sagot dahil pinilit niya siya ng labis. Sinabi niya ang sagot sa mga kamag-anak ng kaniyang bayan.
- Nagdaos si Assuero ng pitong araw na piging sa hardin ng palasyoEst 1:5
Ang mga talata
Est 1:5Nang natapos ang mga araw na ito, nagbigay ang hari ng pista na tumagal ng pitong araw. Ito ay para sa lahat ng tao sa palasyo ng Susa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakahamak. Idinaos ito sa bulwagan ng hardin ng palasyo ng hari.
- Pitong araw na nanatili si Pablo sa TiroGawa 21:4
Ang mga talata
Gawa 21:4Pagkatapos naming matagpuan ang mga alagad, nanatili kami roon ng pitong araw. Nagsabi kay Pablo Ang mga alagad na ito sa pamamagitan ng Espiritu na huwag siyang tumapak ng kaniyang mga paa sa Jerusalem.
Pitong taon
- Pitong taong naglingkod si Jacob para kay Raquel, saka pito paGen 29:20, Gen 29:27
Ang mga talata
Gen 29:20Kaya naninilbihan si Jacob ng pitong taon para kay Raquel; at tila ang mga ito ay parang iilang araw lamang sa kanya, dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya.
Gen 29:27Tapusin mo ang isang linggong kasalan sa anak kong ito, at ibibigay rin namin sa iyo ang isa bilang kapalit ng iyong paninilbihan sa akin ng karagdagang pitong taon.”
- Pitong taon ng kasaganaan, saka pito ng taggutom sa EhiptoGen 41:53–54
Ang mga talata
Gen 41:53–54Ang pitong saganang mga taon na nasa lupain ng Ehipto ay natapos na. Ang pitong taon ng taggutom ay nagsimula, ayon sa nasabi ni Jose. Mayroong taggutom sa lahat ng mga lupain, pero sa lahat ng lupain ng Ehipto ay mayroong pagkain.
- Isang pitong taong taggutom noong panahon ni Eliseo2 Hari 8:1–2
Ang mga talata
2 Hari 8:1–2Ngayon nagsalita si Eliseo sa babae na ang anak ay kaniyang binuhay. Sinabi niya sa kaniya, “Bumangon ka, at pumunta sa iyong sambahayan, at manatili ka sa ibang lupain kung saan maaari, dahil magpapadala si Yahweh ng taggutom na darating sa lupaing ito ng pitong taon.” Kaya bumangon ang babae at sinunod niya ang salita ng lingkod ng Diyos. Nagpunta siya sa kaniyang sambahayan at nanirahan sa lupain ng Filisteo ng pitong taon.
- Itinayo ni Solomon ang templo sa loob ng pitong taon1 Hari 6:38
Ang mga talata
1 Hari 6:38Sa ika-labing-isang taon, sa buwan ng Bul, na ika-walong buwan, ang templo ay natapos sa lahat ng mga bahagi nito at umayon sa lahat ng mga detalye nito. Inabot ng pitong taon si Solomon para maitayo ang templo.
- Pitong ulit na pitong taon hanggang sa Taon ng PaglayaLev 25:8
Ang mga talata
Lev 25:8Dapat kayong bumilang ng pitong taon ng mga Araw ng Pamamahinga, iyon ay, pitong ulit na pitong taon, upang magkaroon ng pitong mga Araw ng Pamamahingang taon, na binubuo ng apatnapu't siyam na taon.
Pitong ulit at mga pito
- Lamec: si Cain ay ipaghihiganti nang pitong ulit, si Lamec nang pitumpu’t pitong ulitGen 4:24
Ang mga talata
Gen 4:24Kung ipaghihiganti si Cain ng makapitong ulit, sa gayon si Lamec ay ipaghihiganti ng pitumpu't-pitong ulit.”
- Pitong pares ng bawat malinis na hayop sa arkaGen 7:2
Ang mga talata
Gen 7:2Sa bawat malinis na hayop magdala ka ng pitong lalaki at pitong babae. At sa mga hayop na hindi malinis, magdala ka ng dalawa, ang lalaki at kanyang kapares.
- Binigyan ni Abraham si Abimelec ng pitong babaeng korderoGen 21:28–30
Ang mga talata
Gen 21:28–30Pagkatapos nagbukod si Abraham ng pitong mga babaeng tupa ng kawan. Sinabi ni Abimelek kay Abraham, “Anong kahulugan nitong pitong babaeng tupang ibinukod mo?” Sumagot siya, “Matatanggap mo mula sa aking kamay itong pitong babaing tupa, upang maging saksi para sa akin, na hinukay ko ang balong ito.”
- Pitong ulit yumukod si Jacob sa lupa sa harap ni EsauGen 33:3
Ang mga talata
Gen 33:3Siya mismo ang nauna sa kanila. Yumukod siya ng pitong beses, hanggang makalapit siya sa kanyang kapatid.
- Panaginip ng Paraon: pitong baka at pitong uhayGen 41:2–7
Ang mga talata
Gen 41:2–7Masdan, may pitong bakang kanais-nais at matataba ang umahon mula sa Nilo, at nanginain sila sa mga tambo. Masdan, may pitong iba pang mga bakang hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila sa Nilo. Tumayo sila katabi ng ibang mga baka sa pampang ng ilog. Pagkatapos, kinain ng pitong hindi kanais-nais at payat na baka ang pitong kanais-nais at matabang baka. Pagkatapos, nagising si Paraon. Natulog siya at nanaginip sa pangalawang pagkakataon. Masdan, pitong uhay ng butil ang tumubo sa isang tangkay, malulusog at mabubuti. Masdan, pitong uhay, payat at nilanta ng silangang hangin ang umusbong kasunod nila. Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong malulusog at buong uhay. Gumising si Paraon at masdan, iyon ay panaginip.
- Pitong ulit nagwisik ang pari ng dugo at langisLev 4:6, Lev 14:16
Ang mga talata
Lev 4:6Isasawsaw ng pari ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ang kaunti nito ng pitong beses sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kurtina ng kabanal-banalang lugar.
Lev 14:16at isasawsaw ang kanyang kanang daliri sa langis na nasa kanyang kaliwang kamay, at iwiwisik ang kaunting langis gamit ang kanyang daliri ng pitong ulit sa harap ni Yahweh.
- Humingi si Balaam ng pitong altar, pitong toro, pitong lalaking tupaBil 23:1
Ang mga talata
Bil 23:1Sinabi ni Balaam kay Balak, “Gumawa ka ng pitong altar dito para sa akin at maglaan ka ng pitong toro at pitong lalaking tupa.
- Pitong pari, pitong tambuli, pitong ulit sa palibot ng JericoJos 6:4, Jos 6:15–16
Ang mga talata
Jos 6:4Dapat dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban. Sa ikapitong araw, dapat kayong magmartsa ng pitong beses palibot ng lungsod at patunugin ng malakas ang mga trumpeta ng mga pari.
Jos 6:15–16Maaga silang gumising nang magbubukang liwayway nang ikapitong araw at nagmartsa sila palibot ng lungsod ayon sa nakasanayan nila, sa pagkakataong ito pitong ulit. Sa araw na ito sila nagmartsa palibot ng slungsod nang pitong ulit. Ito ay nasa ikapitong araw nang pinatunog nang malakas ng mga pari ang mga trumpeta, at iniutos ni Josue sa mga tao, “Sumigaw! Dahil ibinigay sa inyo ni Yahweh ang lungsod.
- Ang pitong tirintas ni SamsonHuk 16:13, Huk 16:19
Ang mga talata
Huk 16:13Sinabi ni Delilah kay Samson, “Hanggang ngayon nilinlang mo ako at nagsabi sa aking nga kasinungalingan. Sabihin mo sa akin kung papaano ka malulupig.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Kapag tinirintas mo ang pitong hibla ng aking buhok sa isang tela na nasa isang panghabi, at pagkatapos ipinulupot ito sa panghabi, magiging katulad ako ng sinumang tao.”
Huk 16:19Pinatulog niya siya sa kaniyang kandungan. Tumawag siya ng isang lalaki para ahitin ang pitong tirintas sa kaniyang ulo, at sinimulan niya para paamuhin siya, dahil nawala ang kaniyang lakas.
- Pitong ulit tumanaw sa dagat ang lingkod ni Elias1 Hari 18:43–44
Ang mga talata
1 Hari 18:43–44Kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, “Pumanhik ka ngayon, tumingin ka sa gawing dagat.” Ang kaniyang lingkod ay pumanhik at tumingin at sinabi, “Wala naman.” Kaya sinabi ni Elias, “Pumunta ka muli, ng pitong ulit.” Sa ikapitong ulit sinabi ng lingkod, “Tingnan mo, may isang ulap na umakyat mula sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang tao.” Sumagot si Elias, “Pumunta ka at sabihin mo kay Ahab, 'Ihanda mo ang iyong karwahe, at bumaba bago ka mapigilan ng ulan.'”
- Pitong ulit bumahing ang anak ng babaeng taga-Sunem2 Hari 4:35
Ang mga talata
2 Hari 4:35Pagkatapos tumayo si Eliseo at naglakad sa silid at umakyat muli at inunat ang kaniyang sarili sa bata. Bumahing ang bata ng pitong beses at binuksan ang kaniyang mga mata!
- Pitong ulit naligo si Naaman sa Jordan2 Hari 5:10, 2 Hari 5:14
Ang mga talata
2 Hari 5:10Nagpadala si Eliseo ng mensahero sa kaniya, sinasabing, “Lumublob ka sa Jordan ng pitong beses, at maibabalik ang kutis mo; ikaw ay magiging malinis.”
2 Hari 5:14Kaya nagpunta siya at lumublob ng pitong beses sa Jordan bilang pagsunod sa mga tagubilin ng lingkod ng Diyos. Bumalik ang kaniyang kutis, tulad ng kutis ng isang maliit na bata, at siya ay gumaling.
- Pinainit ni Nebucadnezar ang hurno nang pitong ulitDan 3:19
Ang mga talata
Dan 3:19Pagkatapos, napuno ng poot si Nebucadnezar, nagbago ang kaniyang mukha laban kay Shadrac, Meshac at Abednego. Iniutos niya na painitin ang pugon ng pitong beses na mas mainit kaysa sa karaniwang init nito.
- Pitong eunuko at pitong prinsipe sa palasyo ni AssueroEst 1:10, Est 1:14
Ang mga talata
Est 1:10Sa ika-pitong araw, nang ang puso ng hari ay nasisiyahan dahil sa alak, sinabihan niya sina Memuhan, Biztha, Harbona, Bigtha, Abagtha, Zethar at Carcas (ang pitong opisyal na naglilingkod sa harap niya),
Est 1:14Ngayon ang mga taong malapit sa kanya ay sina Carshena, Shethar, Admatha, Tarshish, Meres, Marsena at Memucan, pitong prinsipe ng Persia at Media. May paraan sila ng paglapit sa hari, at may pinakamataas na mga katungkulan sa loob ng kaharian.
- Magpatawad hindi lamang pitong ulit, kundi higit paMat 18:21–22
Ang mga talata
Mat 18:21–22Pagkatapos, lumapit si Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ba na magkakasala ang aking kapatid laban sa akin at akin siyang patatawarin? Hanggang pitong beses?” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ko sasabihin sa inyo na pitong beses, kundi hanggang pitumpung ulit at pito.
- Pitong tinapay, at pitong basket ang natiraMat 15:34–37
Ang mga talata
Mat 15:34–37Sinabi ni Jesus sa kanila, “IIan ang tinapay na meron kayo?” Sinabi nila, “Pito, at kaunting maliliit na isda.” At inutosan ni Jesus ang maraming tao na maupo sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay at mga isda, at pagkatapos magbigay ng pasasalamat, pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At ibinigay ng mga alagad ang mga ito sa mga tao. Ang lahat ng tao ay nakakain at nabusog. At inipon nila ang mga pagkain mula sa pira-pirasong natira, pitong basket ang napuno.
- Pitong lalaking pinili upang maglingkod sa mga mananampalataya sa JerusalemGawa 6:3
Ang mga talata
Gawa 6:3Mga kapatid, nararapat na pumili kayo ng pitong mga lalaki na mula sa inyo, mga lalaking may mabubuting pagkatao, puspos ng Espiritu at karunungan, na maaari naming ilagay sa trabahong ito.
- Ang pitong anak ni EscevaGawa 19:14
Ang mga talata
Gawa 19:14Ang mga gumawa nito ay ang pitong anak ng punong pari ng mga Hudyo, na si Esceva.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0