Tuklasin › Mga paksa › Mga Nazareo at ang kanilang panata
Mga nakagugulat na detalye
Mga Nazareo at ang kanilang panata sa Bibliya
27 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa Kautusan
- Maaaring gumawa ang lalaki o babae ng natatanging panata ng isang NazareoBil 6:2
Ang mga talata
Bil 6:2“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo sa kanila, “Kapag ang isang lalaki o isang babae ay ibinukod niya ang kaniyang sarili kay Yahweh kasama ang isang natatanging panata ng isang Nazareo,
- Walang alak, matapang na inumin, suka, katas ng ubas, ubas o pasasBil 6:3
Ang mga talata
Bil 6:3dapat niyang ilayo ang kaniyang sarili mula sa alak at matapang na inumin. Dapat hindi siya iinom ng suka na gawa mula sa alak o mula sa matapang na inumin. Dapat hindi siya iinom ng anumang katas ng ubas o kakain ng sariwang mga ubas o mga pasas.
- Walang anuman mula sa puno ng ubas, kahit ang buto o balatBil 6:4
Ang mga talata
Bil 6:4Sa lahat ng araw na siya ay ibinukod sa akin, dapat wala siyang kakaining anumang bagay na gawa mula sa mga ubas, kabilang ang lahat ng bagay na gawa mula sa mga buto hanggang sa kanilang mga balat.
- Walang labaha sa ulo: dapat humaba ang buhokBil 6:5
Ang mga talata
Bil 6:5Sa buong panahon ng kaniyang panata ng pagbubukod, walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo hanggang sa mga araw ng kaniyang pagbubukod kay Yahweh ay matupad. Dapat siyang ihandog kay Yahweh. Dapat niyang hayaang humaba ang buhok sa kaniyang ulo.
- Hindi lalapit sa bangkay, kahit ng ama o inaBil 6:6–7
Ang mga talata
Bil 6:6–7Sa buong panahon na ibubukod niya ang kaniyang sarili kay Yahweh, dapat hindi siya lalapit sa isang patay na katawan. Dapat hindi niya dudumihan ang kaniyang sarili kahit na para sa kaniyang ama, ina, kapatid na lalaki, o sa kapatid na babae, kung sila ay namatay. Ito ay dahil ibinukod siya para sa Diyos, gaya ng maaaring makita ng lahat sa pamamagitan ng kaniyang mahabang buhok.
- Kung may biglang namatay sa malapit: ahitin ang ulo sa ikapitong arawBil 6:9
Ang mga talata
Bil 6:9Kung biglang namatay ang isang tao sa tabi niya at dudungisan ang kaniyang naibukod na pagkatao, sa gayon, dapat niyang ahitan ang kaniyang ulo sa araw ng kaniyang paglilinis na kung saan dapat pagkatapos ng pitong araw. Sa araw na iyon, dapat niyang ahitan ang kaniyang ulo.
- Sa ikawalong araw: dalawang batu-bato o dalawang batang kalapatiBil 6:10
Ang mga talata
Bil 6:10Sa ikawalong araw, dapat niyang dalhin ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati sa pari sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
- Hindi ibinibilang ang mga naunang araw; nagsisimula muli ang panataBil 6:12
Ang mga talata
Bil 6:12Dapat muli niyang ihandog ang kaniyang sarili kay Yahweh sa panahon ng kaniyang pagbubukod. Dapat niyang dalhin ang isang lalaking tupa na isang taong gulang bilang isang pag-aalay sa pagkakasala. Hindi dapat ibilang ang mga araw bago niya nadungisan ang kanyiang sarili, dahil nadungisan siya habang siya ay ibinukod para sa Diyos.
- Sa katapusan: isang lalaking kordero, isang babaeng kordero, isang lalaking tupa at tinapay na walang pampaalsaBil 6:13–15
Ang mga talata
Bil 6:13–15Ito ang batas tungkol sa Nazareo para kapag natapos na ang panahon ng kaniyang pagbubukod. Dapat siyang dalhin sa pasukan sa tolda ng pagpupulong. Dapat niyang idulog ang kaniyang handog kay Yahweh. Dapat niyang ialay bilang isang handog na susunugin ang isang lalaking tupa na isang taong gulang at walang kapintasan. Dapat magdala siya ng isang babaeng tupa bilang handog para sa kasalanan na isang taong gulang at walang kapintasan. Dapat magdala siya ng isang lalaking tupa na walang dungis bilang handog para sa pagtitipon-tipon. Dapat magdala rin siya ng isang buslo ng tinapay na ginawa na walang pampaalsa, mga tinapay ng pinong harina na hinaluan ng langis, mga wafer na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis, kasama ang kanilang handog na butil at mga handog na inumin.
- Inaahit ng Nazareo ang kaniyang ulo at inilalagay ang buhok sa apoyBil 6:18
Ang mga talata
Bil 6:18Dapat ahitan ng Nazareo ang kaniyang ulo na nagpapahiwatig ng kaniyang pagkabukod sa Diyos sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong. Dapat niyang kunin ang buhok mula sa kaniyang ulo at ilagay ito sa apoy sa ilalim ng paghahandog ng mga handog sa pagtitipon-tipon.
- Pagkatapos noon, maaari nang uminom ng alak ang NazareoBil 6:20
Ang mga talata
Bil 6:20Dapat itaas ng pari ang mga ito bilang isang handog sa harap ni Yahweh at idulog ang mga ito sa kaniya. Ito ay banal na pagkain na nakalaan para sa pari, kasama ang dibdib na itinaas at ang hita na inihandog. Pagkatapos nito, maaari nang uminom ng alak ang Nazareo.
Mga Nazareong binanggit sa pangalan
- Hindi dapat uminom ng alak o kumain ng anumang marumi ang ina ni SamsonHuk 13:4, Huk 13:7, Huk 13:14
Ang mga talata
Huk 13:4Ngayon maging maingat, huwag uminom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang maruming pagkain na inihayag ng batas na madumi.
Huk 13:7Sinabi niya sa akin, 'Masdan mo! Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Kaya hindi ka iinom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi, dahil magiging isang Nazareo sa Diyos ang bata mula sa araw na nasa sinapupunan mo siya hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.'”
Huk 13:14Huwag siyang kakain ng anumang bagay na nagmumula sa puno ng ubas, at huwag hayaang uminom ng alak o matapang na inumin; huwag siyang hayaang kumain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi. Dapat niyang sundin ang lahat ng bagay na sinabi kong gawin niya.
- Magiging Nazareo si Samson mula sa sinapupunan; walang labahang daraan sa kaniyang uloHuk 13:5
Ang mga talata
Huk 13:5Masdan, mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki. Walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo, sapagkat magiging Nazareo ang bata na inihandog para sa Diyos mula sa sinapupunan. Sisimulan niyang iligtas ang Israel mula sa kamay ng mga Palestina.”
- Samson: “Hindi kailanman nagupitan ang aking buhok”Huk 16:17
Ang mga talata
Huk 16:17Kaya sinabi ni Samson sa kaniya ang lahat ng bagay at sinabi sa kaniya, “Hindi pa kailanman naaahitan ng labaha ang buhok sa aking ulo dahil naging isang Nazareo ako para sa Diyos mula sa sinapupunan ng aking ina. Kung ang aking ulo ay aahitan, sa gayon mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako tulad ng ibang tao.
- Ipinaahit ni Delilah ang buhok sa kaniyang uloHuk 16:19
Ang mga talata
Huk 16:19Pinatulog niya siya sa kaniyang kandungan. Tumawag siya ng isang lalaki para ahitin ang pitong tirintas sa kaniyang ulo, at sinimulan niya para paamuhin siya, dahil nawala ang kaniyang lakas.
- Nanata si Ana na walang labahang daraan kailanman sa ulo ng kaniyang anak1 Sam 1:11
Ang mga talata
1 Sam 1:11Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, “Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo.”
- Hindi kailanman iinom ng alak o matapang na inumin si Juan na TagapagbautismoLuc 1:15, Luc 7:33
Ang mga talata
Luc 1:15Sapagkat siya ay magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o matapang na inumin, at siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu mula sa sinapupunan ng kaniyang ina.
Luc 7:33Sapagkat naparito si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak, at inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.'
- Amos: nagbangon ng mga Nazareo mula sa inyong mga binata, pero pinainom ninyo sila ng alakAmos 2:11–12
Ang mga talata
Amos 2:11–12Pumili ako ng mga propetang mula sa inyong mga anak na lalaki at mga Nazareo mula sa inyong mga nakababatang kalalakihan. Hindi ba tama iyon, mga Israelita? —ito ang pahayag ni Yahweh.” “Ngunit hinimok ninyo ang mga Nazareo upang inumin ang alak at inutusan ang mga propetang huwag magpropesiya.
Mga panata sa Mga Gawa
- Nagpaahit ng ulo si Pablo sa Cencrea dahil sa isang panataGawa 18:18
Ang mga talata
Gawa 18:18Matapos manatili doon ni Pablo ng marami pang mga araw, iniwanan ang mga kapatid at naglayag papunta ng Siria kasama sina Priscila at Aquila. Bago siya umalis sa daungan ng Cencrea, ipinaahit niya ang kaniyang ulo dahil sa kaniyang panatang Nazaro.
- Binayaran ni Pablo ang gastos ng apat na lalaking may panata upang ahitin ang kanilang uloGawa 21:23–24, Gawa 21:26
Ang mga talata
Gawa 21:23–24Kaya gawin mo kung ano ang aming sasabihin saiyo ngayon: may apat kaming kalalakihan na gumawa ng panata. Isama mo ang mga lalaking ito at linisin mo ang iyong sarili kasama nila, at bayaran ang mga gastusin nila, upang ahitin nila ang kanilang mga ulo. Upang malaman ng bawat isa na ang mga bagay na sinabi nila tungkol sa iyo ay mali. Malalaman nila na sumusunod ka rin sa kautusan.
Gawa 21:26Pagkatapos isinama ni Pablo ang mga kalalakihan, at kinabukasan, nang makapaglinis na siyang kasama nila, tumungo sila sa templo, inihayag niya ang takdang panahon ng paglilinis, hanggang maialay ang handog para sa bawat isa sa kanila.
Ang mga Recabita
- Hindi umiinom ng alak ang mga Recabita, gaya ng iniutos ng kanilang ninunong si JonadabJer 35:6, Jer 35:14
Ang mga talata
Jer 35:6Ngunit sinabi nila, “Hindi kami iinom ng anumang alak, sapagkat inutusan kami ng aming ninunong si Jonadab na anak ni Recab na, 'Huwag kayong uminom ng anumang alak, kayo o ng inyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.
Jer 35:14Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Recab na ibinigay niya sa kaniyang mga anak bilang utos, na huwag uminom ng anumang alak ay sinusunod hanggang sa panahong ito. Sinunod nila ang utos ng kanilang ninuno. Ngunit para sa akin, ako mismo ang patuloy na nagpapahayag sa inyo, ngunit hindi kayo nakikinig sa akin.
- Hindi sila nagtayo ng bahay, hindi naghasik ng binhi, at nanirahan sa mga toldaJer 35:7
Ang mga talata
Jer 35:7Huwag din kayong magtayo ng anumang mga bahay, maghasik ng anumang mga butil o magtanim ng anumang mga ubasan, hindi ito para sa inyo. Sapagkat dapat kayong manirahan sa mga tolda sa buong buhay ninyo, upang sa gayon kayo ay mamumuhay ng mahabang panahon sa lupain kung saan kayo nananatili gaya ng mga dayuhan.'
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0