Tuklasin › Mga paksa › Mga oras at pagbabantay
Mga nakagugulat na detalye
Mga oras at pagbabantay sa Bibliya
49 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- “Naging gabi at naging umaga — ang unang araw”Gen 1:5
Ang mga talata
Gen 1:5Tinawag ng Diyos ang liwanag na “araw,” at ang kadiliman ay tinawag niyang “gabi”. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw.
- Jesus: “Hindi ba’t may labindalawang oras ang liwanag ng araw?”Juan 11:9
Ang mga talata
Juan 11:9Sumagot si Jesus, “Hindi ba sa isang araw ay may labingdalawang oras na liwanag? Kapag ang isang tao ay lumalakad samantalang araw, hindi siya matitisod sapagkat nakakakita siya sa pamamagitan ng liwanag ng araw.
- Isang araw na paglalakbay: ganoon kalayo pumasok si Elias sa ilang1 Hari 19:4
Ang mga talata
1 Hari 19:4Pero mag-isa lamang siyang naglakbay ng isang araw patungo sa ilang, at dumating at umupo siya sa ilalim ng isang puno ng retama. Hiniling niya para sa kaniyang sarili na maaari na siyang mamatay, at sinabing, “Sobra na ito, Yahweh; kunin mo na ang aking buhay, dahil hindi ako higit kaysa sa aking mga patay na ninuno”
- Layong malalakad sa Araw ng Pamamahinga: mula sa Bundok ng mga Olibo hanggang JerusalemGawa 1:12
Ang mga talata
Gawa 1:12At bumalik sila sa Jerusalem mula sa Bundok ng Olibo, na malapit sa Jerusalem, isang Araw ng Pamamahinga na paglalakbay.
- Araw ng Paghahanda: ang araw bago ang Araw ng PamamahingaMar 15:42, Juan 19:31
Ang mga talata
Mar 15:42Nang gumabi na, dahil ito ay araw ng Paghahanda, na ang araw bago ang Araw ng Pamamahinga,
Juan 19:31Noon ay Paghahanda, at upang hindi manatili ang katawan sa krus habang Araw ng Pamamahinga, (sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay isang mahalagang araw), hiniling ng mga Judio kay Pilato na ang mga binti ng mga lalaking ipinako ay baliin, at ibaba na ang kanilang mga katawan.
- Isinara ni Nehemias ang mga tarangkahan nang magdilim bago ang Araw ng PamamahingaNeh 13:19
Ang mga talata
Neh 13:19Nang dumilim na sa mga tarangkahan ng Jerusalem bago ang Araw ng Pamamahinga, iniutos ko na ang mga pinto ay isara at hindi dapat buksan ang mga ito hanggang sa matapos ang Araw ng Pamamahinga. Inilagay ko ang ilan sa aking mga lingkod sa mga tarangkahan para walang kargada ang maipasok sa Araw ng Pamamahinga.
- Umatras nang sampung baytang ang anino sa hagdan ni Ahaz2 Hari 20:9–11
Ang mga talata
2 Hari 20:9–11Sumagot si Isaias, “Ito ang magiging tanda para sa iyo mula kay Yahweh, na gagawin ni Yahweh ang bagay na kaniyang sinabi. Dapat bang humakbang ang anino ng sampung hakbang pasulong, o sampung hakbang pabalik?” Sumagot si Hezekias, “Madali lang para sa anino na humakbang ng sampung beses pasulong. Hindi, hayaang humakbang ang anino ng sampung hakbang pabalik.” Kaya tumawag si Isaias kay Yahweh, at dinulot niya ang anino na humakbang ng sampung beses pabalik, mula sa pinanggalingan nito sa hagdan ni Ahaz.
Mga pagbabantay sa gabi
- Mga Panaghoy: “Sumigaw ka sa gabi mula sa unang pagbabantay”Panag 2:19
Ang mga talata
Panag 2:19Tumayo at sumigaw ka sa gabi; sa pasimula ng oras ibuhos mo ang iyong puso tulad ng tubig sa harapan ng Panginoon. Itaas mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil ang buhay ng iyong mga anak na nakahigang mahina sa gutom sa dulo ng bawat lansangan.”
- Dumating si Gideon sa simula ng gitnang pagbabantay, pagkatapos magpalit ng bantayHuk 7:19
Ang mga talata
Huk 7:19Kaya dumating si Gideon at ang isandaang lalaki na kasama niya sa bawat sulok ng kampo, sa pagsisimula ng kalagitnaang pagbabantay. Habang nagpapalit ng mga tagabantay ang mga Midianita, hinipan nila ang mga trumpeta at binasag ang mga tapayang nasa kanilang mga kamay.
- Sa pagbabantay sa umaga, nagkagulo ang kampo ng mga taga-EhiptoExo 14:24
Ang mga talata
Exo 14:24Pero kinaumagahan, si Yahweh ay tumingin mula sa ibaba sa mga hukbo ng Ehipto sa pamamagitan ng haligi ng apoy at ulap. Nagdulot siya ng pagkabahala sa mga taga-Ehipto
- Sinalakay ni Saul ang kampo ng mga Ammonita sa pagbabantay sa umaga1 Sam 11:11
Ang mga talata
1 Sam 11:11Sumunod na araw, hinati ni Saul ang mga tao sa tatlong pangkat. Dumating sila sa gitna ng kampo sa oras ng pang-umagang tanod at sinalakay at tinalo nila ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw. Kumalat ang mga nakaligtas, at walang dalawa sa kanila ang naiwang magkasama.
- Lumakad si Jesus sa dagat sa ikaapat na pagbabantay ng gabiMat 14:25, Mar 6:48
Ang mga talata
Mat 14:25Nang madaling araw na, nilapitan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat.
Mar 6:48At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila.
- Maaaring dumating ang amo sa ikalawa o ikatlong pagbabantayLuc 12:38
Ang mga talata
Luc 12:38Kung ang amo ay dadating sa pangalawang pagbantay sa gabi o kahit sa pangatlong pagbantay at nakita silang handa, pinagpala ang mga lingkod na iyon.
- Sa gabi, sa hatinggabi, sa pagtilaok ng tandang, o sa umagaMar 13:35
Ang mga talata
Mar 13:35Kaya magbantay kayo! Sapagkat hindi ninyo alam kung kailan uuwi ang amo ng tahanan, maaaring sa gabi, sa hating gabi, kapag tumilaok ang tandang, o sa umaga.
- Nagbubulay-bulay ang isang mang-aawit sa mga pagbabantay ng gabiAwit 63:6, Awit 119:148
Ang mga talata
Awit 63:6Kapag naiisip ko ang tungkol sa iyo sa aking higaan at pinagninilay-nilayan kita sa mga oras ng gabi.
Awit 119:148Mulat ang aking mga mata bago magpalit ng mga yugto ang gabi, para mapagnilayan ko ang mga salita mo.
Mga oras ng araw
- Pedro: “Ikatlong oras pa lamang ng araw!”Gawa 2:15
Ang mga talata
Gawa 2:15Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw.
- Mga manggagawang inupahan sa ikatlo, ikaanim, ikasiyam at ikalabing-isang orasMat 20:3, Mat 20:5–6
Ang mga talata
Mat 20:3Lumabas siya muli sa dakong alas nuwebe noong umagang iyon at nakita niya ang ibang mga manggagawa na nakatayong walang ginagawa sa pamilihan.
Mat 20:5–6Lumabas siyang muli nang mag-aalas dose ng tanghali at muli nang mag-aalas tres ng hapaon, at ganoon din ang ginawa niya. At sa isa pang pagkakataon nang mag-aalas singko ng hapon, siya ay lumabas at nakatagpo ng iba pang nakatayong walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo nakatayo rito na walang ginagawa sa maghapon?'
- Pagsapit ng gabi, binayaran ang lahat, ang huling inupahan ang naunaMat 20:8–9
Ang mga talata
Mat 20:8–9At nang sumapit ang gabi, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang tagapangasiwa, 'Tawagin ang mga manggagawa at ibigay ang kanilang sahod, mula sa nahuli hanggang sa nauna.' At nang ang mga manggagawa na inupahan nang mag-aalas singko ay dumating, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng isang denaryo.
- Ikatlong oras nang ipako nila sa krus si JesusMar 15:25
Ang mga talata
Mar 15:25Ikatlong oras na nang siya ay ipinako nila.
- Kadiliman mula sa ikaanim na oras hanggang sa ikasiyamMat 27:45, Mar 15:33, Luc 23:44
Ang mga talata
Mat 27:45Ngayon, mula sa tanghaling tapat dumilim ang buong paligid hanggang sa alas tres ng hapon.
Mar 15:33Sa ika-anim na oras, nagdilim ang buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras.
Luc 23:44Nang pasapit na ang Ika-anim na oras, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras
- Pilato: “Narito ang inyong Hari!” Mga ikaanim na oras noonJuan 19:14
Ang mga talata
Juan 19:14Ngayon, ito ay ang araw ng paghahanda para sa Paskwa, nang mag-iika-anim na oras. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Tingnan ninyo, narito ang inyong hari!”
- Nawala ang lagnat ng anak ng opisyal sa ikapitong orasJuan 4:52
Ang mga talata
Juan 4:52Kaya nagtanong siya sa kanila kung anong oras siya nagsimulang gumaling. Sumagot sila sa kaniya, “Kahapon ng ala una ay nawala ang kaniyang lagnat.”
- Sumama kay Jesus ang dalawang alagad nang mga ikasampung orasJuan 1:39
Ang mga talata
Juan 1:39Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at tingnan.” At sila ay pumaroon at nakita kung saan siya nakatira; sila ay tumira kasama niya sa araw na iyon sapagkat noon ay halos mag-aalas kuwatro na.
- Pumunta sa templo sina Pedro at Juan sa ikasiyam na oras, ang oras ng panalanginGawa 3:1
Ang mga talata
Gawa 3:1Ngayon papunta sina Pedro at Juan sa templo sa oras ng pananalangin, alas tres ng hapon.
- Nananalangin si Cornelio sa ikasiyam na orasGawa 10:3, Gawa 10:30
Ang mga talata
Gawa 10:3Bandang alas tres ng hapon, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya. Ang sabi ng anghel sa kaniya, “Cornelio!”
Gawa 10:30Sinabi ni Cornelio, “ May apat na araw na ngayon ang nakakalipas sa ganito ring oras, bandang alas-tres nananalangin ako sa aking bahay; at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan na may maliwanag na kasuotan.
- Umakyat si Pedro sa bubungan upang manalangin nang mga ikaanim na orasGawa 10:9
Ang mga talata
Gawa 10:9Bandang tanghali kinabukasan, sa kanilang paglalakbay papalapit sa lungsod, si Pedro ay pumunta sa bubungan upang manalangin.
- Umalis ang mga sundalo papuntang Cesarea sa ikatlong oras ng gabiGawa 23:23
Ang mga talata
Gawa 23:23Kaya pinatawag niya ang dalawang senturion at sinabi, “Maghanda kayo ng dalawang-daang kawal na handang magtungo hanggang sa Cesarea, at pitumpung mangangabayo, at dalawang-daang maninibat. Aalis kayo alas nuwebe ng gabi.”
Umaga, tanghali at hatinggabi
- Nanalangin si Daniel nang tatlong beses isang araw, bukas ang kaniyang mga bintana paharap sa JerusalemDan 6:10
Ang mga talata
Dan 6:10Nang nalaman ni Daniel na nalagdaan na ang kasulatan na isina-batas, pumunta siya sa kaniyang bahay (ngayon ang kaniyang bintana sa itaas ay nakabukas sa dakong Jerusalem) at siya ay lumuhod, gaya ng ginagawa niya ng tatlong beses sa isang araw, at nanalangin at nagpapasalamat sa harapan ng kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
- Isang awit: “Sa umaga, tanghali at gabi, ako ay dumaraing”Awit 55:17
Ang mga talata
Awit 55:17Magsusumbong ako at dadaing sa gabi, sa umaga at sa tanghaling tapat; maririnig niya ang aking tinig.
- Nakaupo si Abraham sa pasukan ng kaniyang tolda sa init ng arawGen 18:1
Ang mga talata
Gen 18:1Habang nakaupo siya sa pintuan ng tolda sa kainitan ng araw, nagpakita si Yahweh kay Abraham sa mga kakahuyan ni Mamre.
- Lumabas si Isaac sa bukid sa pagsisimula ng gabiGen 24:63
Ang mga talata
Gen 24:63Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating!
- Kinatay ang mga korderong pampaskua sa takipsilimExo 12:6
Ang mga talata
Exo 12:6Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim.
- Nanalangin si Elias sa oras ng paghahandog sa gabi1 Hari 18:36
Ang mga talata
1 Hari 18:36Ito ang naganap sa oras ng pag-aalay ng pang gabing handog, si Elias na propeta ay lumapit at sinabi, “ Yahweh, na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ng Israel, hayaang malaman sa araw na ito na ikaw ang Diyos sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginagawa ang lahat ng bagay sa iyong salita.
- Hinawakan ng mga tauhan ni Nehemias ang mga sibat mula bukang-liwayway hanggang lumitaw ang mga bituinNeh 4:21
Ang mga talata
Neh 4:21Kaya ginagawa namin ang trabaho. Kalahati sa kanila ay may hawak-hawak na mga sibat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglabas ng mga bituin.
- Sa hatinggabi, binunot ni Samson ang mga pinto ng tarangkahan ng lungsod ng GazaHuk 16:3
Ang mga talata
Huk 16:3Nakahiga si Samson sa kama hanggang hatinggabi. Nang hatinggabi tumayo siya at kaniyang hinawakan ang tarangkahan ng lungsod at ang dalawang poste nito. Binunot niya ang mga ito sa ilalim ng lupa, ang rehas at ang lahat, inilagay niya ang mga ito sa kaniyang mga balikat, at dinala ang mga ito paakyat sa itaas ng burol, sa harap ng Hebron.
- Sa hatinggabi, nagising si Boaz at may babaeng nakahiga sa kaniyang paananRut 3:8
Ang mga talata
Rut 3:8Nangyari ito noong hatinggabi na ang lalaki ay nagulat. Bumalikwas siya, at naroon ang isang babae na nakahiga sa kaniyang paanan.
- Bandang hatinggabi, nanalangin at umawit ng mga himno sina Pablo at Silas sa bilangguanGawa 16:25
Ang mga talata
Gawa 16:25Nang maghahating gabi na sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig ang ibang bilanggo sa kanila.
- Nagsalita si Pablo hanggang hatinggabi, at nahulog si Eutico mula sa bintanaGawa 20:7, Gawa 20:9
Ang mga talata
Gawa 20:7Sa unang araw ng linggo, nang kami ay nagtipun-tipon upang pagpira-pirasuhin ang tinapay, nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya. Binabalak niyang umalis kinabukasan, kaya patuloy siyang nagsalita hanggang hating gabi.
Gawa 20:9May isang binata na nakaupo sa bintana na nagngangalang Eutico, na nakatulog ng mahimbing. Habang tumatagal ang pangangaral ni Pablo, patuloy parin sa pagtulog ang binatang ito, nahulog mula sa pangatlong palapag at kinuha siyang patay.
- Tumilaok ang tandang sa ikalawang pagkakataon, at naalala ni PedroMar 14:30, Mar 14:72
Ang mga talata
Mar 14:30Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Totoo, sinasabi ko ito sa iyo, ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang ng dalawang beses, ipagkakaila mo ako ng tatlong beses.
Mar 14:72Pagkatapos tumilaok ang tandang ng ikalawang beses. At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ng dalawang ulit, tatlong beses mo akong itatanggi.” At nanlumo siya at tumangis.
- Maagang-maaga sa unang araw, pagsikat ng araw, pumunta sila sa libinganMar 16:2
Ang mga talata
Mar 16:2Maagang-maaga sa unang araw ng linggo, nang sumikat ang araw pumunta sila sa libingan.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0