Tuklasin › Mga paksa › Mga susi, tatak at singsing na pantatak
Mga nakagugulat na detalye
Mga susi, tatak at singsing na pantatak sa Bibliya
27 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Mga susi at trangka
- Ikinandado ni Ehud ang mga pinto ng silid sa itaas ni Haring Eglon pagkalabas niyaHuk 3:23
Ang mga talata
Huk 3:23Pagkatapos lumabas si Ehud sa balkonahe at isinara ang mga pintuan ng silid sa itaas sa kaniyang likuran at kinandado ang mga ito.
- Naghintay ang mga lingkod, saka kinuha ang susi at binuksan ang mga pintoHuk 3:24–25
Ang mga talata
Huk 3:24–25Matapos umalis ni Ehud, dumating ang mga tagapaglingkod ng hari; nakita nila na nakakandado ang mga pintuan ng silid sa itaas, kaya inisip nila, “Tiyak na pinagiginhawa niya ang kaniyang sarili sa katiwasayan sa silid sa itaas.” Lubha silang nag-alala hanggang sa naramdaman nilang nagpapabaya sila sa kanilang tungkulin kapag hindi parin bubuksan ng hari ang mga pintuan ng silid sa itaas. Kaya kinuha nila ang susi at binuksan ang mga ito, at doon nakahiga ang kanilang amo, nakahandusay sa sahig, patay na.
- Binabantayan ng mga Levita ang bahay ng Diyos sa gabi at binubuksan ito tuwing umaga1 Cro 9:27
Ang mga talata
1 Cro 9:27Magdamag silang nagbabantay sa nakatalaga nilang puwesto sa palibot ng tahanan ng Diyos, dahil tungkulin nilang bantayan ito. Binubuksan nila ito tuwing umaga.
- Muling itinayo ang mga tarangkahan ng Jerusalem na may mga pinto, trangka at halangNeh 3:3
Ang mga talata
Neh 3:3Itinayo ng mga anak ni Hasenaa ang Tarangkahan ng Isda. Inilagay nila ang mga biga sa lugar at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas.
Mga tatak at singsing na pantatak
- Iniwan ni Juda kay Tamar ang kaniyang pantatak, panali at tungkod bilang sanglaGen 38:18
Ang mga talata
Gen 38:18Sinabi niya, “Anong sangla ang maaari kong ibigay sa iyo?” At sinabi niya, “Ang inyong selyo at kordon, at ang tungkod na nasa iyong kamay.” Ibinigay ito sa kanya at sinipingan siya. Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya.
- Tamar: “Kanino ang pantatak, panali at tungkod na ito?”Gen 38:25
Ang mga talata
Gen 38:25Nang siya ay dinala palabas, nagpadala siya ng mensahe para sa kanyang biyenan na lalaki, “Dahil sa lalaking nagmamay-ari nito nabuntis ako.” Sabi niya, “Pakiusap alamin ninyo kung kaninong selyo, mga kordon at tungkod ito.”
- Isinuot ng Paraon ang kaniyang singsing na pantatak sa daliri ni JoseGen 41:42
Ang mga talata
Gen 41:42Tinanggal ni Paraon ang kaniyang singsing na pantatak mula sa kaniyang kamay at nilagay niya ito sa kamay ni Jose. Binihisan niya siya ng mga damit na pinong lino at nilagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg.
- Sumulat si Jezebel ng mga liham sa pangalan ni Ahab at tinatakan ng kaniyang pantatak1 Hari 21:8
Ang mga talata
1 Hari 21:8Kaya sumulat si Jezebel ng mga liham sa pangalan ni Ahab, sinelyuhan ito ng kaniyang mga selyo, at pinadala ito sa mga nakatatanda at sa mayayaman na nakaupo na kasama niya sa mga pagpupulong, at sa naninirahan malapit kay Nabot.
- Ibinigay ni Assuero kay Haman ang kaniyang singsing na pantatakEst 3:10
Ang mga talata
Est 3:10Pagkatapos ay hinubad ng hari ang panselyong singsing sa kanyang kamay at ibinigay ito kay Haman na anak na lalaki ni Hammedatha ng Agageo, ang kaaway ng mga Judio.
- Isinulat ang utos ni Haman sa pangalan ng hari at tinatakan ng singsingEst 3:12
Ang mga talata
Est 3:12Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing.
- Ang singsing na binawi kay Haman ay ibinigay kay MordecaiEst 8:2
Ang mga talata
Est 8:2Kinuha ng hari ang panselyong singsing, na binawi niya mula kay Haman, at ibinigay ito kay Mordecai. Itinalaga ni Esther si Mordecai na maging tagapamahala ng lahat ng ari-arian ni Haman.
- Hindi mababawi ang kautusang tinatakan ng singsing na pantatak ng hariEst 8:8
Ang mga talata
Est 8:8Sumulat ka ng iba pang kautusan para sa mga Judio sa pangalan ng hari, at selyuhan ito sa pamamagitan ng singsing ng hari. Sapagkat ang kautusang naisulat na sa pangalan ng hari at naselyuhan sa pamamagitan ng singsing ng hari ay hindi maaaring mapawalang-bisa.”
- Tinatakan ni Mordecai ang mga liham at ipinadala sa mga mensaherong nakakabayoEst 8:10
Ang mga talata
Est 8:10Sumulat si Mordecai sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ito ng panselyong singsing ng hari. Pinadala ang mga kasulatan sa pamamagitan ng mga tagahatid na nakasakay sa mabibilis na mga kabayo na siyang ginagamit sa paglilingkod sa hari, pinarami mula sa maharlikang palahiang hayop.
- Tinatakan ang yungib ng mga leon ng singsing ng hari at ng kaniyang mga maharlikaDan 6:17
Ang mga talata
Dan 6:17Dinala ang isang bato sa pasukan ng yungib, at tinatakan ito ng hari ng kaniyang singsing na pangtatak at kasama ng mga tatak ng singsing ng mga maharlika upang walang anumang mabago tungkol kay Daniel.
- Isang nakasulat na kasunduang tinatakan ng mga pangalan ng mga pinuno, Levita at pariNeh 9:38, Neh 10:1
Ang mga talata
Neh 9:38Dahil sa lahat ng ito, kami ay gumawa ng isang matatag na tipan sa kasulatan. Sa selyadong dokumento ay ang mga pangalan ng aming mga prinsipe, mga Levita at mga pari.”
Neh 10:1Ang mga naglagay ng mga pangalan nila sa selyadong kasulatan ay sina: Nehemias anak ni Hachalias, ang gobernador, at ang mga pari na siyang lumagda ay sila Zedekias,
- Pumirma at nagtatak si Jeremias ng kasulatan: isang kopyang tinatakan, isang kopyang bukasJer 32:10–11
Ang mga talata
Jer 32:10–11At sumulat ako sa isang kasulatang binalumbon at sinelyuhan ko ito, at may mga saksing nakasaksi nito. At tinimbang ko ang pilak sa timbangan. Pagkatapos, kinuha ko ang katibayan ng pagkabili na naselyuhan, bilang pagsunod sa utos at sa mga kautusan, gayon din ang hindi naselyuhang katibayan.
- Inilagay ang mga kasulatan sa isang bangang luwad upang tumagal nang matagalJer 32:14
Ang mga talata
Jer 32:14'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kunin mo ang mga kasulatang binalumbon na ito kasama ang resibo ng pagbili na naselyuhan at itong hindi naselyuhan na kasulatang binalumbon. Ilagay mo ang mga ito sa bagong lalagyan upang tumagal ang mga ito sa mahabang panahon.
- Ang libingan ni Jesus ay tiniyak sa pagtatatak sa bato at paglalagay ng bantayMat 27:66
Ang mga talata
Mat 27:66Kaya pumunta sila at siniguradong ligtas ang libingan, sinelyohan ang bato at naglagay ng tagapagbantay.
Inukit na gaya ng tatak
- Dalawang batong onix na inukitan na gaya ng tatak ng mga pangalan ng mga anak ni IsraelExo 28:9, Exo 28:11, Exo 39:6
Ang mga talata
Exo 28:9Dapat kang kumuha ng dalawang batong oniks at iukit dito ang mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel.
Exo 28:11Sa pamamagitan ng gawa ng mang-uukit ng bato, kagaya ng pag-ukit sa isang selyo, dapat mong ipaukit ang dalawang bato kasama ng mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel. Dapat mong ilagay ang mga bato sa lalagyang ginto.
Exo 39:6Inukit nila ang mga batong oniks, na kalakip sa lagayan ng ginto, iniayos kasama ang inukitan na parang nasa isang pantatak, at inukitan ng mga pangalan ng labing-dalawang anak na lalaki ni Israel.
- Labindalawang bato ng pektoral, bawat isa ay inukitan na gaya ng tatak ng pangalan ng isang lipiExo 28:21, Exo 39:14
Ang mga talata
Exo 28:21Dapat ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, bawat pangalan na magkakasunod-sunod. Dapat katulad sila sa nakaukit ng isang selyong singsing, bawat pangalan ay tumatayo bilang isa sa mga labindalawang lipi.
Exo 39:14Ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, ang bawat isa ay inayos ayon sa pangalan. Ang mga ito ay mistulang mga inukit na nakalagay sa pangselyong singsing, bawat pangalan ay kumakatawan para sa isa sa labindalawang lipi.
- Isang gintong plato na inukitan na gaya ng tatak: BANAL KAY YAHWEHExo 28:36, Exo 39:30
- Isang kasabihan sa Awit ng mga Awit: “Ilagay mo ako na gaya ng tatak sa iyong puso”AwS 8:6
Ang mga talata
AwS 8:6Ilagay mo ako bilang isang tatak sa iyong puso, katulad ng isang selyo sa iyong bisig, dahil ang pag-ibig ay kasing lakas tulad ng kamatayan. Ang madamdaming debosyon ay tulad ng pagpupumilit ng sheol; ang mga apoy nito ay lumalagablab; ito ay isang nagliliyab na apoy, isang apoy na mas mainit kaysa sa anumang apoy.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0