Tuklasin › Mga paksa › Mga pataksil na pagpatay
Mga nakagugulat na detalye
Mga pataksil na pagpatay sa Bibliya
23 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- “Sumpain ang palihim na pumatay sa kaniyang kapwa”Deut 27:24
Ang mga talata
Deut 27:24'Nawa'y isumpa ang taong lihim na pinatay ang kaniyang kapwa.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
- Ipinapatay ni David ang mga pumatay kay Isboset2 Sam 4:9–12
Ang mga talata
2 Sam 4:9–12Sinagot ni David sina Recab at Baana na kaniyang kapatid, ang mga lalaking anak ni Rimon na taga-Beerot; sinabi niya sa kanila, “Habang nabubuhay si Yahweh, ang nagligtas sa aking buhay mula sa bawat kaguluhan, nang sinabihan ako ng isang tao, 'Tingnan mo, patay na si Saul,' iniisip ko na nagdadala siya ng mabuting balita, hinuli ko siya at pinatay sa Himat Ziklag. Iyon ang gantimpala na ibinigay ko sa kaniya para sa kaniyang balita. Gaano pa kaya, kapag pinatay ng mga masasamang lalaki ang isang taong walang kasalanan sa kaniyang sariling bahay sa kaniyang higaan, hindi ko ba dapat hingin ang kaniyang dugo ngayon mula sa inyong kamay, at aalisin kayo sa mundo?” Pagkatapos nagbigay si David ng utos sa mga binata, at pinatay nila sila at pinutol ang kanilang mga kamay at paa at isinabit sila sa tabi ng lawa sa Hebron. Pero kinuha nila ang ulo ni Isboset at inilibing ito sa libingan ni Abner sa Hebron.
Mga halimbawa
- Pinatay ni Ehud si Haring Eglon ng Moab gamit ang nakatagong espadaHuk 3:15–22
Ang mga talata
Huk 3:15–22Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab. Gumawa ng isang espadang may dalawang talim si Ehud para sa kaniyang sarili, isang kubit sa haba; itinali niya ito sa ilalim ng kaniyang damit sa kanang hita. Ibinigay niya ang pugay na pambayad kay Haring Eglon ng Moab. (Ngayon si Eglon ay isang napakatabang tao.) Matapos ihandog ni Ehud ang pugay na pambayad, umalis siya kasama ang mga nagdala nito. Gayunman, para kay Ehud nang marating niya ang lugar kung saan ginawa ang mga inukit na larawan malapit sa Gilgal, siya ay bumalik at sinabi, “Mayroon akong lihim na mensahe para sa iyo, aking hari.” Sinabi ni Eglon, “Tumahimik ka” Kaya umalis sa silid ang lahat ng naglilingkod sa kaniya. Lumapit sa kaniya si Ehud. Nakaupong mag-isa ang hari, nag-iisa sa katiwasayan ng silid sa itaas. Sinabi ni Ehud, “Mayroon akong mensahe mula sa Diyos para sa iyo.” Tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan. Si Ehud ay bumunot gamit ang kaliwang kamay at kinuha ang espada mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak ito sa katawan ng hari. At bumaon pati ang hawakan ng espada kasunod ng talim, na ang dulo ay tumagos sa kaniyang likuran, at sumara ang taba sa talim, dahil hindi binunot ni Ehud ang espada mula sa kaniyang katawan.
- Pinatay ni Abimelec ang kaniyang mga kapatid sa iisang bato; nagtago si JotamHuk 9:5
Ang mga talata
Huk 9:5Pumunta siya sa bahay ng kaniyang ama sa Ofra at sa isang bato pinatay niya ang pitumpung kapatid niyang lalaki, mga anak na lalaki ni Jerub Baal. Tanging si Jotam ang naiwan, ang pinakabatang anak na lalaki ni Jerub Baal, dahil itinago niya ang kaniyang sarili.
- Sinaksak ni Joab si Abner sa tarangkahan ng Hebron2 Sam 3:27
Ang mga talata
2 Sam 3:27Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.
- Pinatay nina Recab at Baana si Isboset sa kaniyang higaan sa katanghalian2 Sam 4:5–7
Ang mga talata
2 Sam 4:5–7Kaya ang mga anak na lalaki ni Rimon na taga-Beerot, na sina Recab at baana ay naglakbay ng ang panahon ay mainit papunta sa tahanan ni Isboset, habang siya ay nagpapahinga sa tanghali. Nakatulog ang babaeng nagbabantay sa pintuan habang sinasala ang trigo, at pumasok sina Recab at Baana nang tahimik at dinaanan siya. Kaya pagkatapos nilang pumasok ng bahay, sinalakay nila siya at pinatay habang nakahiga siya sa kaniyang higaan sa kaniyang silid. Pagkatapos pinugutan nila siya ng ulo at dinala ito palayo, buong gabi silang naglalakbay sa daan patungong Araba.
- Pinatay ng mga tauhan ni Absalom si Amnon nang ito ay masaya sa alak2 Sam 13:28–29
Ang mga talata
2 Sam 13:28–29Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.” Kaya ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon ang iniutos niya sa kanila. Pagkatapos tumayo ang lahat ng anak na lalaki ng hari at sumakay ang bawat lalaki sa kaniyang mola at tumakas.
- Hinawakan ni Joab si Amasa sa balbas at sinaksak siya2 Sam 20:9–10
Ang mga talata
2 Sam 20:9–10Kaya sinabi ni Joab kay Amasa, “Mabuti ba ang lagay mo, aking pinsan?” Magiliw ni Joab na kinuha ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay para halikan siya. Hindi napansin ni Amasa ang punyal na nasa kaliwang kamay ni Joab. Sinaksak ni Joab si Amasa sa tiyan at nahulog sa lupa ang kaniyang mga bituka. Hindi na siya hinampas muli ni Joab, at namatay si Amasa. Kaya si Joab at Abisai kaniyang kapatid na lalaki ay hinabol si Seba anak na lalaki ni Bicri.
- Pinatay ni Baasa si Haring Nadab sa Gibeton1 Hari 15:27–28
Ang mga talata
1 Hari 15:27–28Nagplano ng pagtataksil laban kay Nadab si Baasa na anak ni Ahias na mula sa pamilya ni Isacar,; pinatay siya ni Baasa sa Gibeton, na sakop ng Filisteo, dahil sina Nadab at ang buong Israel ay lumusob sa Gibeton. Sa ikatlong taon ni haring Asa ng Juda, pinatay ni Baasa si Nadab at naging hari kapalit niya.
- Pinatay ni Zimri si Haring Ela habang ito ay lasing1 Hari 16:9–10
Ang mga talata
1 Hari 16:9–10Ang kaniyang lingkod na si Zimri, ang pinuno ng kalahati ng kaniyang mga karuwaheng pandigma, ay nagbalak ng masama laban sa kaniya. Sa panahong iyon si Ela ay nasa Tirza, na nilalasing ang sarili sa bahay ni Arza, na namamahala sa buong sambahayan sa Tirza. Pumasok sa loob si Zimri, sinalakay at pinatay niya si Ela, at naging hari kapalit niya sa ika-dalawampu't pitong taon ni Asa hari ng Juda.
- Pinana ni Jehu si Haring Joram sa pagitan ng mga balikat2 Hari 9:24
Ang mga talata
2 Hari 9:24Pagkatapos nilabas ni Jehu ang kaniyang pana na buong lakas niyang pinana si Joram sa pagitan ng kaniyang mga balikat; tumagos ang palaso sa kaniyang puso, at nalaglag siya sa kaniyang karwahe.
- Pinana ng mga tauhan ni Jehu si Haring Ahazias ng Juda sa kaniyang karwahe2 Hari 9:27
Ang mga talata
2 Hari 9:27Nang makita ito ni Ahazias ang hari ng Juda, tumakas siya sa daan ng Beth Haggan. Pero sumunod si Jehu sa kaniya, at sinabi, “Patayin din siya sa karwahe,” at siya ay pinana nila pag-ahon sa Gur, na nasa Ibleam. Tumakas si Ahazias patungo sa Meggido at namatay doon.
- Pinatay si Joas ng kaniyang mga lingkod sa bahay ng Millo2 Hari 12:20–21
Ang mga talata
2 Hari 12:20–21Nag-alsa at sama-samang nagplano ang kaniyang mga lingkod; nilusob nila si Joas sa tahanan sa Millo, sa daan papunta ng Sila. Si Josacar, anak ni Semiat, at Jehozabad anak ni Somer, na kaniyang lingkod, ay sinalakay siya at siya ay namatay. Inilibing nila si Joas kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David, at si Amasias, na kaniyang anak, ang naging hari kapalit niya.
- Sinundan ng mga nagsabwatan si Amasias sa Laquis at pinatay siya2 Hari 14:19
Ang mga talata
2 Hari 14:19Nagsabwatan sila laban kay Amasias sa Jerusalem, at tumakas siya papuntang Laquis. Tumakas siya sa Laquis, pero nagpadala sila ng mga tauhan sa Laquis at pinatay siya roon.
- Sa Israel, bawat isa kina Sallum, Menahem, Peka at Hosea ay pumatay ng isang hari2 Hari 15:10, 2 Hari 15:14, 2 Hari 15:25, 2 Hari 15:30
Ang mga talata
2 Hari 15:10Naghimagsik si Sallum anak ni Jabes laban kay Zacarias, nilusob siya sa harap ng mga tao at pinaslang siya. Pagkatapos siya ang pumalit na hari kapalit niya.
2 Hari 15:14Mula sa Tirza si Menahem anak ni Gadi ay nagtungo sa Samaria. Doon nilusob niya si Sallum anak ni Jabes, sa Samaria. Pinatay niya siya at naging hari kapalit niya.
2 Hari 15:25Si Peka anak ni Remalias, isang kapitan na naglilingkod kay Pekakias, ay nakipagsabwatan kina Argob at Aries laban sa kaniya at pinaslang siya sa tanggulan ng palasyo ng hari sa Samaria. Kasama niya ang limampung kalalakihang taga-Galaad. Pinatay niya siya at naging hari kapalit niya.
2 Hari 15:30Kaya si Hosea anak ni Ela ay nagbuo ng isang sabwatan laban kay Peka anak ni Remalias. Nilusob niya at pinatay siya. Pagkatapos siya ay naghari kapalit niya, sa ika-dalawampung taon ni Jotam anak ni Uzzias.
- Pinatay si Haring Amon sa kaniyang palasyo ng kaniyang mga lingkod2 Hari 21:23
Ang mga talata
2 Hari 21:23Nagbanta ang mga lingkod ni Amon laban sa kaniya at pinatay ang hari sa sarili niyang tahanan.
- Pinatay si Senaquerib ng kaniyang mga anak habang sumasamba2 Hari 19:37, Isa 37:38
Ang mga talata
2 Hari 19:37Kinalaunan, habang sumasamba siya sa tahanan ni Nisroc ang kaniyang diyos, pinatay siya ng kaniyang mga anak na sina Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos tumakas sila sa lupain ng Ararat. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Esarhadon ang pumalit sa kaniya bilang hari.
Isa 37:38Kalaunan, habang siya ay nagpupuri sa tahanan ng kanyang diyos na si Nisroc, pinatay siya ng kanyang mga anak na si Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos sila ay nagtago sa lupain ng Ararat. Tapos ang kanyang anak si Esarhadon ang naghari kapalit niya.
- Pinatay ni Ismael na anak ni Netanias si Gedalias2 Hari 25:25
Ang mga talata
2 Hari 25:25Pero nangyari ito nang sa ika-pitong buwan dumating si Ismael na anak ni Netanias na anak ni Elisama, mula sa maharlikang pamilya, na may kasamang sampung lalaki, at nilusob si Gedalias. Namatay si Gedalias, pati na ang mga kalalakihan ng Juda at ang mga taga-Babilonia na kasama niya sa Mizpa.
- Natuklasan ni Mordecai ang sabwatan ng dalawang eunuko na patayin si AssueroEst 2:21–23
Ang mga talata
Est 2:21–23Sa panahong iyon, habang si Mordecai ay nakaupo sa tarangkahan ng hari, dalawa sa mga opisyal ng hari na sina Bigtan at Teres, na nagbabantay sa daanan ng pintuan, ay nagalit at naghanap ng paraan para gumawa ng masama kay Haring Assuero. Nang mapag-alaman ni Mordecai ang bagay na ito, sinabihan niya si Reyna Esther, at kinausap ni Esther ang hari sa ngalan ni Mordecai. Ang ulat ay siniyasat at napatunayan, kaya binitay ang dalawang lalaki sa bitayan. Isinulat ang pangyayaring ito sa Aklat ng mga Alaala sa presensya ng hari.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0