Tuklasin › Mga paksa › Mga barko at paglalayag
Mga nakagugulat na detalye
Mga barko at paglalayag sa Bibliya
31 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Arka ni Noe: kahoy na gofer, may mga silid, pinahiran ng alkitranGen 6:14–15
Ang mga talata
Gen 6:14–15Gumawa ka para sa iyong sarili ng arka mula sa kahoy ng saypres. Gumawa ka ng mga silid sa arka, takpan mo ito ng aspalto sa loob at labas. Ganito mo ito gagawin: tatlong daang kubit ang haba ng arka, limampung kubit ang luwag nito, at tatlumpung kubit ang taas nito.
- Nagpagawa si Solomon ng mga barko sa Ezion-Geber sa Dagat na Pula1 Hari 9:26
Ang mga talata
1 Hari 9:26Nagpagawa si Solomon ng malaking grupo ng mga barko sa Ezion-Geber, kung saan malapit sa Elat, na nasa dalampasigan ng Dagat na pula, sa lupain ng Edom.
- Nagdala ang mga mandaragat ni Hiram ng 450 talentong ginto mula sa Ofir2 Cro 8:18
Ang mga talata
2 Cro 8:18Pinadalhan siya ni Hiram ng mga barko na pinangangasiwaan ng mga opisyal na may kaalaman tungkol sa karagatan. Pumunta sila sa Ofir kasama ang mga lingkod ni Solomon. Mula doon, nag-uwi sila ng 450 talentong ginto para kay Haring Solomon.
- Tuwing ikatlong taon: ginto, pilak, garing, mga unggoy at mga pabo real1 Hari 10:22
Ang mga talata
1 Hari 10:22Ang hari ay may mga grupo ng barko sa dagat na pumapalaot sa karagatan, kasama ang mga barko ni Hiram. Isang beses sa bawat tatlong taon ang mga barko ay nagdadala ng ginto, pilak, garing, gayundin ng mga bakulaw at mga malalaking unggoy..
- Nawasak ang mga barko ni Jehoshafat bago pa man makapaglayag1 Hari 22:48, 2 Cro 20:36–37
Ang mga talata
1 Hari 22:48Gumawa ng pangkaragatang barko si Jehoshafat; Pupunta sila sa Ofir para sa ginto, pero hindi sila natuloy dahil ang mga barko ay nawasak sa Ezion Geber.
2 Cro 20:36–37Nakipagkasundo siya sa kaniya upang gumawa ng mga barkong pangkaragatan. Ginawa nila ang mga barko sa Ezion-geber. At si Eliezer, ang lalaking anak ni Dodavahu sa Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat; sinabi niya, “Dahil nakipagkasundo ka kay Ahazias, winasak ni Yahweh ang inyong mga ginawa.” Winasak ang mga barko kaya hindi sila nakapaglayag.
- Inilarawan ni Ezekiel ang Tiro bilang barkong yari sa sipres, sedar, ensina at linoEzek 27:5–7
Ang mga talata
Ezek 27:5–7Ginawa nila ang iyong mga tabla mula sa mga pirs na galing sa Bundok ng Hermon; kumuha sila ng sedar mula sa Lebanon upang makagawa ng poste ng barko para sa iyo. Ginawa nila ang iyong mga sagwan mula sa mga owk mula sa Bashan; ginawa nila ang iyong mga palapag mula sa kahoy na galing sa Cyprus at pinalamutian nila ito ng garing. Makukulay na lino ang iyong mga layag na galing sa Egipto na parang inyong mga bandera!
- Mga bangkang papiro ang nagdala ng mga mensahero sa tubigIsa 18:2
Ang mga talata
Isa 18:2ang nagpapadala ng mga kinatawan sa karagatan, sakay ng mga bangkang gawa sa papirus sa katubigan. Kayong mabibilis na mga mensahero, pumunta kayo sa bansa ng matatangkad at makikinis, sa bansang kinakatakutan ng mga malapit at malayo dito, isang bansang malakas at manlulupig, na nagmamay-ari ng lupain kung saan hinahati ang mga ilog!
- Pinapatnubayan ang malaking barko ng napakaliit na timonSant 3:4
Ang mga talata
Sant 3:4Pansinin din ang mga barko, kahit na napakalaki nila at tinutulak ng malalakas na hangin, ay nababaling kahit saan nais ibaling ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon.
- Ang daan ng barko sa dagat: lubhang kamangha-mangha para kay AgurKaw 30:18–19
Ang mga talata
Kaw 30:18–19May tatlong bagay na labis na kamangha-mangha para sa akin, apat na hindi ko maintindihan: ang daan ng isang agila sa langit; ang ginagawa ng isang ahas sa isang bato; ang ginagawa ng isang barko sa puso ng karagatan; at ang ginagawa ng isang lalaki kasama ang isang dalaga.
Mga paglalakbay
- Nagbayad si Jonas ng pamasahe sa barkong papuntang TarsisJon 1:3
Ang mga talata
Jon 1:3Subalit bumangon si Jonas at tumakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh at nagtungo sa Tarsis. Bumaba siya sa Joppa at nakakita ng isang barko patungong Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko upang sumama sa kanila patungong Tarsis, palayo mula sa presensya ni Yahweh.
- Sa bagyo, itinapon ng mga mandaragat sa dagat ang kargamentoJon 1:4–5
Ang mga talata
Jon 1:4–5Subalit nagpadala si Yahweh ng malakas na hangin sa dagat at ito ay naging malakas na bagyo sa dagat. Hindi nagtagal ang barko ay parang masisira na. Kaya lubhang natakot ang mga mandaragat at tumatawag ang bawat tao sa kaniya-kanyang sariling diyos. Tinapon nila ang mga kargamento ng barko sa dagat upang mapagaan ito. Ngunit bumaba si Jonas doon sa mga kaloob-loobang bahagi ng barko, at nakahiga roon mahimbing na natutulog.
- Nagsagwan sila nang husto pero hindi nila maabot ang lupaJon 1:13
Ang mga talata
Jon 1:13Gayunpaman, ang mga lalaki ay nagsumikap sumagwan ng matindi upang makabalik sila sa lupa, ngunit hindi nila ito magawa dahil ang dagat ay lalong nagiging marahas laban sa kanila.
- Tinuruan ni Jesus ang mga tao mula sa bangka ni SimonLuc 5:2–3
Ang mga talata
Luc 5:2–3Nakakita siya ng dalawang bangka na nakapagilid sa pampang ng lawa. Nakababa na ang mga mangingisda mula dito at naglilinis sila ng kanilang mga lambat. Sumakay si Jesus sa isa sa mga bangka, na pagmamay-ari ni Simon at hiniling niya sa kaniya na dalhin niya ito sa tubig na hindi kalayuan sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo siya at nagturo sa mga tao habang nasa bangka.
- Natulog si Jesus sa unan sa hulihan ng bangka habang may bagyoMar 4:37–38
Ang mga talata
Mar 4:37–38Nagkaroon ng matinding unos at hinampas ng mga alon ang bangka kaya halos mapuno na ito ng tubig. Ngunit si Jesus naman ay nasa dulo ng bangka at natutulog sa unan. Ginising nila si Jesus at sinabi, “Guro, hindi ba kayo nababahala na malapit na tayong mamatay?
- Nahirapan ang mga alagad sa pagsagwan laban sa hanginMar 6:48
Ang mga talata
Mar 6:48At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila.
- Tatlong beses nawasakan ng barko si Pablo at isang araw siyang nasa laot2 Cor 11:25
Ang mga talata
2 Cor 11:25Tatlong beses akong pinalo ng tungkod. Minsang binato. Tatlong beses na nawasak ang barko na aking sinasakyan. nakaranas akong magdamag at buong araw na nasa karagatan.
Ang paglalayag ni Pablo patungong Roma
- Isang barkong taga-Adramicio sa baybayin ng AsiaGawa 27:2
Ang mga talata
Gawa 27:2Sumakay kami sa isang barko galing Adramicio, na malapit nang maglayag na sa mga dalampasigan ng Asia. Kaya naglayag kami. Ssumama sa amin si Aristarco mula sa Tesalonica ng Macedonia.
- Mapanganib ang paglalayag pagkatapos ng Pag-aayunoGawa 27:9
Ang mga talata
Gawa 27:9Maraming panahon na ang lumipas sa amin, ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio ay lumipas na rin at naging mapanganib na ang maglayag. Kaya binalaan sila ni Pablo,
- Humampas ang hanging Hilagang-silangan; tinalian nila ng lubid ang ilalim ng barkoGawa 27:14, Gawa 27:17
Ang mga talata
Gawa 27:14Subalit pagkatapos ng maikling panahon ay may napakalakas na hangin, na tinatawag na Ang Hilagang-silangan, na nagsimulang tumama sa amin patawid sa kabilang isla.
Gawa 27:17Nang maitaas nila ito, gumamit sila ng mga lubid upang itali ang barko. Natakot sila na masadsad kami sa mga pulong buhangin ng Syrtis, kaya ibinaba nila ang angkla sa dagat at hinayaang tangayin kami.
- Itinapon sa dagat ang kargamento, saka ang mga kagamitan ng barkoGawa 27:18–19
Ang mga talata
Gawa 27:18–19Kami ay lubhang nabugbug ng bagyo, kaya't nang sumunod na araw ang mga mandaragat ay nagsimulang mag tapon sa tubig ng mga kagamitan. Nang ikatlong araw ay itinapon din ng mga mandaragat sa pamamagitan ng kanilang sariling kamay ang mga kagamitan ng barko.
- Pagsukat ng lalim: pababaw nang pababaw ang tubigGawa 27:28
Ang mga talata
Gawa 27:28Sinukat nila ang kalaliman ng dagat, at nalaman na may dalawangpung dipa ang lalim; pagkatapos ng ilang sandali, sumukat sila ng mas marami at nalaman nila na labinlimang dipa ang lalim.
- Apat na angkla ang ibinaba mula sa hulihanGawa 27:29
Ang mga talata
Gawa 27:29Natakot sila na baka kami ay sumadsad sa mga bato, kaya ibinaba nila ang apat na angkla mula sa likuran ng barko at nanalangin na dumating na ang umaga.
- Tinangkang tumakas ng mga mandaragat sakay ng bangkang pansagip; pinutol ito ng mga kawalGawa 27:30, Gawa 27:32
Ang mga talata
Gawa 27:30Naghahanap ang mga mandaragat ng paraan upang iwanan ang barko at ibinaba sa dagat ang bangka mula sa barko, at nagpanggap na itatapon lang nila pababa ang mga angkla mula sa unahan ng barko.
Gawa 27:32Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka at hinayaang mapaanod ito palayo.
- May 276 na tao sa barkoGawa 27:37
Ang mga talata
Gawa 27:37276 kami na mga tao sa barko.
- Itinapon nila sa dagat ang trigo upang pagaanin ang barkoGawa 27:38
Ang mga talata
Gawa 27:38Nang makakain na sila ng sapat, itinapon nila ang mga trigo sa dagat upang gumaan ang barko.
- Sumadsad ang barko at nawasak ang hulihan nitoGawa 27:41
Ang mga talata
Gawa 27:41Ngunit dumating sila sa lugar na may dalawang nagsasalubong na agos at sumadsad ang barko sa lupa. Naipit doon ang unahang bahagi ng barko at nanatili na hindi umaalis, ngunit nagsimulang masira ang hulihang bahagi ng barko dahil sa matinding lakas ng alon.
- Nakarating ang lahat sa lupa, ang ilan ay sakay ng mga tablaGawa 27:44
Ang mga talata
Gawa 27:44Pagkatapos susunod ang mga natirang kalalakihan, ang ilan ay sa mga kahoy, at ang ilan sa ibang mga bagay mula sa barko. Sa ganitong paraan nakararing kaming lahat nang ligtas sa lupa.
- Patungong Roma sakay ng barkong Alexandria, ang Kambal na mga LalakiGawa 28:11
Ang mga talata
Gawa 28:11Pagkatapos ng tatlong buwan, kami ay nagtakda ng paglalayag sa barkong Alexandria na tag lamig sa isla, na ang kanilang sagisag ay Ang Kambal na mga Lalaki.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0