Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Ang bilang na apatnapu

Mga nakagugulat na detalye

Ang bilang na apatnapu sa Bibliya

31 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Apatnapung araw

  • Umulan sa lupa nang apatnapung araw at apatnapung gabiGen 7:4, Gen 7:12, Gen 7:17
    Ang mga talata
    Gen 7:4Pagkalipas ng pitong araw idudulot kong umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Lilipulin ko mula sa ibabaw ng lupa ang bawat buhay na nilalang na aking ginawa.”
    Gen 7:12Nagsimulang umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi.
    Gen 7:17Pagkatapos dumating ang baha sa mundo sa loob ng apatnapung araw, at tumaas ang tubig at binuhat ang arka. Umangat ito mula sa mundo.
  • Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng arkaGen 8:6
    Ang mga talata
    Gen 8:6At nangyari pagkaraan ng apatnapung araw na binuksan ni Noe ang bintana ng arka na kanyang ginawa.
  • Apatnapung araw ang pag-eembalsamo kay JacobGen 50:3
    Ang mga talata
    Gen 50:3Ginawa nila ito ng apatnapung araw, dahil iyon ang ganap na panahon ng pag-eembalsamo. Umiyak ang mga taga-Ehipto ng pitumpung araw.
  • Nanatili si Moises sa bundok nang apatnapung araw at apatnapung gabiExo 24:18, Exo 34:28, Deut 9:9
    Ang mga talata
    Exo 24:18Pumasok si Moises sa ulap at umakyat sa bundok. Naroon siya sa ibabaw ng bundok nang apatnapung araw at apatnapung gabi.
    Exo 34:28Naroon si Moises kasama si Yahweh ng apatnapung araw at gabi; hindi siya kumain ng kahit anong pagkain o uminom ng tubig. Isinulat niya sa mga tipak ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.
    Deut 9:9Nang umakyat ako sa bundok para tanggapin ang mga tipak na bato, ang mga tipak ng tipan na ginawa ni Yahweh kasama ninyo, nanatili ako sa bundok ng apatnapung araw at apatnapung gabi; ni hindi ako kumain ng tinapay o uminom ng tubig.
  • Bumalik ang mga espiya pagkalipas ng apatnapung arawBil 13:25
    Ang mga talata
    Bil 13:25Bumalik sila pagkalipas ng apatnapung araw mula sa pagsusuri sa lupain.
  • Lumabas si Goliat nang apatnapung araw, umaga at gabi1 Sam 17:16
    Ang mga talata
    1 Sam 17:16Lumalapit sa umaga at gabi ang malakas na taong Filisteo sa loob ng apatnapung araw upang iharap ang kanyang sarili sa labanan.
  • Naglakad si Elias nang apatnapung araw at gabi patungong Horeb1 Hari 19:8
    Ang mga talata
    1 Hari 19:8Kaya siya ay tumayo at kumain at uminom, at naglakbay siya sa lakas na mula sa pagkain sa apatnapung araw at apatnapung gabi sa Horeb, na bundok ng Diyos.
  • Jonas: apatnapung araw pa at gugunawin ang NiniveJon 3:4
    Ang mga talata
    Jon 3:4Nagsimulang pumasok si Jonas sa lungsod at pagkatapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya at sinabing, “Sa loob ng apatnapung araw ang Ninive ay ibabagsak.”
  • Nag-ayuno si Jesus nang apatnapung araw at apatnapung gabiMat 4:2
    Ang mga talata
    Mat 4:2Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.
  • Pagkabuhay na muli, nagpakita si Jesus sa loob ng apatnapung arawGawa 1:3
    Ang mga talata
    Gawa 1:3Pagkatapos ng kaniyang paghihirap, iniharap niyang buhay ang kaniyang sarili sa kanila kasama ang marami pang mga kapani-paniwalang katibayan. Sa loob ng apatnapung araw, nagpakita siya sa kanila at nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.

Apatnapung taon

  • Kumain ang Israel ng mana nang apatnapung taon sa ilangExo 16:35
    Ang mga talata
    Exo 16:35Kumain ng manna ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon hanggang sa makarating sila sa lupaing may naninirahan. Kumain sila nito hanggang sa makarating sila sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.
  • Apatnapung taon ng paggala, isang taon sa bawat araw ng pag-espiyaBil 14:34
    Ang mga talata
    Bil 14:34Tulad ng bilang ng mga araw na sinuri ninyo ang lupain—apatnapung araw, dapat din ninyong dalhin ang bunga ng inyong mga kasalanan sa loob ng apatnapung taon—isang taon sa bawat araw at dapat ninyong malaman kung ano ang katulad ng maging aking kaaway.
  • Apatnapung taon si Isaac nang pakasalan si RebecaGen 25:20
    Ang mga talata
    Gen 25:20Si Isaac ay apatnapung taong gulang nang mapangasawa niya si Rebeca, na anak na babae ni Bethuel ang Arameo ng Padan-aram, ang kapatid na babae ni Laban na Arameo.
  • Apatnapung taon si Moises nang dalawin ang kaniyang bayan; apatnapung taon pagkaraan, ang mababang punongkahoyGawa 7:23, Gawa 7:30
    Ang mga talata
    Gawa 7:23Ngunit nang siya ay nasa apatnapung taon na, pumasok sa kaniyang puso na bisitahin ang kaniyang mga kapatid, ang mga anak ni Israel.
    Gawa 7:30Nang makalipas ang apatnapung taon, nagpakita sa kaniya ang anghel sa ilang ng bundok Sinai, sa ningas ng apoy na nasa mababang punongkahoy.
  • Sa ilalim ng ilang hukom, apatnapung taong nagpahinga ang lupainHuk 3:11, Huk 5:31, Huk 8:28
    Ang mga talata
    Huk 3:11Nagkaroon ng kapayapaan ang lupain ng apatnapung taon. Pagkatapos si Otniel na anak na lalaki ni Kenaz ay namatay.
    Huk 5:31Kaya nawa'y mamatay ang lahat inyong kaaway, Yahweh! Pero hayaan ang umibig sa kaniya na maging katulad ng araw kapag sumikat ito sa kaniyang lakas.” At may kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.
    Huk 8:28Kaya ang mga Midian ay malupig sa harap ng mga taong Israel at hindi na nila muling itinaas ang kanilang mga ulo. At ang lupain ay nagkaroon ng kapayapaan sa loob ng apatnapung taon sa panahon ni Gideon.
  • Apatnapung taong pinamunuan ng mga Filisteo ang IsraelHuk 13:1
    Ang mga talata
    Huk 13:1Muling gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh ang bayan ng Israel, at pinahintulutan niya sila na pamunuan ng mga Palestina sa loob ng apatnapung taon.
  • Apatnapung taong naghukom si Eli sa Israel1 Sam 4:18
    Ang mga talata
    1 Sam 4:18Nang nabanggit niya ang kaban ng Diyos, natumba patalikod si Eli mula sa kanyang upuan sa gilid ng tarangkahan. Nabali ang kanyang leeg, at namatay siya, dahil matanda na siya at mabigat. Naging hukom siya ng Israel sa loob ng apatnapung taon.
  • Apatnapung taon sa ilalim ni Saul, sabi ni PabloGawa 13:21
    Ang mga talata
    Gawa 13:21Pagkatapos nito, humingi ang mga tao ng isang hari, kaya ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul na anak ni Cis, isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin sa loob ng apatnapung taon.
  • Apatnapung taong naghari si David: pito sa Hebron, tatlumpu’t tatlo sa Jerusalem2 Sam 5:4, 1 Hari 2:11
    Ang mga talata
    2 Sam 5:4Tatlumpung taong gulang si David nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng apatnapung taon.
    1 Hari 2:11Ang mga araw na naghari si David sa Israel ay apatnapung taon. Naghari siya sa Hebron ng pitong taon at sa Jerusalem ng tatlumpu't tatlong taon.
  • Apatnapung taong naghari si Solomon1 Hari 11:42
    Ang mga talata
    1 Hari 11:42Naghari si Solomon sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.
  • Apatnapung taong naghari si Joas sa Jerusalem2 Hari 12:1
    Ang mga talata
    2 Hari 12:1Sa ikapitong taon ni Jehu, nagsimulang maghari si Joas; naghari siya sa loob ng apatnapung taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay si Sibia, na taga-Beerseba.

Apatnapung hagupit

  • Hindi pinahihintulutan ng Kautusan ang higit sa apatnapung hagupitDeut 25:3
    Ang mga talata
    Deut 25:3Maaari siyang bigyan ng hukom ng apatnapung palo, pero hindi siya dapat lumampas sa bilang na iyon; dahil kung lalampas siya sa bilang na iyon at hampasin siya ng higit na maraming palo, sa gayon ay mapapahiya ang kapwa ninyo Israelita sa inyong harapan.
  • Limang beses tumanggap si Pablo ng apatnapung hagupit na kulang ng isa2 Cor 11:24
    Ang mga talata
    2 Cor 11:24Mula sa mga Judio nakatanggap ako ng limang “apatnapung latigo binawasan ng isa”.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0