Tuklasin › Mga paksa › Taggutom sa pagkubkob
Mga nakagugulat na detalye
Taggutom sa pagkubkob sa Bibliya
7 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Mga sumpa sa Kautusan: kakainin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagkubkobLev 26:29, Deut 28:53–57
Ang mga talata
Lev 26:29Kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalaki; kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.
Deut 28:53–57Kakainin ninyo ang bunga ng sarili ninyong katawan, ang laman ng inyong mga anak na lalaki at ng inyong mga anak na babae, na ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, sa pagsalakay at sa paghihirap kung saan ang inyong kalaban ang maglalagay sa inyo. Ang taong malambot at makinis na kasama ninyo—siya ay magiging mainggit sa kaniyang mga kapatid na lalaki at sa kaniyang sariling mahal na asawa, at sa mga anak na naiwan niya. Kaya hindi niya ibibigay sa kahit sino sa kanila ang laman ng sarili niyang mga anak na kaniyang kakainin, dahil wala nang matitira para sa kaniyang sarili sa pagsalakay at sa paghihirap na inilagay ng inyong kalaban sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan sa lungsod. Ang babaeng malambot at makinis na kasama ninyo, na hindi susubukang ipatong ang ilalim ng paa sa lapag para sa kalambutan at pagkamaselan—magiging mainggitin siya sa kaniyang sariling mahal na asawa lalaki, sa kaniyang anak na lalaki, at sa kaniyang anak na babae, at ng kaniyang sariling bagong panganak na lumabas mula sa gitna ng kaniyang binti, at ng mga anak na kaniyang ipagbubuntis. Kakainin niya sila ng pribado dahil sa kakulangan ng kahit na ano, sa panahon ng pagsalakay at pagdurusa na inilagay ng inyong kalaban sa loob ng inyong mga tarangkahan ng lungsod.
Samaria
- Sa pagkubkob sa Samaria, naibenta ang ulo ng asno sa napakalaking halaga ng pilak2 Hari 6:24–25
Ang mga talata
2 Hari 6:24–25Matapos nito, tinipon ni Ben Hadad, hari ng Aram, ang lahat ng kaniyang hukbo at lumusob sa Samaria at binihag ito. Kaya't nagkaroon ng matinding taggutom sa Samaria. Binihag nila ito hanggang ang isang asno ay maibenta sa halagang walumpung pirasong pilak, at ikaapat na bahagi ng isang kab ng dumi ng kalapati sa halagang limang pirasong pilak.
- Nagkasundo ang dalawang ina na kainin ang kanilang mga anak; itinago ng isa ang kaniya2 Hari 6:28–29
Ang mga talata
2 Hari 6:28–29Sinabi pa ng hari, “Ano ang bumabagabag sa iyo?” Tumugon siya, “Sinabi ng babeng ito sa akin, 'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin ngayon, at bukas kakainin natin ang anak ko.'” Kaya't nilaga namin ang anak ko at kinain ito, at sinabi ko sa kaniya kinabukasan, “'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin, pero tinago niya ito.”
- Nang marinig ito, pinunit ng hari ang kaniyang damit; may sako siya sa ilalim2 Hari 6:30
Ang mga talata
2 Hari 6:30Kaya nang narinig ng hari ang sinabi ng babae, pinunit niya ang kaniyang damit (dumadaan siya sa may pader), at tumingin ang mga tao at nakita na mayroon siyang sako bilang panloob na kasuotan.
Jerusalem
- Mga Panaghoy: kinain ng mga babae ang sarili nilang mga sanggol sa pagbagsak ng JerusalemPanag 2:20, Panag 4:10
Ang mga talata
Panag 2:20Tingnan mo, Yahweh, at tingnan mo ng mabuti ang mga pinakitunguhan mo ng napakatindi. Kinakailangan bang kainin ng mga kababaihan ang kanilang sariling bunga, ang mga anak na kanilang inalagaan? Kinakailangan bang patayin ang pari at propeta sa santuwaryo ng Panginoon?
Panag 4:10Pinakuluan ng mga kamay ng mga mahabaging kababaihan ang kanilang sariling mga anak; ang mga batang ito ang naging pagkain nila sa panahon ng pagkawasak ng anak na babae ng aking mga tao.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0