Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga espiya at tagamanman

Mga nakagugulat na detalye

Mga espiya at tagamanman sa Bibliya

34 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Pinagbintangan ni Jose ang kaniyang mga kapatid: “Mga espiya kayo!”Gen 42:9, Gen 42:14
    Ang mga talata
    Gen 42:9Naalala ni Jose ang mga naging panaginip niya patungkol sa kanila. Sinabi niya sa kanila, “Kayo ay mga ispiya. Dumayo kayo para tingnan ang mga bahagi ng lupain na hindi nababantayan.”
    Gen 42:14Sinabi ni Jose sa kanila. “Iyon na nga ang sinasabi ko sa inyo; kayo'y mga ispiya.
  • Sagot ng magkakapatid: “Tapat na mga tao ang iyong mga lingkod, hindi mga espiya”Gen 42:11
    Ang mga talata
    Gen 42:11Kaming lahat ay mga lalaking anak ng iisang tao. Kami ay tapat na mga lalaki. Ang mga lingkod po ninyo ay hindi mga ispiya.”

Ang labindalawang espiya

  • Nagsugo si Moises ng isang pinuno mula sa bawat lipi upang manmanan ang CanaanBil 13:2, Deut 1:23
    Ang mga talata
    Bil 13:2“Magpadala ka ng ilang kalalakihan upang suriin ang lupain ng Canaan na aking ibinigay sa mga tao ng Israel. Magpadala ka ng isang lalaki mula sa bawat tribu ng kanilang mga ninuno. Dapat pinuno ang bawat lalaki sa kanilang mga grupo.”
    Deut 1:23Ang bagay na labis na nagpalugod sa akin; kumuha ako ng labindalawang mga lalaki sa inyo, isang lalaki sa bawat lipi.
  • Ang kanilang utos: tingnan kung malakas o mahina ang mga tao, kakaunti o maramiBil 13:17–18
    Ang mga talata
    Bil 13:17–18Ipinadala sila ni Moises upang suriin ang lupain ng Canaan. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa Negev at umakyat kayo sa maburol na lugar. Suriin ninyo ang lupain upang makita kung ano ang katulad nito. Matiyagan ninyo ang mga taong nakatira roon, kung malakas o mahihina sila, at kung kaunti o marami sila.
  • Naglakbay sila mula sa ilang ng Sin hanggang sa RehobBil 13:21
    Ang mga talata
    Bil 13:21Kaya umakyat ang mga kalalakihan at sinuri ang lupain mula sa ilang ng Sin hanggang Rehob, malapit sa Lebo Hamat.
  • Sa Escol, pinasan ng dalawang lalaki sa isang tungkod ang iisang kumpol ng ubasBil 13:23
    Ang mga talata
    Bil 13:23Nang dumating sila sa lambak ng Escol, pumutol sila ng isang sangang may kumpol ng ubas. Pinasan nila ito sa isang tungkod sa pagitan ng dalawa sa kanilang pangkat. Nagdala rin sila ng mga bunga ng granada at igos.
  • Bumalik sila pagkalipas ng apatnapung arawBil 13:25
    Ang mga talata
    Bil 13:25Bumalik sila pagkalipas ng apatnapung araw mula sa pagsusuri sa lupain.
  • Ang kanilang ulat: lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot, pero may mga napapaderang lungsodBil 13:27–28
    Ang mga talata
    Bil 13:27–28Sinabi nila kay Moises, “Narating namin ang lupain kung saan mo kami ipinadala. Tunay na dinadaluyan ito ng gatas at pulot-pukyutan. Narito ang ilan sa mga bunga mula roon. Gayunman, ang mga taong nagtayo ng kanilang tahanan doon ay malalakas. Pinatibay at napakalawak ng kanilang mga lungsod. Nakita rin namin doon ang mga kaapu-apuhan ni Anak. Nakatira ang mga Amalekita sa Negev.
  • Caleb: “Tiyak na masasakop natin ito!” Hindi sumang-ayon ang ibaBil 13:30–31
    Ang mga talata
    Bil 13:30–31Sinubukan ni Caleb na palakasin ang loob ng mga taong nakapalibot kay Moises. Sinabi niya, “Lusubin natin nang minsanan at kunin ito, dahil kayang-kaya nating sakupin ito.” Ngunit sinabi ng ibang kalalakihang pumunta kasama niya, “Hindi natin kayang lusubin ang mga tao dahil mas malakas sila kaysa sa atin.”
  • “Para kaming mga tipaklong sa sarili naming paningin”Bil 13:33
    Ang mga talata
    Bil 13:33Nakita namin doon ang mga higante, mga kaapu-apuhan ni Anak, mga taong nagmula sa mga higante. Para kaming mga tipaklong sa aming paningin kung ihambing sa kanila, at maaaring ganoon din kami sa kanilang paningin.”
  • Apatnapung araw ng pagmamanman ay naging apatnapung taon sa ilang, isang taon sa bawat arawBil 14:34
    Ang mga talata
    Bil 14:34Tulad ng bilang ng mga araw na sinuri ninyo ang lupain—apatnapung araw, dapat din ninyong dalhin ang bunga ng inyong mga kasalanan sa loob ng apatnapung taon—isang taon sa bawat araw at dapat ninyong malaman kung ano ang katulad ng maging aking kaaway.
  • Sa mga espiya, sina Josue at Caleb lamang ang nanatiling buhayBil 14:36–38
    Ang mga talata
    Bil 14:36–38Kaya namatay lahat ng lalaking ipinadala ni Moises upang tingnan ang lupain sa pamamagitan ng salot sa harapan ni Yahweh. Ito ang mga lalaking bumalik at nagdala ng isang masamang ulat tungkol sa lupain. Sila ang nagdulot sa buong sambayanan na magreklamo laban kay Moises. Mula sa mga lalaking pumunta upang tingnan ang lupain, tanging si Josue na anak na lalaki ni Nun at si Caleb na anak na lalaki ni Jefune ang natirang buhay.

Jerico at Rahab

  • Palihim na nagsugo si Josue ng dalawang espiya mula sa Sittim; nanatili sila kay RahabJos 2:1
    Ang mga talata
    Jos 2:1Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
  • Itinago sila ni Rahab sa ilalim ng mga tangkay ng lino sa kaniyang bubunganJos 2:4–6
    Ang mga talata
    Jos 2:4–6Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, “Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing. Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila.” Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
  • Ibinaba niya sila sa pamamagitan ng lubid mula sa kaniyang bahay sa pader ng lungsodJos 2:15
    Ang mga talata
    Jos 2:15Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod.
  • Ang napagkasunduang tanda: pulang tali na nakatali sa bintanaJos 2:18
    Ang mga talata
    Jos 2:18Kapag pumasok kami sa lupain, dapat itali mo itong matingkad na pulang lubid sa bintana na siyang pinagbabaan mo sa amin, at magtitipon kayo sa bahay ng iyong ama at ina, iyong mga lalaking kapatid at ang buong sambahayan ng iyong ama.
  • Nagtago sila nang tatlong araw sa kaburulan, saka nag-ulat kay JosueJos 2:16, Jos 2:22–23
    Ang mga talata
    Jos 2:16Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga burol at magtago o ang mga humahabol ay makikita kayo. Magtago kayo doon sa loob ng tatlong araw hanggang ang mga humahabol ay makabalik. Pagkatapos magpatuloy na sa inyong landas.”
    Jos 2:22–23Umalis at umakyat sila sa mga burol at nanatili sila doon ng tatlong araw hanggang sa makabalik ang mga humahabol sa kanila. Naghanap ang mga humahabol sa kahabaan ng daanan at wala silang natagpuan. Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
  • Inilabas ng dalawang espiya si Rahab at ang kaniyang buong pamilyaJos 6:22–23
    Ang mga talata
    Jos 6:22–23Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, “Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya.” Kaya ang kabataang lalaki na nagmanman ay pumasok at inilabas si Rahab. Nilabas nila ang kaniyang ama, ina, mga kapatid at lahat ng kamag-anak na kasama niya. Dinala nila sila sa isang lugar sa labas ng kampo ng Israel.
  • Inaalala ng Mga Hebreo at ni Santiago si Rahab dahil sa pagtanggap niya sa mga espiyaHeb 11:31, Sant 2:25
    Ang mga talata
    Heb 11:31Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Rahab, ang babaeng nagbebenta ng aliw ay hindi namatay kasama ng mga suwail, dahil tinanggap niya ng may pag-iingat ang mga ispiya.
    Sant 2:25Sa parehong paraan din hindi ba't si Rahab na nagbebenta ng aliw ay napawalang sala sa pamamagitan ng gawa, nang tinanggap niya ang mga mensahero at pinaalis sila sa pamamagitan ng ibang daan?

Iba pang espiya

  • Matapos pumunta ang mga espiya sa Jazer, sinakop ng Israel ang mga nayon nitoBil 21:32
    Ang mga talata
    Bil 21:32At ipinadala ni Moises ang mga lalaki upang tingnan ang Jazer. Kinuha nila ang mga nayon nito at pinaalis ang mga Amoreong naroon.
  • Ulat ng mga espiyang ipinadala sa Ai: sapat na ang dalawa o tatlong libong lalakiJos 7:2–3
    Ang mga talata
    Jos 7:2–3Nagpadala ng mga kalalakihan si Josue mula sa Jerico sa Ai, malapit sa Beth Aven, silangan ng Bethel. Sinabi niya sa kanila, “Umakyat kayo at manmanan ang lupain.” Kaya lumakad ang mga kalalakihan at minanman ang Ai. Nang bumalik sila kay Josue, sinabi nila sa kaniya, “Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa Ai. Magpadala ka lamang ng dalawa o tatlong libong kalalakihan para pumunta at lusubin ang Ai. Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa labanan, dahil kakaunti lamang sila sa bilang.”
  • Minanmanan ng limang lalaking Danita ang Lais: tahimik na bayan na walang kakampiHuk 18:2, Huk 18:7
    Ang mga talata
    Huk 18:2Ang bayan ng Dan ay nagpadala ng limang kalalakihan mula sa kabuuang bilang ng kanilang lipi, kalalakihan na bihasang mandirigma mula sa Zora at mula sa Estaol, para manmanan ang lupain habang naglalakad, at titingnan ito. Sinabi nila sa kanila, “Humayo at tingnan ang lupain.” Nakarating sila sa burol na bansa ng Efraim, hanggang sa bahay ni Mikias, at nagpalipas sila ng gabi roon.
    Huk 18:7Kaya umalis ang limang kalalakihan at nakarating sa Lais, at nakita nila ang mga tao na naninirihan doon ng ligtas—katulad din sa pamamaraan ng mga Sidoneo na naninirahang matiwasay at ligtas. Wala ni isa ang siyang sumakop sa kanila sa lupain, o gumulo sa kanila sa anumang paraan. Nanirahan sila ng malayo mula sa mga Sidoneo, at hindi sila nakipag-ugnayan kaninuman.
  • Nagsugo si David ng mga espiya upang matiyak na dumating na si Saul1 Sam 26:4
    Ang mga talata
    1 Sam 26:4Kaya nagpadala si David ng mga espiya at napag-alaman niyang totoong dumating si Saul.
  • Pinaghinalaan ng mga prinsipe ng Ammon na mga espiya ang mga pang-aliw ni David2 Sam 10:3
    Ang mga talata
    2 Sam 10:3Pero ang sinabi ng mga pinuno ng lahi ng Ammon kay Hanun na kanilang amo, “Sa palagay mo ba talagang ginagalang ni David ang iyong ama dahil nagpadala siya ng mga tauhan para makiramay sa iyo? Hindi ba ipinadala ni David ang kaniyang mga lingkod sa iyo para tingnan ang lungsod, para magmanman at para pabagsakin ito?”
  • Mga espiya ni Absalom sa mga lipi: sa tunog ng tambuli, sabihing “Hari na si Absalom”2 Sam 15:10
    Ang mga talata
    2 Sam 15:10Pero pagkatapos nagpadala si Absalom ng mga espiya sa lahat ng mga lipi ng Israel, na nagsasabing, “Sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, sa gayon dapat ninyong sabihin, 'Si Absalom ay hari sa Hebron.”'
  • Ang mga anak ng pari na sina Ahimaaz at Jonatan ang maghahatid ng balita kay David2 Sam 15:35–36
    Ang mga talata
    2 Sam 15:35–36Hindi mo ba makakasama roon si Abiatar at Zadok na mga pari? Kaya kahit ano ang marinig mo sa palasyo ng hari, dapat mong sabihin ito kina Zadok at Abiatar na mga pari. Makikita mo na kasama nila roon ang kanilang dalawang anak, sina Ahimaaz, anak na lalaki ni Zadok at Jonatan, anak na lalaki ni Abiatar. Dapat mong ipadala sa akin sa pamamagitan ng kanilang kamay ang lahat ng bagay na marinig mo.”
  • Dinalhan sila ng balita ng isang aliping babae sa En-rogel; nagtago sila sa isang balon2 Sam 17:17–19
    Ang mga talata
    2 Sam 17:17–19Ngayon si Jonatan at Ahimaaz ay nananatili sa balon ng Rogel; madalas pumunta ang isang babaeng lingkod at nagdadala ng mga mensahe sa kanila. Pagkatapos aalis sila at sasabihin kay Haring David, para hindi sila makita na pumupunta sa lungsod. Pero nakita sila ng isang binata at sinabi kay Absalom. Kaya nagmadaling umalis sina Jonatan at Ahimaaz at dumating sa bahay ng isang tao sa Bahurim, na may isang balon sa kaniyang patyo, kung saan sila bumaba. Kinuha ng asawa ng lalaki ang pantakip ng balon at inilatag ito sa bukana ng balon at hinagisan ito ng trigo, kaya walang isa ang nakakaalam na nasa balon sina Jonatan at Ahimaaz.
  • Mga espiyang nagkukunwaring tapat ang nagtangkang hulihin si Jesus sa kaniyang mga salitaLuc 20:20
    Ang mga talata
    Luc 20:20Maingat siyang inaabangan, nagpadala sila ng mga espiya na nagkukunwaring matuwid upang makahanap sila ng pagkakamali sa kaniyang salita, upang ibigay siya sa batas at sa kapangyarihan ng gobernador.
  • Pablo: pumasok ang mga huwad na kapatid upang manmanan ang aming kalayaanGal 2:4
    Ang mga talata
    Gal 2:4Ang mga bagay na ito ay lumitaw dahil sa nagpapanggap na mga kapatid na patagong dumating upang manmanan ang kalayaang mayroon tayo kay Cristo Jesus. Nais nilang maging alipin tayo sa kautusan.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0