Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga sensus

Mga nakagugulat na detalye

Mga sensus sa Bibliya

21 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

Sa ilang

  • Ibinilang ang bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang maglingkodBil 1:2–3
    Ang mga talata
    Bil 1:2–3“Magsagawa ka ng isang pagbibilang sa lahat ng kalalakihan ng Israel sa bawat angkan, sa mga pamilya ng kanilang mga ama. Bilangin mo sila ayon sa kanilang mga pangalan. Bilangin mo ang bawat lalaki, ang bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas. Bilangin mo ang lahat ng maaaring makipaglaban bilang mga kawal para sa Israel. Dapat ninyong itala ni Aaron ang bilang ng mga kalalakihan sa kanilang armadong mga grupo.
  • Nagbayad ng kalahating siklo ang bawat lalaking ibinilang, mayaman man o dukhaExo 30:13–15, Exo 38:26
    Ang mga talata
    Exo 30:13–15Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh. Ang bawat isa na nabilang, mula dalawampung taong gulang at pataas, ay dapat magbigay nitong alay sa akin. Kapag magbibigay ang mga tao nitong alay sa akin para gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanilang mga buhay, ang mayayaman ay hindi dapat magbigay ng higit pa sa kalahating sekel, at ang mga mahihirap ay hindi dapat magbigay ng kulang.
    Exo 38:26o isang beka bawat lalaki, na kalahati ng sekel, sinukat ng sekel ng santuwaryo. Ang bilang na ito ay umabot sa batayan na ang bawat tao na nabilang sa sensus, ang mga dalawampung taong gulang at nakatatanda—603,550 kalalakihan lahat.
  • Ang unang bilang: 603,550Bil 1:46
    Ang mga talata
    Bil 1:46603,550 na kalalakihan ang nabilang nila.
  • Hindi ibinilang ang mga Levita kasama ng ibang mga lipiBil 1:47–49
    Ang mga talata
    Bil 1:47–49Ngunit hindi na nila binilang ang mga kalalakihang nagmula kay Levi, dahil sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hindi mo dapat bilangin ang tribu ni Levi o isama sila sa kabuuang bilang ng mga tao sa Israel.
  • Mga lalaking Levita na isang buwang gulang pataas: 22,000Bil 3:39
    Ang mga talata
    Bil 3:39Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaki sa mga angkan ni Levi na may edad isang buwang gulang at pataas, gaya ng iniutos ni Yahweh. Dalawampu't dalawang libong kalalakihan ang nabilang nila.
  • Ang ikalawang bilang, malapit sa Jordan: 601,730Bil 26:2, Bil 26:51
    Ang mga talata
    Bil 26:2“Bilangin ninyo ang buong sambayanan ng Israel, mula labindalawang taong gulang pataas, ayon sa pamilya ng kanilang mga ninuno, lahat ng may kakayahang makipagdigma para sa Israel.”
    Bil 26:51Ito ang kabuuang bilang ng mga kalalakihan ng mga tao ng Israel: 601,730.
  • Walang natira sa mga unang ibinilang maliban kina Caleb at JosueBil 26:64–65
    Ang mga talata
    Bil 26:64–65Ngunit sa mga ito walang taong nabilang sina Moises at Aaron na pari nang bilangin nila ang mga kaapu-apuhan ng Israel sa ilang ng Sinai. Sapagkat sinabi ni Yahweh na ang lahat ng mga taong iyon ay tiyak na mamamatay sa ilang. Walang isang taong natira kasama nila, maliban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun.

Ang sensus ni David

  • Siyam na buwan at dalawampung araw tumagal ang pagbilang2 Sam 24:8
    Ang mga talata
    2 Sam 24:8Nang malagpasan sa buong lupain, bumalik sila sa Jerusalem matapos nilang malibot ang buong lupain pagkalipas ng siyam na buwan at dalawampung araw.
  • Samuel: 800,000 sa Israel at 500,000 sa Juda2 Sam 24:9
    Ang mga talata
    2 Sam 24:9Pagkatapos inulat ni Joab sa hari ang kabuuan ng bilang ng mga lalaking nakikipaglaban. Sa Israel, mayroong 800,000 na matatapang na kalalakihang bumunot ng espada at ang mga tauhan sa Juda, 500,000 kalalakihan.
  • Mga Cronica: 1,100,000 sa Israel at 470,000 sa Juda1 Cro 21:5
    Ang mga talata
    1 Cro 21:5At ibinalita ni Joab ang kabuuang bilang ng mga kalalakihang mandirigma kay David. Mayroong 1,100,000 na mga kalalakihan na bumubunot ng espada sa Israel. Mayroong 470,000 na mga kawal sa Juda lamang.
  • Hindi isinama ni Joab sina Levi at Benjamin1 Cro 21:6
    Ang mga talata
    1 Cro 21:6Ngunit hindi kasama sa bilang ang mga tribo ni Levi at Benjamin, sapagkat namuhi si Joab sa utos ng hari.
  • Matapos ang pagbilang, binagabag si David ng kaniyang budhi2 Sam 24:10
    Ang mga talata
    2 Sam 24:10Pagkatapos nagdalamhati ang puso ni David matapos niyang bilangin ang mga kalalakihan. Kaya sinabi niya kay Yahweh, “Nagkasala ako nang matindi sa paggawa nito. Ngayon, Yahweh, alisin mo ang pagkakasala ng iyong lingkod, sapagkat kumilos ako nang may labis na kahangalan.”
  • Hindi naitala ang bilang sa mga kasaysayan ni Haring David1 Cro 27:24
    Ang mga talata
    1 Cro 27:24Sinimulang bilangin ni Joab na anak ni Zeruias ang mga kalalakihan, ngunit hindi niya natapos. Dumating sa Israel ang galit dahil dito. Hindi naisulat ang bilang na ito sa Kasaysayan ni Haring David.

Iba pang pagbilang

  • Mga Levitang tatlumpung taong gulang pataas: 38,0001 Cro 23:3
    Ang mga talata
    1 Cro 23:3Binilang ang mga Levita na nasa tatlumpung taong gulang at higit pa. Tatlumpu't walong libo ang bilang nila.
  • Binilang ni Solomon ang 153,600 dayuhan sa lupain2 Cro 2:17
    Ang mga talata
    2 Cro 2:17Binilang ni Solomon ang lahat ng mga dayuhang naroon sa lupain ng Israel, na sinusunod ang paraan ng pagbilang sa kanila ni David na kaniyang ama. Sila ay 153,600.
  • Umabot sa 42,360 ang mga bumalik na bihagEzra 2:64
    Ang mga talata
    Ezra 2:64Ang kabuuang grupo ay may bilang na 42,360,
  • Nag-utos si Agustus ng sensus; si Cirenio ang gobernador ng SiriaLuc 2:1–2
    Ang mga talata
    Luc 2:1–2Ngayon sa mga araw na iyon, nangyari na si Cesar Agustus ay naglabas ng isang batas na nag-uutos na magkaroon ng sensus sa lahat ng tao na nabubuhay sa mundo. Ito ang unang sensus na ginawa habang si Cirenio ang gobernador ng Syria.
  • Pumunta sina Jose at Maria sa Betlehem upang magpatalaLuc 2:3–5
    Ang mga talata
    Luc 2:3–5Kaya pumunta ang bawat isa sa kaniyang sariling bayan upang mailista para sa sensus. Si Jose ay umalis din mula sa lungsod ng Nazaret sa Galilea at naglakbay papunta sa Betlehem na bayan ng Judea na kilala bilang lungsod ni David, dahil siya ay kaapu-apuhan mula sa pamilya ni David. Pumunta siya doon upang magpalista kasama si Maria na nakatakdang ikasal sa kaniya at kasalukuyang nagdadalang tao.
  • Bumangon si Judas na taga-Galilea noong mga araw ng sensusGawa 5:37
    Ang mga talata
    Gawa 5:37Pagkatapos ng lalaking ito, lumitaw si Judas ng Galilea sa mga araw ng pagpapatala at nakahikayat siya ng ilang tao na susunod sa kaniya. Nasawi rin siya, at kumalat lahat ng sumusunod sa kaniya.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0