Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga tore at bantayan

Mga nakagugulat na detalye

Mga tore at bantayan sa Bibliya

30 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Sa Babel: isang lungsod na may toreng aabot hanggang sa langitGen 11:4
    Ang mga talata
    Gen 11:4Sinabi nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.”
  • Bumaba si Yahweh upang tingnan ang lungsod at ang toreGen 11:5
    Ang mga talata
    Gen 11:5Kaya bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Adan.
  • Tumigil sila sa pagtatayo ng lungsod, at tinawag itong BabelGen 11:8–9
    Ang mga talata
    Gen 11:8–9Kaya ikinalat sila ni Yahweh mula roon tungo sa lahat ng dako ng mundo at huminto sila sa pagtatayo ng lungsod. Kaya, pinangalanan itong Babel, dahil doon nilito ni Yahweh ang wika ng buong mundo at mula roon ikinalat sila ni Yahweh sa iba’t ibang dako ng mundo.
  • Itinayo ni Jacob ang kaniyang tolda sa ibayo ng Migdal EderGen 35:21
    Ang mga talata
    Gen 35:21Si Israel ay naglakbay pa at itinayo ang kaniyang tolda sa ibayo ng Migdal Eder.

Mga tore sa digmaan

  • Binantaan ni Gideon ang tore ng Penuel, saka ito ibinagsakHuk 8:9, Huk 8:17
    Ang mga talata
    Huk 8:9Nagsalita rin siya sa mga tao ng Penuel at sinabi, “Kapag dumating ako na may kapayapaan, pababagsakin ko ang toreng ito.”
    Huk 8:17At pinabagsak niya ang tore ng Penuel at pinatay ang mga kalalakihan ng lungsod na iyon.
  • Mga isang libo ang namatay nang sunugin ni Abimelec ang tore ng SechemHuk 9:46, Huk 9:49
    Ang mga talata
    Huk 9:46Nang marinig ng lahat ng mga pinuno ng tore ng Shekem iyon, pumasok sila sa matibay na tanggulan ng bahay ng El Berit.
    Huk 9:49Kaya nagputol ang bawat isa ng mga sanga at sinunod si Abimelec. Pinagpatong-patong nila sa ibabaw ng pader ng tore, at niliyaban nila ito, paramamatay din ang mga tao ng tore ng Shekem, humigit-kumulang sa isang libong lalaki at babae.
  • Sa Tebez, nagkulong ang mga tao sa isang matibay na toreHuk 9:50–52
    Ang mga talata
    Huk 9:50–52Pagkatapos nagtungo si Abimelec sa Tebez, at nagkampo siya laban sa Tebez at binihag ito. Pero may matibay na tore sa lungsod, at lahat ng mga lalaki at mga babae at lahat ng mga pinuno ng lungsod ay tumakas papunta roon at ikinulong ang kanilang sarili. Pagkatapos umakyat sila sa bubong ng tore. Dumating si Abimelec sa tore at nakipaglaban dito, at umakyat siya malapit sa pinto ng tore para sunugin ito.
  • Mula sa bubungan nito, naghulog ang isang babae ng batong gilingan kay AbimelecHuk 9:53
    Ang mga talata
    Huk 9:53Pero isang babae ang naghulog ng batong pang-giling sa ulo ni Abimelec at nabiyak nito ang kaniyang bungo.
  • Nakita ng bantay sa tore sa Jezreel ang paparating na hukbo ni Jehu2 Hari 9:17
    Ang mga talata
    2 Hari 9:17Ang bantay ay nakatayo sa tore sa Jezreel, at nakita niya ang kasama ni Jehu habang siya ay dumating sa kalayuan; sinabi niya, “Nakikita ko ang isang pangkat ng kalalakihan na dumarating,” Sinabi ni Joram, 'Kumuha ka ng isang mangangabayo, at ipadala siya para salubungin sila; sabihin sa kaniya para sabihing, 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan?”
  • “Mula sa bantayan hanggang sa napapaderang lungsod”2 Hari 17:9, 2 Hari 18:8
    Ang mga talata
    2 Hari 17:9Ang mga Israelita ay palihim na gumawa ng mga bagay na hindi matuwid laban kay Yahweh ang kanilang Diyos. Nagtayo sila ng mga dambana sa lahat ng lungsod, mula sa tore ng tagabantay hanggang sa pinagtibay na lungsod.
    2 Hari 18:8Nilusob niya ang mga taga-Filisteo patungong Gaza at ang mga hangganang nasa paligid, mula sa tore ng bantay hanggang sa matibay na lungsod.

Mga haring nagtayo ng mga tore

  • Asa: mga lungsod na may pader at tore, pinto at halang2 Cro 14:7
    Ang mga talata
    2 Cro 14:7Sapagkat sinabi ni Asa sa Juda, “Itayo natin ang mga lungsod na ito at gumawa tayo ng mga pader sa paligid nito, mga tore, tarangkahan at rehas. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin si Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa bawat dako.” Kaya nagtayo sila at nagtagumpay.
  • Nagtayo si Uzias ng mga tore sa mga tarangkahan ng Jerusalem at sa ilang2 Cro 26:9–10
    Ang mga talata
    2 Cro 26:9–10Dagdag pa rito, nagtayo si Uzias ng mga tore sa Jerusalem sa may Tarangkahan sa Sulok, sa Tarangkahan sa Lambak at sa paikot ng pader at pinatibay ang mga ito. Nagtayo siya ng mga toreng bantayan sa ilang at naghukay ng maraming balon, sapagkat marami siyang mga baka sa mababang lugar gayon din sa mga kapatagan. Mayroon siyang mga magsasaka at mga nagtatanim ng ubas sa mga burol sa bansa at sa mabungang mga bukirin, sapagkat mahal niya ang pagsasaka.
  • Ang mga makina ni Uzias ay nagpapana at nagbabato mula sa mga tore2 Cro 26:15
    Ang mga talata
    2 Cro 26:15Nagtayo siya sa Jerusalem ng mga makina na inimbento ng mga bihasang lalaki upang ilagay sa mga tore at sa mga kuta, kung saan papana ng mga pana at ng mga malalaking bato. Lumaganap sa malayong mga lupain ang kaniyang katanyagan, sapagkat siya ay lubos na tinulungan hanggang sa siya ay naging lubos na makapangyarihan.
  • Nagtayo si Jotam ng mga muog at tore sa mga kagubatan2 Cro 27:4
    Ang mga talata
    2 Cro 27:4Bukod pa roon, nagtayo siya ng mga lungsod sa maburol na bahagi ng Juda, at nagtayo siya ng mga kastilyo at mga tore sa kagubatan.
  • Muling itinayo ni Hezekias ang gibang pader at nagtayo ng mga tore rito2 Cro 32:5
    Ang mga talata
    2 Cro 32:5Nagkaroon si Ezequias ng lakas ng loob at itinayo ang lahat ng mga pader na nasira; pinataas niya ang mga ito hanggang sa mga tore, gayon din ang iba pang mga pader na nasa labas. Pinatibay din niya ang Millo sa lungsod ni David, at gumawa siya ng maraming bilang ng mga sandata at mga kalasag.

Mga tore ng Jerusalem

  • Ang Tore ng Sandaan at ang Tore ng HananelNeh 3:1, Neh 12:39
    Ang mga talata
    Neh 3:1Pagkatapos tumayo si Eliasib ang punong pari kasama ng kaniyang mga kapatirang pari, at itinayo nila ang Tarangkahan ng Tupa. Pinagingbanal nila ito at naglagay ng mga pinto. Pinagingbanal nila ito hanggang sa Tore ng Sandaan at hanggang sa Tore ng Hananel.
    Neh 12:39at sa itaas ng Tarangkahan ng Efraim, at sa pamamagitan ng Lumang Tarangkahan, at sa pamamagitan ng Tarangkahan ng Isda, at ng Tore ni Hananel at ng Tore ng Sandaan, patungo sa Tarangkahan ng mga Tupa, at huminto sila sa Tarangkahan ng Bantay.
  • Ang Tore ng mga PugonNeh 3:11, Neh 12:38
    Ang mga talata
    Neh 3:11Sina Malquias anak ni Harim at Hasub anak ni Pahath Moab ang nag-ayos ng isa pang bahagi sa gawi na Tore ng mga Pugon.
    Neh 12:38At ang ibang pangkat ng mang-aawit na nagbigay pasasalamat ay pumunta sa ibang direksiyon. Sinundan ko sila sa pader kasama ang kalahati ng mga tao, sa itaas ng Tore ng mga Pugon, sa Malapad na Pader,
  • Ang malaking toreng nakausli, malapit sa pader ng OfelNeh 3:25–27
    Ang mga talata
    Neh 3:25–27Si Palal anak ni Uzai ang nag-ayos sa itaas salungat sa tukod at toreng aabot pataas mula sa itaas ng bahay ng hari sa patyo ng mga guwardiya. Pagkatapos niya, si Pedeias anak ni Paros ang nag-ayos. Ngayon ang mga lingkod ng templo na naninirahan sa Ofel ang nag-ayos sa kabilang bahagi ng Tarangkahan ng Tubig sa silangan ng nakausling tore. Pagkatapos niya ang mga taga-Tekoa ang nag-ayos ng isa pang bahagi, sa kabila ng malaking tore na namumukod tangi, hanggang sa pader ng Ofel.
  • Labingwalong tao ang namatay nang bumagsak ang tore sa SiloamLuc 13:4
    Ang mga talata
    Luc 13:4O iyong labing walong tao sa Siloam na nabagsakan ng tore at namatay, sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan sila kaysa sa ibang tao sa Jerusalem?

Mga ubasan at mga kasabihan

  • Nagtayo ng bantayan at naghukay ng pisaan ng ubas ang may-ari ng ubasanIsa 5:2, Mat 21:33
    Ang mga talata
    Isa 5:2Hinukay niya ito at inalis ang mga bato, at tinaniman ito ng pinakamasasarap na ubas. Nagtayo siya ng isang tore sa gitna nito, at nagtayo rin siya ng isang pigaan ng ubas. Umasa siyang mamumunga ito ng matatamis na ubas, pero namunga ito ng maaasim.
    Mat 21:33Pakinggan ang isa pang talinghaga. May isang tao na nagmamay-ari ng napakalawak na lupain. Nagtanim ng mga ubas at binakuran niya ito, at naghukay ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng tore ng bantay, at pinaupahan ito sa mga tagapag-alaga ng ubasan. At siya ay nagtungo sa ibang bayan.
  • Jesus: kuwentahin muna ang gastos bago magtayo ng toreLuc 14:28–30
    Ang mga talata
    Luc 14:28–30Sapagkat sino sa inyo, ang naghahangad na magtayo ng isang tore, ang hindi muna mauupo at bibilangin ang gastos upang kuwentahin kung nasa kaniya ang mga kailangan niya upang ito ay tapusin? Kung hindi, kapag nagtayo siya ng pundasyon at hindi ito natapos, sisimulan siyang kutyain ng lahat ng mga makakakita nito, sinasabi, 'Ang taong ito ay nagsimulang magtayo at hindi niya natapos.'
  • Isang tagamasid: araw-araw akong nakatayo sa bantayanIsa 21:8
    Ang mga talata
    Isa 21:8Sumisigaw ang bantay ng tore, “Panginoon, nagbabantay ako sa tore buong araw, bawat araw, at nakatayo ako sa aking himpilan buong gabi.”
  • Awit ng mga Awit: ang iyong leeg ay tulad ng tore ni DavidAwS 4:4, AwS 7:4
    Ang mga talata
    AwS 4:4Ang leeg mo ay katulad ng tore ni David na itinayo sa mga hanay ng bato, na may isang libong mga kalasag na nakasabit dito, lahat ng mga kalasag ng mga sundalo.
    AwS 7:4Ang iyong leeg ay tulad ng isang tore ng garing; ang iyong mga mata ay tulad ng mga lawa sa Hesbon sa tarangkahan ng Bat Rabim. Ang iyong ilong ay tulad ng tore sa Lebanon na nakamasid patungo sa Damasco.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0