Tuklasin › Mga paksa › Mga bugtong
Mga nakagugulat na detalye
Mga bugtong sa Bibliya
15 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Ang bugtong ni Samson
- Nakatagpo si Samson ng mga bubuyog at pulot sa leon na kaniyang pinatayHuk 14:5–9
Ang mga talata
Huk 14:5–9Pagkatapos bumaba si Samson sa Timna kasama ang kaniyang ama at ina, at dumating sila sa ubasan malapit sa Timna. At mayroong isa sa mga batang leon ang dumating at umatungal sa kaniya. Biglang pumaloob sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh, at doon dinurog niya ang leon ng pira-piraso na kasing dali ng pagdurog sa isang maliit na kambing, at walang anumang bagay sa kaniyang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kanyang ginawa. Pumunta siya at nakipag-usap sa babae, at nang tumingin siya sa kaniya, napahanga niya si Samson. Lumipas ang mga araw, nang bumalik siya para pakasalan siya, lumiko siya ng daanan para tingnan ang patay na katawan ng leon, At mayroong isang kumpol ng mga pukyutan at pulot ang naiwan sa patay na katawan ng leon. Tinipon niya ang pulot sa kaniyang mga kamay at umalis, kumakain siya habang naglalakad. Nang dumating siya sa kaniyang ama at ina, ibinigay niya sa kanila ang ilan sa mga ito, at kinain nila. Pero hindi niya sinabi sa kanila na kinuha niya ang pulot mula sa naiwang patay na katawan ng leon.
- Ang pustahan: tatlumpung damit na lino at tatlumpung pamalit na damitHuk 14:12–13
Ang mga talata
Huk 14:12–13Sinabi ni Samson sa kanila, “Hayaan ninyo na magsabi ako ng isang bugtong. Kung isa sa inyo ang makaalam nito at sabihin sa akin ang sagot sa loob ng pitong araw ng kapistahan, magbibigay ako ng tatlumpung mga linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit. Pero kung hindi ninyo maibigay sa akin ang sagot, kung ganoon kayo ang magbibigay sa akin ng tatlumpung linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit.” Sinabi nila sa kaniya, “Sabihin mo sa amin ang iyong bugtong, para aming marinig ito.”
- “Mula sa kumakain may lumabas na makakain”Huk 14:14
Ang mga talata
Huk 14:14Sinabi niya sa kanila, “Mula sa kumakain mayroong bagay na makakain; mula sa lakas mayroong bagay na sobrang matamis.” Pero hindi natukoy ng kaniyang mga panauhin ang sagot sa pangatlong araw.
- Pinilit siya ng kaniyang asawa nang pitong araw, saka sinabi sa kaniyang mga kababayanHuk 14:15–17
Ang mga talata
Huk 14:15–17Sa ika-apat na araw sinabi nila sa asawa ni Samson, “Linlangin mo ang iyong asawa para maibigay niya sa amin ang sagot sa bugtong, o susunugin ka namin at ang bahay ng iyong ama. Inimbita mo ba kami dito para gawin kaming mahirap? Nagsimulang umiyak ang asawa ni Samson sa kaniyang harapan; sinabi niya, “Lahat ng ginagawa mo ay galit sa akin! Hindi mo ako mahal. Nagsabi ka ng bugtong sa ilan kong mga kaibigan, pero hindi mo sinabi sa akin ang sagot.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Tumingin ka sa akin, kung hindi ko sinabi sa aking ama o sa aking ina, dapat ko bang sabihin sa iyo?” Umiyak siya sa loob ng pitong araw hanggang sa natapos ang kanilang kapistahan. Sa ikapitong araw sinabi niya sa kaniya ang sagot dahil pinilit niya siya ng labis. Sinabi niya ang sagot sa mga kamag-anak ng kaniyang bayan.
- “Ano ang mas matamis pa sa pulot? Ano ang mas malakas pa sa leon?”Huk 14:18
Ang mga talata
Huk 14:18At sinabi sa kaniya ng mga kalalakihan sa lungsod, sa ikapitong araw bago lumubog ang araw, “Ano ang mas matamis kaysa sa pulot? Ano ang mas malakas kaysa sa leon?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Kung hindi kayo nag-araro gamit ang aking dumalagang baka, hindi sana ninyo malalaman ang sagot sa aking bugtong.”
Iba pang mga bugtong
- Sinubok ng reyna ng Sheba si Solomon ng mahihirap na tanong1 Hari 10:1–3, 2 Cro 9:1–2
Ang mga talata
1 Hari 10:1–3Nang mabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon tungkol sa pangalan ni Yahweh, pumunta siya para subukin si Solomon sa pamamagitan ng mga mahihirap na tanong. Dumating siya sa Jerusalem kasama ang isang napakahabang karawan, mga kamelyo na punong-puno ng mga pabango, maraming ginto, at maraming mga mamahaling bato. Nang siya ay dumating, sinabi niya kay Solomon lahat ng nasa loob ng kaniyang puso. Sinagot ni Solomon lahat ng kaniyang mga katanungan. Wala ni isa man na kaniyang mga tanong ang hindi sinagot ng hari.
2 Cro 9:1–2Nang mabalitaan ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, pumunta siya sa Jerusalem upang subukin siya ng mga mahihirap na tanong. Dumating siya nang may napakaraming dala at kasama, mga kamelyo na may pasang mga pampalasa, maraming ginto, at maraming mamahaling bato. Nang pumunta siya kay Solomon, sinabi niya sa kaniya ang lahat ng nasa kaniyang puso. Sinagot ni Solomon ang lahat ng kaniyang tanong; walang mahirap para kay Solomon; walang tanong na hindi niya nasagot.
- Malinaw na nakikipag-usap ang Diyos kay Moises, hindi sa mga bugtongBil 12:8
Ang mga talata
Bil 12:8Tuwiran akong nagsasalita kay Moises, hindi sa pamamagitan ng mga pangitain o mga bugtong. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo takot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”
- Ipinahayag ng isang mang-aawit ang kaniyang bugtong sa alpaAwit 49:4
Ang mga talata
Awit 49:4Ikikiling ko ang aking pandinig sa isang parabola; sisimulan ko ang aking parabola gamit ang alpa.
- Ang Mga Kawikaan ay para maunawaan ang mga bugtong ng marurunongKaw 1:6
Ang mga talata
Kaw 1:6para maunawaan ang mga kawikaan, mga kasabihan, at mga salita ng matatalinong tao at kanilang mga palaisipan.
- Kayang ipaliwanag ni Daniel ang mga bugtong at lutasin ang mahihirap na suliraninDan 5:12
Ang mga talata
Dan 5:12Ang lahat ng mga katangian na ito, natatanging espiritu, karunungan, pang-unawa, pagbibigay kahulugan sa mga panaginip, nagpapaliwanag sa mga matalinhagang salita, paglulutas ng mga suliranin ay matatagpuan sa mismong Daniel na pinangalanan ng hari na Beltesazar. Ipatawag mo si Daniel ngayon at sasabihin niya sa iyo ang kahulugan ng nakasulat.”
- Sinabihan si Ezekiel na magbigay ng bugtong tungkol sa isang malaking agilaEzek 17:2–3
Ang mga talata
Ezek 17:2–3“Anak ng tao, maghayag ka ng isang bugtong at magsalita ka ng isang talinghaga sa sambahayan ng Israel. Sabihin mo, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang isang malaking agila na may malaki at mahabang pakpak, makapal ang mga balahibo, at may ibat' ibang kulay ay nagtungo sa Lebanon at dumapo sa itaas na bahagi ng puno ng sedar.
- Mga kasabihan ni Agur: tatlong bagay, apat na bagayKaw 30:15–16, Kaw 30:18–19, Kaw 30:24–28
Ang mga talata
Kaw 30:15–16Ang linta ay mayroong dalawang anak na babae, “Magbigay at magbigay,” sigaw nila. May tatlong bagay na hindi kailanman nasisiyahan, apat na hindi kailanman nagsabing, “Tama na”: Ang Sheol, ang baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman nagsabing, “Tama na.”
Kaw 30:18–19May tatlong bagay na labis na kamangha-mangha para sa akin, apat na hindi ko maintindihan: ang daan ng isang agila sa langit; ang ginagawa ng isang ahas sa isang bato; ang ginagawa ng isang barko sa puso ng karagatan; at ang ginagawa ng isang lalaki kasama ang isang dalaga.
Kaw 30:24–28May apat na bagay sa lupa na malilit, pero napakatatalino: ang mga langgam ay mga nilalang na hindi malalakas, pero hinahanda nila ang kanilang pagkain sa tag-araw; ang mga kuneho ay hindi makapangyarihang nilalang, pero ginagawa nila ang kanilang mga tahanan sa mga batuhan. Ang mga balang ay walang hari, pero lahat sila ay lumalakad ng maayos. Para sa butiki, maaari mo itong hawakan ng iyong dalawang kamay, pero sila ay natatagpuan sa mga palasyo ng mga hari.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0