Tuklasin › Mga paksa › Mga panlilinlang at pagbabalatkayo
Mga nakagugulat na detalye
Mga panlilinlang at pagbabalatkayo sa Bibliya
45 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Sa Genesis
- Sinabi ng ahas sa babae: “Tiyak na hindi kayo mamamatay”Gen 3:4
Ang mga talata
Gen 3:4Sinabi ng ahas sa babae, “Tiyak na hindi kayo mamamatay.
- Hiniling ni Abram kay Sarai na sabihing kapatid niya itoGen 12:13
Ang mga talata
Gen 12:13Sabihin mong ikaw ay kapatid kong babae, para mapabuti ako ng dahil sa iyo, at maliligtas ang buhay ko dahil sa iyo.”
- Sa Gerar, sinabi muli ni Abraham tungkol kay Sarah: “Kapatid ko siya”Gen 20:2
Ang mga talata
Gen 20:2Sinabi ni Abraham patungkol sa kanyang asawa na si Sarah, “Kapatid ko siya.” Kaya nagpadala si Abimelech hari ng Gerar, ng kanyang mga tauhan at kinuha nila si Sarah.
- Sinabi ni Isaac na kapatid niya si Rebeca, sa takot na patayin siya ng mga lalakiGen 26:7
Ang mga talata
Gen 26:7Nang tanungin siya ng mga kalalakihan sa lugar tungkol sa kanyang asawa, sinabi nya, “Siya ay aking kapatid na babae.” Natakot siyang sabihin, “Siya ay aking asawa,” dahil naisip niya, “Ang mga lalaki sa lugar na ito ay papatayin ako para makuha si Rebeca dahil napakaganda niya.”
- Dinamitan ni Rebeca si Jacob ng damit ni Esau at ng balat ng kambingGen 27:15–16
Ang mga talata
Gen 27:15–16Kinuha ni Rebeca ang pinakamagandang damit ni Esau, na nakatatandang anak niya, na nasa kanya sa bahay, at ipinasuot ito kay Jacob, na nakababatang anak niya. Inilagay niya ang balat ng batang kambing sa mga kamay niya at sa makinis na bahagi ng leeg niya.
- Sinabi ni Jacob sa ama niyang hindi na makakita: “Ako si Esau, ang iyong panganay”Gen 27:1, Gen 27:19
Ang mga talata
Gen 27:1Nang matanda na si Isaac at ang kanyang mga mata ay malabo na kaya hindi na siya makakita, tinawag niya ang nakatatandang anak niyang si Esau. Sinabi niya, “Anak ko.”
Gen 27:19Sinabi ni Jacob sa kanyang ama, “Ako si Esau na unang anak mo; nagawa ko na ang sinabi mo sa akin. Umupo ka at kainin ang aking napangaso upang pagpalain mo ako.”
- Ibinigay ni Laban si Lea sa halip na si Raquel; Jacob: “Bakit mo ako nilinlang?”Gen 29:23, Gen 29:25
Ang mga talata
Gen 29:23Kinagabihan, kinuha ni Laban si Lea na kanyang anak at dinala kay Jacob, na siyang sumiping sa kanya.
Gen 29:25Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, “Ano ba itong ginawa mo sa akin?” Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?”
- Palihim na umalis si Jacob kay Laban nang hindi nagsasabi sa kaniyaGen 31:20
Ang mga talata
Gen 31:20Nilinlang din ni Jacob si Laban na Aramean, sa hindi pagsasabing aalis siya.
- Itinago ni Raquel ang mga diyus-diyosan ni Laban sa siyahan ng kamelyo at inupuan ang mga itoGen 31:34–35
Ang mga talata
Gen 31:34–35Ngayon kinuha ni Raquel ang diyos ng sambahayan, nilagay niya ang mga ito sa upuan sa likod ng kamelyo at inupuan niya. Hinanapan ni Laban ang buong tolda, ngunit hindi niya ito natagpuan. Sinabi ni Raquel sa kanyang ama, “Huwag kang magalit, aking panginoon, sapagkat hindi ako makakatayo sa kinauupuan ko dahil sa ako ay may buwanang dalaw.” Kaya naghanap siya ngunit hindi niya natagpuan ang kanyang pansambahayang diyos.
- Hiniling ng mga anak ni Jacob na magpatuli ang mga lalaki ng Sechem, saka sinalakay ang lungsodGen 34:13, Gen 34:15, Gen 34:25
Ang mga talata
Gen 34:13Sumagot ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Sechem at kay Hamor na kanyang ama na may panlilinlang, sapagkat dinungisan ni Sechem si Dina na kanilang kapatid.
Gen 34:15Sa kondisyong ito lamang kami makikipagkasundo sa inyo: kung magpapatuli kayo kagaya namin, kung ang bawat lalaki sa inyo ay tutuliin.
Gen 34:25Sa ikatlong araw, nang matindi ang sakit ng sugat nila, ang dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacob, sina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dina, ang kanilang espada at pumunta sa lungsod na walang bantay, at pinatay ang lahat ng mga kalalakihan.
- Isinawsaw ng magkakapatid ang damit ni Jose sa dugo ng kambing at ipinakita kay JacobGen 37:31–33
Ang mga talata
Gen 37:31–33Kumatay sila ang isang kambing at pagkatapos kinuha nila ang damit ni Jose at sinawsaw ito sa dugo. Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita namin ito. Pakiusap tingnan mo kung ito ang damit ng inyong anak o hindi?” Nakilala ito ni Jacob at sinabi, “Ito ay damit ng aking anak. Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop. Tiyak na nagkawasak-wasak ang katawan ni Jose.”
- Nagtalukbong si Tamar, at inakala ni Juda na siya ay bayarang babaeGen 38:14–15
Ang mga talata
Gen 38:14–15Hinubad niya ang damit sa pagkabalo at tinakpan ang kanyang sarili ng isang belo at ibinalot ang sarili. Umupo siya sa tarangkahan ng Enaim, sa tabi ng daan patungong Timnat. Dahil nakita niyang si Selah ay lumaki na ngunit hindi siya binigay bilang asawa niya. Nang makita siya ni Juda naisip niya na siya ay isang babaeng bayaran dahil tinakpan niya ang kanyang mukha.
- Ipinatago ni Jose ang kaniyang pilak na kopa sa sako ni BenjaminGen 44:1–2
Ang mga talata
Gen 44:1–2Inatasan ni Jose ang katiwala ng kanyang bahay, sinabing, “Punuin mo ang sako ng mga lalaki ng pagkain, hangga't sa makakaya nilang buhatin, at ilagay ang bawat pera ng lalaki sa ibabaw ng kanyang sako. Ilagay ang aking baso, ang pilak na baso, sa ibabaw ng sako ng bunso, at ganoon din ang kanyang pera para sa butil.” Ginawa ng katiwala ang sinabi ni Jose.
Mga hukom at mga hari
- Nagdala ang mga Gabaonita ng lumang sako at inaamag na tinapay, nagkukunwaring mula sa malayong lupainJos 9:4–6
Ang mga talata
Jos 9:4–6gumawa sila ng isang tusong plano. Tinustusan nila ang kanilang sarili ng mga pagkain at kumuha ng mga lumang sako at nilagay nila ang kanilang mga asno. Kumuha rin sila ng mga lumang sisidlang balat ng alak, gutay-gutay, at inayos. Inilagay nila ang luma at sira-sirang mga sandalyas sa kanilang mga paa, at nagsuot ng luma, sira-sirang kasuotan. Lahat ng kanilang pagkaing panustos ay tuyo at inaamag. Pagkatapos pumunta sila kay Josue sa kampo sa Gilgal at sinabi sa kaniya at sa mga kalalakihan ng Israel, “Naglakbay kami mula sa isang napakalayong bansa, kaya ngayon gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin.”
- Tatlong araw pagkatapos ng kasunduan, nalaman ng Israel na kapitbahay nila ang mga itoJos 9:16
Ang mga talata
Jos 9:16Pagkalipas ng tatlong araw matapos gawin ng mga Israelita ang kasunduang ito sa kanila, nalaman nilang sila ay kanilang kapitbahay at nanirahan sila sa malapit.
- Pinapasok ni Jael si Sisera, pinainom ng gatas, saka pinatay habang natutulogHuk 4:18–21
Ang mga talata
Huk 4:18–21Lumabas si Jael para salubungin si Sisera at sinabi sa kaniya, “Lumapit ka, aking panginoon; lumapit ka patungo sa akin at huwag matakot.” Kaya lumapit si Sisera patungo sa kaniya at pumasok sa kaniyang tolda at siya ay tinakpan niya ng isang kumot. Sinabi niya sa kaniya, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig na maiinom, dahil ako ay nauuhaw.” Binuksan niya ang isang balat na supot ng gatas at binigyan siya ng inumin, at siya'y tinakpan niyang muli. Sinabi niya sa kaniya, “Tumayo ka sa bungad ng tolda at kung may dumating at magtanong sa iyo, 'May tao ba riyan?' sabihing, 'Wala'.” Pagkatapos nagdala si Jael (ang asawa ni Heber) ng isang pakong kahoy ng tolda at martilyo sa kaniyang kamay at palihim na pumunta sa kaniya, dahil siya ay nasa mahimbing na pagtulog, at ipinukpok niya ang pakong kahoy sa tagiliran ng kaniyang ulo at ito ay tumusok patagos sa kaniya at bumaba sa lupa. At siya ay namatay.
- Inilagay ni Mical sa higaan ni David ang diyus-diyosang may balahibo ng kambing: “May sakit siya”1 Sam 19:13–16
Ang mga talata
1 Sam 19:13–16Kumuha si Mical ng isang sambahayang diyus-diyosan at nilagay ito sa kama. Pagkatapos naglagay siya ng isang unan na gawa sa buhok ng kambing sa ulunan nito, at tinakpan ito gamit ang mga damit. Nang magpadala si Saul ng mga mensahero para kunin si David, sinabi niyang, “May sakit siya.” Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero upang tingnan si David; sinabi niya, “Dalhin ninyo siya sa akin sa kama, upang mapatay ko siya.” Nang pumasok ang mga mensahero, masdan, nasa kama ang sambahayang diyus-diyosan kasama ng unan na buhok ng kambing sa uluhan nito.
- Sinabi ni David sa pari sa Nob na nasa lihim na misyon siya para sa hari1 Sam 21:1–2
Ang mga talata
1 Sam 21:1–2Pagkatapos dumating si David sa Nob upang makita si Ahimelec na pari. Dumating si Ahimelec upang makipagkita kay David na nanginginig at sinabi sa kanyang, “Bakit ka nag-iisa at walang kasama?” Sinabi ni David kay Ahimelec na pari, “Ipinadala ako ng hari para sa misyon at sinabi sa akin, 'Huwag hayaang malaman ninuman ang kahit anong tungkol sa bagay na ipapadala ko sa iyo at kung ano ang iniutos ko sa iyo.' Inutusan ko ang mga binata sa isang tiyak na lugar.
- Sinalakay ni David ang mga Gesurita pero sinabi kay Aquis na ang Negev ng Juda1 Sam 27:8, 1 Sam 27:10
Ang mga talata
1 Sam 27:8Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan
1 Sam 27:10Sinasabi ni Aquis, “Laban kanino ang inyong ginawang pagsalakay sa araw na ito? Baka isasagot ni David, “Laban sa timog ng Juda,” o “Laban sa timog ng Jerameelita,” o “Laban sa timog ng Kenita.”
- Nagkunwaring may sakit si Amnon upang puntahan siya ni Tamar2 Sam 13:6
Ang mga talata
2 Sam 13:6Kaya humiga si Amnon at nagkunwaring may sakit. Nang dumating ang hari para makita siya, sinabi ni Amnon sa hari, “Pakiusap, papuntahin mo ang aking kapatid na babaeng si Tamar para maghanda ng pagkain sa aking harapan para sa aking sakit upang makakain ako mula sa kaniyang kamay.”
- Nagpadala si Joab ng isang marunong na babae mula sa Tekoa upang magkunwaring nagluluksa2 Sam 14:2–3
Ang mga talata
2 Sam 14:2–3Kaya nagpadala ng salita si Joab sa Tekoa at nagpadala ng isang matalinong babae sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya, “Pakiusap magkunwaring ikaw ay isang taong nagdadalamhati at magsuot ng damit panluksa. Pakiusap huwag pahiran ang iyong sarili ng langis, pero maging katulad ng isang babaeng nagluluksa ng magtagal na panahon para sa patay. Pagkatapos pumunta sa hari at sabihin sa kaniya ang tungkol sa kung ano ang aking ilalarawan.” Kaya sinabi ni Joab sa kaniya ang mga salita kaniyang sasabihin sa hari.
- Nagpaalam si Absalom na pupunta sa Hebron dahil sa isang panata, at doon nagsimula ng paghihimagsik2 Sam 15:7, 2 Sam 15:10
Ang mga talata
2 Sam 15:7Pagkatapos ng apat na taon sinabi ni Absalom sa hari, “Pakiusap pahintulutan mo akong umalis at tuparin ang isang panatang aking ginawa kay Yahweh sa Hebron.
2 Sam 15:10Pero pagkatapos nagpadala si Absalom ng mga espiya sa lahat ng mga lipi ng Israel, na nagsasabing, “Sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, sa gayon dapat ninyong sabihin, 'Si Absalom ay hari sa Hebron.”'
- Binati ni Cusai, ang kaibigan ni David, si Absalom: “Mabuhay ang hari!”2 Sam 16:16
Ang mga talata
2 Sam 16:16Nang dumating kay Absalom si Cusai na Arkite, ang kaibigan ni David, na sinabi ni Cusai kay Absalom, “Mabuhay ng mahaba ang hari! Mabuhay ng mahaba ang hari!”
- Mas pinili ni Absalom ang payo ni Cusai kaysa sa payo ni Ahitofel2 Sam 17:14
Ang mga talata
2 Sam 17:14Pagkatapos sinabi ni Absalom at ng kalalakihan ng Israel, “Mas mabuti ang payo ni Cusai ang Arkite kaysa kay Ahitofel.” Itinalaga ni Yahweh ang pagtanggi sa mabuting payo ni Ahitofel para magdala ng kapahamakan kay Absalom.
- Nagsinungaling ang isang matandang propeta upang madala ang lingkod ng Diyos sa kaniyang bahay1 Hari 13:18
Ang mga talata
1 Hari 13:18Kaya sinabi ng matandang propeta sa kaniya, “Ako ay isa ring propetang tulad mo, at isang anghel ang nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, sinasabing, “Isama mo siya pabalik sa iyong bahay, para maaari siyang kumain at uminom ng tubig.” Pero siya ay nagsisinungaling sa lingkod ng Diyos.
- Nagbalatkayo ang asawa ni Jeroboam; si Ahias, na hindi makakita, ay tinawag siya sa pangalan1 Hari 14:2, 1 Hari 14:4, 1 Hari 14:6
Ang mga talata
1 Hari 14:2Sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, “Pakiusap bumangon ka at magkunwari, para hindi ka makilala bilang asawa ko, at pumunta ka sa Silo, dahil ang propetang si Ahias ay naroroon; siya ang nagsalita tungkol sa akin, na sinasabing ako ay magiging hari sa bayang ito.
1 Hari 14:4Ganoon nga ang ginawa ng asawa ni Jeroboam; umalis siya at nagpunta sa Silo at dumating sa bahay ni Ahias. Ngayon hindi na nakakakita si Ahias, siya ay bulag na dahil sa kaniyang edad.
1 Hari 14:6Nang marinig ni Ahias ang tunog ng kaniyang yapak habang siya ay pumapasok sa pintuan, sabi niya, “Pumasok ka, asawa ni Jeroboam. Bakit ka nagkukunwari na maging isang tao na hindi naman ikaw iyon? Isinugo ako sa iyo na may mga masamang balita.
- Gumawa si Gehazi ng mensahe mula kay Eliseo upang makakuha ng pilak kay Naaman2 Hari 5:22, 2 Hari 5:25
Ang mga talata
2 Hari 5:22Sinabi ni Gehazi, “Maayos naman ang lahat. Pinadala ako ng aking panginoon, sinasabing, 'May lumapit sa akin mula sa bansa sa burol ng Efraim, dalawang lalaki na anak ng mga propeta. Pakiusap bigyan mo sila ng isang talentong pilak at dalawang pamalit na damit.”
2 Hari 5:25Nang pumasok si Gehazi at humarap sa kaniyang amo, sinabi ni Eliseo, “Saan ka nanggaling, Gehazi?” Tumugon siya, “Diyan-diyan lang nagpunta ang iyong lingkod.”
- Ipinahayag ni Jehu ang malaking paghahandog para kay Baal upang tipunin ang mga lingkod nito2 Hari 10:19
Ang mga talata
2 Hari 10:19Kaya ngayon ipadala sa akin ang lahat na propeta ni Baal, at lahat ng mga sumasamba sa kaniya, at lahat ng kaniyang mga pari. Huwag ninyong hayaang may maiwan, dahil mayroong akong isang dakilang handog para ialay kay Baal. Sinumang hindi dumating ay hindi mabubuhay.” Pero ginawa ito ni Jehu nang may pandaraya, nang may layunin para patayin ang mga sumasamba kay Baal.
- Inanyayahan ni Sanbalat si Nehemias sa kapatagan ng Ono, nagbabalak na saktan siyaNeh 6:2
Ang mga talata
Neh 6:2nagpadala sina Sanbalat at Gesem sa akin na sinasabing, “Halika, sama-sama tayong magpulong kahit saan sa kapatagan ng Ono.” Pero binalak nila na gawan ako ng masama.
- Hinimok ng isang upahang lalaki si Nehemias na magtago sa temploNeh 6:10, Neh 6:12
Ang mga talata
Neh 6:10Pumunta ako sa bahay ni Semaya anak ni Delaias anak ni Mehetabel, na nananatili sa kanyang tahanan. Sinabi niya, “Sama-sama tayong magpulong sa tahanan ng Diyos, sa loob ng templo, at isara natin ang mga pinto ng templo, dahil darating sila para patayin ka. Sa gabi, darating sila para patayin ka.”
Neh 6:12Napag-isip-isip ko na hindi ang Diyos ang nagpadala sa kanya, kundi nagpropesiya siya laban sa akin. Binayaran siya nina Tobias at Sanbalat.
Sa Bagong Tipan
- Sinabi ni Herodes sa mga pantas na nais din niyang pumunta at sambahin ang BataMat 2:8
Ang mga talata
Mat 2:8Pinapunta niya ang mga ito sa Bethlehem at sinabing, “Humayo kayo at hanaping mabuti ang bata. Kung nahanap ninyo siya, ipaalam ninyo sa akin upang makapunta at makasamba din ako sa kaniya.”
- Naghanap ang mga punong pari ng lihim na paraan upang dakpin si JesusMar 14:1
Ang mga talata
Mar 14:1Dalawang araw pa bago ang Paskua at ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Nag-iisip ang mga punong pari at ang mga eskriba kung paano nila patagong madakip si Jesus at pagkatapos ay papatayin.
- Binayaran ang mga sundalo upang sabihing ninakaw ng mga alagad ang bangkayMat 28:12–13
Ang mga talata
Mat 28:12–13Nang nagtipun-tipon ang mga pari kasama ng mga nakatatanda at pinag-usapan nila ang pangyayaring iyon, nagbigay sila ng malaking halaga ng pera sa mga kawal at sinabi sa kanila, “Sabihin ninyo sa iba, 'Pumunta ang mga alagad ni Jesus noong gabi at ninakaw ang kaniyang katawan habang kami ay natutulog.'
- Itinabi nina Ananias at Safira ang bahagi ng halaga ng kanilang lupaGawa 5:1–2, Gawa 5:8
Ang mga talata
Gawa 5:1–2Ngayon, may isang lalaki na ang pangalan ay Ananias, kasama ang kaniyang asawa na si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian, at kaniyang itinago ang bahagi ng napagbilhang pera (alam din ito ng kaniyang asawang babae), at idinala ang ibang bahagi nito at inilagay sa paanan ng mga apostol.
Gawa 5:8Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Sabihin mo sa akin kung naibenta ang lupa sa ganoong halaga.” Sinabi niya, “Oo, sa ganoong halaga.”
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0