Mga nakagugulat na detalye
Pulot sa Bibliya
22 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulotExo 3:8, Lev 20:24
Ang mga talata
Exo 3:8Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Lev 20:24Sinabi ko sa inyo, “Mamanahin ninyo ang kanilang lupain; ibibigay ko ito sa inyo para angkinin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang naghiwalay sa inyo mula sa ibang mga tao.
- Isang lupain ng langis ng olibo at pulotDeut 8:8
Ang mga talata
Deut 8:8isang lupain ng trigo at sebada, ng mga puno ng ubas, mga puno ng igos, at mga granada; isang lupain ng mga punong olibo at pulot.
- Lasang manipis na tinapay na may pulot ang manaExo 16:31
Ang mga talata
Exo 16:31Tinawag ng mga tao ng Israel ang pagkaing iyon na “manna.” Ito ay maputi tulad ng buto ng kulantro at ang lasa ay parang apa na ginawang may pulot.
- Hindi dapat sunugin ang pulot bilang handogLev 2:11
Ang mga talata
Lev 2:11Walang butil na handog na inyong ihahandog kay Yahweh ang gagawing may pampaalsa, dahil hindi kayo dapat magsunog ng pampaalsa, ni anumang pulot, bilang handog na ginawa kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy.
- Pulot mula sa batoDeut 32:13, Awit 81:16
Ang mga talata
Deut 32:13Hinayaan niya kayong sumakay sa tayog ng lupain, at siya ay pinakain niya ng mga bunga ng bukid; kayo ay pinalusog niya ng pulut na mula sa bato, at langis na mula sa matigas na matarik na bato.
Awit 81:16Pakakainin ko ang Israel ng pinakamainam na trigo; pasisiyahin ko kayo ng pulot na lumalabas mula sa bato.”
Sa mga salaysay
- Nagpadala si Jacob ng kaunting pulot bilang regalo sa EhiptoGen 43:11
Ang mga talata
Gen 43:11Sinabi ng kanilang ama na si Israel, “Kung ganoon, gawin ninyo ito ngayon. Kumuha kayo ng mga pinaka magandang produkto sa ating lupain sa inyong mga sisidlan. Magdala kayo ng regalo sa taong iyon: tulad ng balsamo at pulot-pukyutan, pabango at mirra, pili at almendra.
- Kumain si Samson ng pulot mula sa bangkay ng leonHuk 14:8–9
Ang mga talata
Huk 14:8–9Lumipas ang mga araw, nang bumalik siya para pakasalan siya, lumiko siya ng daanan para tingnan ang patay na katawan ng leon, At mayroong isang kumpol ng mga pukyutan at pulot ang naiwan sa patay na katawan ng leon. Tinipon niya ang pulot sa kaniyang mga kamay at umalis, kumakain siya habang naglalakad. Nang dumating siya sa kaniyang ama at ina, ibinigay niya sa kanila ang ilan sa mga ito, at kinain nila. Pero hindi niya sinabi sa kanila na kinuha niya ang pulot mula sa naiwang patay na katawan ng leon.
- Tumikim si Jonatan ng pulot sa gubat, labag sa sumpa ni Saul1 Sam 14:25–27, 1 Sam 14:43
Ang mga talata
1 Sam 14:25–27Pagkatapos pumasok ng kagubatan ang lahat ng mga tao at may mga pulot sa ibabaw ng lupa. Nang pumasok ang mga tao sa kagubatan, dumaloy ang pulot, subalit wala ni isa ang naglagay ng kanyang kamay sa kanyang bibig dahil kinatakutan ng mga tao ang panunumpa. Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang panunumpa. Inabot niya ang dulo ng kanyang tungkod na nasa kanyang kamay at inilublob ito sa pulot-pukyutan. Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at lumiwanag ang kanyang mga mata.
1 Sam 14:43Pagkatapos sinabi ni Saul kay Jonatan, “Sabihan mo ako kung ano ang nagawa mo.” Sinabihan siya ni Jonatan, “Tumikim ako ng kaunting pulot gamit ang dulo ng bara na nasa aking kamay. Narito ako; mamamatay ako.”
- Lumiwanag ang kaniyang mga mata matapos tumikim ng kaunting pulot1 Sam 14:29
Ang mga talata
1 Sam 14:29Pagkatapos sinabi ni Jonatan, “Gumawa ang ama ko ng gulo sa lupain. Masdan kung paano lumiwanag ang aking mga mata dahil tumikim ako ng kaunti ng pulot na ito.
- Nagdala ang mga kaibigan ng pulot para sa gutom na mga tauhan ni David2 Sam 17:29
Ang mga talata
2 Sam 17:29pulot, mantikilya, tupa at keso. Kaya maaaring kumain si David at ang mga taong kasama niya. Sinabi ng mga lalaking ito, “Gutom ang mga tao, pagod at uhaw sa ilang.”
- Nagdala ang asawa ni Jeroboam ng isang banga ng pulot sa propeta1 Hari 14:3
Ang mga talata
1 Hari 14:3Magdala ka ng sampung tinapay, ilang mga keyk, at isang garapong pulot, at pumunta ka kay Ahias. Sasabihin niya sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.”
- Nakipagkalakalan ng pulot ang Juda sa TiroEzek 27:17
Ang mga talata
Ezek 27:17Nakikipagpalitan sa iyo ang Juda at ang lupain ng Israel. Nagbibigay sila ng trigo mula sa Minith, trigo, pulot, langis at balsamo bilang iyong mga kalakal.
- Kumain si Juan ng balang at pulot-pukyutang ligawMat 3:4
Ang mga talata
Mat 3:4Ngayon, nagsusuot si Juan ng damit na gawa sa buhok ng kamelyo at sinturong balat sa kaniyang baywang. Ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan.
Mga kasabihan
- Kumain ka ng pulot, anak ko, sapagkat ito ay mabutiKaw 24:13
Ang mga talata
Kaw 24:13Aking anak, kumain ng pulot dahil ito ay mabuti, dahil ang mga katas ng pulut-pukyutan ay matamis sa iyong panlasa.
- Kung makatagpo ka ng pulot, kainin lamang ang kailangan moKaw 25:16, Kaw 25:27
- Nasusuya sa pulot ang busog; sa gutom, matamis ang mapaitKaw 27:7
Ang mga talata
Kaw 27:7Ang isang tao na kumain hanggang mabusog ay tinatanggihan kahit isang bahay-pukyutan, pero sa isang taong gutom, bawat mapait na bagay ay matamis.
- Mas matamis pa kaysa sa pulot mula sa bahay-pukyutanAwit 19:10
Ang mga talata
Awit 19:10Ang mga ito ay mas mahalaga kaysa ginto, mas higit pa kaysa pinong ginto; mas matamis kaysa pulot na tumutulo mula sa pulot-pukyutan.
- Ang iyong mga labi, aking nobya, ay tumutulo ng tamis na parang bahay-pukyutanAwS 4:11
Ang mga talata
AwS 4:11Ang iyong labi, babaeng aking pakakasalan, tumutulong pulot; ang pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila; ang halimuyak ng iyong mga kasuotan ay katulad ng halimuyak ng Lebanon.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0