Tuklasin › Mga paksa › Paghuhugas ng paa at kamay
Mga nakagugulat na detalye
Paghuhugas ng paa at kamay sa Bibliya
27 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
- Inalok ni Abraham ng tubig ang kaniyang mga panauhin upang hugasan ang kanilang paa at magpahingaGen 18:4
Ang mga talata
Gen 18:4Hayaan ninyong maidala ang kaunting tubig, mahugasan ang inyong mga paa, at makapagpahinga kayo sa ilalim ng punong kahoy.
- Lot: “Hugasan ninyo ang inyong mga paa at magpalipas ng gabi”Gen 19:2
Ang mga talata
Gen 19:2Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan.
- Sa bahay ni Laban, binigyan ng tubig sa paa ang lingkod ni Abraham at ang mga kasama niyaGen 24:32
Ang mga talata
Gen 24:32Kaya pumunta ang lalaki sa bahay at diniskargahan niya ng mga kamelyo. Binigyan ang mga kamelyo ng dayami at pagkain ng hayop, naglaan ng tubig upang hugasan ang kanyang mga paa at ang mga paa ng mga lalaking kasama niya.
- Binigyan ng katiwala ni Jose ng tubig ang magkakapatid upang hugasan ang kanilang mga paaGen 43:24
Ang mga talata
Gen 43:24Dinala ng katiwala ang mga lalaki sa bahay ni Jose. Binigyan niya ito ng tubig, at hinugasan nila ang kanilang mga paa. Binigyan niya ng mga pagkain ang kanilang mga asno.
- Sa bahay ng matandang lalaki sa Gabaa, naghugas sila ng paa, kumain at uminomHuk 19:21
Ang mga talata
Huk 19:21Kaya dinala ng lalaki ang Levita sa kaniyang bahay at nagbigay ng pakain para sa mga asno. Hinugasan nila ang kanilang mga paa at kumain at uminom.
- Abigail: handang hugasan ang mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon1 Sam 25:41
Ang mga talata
1 Sam 25:41Tumayo siya, niyuko ang kanyang sarili kasama ang kanyang mukha sa lupa, at sinabi, “Tingnan ninyo, ang iyong lingkod na babae ay isang lingkod para maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon.”
- Si David kay Urias: “Umuwi ka sa iyong bahay at hugasan ang iyong mga paa”2 Sam 11:8
Ang mga talata
2 Sam 11:8Sinabi ni David kay Urias, “Umuwi ka sa iyong bahay, at hugasan mo ang iyong paa.” Kaya umalis si Urias sa palasyo ng hari, at nagpadala ng isang regalo ang hari para kay Urias matapos siyang umalis.
- Hindi inalagaan ni Mefiboset ang kaniyang mga paa habang wala si David2 Sam 19:24
Ang mga talata
2 Sam 19:24Pagkatapos bumaba si Mefiboset anak na lalaki ni Saul para makipag-kita sa hari. Hindi niya sinuotan ang kaniyang mga paa, o pinutulan ang kaniyang balbas, o nilabhan ang kaniyang mga damit simula ng araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siya ng bahay ng mapayapa.
- Awit ng mga Awit: “Nahugasan ko na ang aking mga paa — dudumihan ko pa ba?”AwS 5:3
Ang mga talata
AwS 5:3Hinubad ko ang aking balabal; dapat ko ba itong isuot muli? Hinugasan ko ang aking mga paa; dapat ko ba silang dumihan muli?
Sa mga Ebanghelyo
- Si Jesus kay Simon: hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paaLuc 7:44
Ang mga talata
Luc 7:44Humarap si Jesus sa babae at sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo itong babae. Ako ay pumasok sa iyong bahay. Hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa, ngunit siya, ay binasa niya ang aking mga paa sa pamamagitan ng kaniyang mga luha, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok.
- Binasa ng isang babae ang kaniyang mga paa ng luha at pinunasan ng kaniyang buhokLuc 7:38
Ang mga talata
Luc 7:38Tumayo siya sa likuran ni Jesus malapit sa kaniyang mga paa at umiyak. At sinimulan niyang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok, hinalikan ang kaniyang mga paa, at binuhusan ang mga ito ng pabango.
- Pinahiran ni Maria ng nardo ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kaniyang buhokJuan 12:3
Ang mga talata
Juan 12:3Pagkatapos kumuha si Maria ng isang litra ng pabango mula sa purong nardo na napakamahal, at pinahiran nito ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kaniyang buhok ang kaniyang mga paa, at napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango.
- Sa hapunan, nagbigkis si Jesus ng tuwalya sa baywang at hinugasan ang mga paa ng mga alagadJuan 13:4–5
Ang mga talata
Juan 13:4–5Tumayo siya nang hapunan at ibinaba ang kaniyang panglabas na kasuotan. At kumuha siya ng tuwalya at ibinigkis ito sa kaniyang sarili. Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at upang punasan sila ng tuwalya na ibinigkis sa kaniyang sarili.
- Pedro: “Hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa!”Juan 13:8
Ang mga talata
Juan 13:8Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.”
- Jesus: ang nakapaligo na ay kailangan lamang hugasan ang kaniyang mga paaJuan 13:10
Ang mga talata
Juan 13:10Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Ang sinuman na nakaligo na ay hindi na kailangang maghugas ng kahit ano pa maliban sa kaniyang mga paa, at siya ay malinis na malinis na; malinis ka na, ngunit hindi lahat kayo.”
- “Dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa’t isa”Juan 13:14
Ang mga talata
Juan 13:14Kung ako nga na Panginoon at Guro, ay hinugasan ang iyong mga paa, dapat ninyo ring hugasan ang mga paa ng iba.
- Isang balong kilala sa paghuhugas ng mga paa ng mga banal1 Tim 5:10
Ang mga talata
1 Tim 5:10Dapat siyang makilala sa kaniyang mabubuting gawa, maging sa pag-aalaga ng mga bata, o sa pagpapatuloy ng mga taga-ibang bayan, o sa paghuhugas ng paa ng mga mananampalataya, o sa pagtulong sa mga nagdurusa, o sa pagiging tapat sa bawat mabubuting gawain.
Paghuhugas ng kamay
- Naghuhugas ng kamay at paa ang mga pari sa tansong palanggana bago maglingkodExo 30:18–21, Exo 40:31
Ang mga talata
Exo 30:18–21“Dapat ka ring gumawa ng isang malaking tansong palanggana na mayroong tansong tuntungan, isang palanggana para hugasan. Dapat mo itong ilagay sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at kailangan mo itong lagyan ng tubig. Si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat maghugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa ng tubig nito. Kapag pumasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lumalapit sila sa altar para maglingkod sa akin sa pagsusunog ng handog, dapat silang maghugas ng tubig sa gayon ay hindi sila mamatay. Dapat nilang hugasan ang kanilang mga kamay at paa para hindi sila mamatay. Dapat itong maging palagiang batas para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan sa buong salinlahi ng kanilang bayan.”
Exo 40:31Si Moises, Aaron at kaniyang mga anak ay naghugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa sa palanggana.
- Sa pagpatay na hindi kilala ang pumatay, naghuhugas ng kamay ang mga nakatatanda sa ibabaw ng dumalagang bakaDeut 21:1, Deut 21:6
Ang mga talata
Deut 21:1Kung may isang taong natagpuang pinatay sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo para angkinin, na nakahiga sa bukid, at hindi matukoy kung sino ang sumalakay sa kaniya;
Deut 21:6Dapat hugasan ng lahat ng nakatatanda ng lungsod na pinakamalapit sa taong pinatay ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa may lambak;
- Naghugas ng kamay si Pilato sa harap ng mga tao: “Wala akong sala sa dugo ng taong ito”Mat 27:24
Ang mga talata
Mat 27:24At nang nakita ni Pilato na wala siyang magagawa, dahil nagsimula na ang kaguluhan, kumuha siya ng tubig, naghugas siya ng kamay sa harapan ng maraming tao, at sinabi, “Wala na akong pananagutan sa dugo sa matuwid na taong ito. Kayo na ang bahala niyan.”
- Hindi kumakain ang mga Pariseo nang hindi naghuhugas ng kamay, ayon sa kaugalian ng mga nakatatandaMar 7:3–4
Ang mga talata
Mar 7:3–4(Dahil ang mga Pariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain hanggang hindi sila naghuhugas ng maigi ng kanilang mga kamay; pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga nakatatanda. Tuwing nanggagaling sa pamilihan ang mga Pariseo, hindi sila kumakain hanggang hindi sila nakapaligo. At marami pang ibang mga patakaran ang mahigpit nilang sinusunod, kasama na rito ang paghuhugas ng mga tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan.)
- Itinanong nila kung bakit kumakain ang mga alagad ni Jesus nang hindi naghuhugas ng kamayMat 15:2, Mar 7:5
Ang mga talata
Mat 15:2“Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng mga nakatatanda? Sapagkat hindi nila hinuhugasan ang kanilang mga kamay kapag sila ay kakain.”
Mar 7:5Tinanong ng mga Pariseo at ng mga eskriba si Jesus, “Bakit hindi namumuhay alinsunod sa kaugalian ng mga nakatatanda ang iyong mga alagad, sapagkat kumakain sila ng tinapay ng hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay?”
- Nagtaka ang isang Pariseo na hindi naghugas si Jesus bago kumainLuc 11:38
Ang mga talata
Luc 11:38At ang Pariseo ay nagulat dahil hindi muna siya naghugas bago ang hapunan.
- Anim na tapayang bato sa Cana ang may tubig para sa seremonya ng paglilinisJuan 2:6
Ang mga talata
Juan 2:6Ngayon mayroon doong anim na mga banga ng tubig na ginagamit sa seremonya ng paghuhugas ng mga Judio, na ang bawa't isa ay naglalaman ng may dalawa hanggang tatlong metretes.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0