Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Mga bituin

Mga nakagugulat na detalye

Mga bituin sa Bibliya

21 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Ginawa ng Diyos ang dalawang malaking ilaw, at ang mga bituin dinGen 1:16
    Ang mga talata
    Gen 1:16Ginawa ng Diyos ang dalawang malaking mga liwanag, ang mas malaking liwanag upang pamunuan ang araw, at ang mas maliit na liwanag upang pamunuan ang gabi. Ginawa rin niya ang mga bituin.
  • Pinabilang kay Abraham ang mga bituin, kung kaya niyaGen 15:5
    Ang mga talata
    Gen 15:5Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, “Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya,” Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.”
  • Mga kaapu-apuhang kasindami ng mga bituin at ng buhanginGen 22:17, Deut 1:10
    Ang mga talata
    Gen 22:17tiyak na pagpapalain kita at labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan; at aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway.
    Deut 1:10Pinarami kayo ni Yahweh na inyong Diyos, masdan ninyo, sa araw na ito kayo ay gaya ng mga bituin sa langit sa dami.
  • Itinatakda niya ang bilang ng mga bituin at pinangangalanan ang bawat isaAwit 147:4
    Ang mga talata
    Awit 147:4Siya ang lumikha ng mga bituin.
  • Magkakaiba ang ningning ng bawat bituin1 Cor 15:41
    Ang mga talata
    1 Cor 15:41Mayroong iisang kaluwalhatian ang araw, at may ibang kaluwalhatian ang buwan, at may ibang kaluwalhatian ang mga bituin. Sapagkat naiiba ang isang bituin sa kaluwalhatian ng ibang bituin.
  • Nanaginip si Jose ng labing-isang bituin na yumuyukodGen 37:9
    Ang mga talata
    Gen 37:9Nanaginip siya ulit ng panaginip at sinabi niya ito sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, nanaginip ako ng ibang panaginip: Ang araw at ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko pababa sa akin.”
  • Mula sa kanilang mga landas, nakipaglaban ang mga bituin kay SiseraHuk 5:20
    Ang mga talata
    Huk 5:20Nakipaglaban ang mga bituin mula sa langit, mula sa kanilang landas sa ibayo ng mga kalangitan nakipaglaban sila laban kay Sisera.
  • Sama-samang umawit ang mga bituin sa umagaJob 38:7
    Ang mga talata
    Job 38:7nang magkakasamang kumanta ang mga bituin sa umaga at sumigaw sa galak ang lahat ng mga anak ng Diyos?
  • Nakita ng mga pantas ang kaniyang bituin sa silanganMat 2:2
    Ang mga talata
    Mat 2:2“Nasaan siyang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang bituin niya sa silangan kaya pumarito kami upang sumamba sa kaniya.”
  • Nanguna ang bituin at huminto sa ibabaw ng lugarMat 2:9–10
    Ang mga talata
    Mat 2:9–10Pagkatapos nilang makinig sa hari, sila ay tumuloy sa kanilang lakbayin, at pinangunahan sila ng bituwin na kanilang nakita mula sa silangan hanggang sa ito ay tumigil kung nasaan naroroon ang bata. Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang may labis na kagalakan.
  • Hindi binilang ni David ang wala pang dalawampu: magiging tulad ng mga bituin ang Israel1 Cro 27:23
    Ang mga talata
    1 Cro 27:23Hindi binilang ni David ang mga may gulang na dalawampu o mas bata pa, sapagkat nangako si Yahweh na pararamihin niya ang Israel gaya ng mga bituin sa langit.

Mga pinangalanang kumpol ng bituin

  • Ang Oso, ang Orion, ang Pleyades at ang mga kumpol ng bituin sa katimuganJob 9:9
    Ang mga talata
    Job 9:9siya na gumawa sa Oso, sa Orion, sa Pleyades, at sa kumpol ng mga bituin sa katimugan.
  • Kaya mo bang talian ang Pleyades o kalagin ang sinturon ng Orion?Job 38:31–32
    Ang mga talata
    Job 38:31–32Kaya mo bang ikandado ang mga kadena sa Pleyades, o kalagan ang mga tali ng Orion? Kaya mo bang patnubayan ang mga bituin para lumitaw sa kanilang nararapat na mga panahon? Kaya mo bang patnubayan ang Oso sa kaniyang mga anak?
  • Amos: ginawa niya ang Pleyades at ang OrionAmos 5:8
    Ang mga talata
    Amos 5:8Nilikha ng Diyos ang Pleyades at Orion; ginawa niyang umaga ang dilim; pinagdidilim niya ang araw na maging gabi at tinawag niya ang mga tubig sa dagat; ibinubuhos niya ang mga iyon sa ibabaw ng mundo. Yaweh ang kaniyang pangalan!

Pagsamba sa mga bituin

  • Sinabihan ang Israel na huwag yumukod sa araw, buwan at mga bituinDeut 4:19
    Ang mga talata
    Deut 4:19Maging maingat kayo kapag titingala kayo sa kalangitan at titingnan sa araw, buwan, o mga bituin—lahat ng mga hukbo sa kalangitan— maging maingat kayo na hindi mapalayo para sumamba at pakamahalin ang mga ito—ang mga bagay na iyon na itinalaga ni Yahweh na inyong Diyos doon para sa lahat ng mga tao na nasa ilalim ng buong himpapawid.
  • Yumukod ang Israel at si Haring Manases sa lahat ng hukbo ng langit2 Hari 17:16, 2 Hari 21:3
    Ang mga talata
    2 Hari 17:16Sinuway nilang lahat ang mga utos ni Yahweh na kanilang Diyos. Gumawa sila ng imahe ng dalawang batang baka mula sa hinulmang bakal para sambahin. Gumawa sila ng poste ni Asera, at sinamba lahat ng bituin sa langit at si Baal.
    2 Hari 21:3Dahil itinayo niya muli ang mga dambana na winasak ng kaniyang ama na si Hezekias, at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal, gumawa ng poste ni Asera, gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel, at lumuhod siya sa lahat ng mga bituin ng langit at sinamba ang mga ito.
  • Inalis ni Josias ang mga paring nagsusunog ng insenso sa mga kumpol ng bituin2 Hari 23:5
    Ang mga talata
    2 Hari 23:5Inalis niya ang mga pari ng mga diyus-diyosan na pinili ng mga hari ng Juda para magsunog ng insenso sa mga dambana sa mga lungsod ng Juda at sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem - ang mga nagsunog ng insenso para kay Baal, para sa araw at sa buwan, para sa mga planeta at sa lahat ng mga butuin ng langit.
  • Yumukod ang mga tao sa mga bubungan sa hukbo ng langitJer 19:13, Zef 1:5
    Ang mga talata
    Jer 19:13kaya magiging katulad ng Tofet ang mga bahay ng Jerusalem at ng mga hari ng Juda—lahat ng mga tahanan na ang bubungan ay pinagsasambahan ng mga hindi malinis na tao sa lahat ng mga bituin sa langit at nagbubuhos ng inuming mga alay sa ibang mga diyos.'”
    Zef 1:5ang mga taong nasa mga bubungan ng bahay na sumasamba sa mga natatanaw sa kalawakan at ang mga taong sumasamba at nangangako kay Yahweh ngunit nangangako rin kay Milcom.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0