Tuklasin › Mga paksa › Mga traydor at mga nagkanulo
Mga nakagugulat na detalye
Mga traydor at mga nagkanulo sa Bibliya
26 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.
Si Judas
- Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, “na naging traydor”Luc 6:16
Ang mga talata
Luc 6:16Judas na anak ni Santiago at Judas Iscariote na siyang naging taksil.
- Bilang tagapag-ingat ng lalagyan ng salapi, kumukuha siya mula ritoJuan 12:6
Ang mga talata
Juan 12:6Ngayon, sinabi niya ito, hindi dahil sa may malasakit siya sa mga mahihirap, kundi dahil siya ay isang magnanakaw: siya ang may hawak ng sisidlan ng pera, at kumukuha dito ng ilang pera para sa kaniyang sarili.
- Itinanong niya sa mga punong pari kung ano ang ibibigay nila: tatlumpung pirasong pilakMat 26:14–15
Ang mga talata
Mat 26:14–15At ang isa sa Labingdalawa na nagngangalang Judas Iscariote ay pumunta sa mga punong pari at sinabi, “Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?” At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya.
- Mula noon ay naghanap siya ng pagkakataon, malayo sa mga taoMat 26:16, Mar 14:11, Luc 22:6
Ang mga talata
Mat 26:16Mula ng panahong iyon humanap siya ng pagkakataon upang ibigay siya sa kanila.
Mar 14:11Nang marinig ito ng mga punong pari, nasiyahan sila at nangakong bigyan siya ng pera. Nagsimula siyang maghanap ng pagkakataon upang maibigay si Jesus sa kanila.
Luc 22:6Sumang-ayon siya, at naghanap ng pagkakataon upang madala niya si Jesus sa kanila malayo sa maraming mga tao.
- Sa hapunan, sinabi ni Jesus: “Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo”Mat 26:21
Ang mga talata
Mat 26:21Habang sila'y kumakain, sinabi niya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.”
- Judas: “Hindi ako iyon, hindi ba, Rabi?”Mat 26:25
Ang mga talata
Mat 26:25Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya ay nagsabi, “Ako ba, Rabi?” Sinabi niya sa kaniya. “Ikaw mismo ang nagsabi.”
- Ibinigay ni Jesus kay Judas ang isinawsaw na tinapay, at lumabas si Judas sa gabiJuan 13:26, Juan 13:30
Ang mga talata
Juan 13:26At sumagot si Jesus, “Iyong aking ipagsasawsaw ng pirasong tinapay at bibigyan. “Nang kaniyang isawsaw ang tinapay, ibinigay niya ito kay Judas na anak ni Simon Iscariote.
Juan 13:30Pagkatapos tanggapin ni Judas ang tinapay, agad siyang lumabas; at gabi na noon.
- Kilala ni Judas ang hardin, dahil madalas makipagkita roon si Jesus sa kaniyang mga alagadJuan 18:2
Ang mga talata
Juan 18:2Ngayon si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang lugar, dahil madalas magpunta roon si Jesus kasama ang kaniyang mga alagad.
- Dumating siya kasama ang mga sundalong may dalang parol, sulo at sandataJuan 18:3
Ang mga talata
Juan 18:3Pagkatapos, si Judas, pagkatanggap sa grupo ng mga sundalo at ang mga opisiyal mula sa mga pinunong mga pari at ng mga Pariseo, dumating roon ng may mga lampara, mga sulo at mga sandata.
- Ang hudyat: “Ang hahalikan ko ang siyang lalaking iyon”Mat 26:48–49, Mar 14:44–45
Ang mga talata
Mat 26:48–49Ngayon ang tao na magkanulo kay Jesus ay nagbigay ng hudyat sa kanila na nagsasabi, “Kung sinuman ang aking hahalikan, siya na iyon. Sunggaban siya.” Agad-agad lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Binabati kita, Rabi” At hinalikan niya siya.
Mar 14:44–45Ngayon, nagbigay na ng palatandaan ang magkakanulo sa kaniya, na nagsasabi, “Kung sino man ang hahalikan ko, siya iyon. Hulihin ninyo siya at bantayang mabuti sa pagdala ninyo sa kaniya. Pagdating ni Judas, kaagad niyang pinuntahan si Jesus at sinabi “Rabi!” At kaniyang hinalikan.
- “Judas, ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng halik?”Luc 22:47–48
Ang mga talata
Luc 22:47–48Habang siya ay nagsasalita, masdan ito, dumating ang maraming tao, kasama si Judas na isa sa Labindalawa na pinangungunahan sila. Lumapit siya kay Jesus upang siya ay halikan, ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Judas, ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”
- Sa matinding pagsisisi, ibinalik niya ang pilak at nagbigtiMat 27:3–5
Ang mga talata
Mat 27:3–5Pagkatapos nang si Judas na nagkanulo sa kaniya ay nakitang nahatulan si Jesus, siya ay nagsisisi at isinauli ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at mga nakatatanda, at sinabi, “Ako ay nagkasala sa pamamagitan ng pagkakanulo sa dugong walang kasalanan.” Ngunit sinabi nila, “Ano ba sa amin iyon? Tingnan mo yan sa iyong sarili.” At kaniyang itinapon pababa ang tatlumpung piraso ng pilak sa templo, at umalis, at pumunta sa labas at siya ay nagbigti.
- Ipinambili ang salapi ng bukid ng magpapalayok, na tinawag na Bukid ng DugoMat 27:7–8
Ang mga talata
Mat 27:7–8Sama-sama nilang pinag-usapan ang bagay na ito at ang salapi ay ipinambili ng Bukid ng Magpapalayok upang paglibingan ng mga dayuhan. At dahil dito ang bukid na iyon ay tinawag na, “Ang bukid ng dugo” magpa-hanggang ngayon.
- Sa Mga Gawa, tinawag ang bukid na AkeldamaGawa 1:18–19
Ang mga talata
Gawa 1:18–19(Ngayon bumili ang taong ito ng bukid mula sa kaniyang natanggap kita dahil sa kaniyang kasamaan, at doon ay nahulog siya na nauna ang ulo, ang kanyang katawan ay sumambulat, at lahat ng kanyang bituka ay sumabog. Narinig ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem ang tungkol dito, kaya tinawag nila ang bukid na iyon na “Akeldama,” na ang ibig sabihin sa kanilang salita ay, “Bukid ng Dugo”.)
Ang iba
- Itinuro ng isang lalaking taga-Bethel sa mga espiya ang daan papasok; iniligtas ang kaniyang pamilyaHuk 1:23–25
Ang mga talata
Huk 1:23–25Nagpadala sila ng mga lalaki para magmanman sa Betel (ang lungsod na tinawag dating Luz). Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod, at sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap, ipakita sa amin kung paano makakapunta sa lungsod, at magiging mabuti kami sa iyo. Ipinakita niya sa kanila ang isang daan patungo sa lungsod. At kanilang sinalakay ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada, pero hinayaan nila ang lalaki at lahat ng kaniyang pamilya na makalayo.
- Nag-alok kay Delilah ang bawat pinuno ng Filisteo ng pilak kapalit ng lihim ng kaniyang lakasHuk 16:5
Ang mga talata
Huk 16:5Pinuntahan siya ng mga pinuno ng mga Palestina, at sinabi sa kaniya, “Linlangin mo si Samson para makita kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding lakas at sa anong paraan maaari natin siyang matatalo, para maaaring natin siyang maigapos para alipustahin siya. Gawin ito, at bawat isa sa amin ng ay bibigyan kayo ng 1,100 piraso ng pilak”
- Nang sabihin ni Samson ang kaniyang lihim, ipinatawag niya sila, at dinala nila ang salapiHuk 16:18
Ang mga talata
Huk 16:18Nang makita ni Delilah na nagsabi siya ng katotohanan tungkol sa lahat ng bagay, ipinadala at pinatawag niya ang mga pinuno ng mga Palestina, na nagsasabing, “Umakyat kayong muli, dahil sinabi na niya ang lahat ng bagay sa akin.” Pagkatapos umakyat ang mga pinuno ng Palestina sa kaniya, dala-dala ang mga pilak na nasa kanilang mga kamay.
- Sinabi ni Doeg na taga-Edom kay Saul na tinulungan ng pari sa Nob si David1 Sam 22:9–10
Ang mga talata
1 Sam 22:9–10Pagkatapos si Doeg na taga-Edom ay tumayo sa tabi ng mga lingkod ni Saul, sumagot siya, “Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na pumunta sa Nob kay Ahimelec na anak na lalaki ni Ahitub. Nanalangin siya kay Yahweh na tulungan niya siya at binigyan niya siya ng mga pangangailangan at ang espada ni Goliat na Filisteo.”
- Nalaman ni David na isusuko siya kay Saul ng mga mamamayan ng Keila1 Sam 23:12
Ang mga talata
1 Sam 23:12Pagkatapos sinabi ni David, “Isusuko ba ako ng mga kalalakihan ng Keila at ang aking mga tauhan sa kamay ni Saul?” Sinabi ni Yahweh, “Isusuko ka nila.”
- Sumama si Ahitofel, ang tagapayo ni David, sa sabwatan ni Absalom2 Sam 15:12, 2 Sam 15:31
Ang mga talata
2 Sam 15:12Habang naghahandog si Absalom ng mga alay, ipinatawag niya si Ahitofel mula sa kaniyang bayang pinagmulan sa Gilo. Tagapayo siya ni David. Matindi ang pakikipagsabwatan ni Absalom, dahil patuloy na dumadami ang mga taong sumusunod kay Absalom.
2 Sam 15:31May isang taong nakapagsabi kay David na, “Si Ahitofel ay kasama sa mga kasabwat ni Absalom.” Kaya nanalangin si David, “O Yahweh, pakiusap gawin mong kahangalan ang payo ni Ahitofel.”
- Nang hindi sundin ang kaniyang payo, umuwi si Ahitofel at nagbigti2 Sam 17:23
Ang mga talata
2 Sam 17:23Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama.
Mga pinagkunan
Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0