Bible Explorer

Tuklasin › Mga paksa › Asin

Mga nakagugulat na detalye

Asin sa Bibliya

21 sipi ng Tagalog Unlocked Literal Bible, linya por linya, mula sa Nave’s Topical Bible.

  • Lumingon ang asawa ni Lot at naging haliging asinGen 19:26
    Ang mga talata
    Gen 19:26Pero lumingon ang asawa ni Lot na nasa likod niya at siya ay naging isang haligi ng asin.
  • Kinakain ba ang matabang na pagkain nang walang asin?Job 6:6
    Ang mga talata
    Job 6:6Ang isang pagkain ba na walang lasa ay makakain kung walang asin? O may kung anong lasa ba sa puti ng itlog?
  • Nagtapon si Eliseo ng asin sa bukal ng Jerico2 Hari 2:20–21
    Ang mga talata
    2 Hari 2:20–21Sumagot si Eliseo, “Magdala kayo sa akin ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin,” kaya dinala nila iyon sa kaniya. Nagpunta si Eliseo sa bukal ng tubig at tinapon ang asin doon; at kaniyang sinabi, “Sinabi ito ni Yahweh, 'Pinagaling ko na ang tubigang ito. Mula sa oras na ito, walang ng kamatayan at lupaing hindi mamumunga,'”
  • Giniba ni Abimelec ang Sechem at hinasikan ito ng asinHuk 9:45
    Ang mga talata
    Huk 9:45Lumaban si Abimelec sa lungsod sa buong araw na iyon. Binihag ang lungsod, at pinatay ang mga tao na naroon. Giniba niya ang mga pader ng lungsod at nagkalat ng asin sa ibabaw nito.
  • Kinukuskos ng asin ang mga sanggolEzek 16:4
    Ang mga talata
    Ezek 16:4Sa araw ng iyong kapanganakan, hindi pinutol ng iyong ina ang iyong pusod, ni hindi ka niya nilinisan sa tubig o kinuskos ng asin o binalot ng tela.
  • Nagkaloob ang haring Persiano ng walang-limitasyong asin para sa temploEzra 6:9, Ezra 7:22
    Ang mga talata
    Ezra 6:9Anuman ang kakailanganin—mga batang toro, mga lalaking tupa, o mga batang tupa para sa mga alay na susunugin sa Diyos ng Kalangitan, butil, asin, alak, o langis ayon sa utos ng mga pari sa Jerusalem—ibigay ninyo ang mga bagay na ito sa kanila araw-araw nang walang palya.
    Ezra 7:22hanggang sa isang daang talentong pilak, isang daang takal ng butil, isang daang malaking sisidlan ng alak, at isang daang malaking sisidlan ng langis, pati asin na walang limitasyon.

Sa pagsamba

  • Tinitimplahan ng asin ang bawat handog na butilLev 2:13
    Ang mga talata
    Lev 2:13Dapat ninyong timplahan ng asin ang bawat butil ninyong handog. Hindi ninyo kailanman dapat hayaang mawala ang asin ng kasunduan ng inyong Diyos mula sa inyong butil na handog. Kasama ng lahat ng inyong mga handog dapat maghandog kayo ng asin.
  • Nagwiwisik ang mga pari ng asin sa mga handog na susunuginEzek 43:24
    Ang mga talata
    Ezek 43:24Ialay mo ang mga ito kay Yahweh, sasabuyan ng mga pari ang mga ito ng asin at itataas nila ang mga ito kay Yahweh bilang alay na susunugin.
  • Isang tipan ng asinBil 18:19, 2 Cro 13:5
    Ang mga talata
    Bil 18:19Lahat ng dinalang handog ng banal na mga bagay na inalay ng mga tao ng Israel sa akin ay ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, sa iyong mga anak na babae bilang patuloy na bahagi. Tumatayo sila para sa isang tipan ng asin, isang umiiral na tipan magpakailanman, sa harap ko kasama mo at ng iyong mga kaapu-apuhan.”
    2 Cro 13:5Hindi ba ninyo alam na si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay kay David ng pamumuno sa buong Israel magpakailanman, sa kaniya at sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng isang kasunduan?

Mga lugar

  • Ang Dagat na Maalat, ang hangganan ng Israel sa silanganGen 14:3, Bil 34:12, Jos 15:2
    Ang mga talata
    Gen 14:3Ang limang mga hari ay nagsama-sama sa Lambak ng Sidim (na tinatawag ding Dagat Asin).
    Bil 34:12At magpapatuloy ang hangganan sa timog sa may Ilog Jordan hanggang sa Dagat Asin at magpapatuloy pababa sa silangang hangganan ng Dagat Asin. Ito ang inyong magiging lupain, na alinsunod sa mga hangganan sa buong palibot.”'
    Jos 15:2Ang kanilang hangganan sa timog ay sinimulan sa dulo ng Dagat ng Asin, mula sa dalampasigan na nakaharap sa timog.
  • Ang Lungsod ng Asin sa ilang ng JudaJos 15:62
    Ang mga talata
    Jos 15:62Nibsan, ang Lungsod ng Asin, at En Gedi. Ito ang anim na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
  • Mga labanan sa Edom sa Lambak ng Asin2 Sam 8:13, 2 Hari 14:7
    Ang mga talata
    2 Sam 8:13Naging tanyag ang pangalan ni David nang bumalik siya mula sa pananakop sa mga Arameo sa lambak ng Asin, kasama ang kanilang labing walong libong tauhan.
    2 Hari 14:7Pinatay niya ang sampung libong sundalo sa Edom sa lambak ng Asin; sinakop niya rin ang Sela sa digmaan at tinawag itong Jokteel, kung saan ito pa rin ang tawag hanggang sa araw na ito.

Mga kasabihan

  • Walang silbi ang asin na nawalan ng alatMat 5:13, Luc 14:34
    Ang mga talata
    Mat 5:13Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano muling maibabalik ang alat nito? Wala na itong pakinabang pa kundi itapon at tapak-tapakan ng mga tao.
    Luc 14:34Ang asin ay mabuti, ngunit kung nawala ang lasa ng asin, paano ito magiging maalat muli?
  • Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili, at mamuhay nang payapaMar 9:50
    Ang mga talata
    Mar 9:50Ang asin ay mabuti, ngunit kung mawala ang pagka-alat nito, paano mo ito mapapaalat muli? Taglayin ninyo ang asin sa inyong mga sarili at magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't-isa.”
  • Hayaang maging magiliw ang inyong pananalita, tinimplahan ng asinCol 4:6
    Ang mga talata
    Col 4:6Ang inyong pananalita nawa ay laging may biyaya, na magkalasang asin, upang malaman ninyo kung paano dapat sumagot sa bawat tao.

Mga pinagkunan

Mula sa Topical Bible ni Nave (Orville J. Nave, 1896; pampublikong domain): pinili ang mga paksa, pinaikli at isinalin sa makabagong wika, walang pagpapakahulugan; sinuri ang bawat talata.

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0